IKATLONG KABANATA

2330 Words
"Nakakahiya ka, Tommy! Wala ka ng idinulot sa buhay ng pamilya natin kundi kahihiyan!" malakas na sigaw ni Don Felimon Saavedra. "Bakit Daddy? Kailan pa ako naging kaaya-aya sa inyo ni Mommy? Kailan man ay hindi ko naramdaman na miyembro ako ng pamilyang ito! Wala na kayong napuna sa akin kundi ang mga kamalian ko!" ganting sigaw ni Tommy sa ama pero isa pang suntok ang napala dito bago siya iniwang nakalugmok sa sahig. Kamalian nga ba ang hindi pagsunod sa yapak ng mga magulang? Sinunod niya ang bulong ng damdamin dahil doon siya masaya pero kung kailan handa na siyang aminin sa mga ito ang katutuhanang hindi siya sumunod sa yapak nila at ibabahagi sanang nagtagumpay siya sa pagsungkit sa karangalang academic excellence pero pambugbog ng sariling ama ang napala niya. Magmamartsa siya kinabukasan na may pasa sa mukha. Upon reaching his room, a decision came up. Total nagawa na niya ang bahagi niya ay aalis na siya sa tahanan kung saan siya lumaki pero kailan man ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng magulang, idagdag pa ang mga kapatid na kailan man ay hindi siya nakaramdam ng pagpapahalaga. Wala silang ipinagkaiba sa magulang nila. "Nasa tamang edad na ako pero hindi pa rin kayo nagbabago kaya't hindi na rin magbabago ang desiyon kong iwan ang bahay na ito. Mabubuhay akong wala kayo total kayo din naman ang nagturo sa akin upang ilayo ang sarili sa inyo." Nagtungo siya sa kinaroroonan ng maleta niya habang nagsasalita. Niluluko niya ang kanyang sarili kung sasabihin niyang hindi siya nalulungkot na iwan sila, ganoon pa man para sa kanya ay iyon ang pinakamagandang desisyun na nagawa niya. He will live his life independently according to his will. Isinilid niya ang mga gamit sa maleta kaso hindi nagkasya ang isa kaya muli niyang kinuha ang isa pang maleta at doon inilagay ang iba pang mahahalaga niyang gamit. Including his graduation dress. Wala siyang iniwan kahit isa total galing naman sa pera niya ang pinambili niya. And lastly ang dokumento ng rancho na ipinamana ng mga ninuno niya. Then... "Sapat na ang perang iniwan nila sa akin para mabuhay ng matiwasay. Trabaho ang naghihintay sa akin kaya maari na akong mamuhay sa labas ng tuluyan. Ibabalik kita sa may-ari sa inyo dahil hindi ko kayo kailangan." He smiled bitterly as he pulled the ATM from his wallet and placed it on top of his bed. Ilalalagay na sana niya ito pero natigilan siya pero hindi nagtagal ay napangiti, ngiting walang sigla. Then, kinuha niya ang papel at ballpen sa drawer ng study table niya. "Iiwan ko po ang ATM na ibinigay ninyo sa akin dati Mommy, Daddy. Hindi ko po ginalaw kahit sentimo. Dito, sa ATM ko po inilalagak ang perang ibinibigay ninyo sa akin. I'm going to say sorry pero hindi dahil sa sinuway ko ang kagustuhan ninyong susunod ako sa yapak ninyo gaya ng dalawang kuya ko pero hihingi ako ng paumanhin dahil aalis ako pero hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta total wala rin naman kayong pakialam. Siya nga po pala Mommy, Daddy ako ang nakasungkit sa academic excellence. Sayang busy kasi kayo masyado kaya hindi ako nagkaroon ng oras para masabi sa inyo ang tungkol dito. Magmamartsa na po ako bukas at masaya ako dahil sinunod ko ang bulong ng damdamin ko na maging engineer. Ito ang magiging sandata ko na mamuhay sa labas ng bahay." Ang nilalaman ng sulat niya saka inilagay sa mismong higaan niya nang sa ganoon ay madali lang nilang makita. Ipinaibabaw niya ang ATM sa folded letter. Nang naisaayos na niya ang lahat ay naligo na siya saka kunwa'y bumaba upang kakain pero paraan lamang niya iyun upang magmanman kung gising pa ang mga magulang niya. "Yes,btahimik na ang paligid. Sigurado akong tulog na silang lahat, at mas sigurado akong nasa labas na ang mga kaibigan ko," bulong niya saka maingat na bumalik sa taas kung saan naroon ang kuwarto niya. Nakatatlong balik din siya sa taas dahil sa dalawang malaking maleta idagdag pa ang dalawang bag pack pero wala iyun sa kanya dahil gusto rin naman niyang makaalis sa bahay na iyun. Laking pasasalamat niya dahil walang nagising sa mga kasambahay at naibaba niya ang lahat ng maayos. "Pare anong ibig sabihin nito?" isahang tanong ng tatlo niyang kaibigan ng nakalabas na siya ng tuluyan. Pero hindi siya sumagot bagkus ay humarap siya sa pinanggalingang bahay. "Hindi man naging maganda ang turing ninyo sa akin mula pagkabata ko'y nagpapasalamat pa rin ako sa inyo Mommy, Daddy dahil minsan naging tahanan ko din ito, at isa lang ang ibig sabihin, anak ako ng business tycoon at chief of police pero aalis ako dahil gusto kong ipakita sa inyo na walang mali sa tinahak kong daan. Huwag kayong mag-alala dahil hindi n'yo na ako makikita pang muli, hindi na kayo mapapahiya dahil may anak kayong bobo, walang kaalam-alam sa buhay. Isa lang ang ipinapakiusap ko huwag sana kayong magbago kay yaya. Nais ko man siyang isama sa pupuntahan ko pero alam kong masakit din sa kanya ang iwan kayo lalo at dito na siya tumanda," bulong niya habang nakatanaw sa malaking bahay. Bulong man ito para sa kanya pero malinaw na sa pandinig ng mga kaibigan niya. "Tara na mga 'tol sa boarding. Huwag kayong mag-alala dahil pagpunta natin sa rancho upang magcelebrate ay dadalhin ko ang mga iyan. Doon ko iiwan dahil sa boarding pa rin ako habang magrereview tayo para sa bar examination. Kung papalaring makapasa ay saka ako lilipat sa rancho ng tuluyan." Binalingan niya ang mga ito na halatang hindi makasabay sa sinasabi niya. Laking pasasalamat niya dahil may taxi na ring naghihintay sa kanila na siya ring sinakyan ng mga kaibigan niya. Alam niyang naghihintay ang mga ng paliwanag niya pero pagod siya idagdag pa ang sakit ng katawan niya dulot ng pambubogbog sa kanya ng ama kaya't nanstili siyang tahimik. Pero kilala niya ang mga ito, sila ang taong marunong makisabay, nanahimik kapag kinakailangan kagaya ng oras na iyun pero alam niyang panandalian lamang iyun at hindi siya nagkamali dahil kapapasok pa lamang nila sa boarding nila'y nagsimula ng nagtanong ang tatlo. "Anong ibig sabihin nito pare? Bakit nakamaleta ka?" "May problema ka ba pare? Com'on kilala ka na namin kahit dito ka nakatira'y hindi ka naman sumusugod dito sa ganitong oras." "Maari bang magpaliwanag ka pare? Oo masaya kaming kasama ka pero iba ito eh, sa mga binitawan mong salita'y alam naming may problema ka maari n'yo bang sabihin mo sa amin kung ano ang nangyari?" Mga tanong ng tatlo niyang kaibigan. Sila ang naging pamilya niya simula ng nakilala niya sila. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, ipinagtapat niya ang tunay na pangyayari. "Kahapon pag-uwi ko nadatnan ko silang mag-uusap pero umalis din si Mommy, si Daddy lang ang naiwan. Hindi sana ako magpapakita dahil alam kong iba na naman ang nagaganap kaso sa pag-aakala kong hahayaan niya akong magsasalita ay mas pinili ko pa ring nagpakita kaso laking pagkakamali ko dahil sinalubong niya ako ng left and right. Natuklasan na niyang hindi ako sa yapak nila. Ang plano kong magtapat sa kanya ay hindi na natuloy dahil as you can see may mga pasa ako dahil sa pambubogbog niya. Yeah I am a disgrace of the family dahil hindi ako sumunod sa yapak nila pero wala akong pinagsisihan dahil kung sila ang sinunod ko wala sana akong mga tapat na kaibigan. Namuhay sana akong malayo sa mga tao. Well that's life mga pare, ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob samantalang magtatapos na tayo bukas," paliwanag niya sabay hilata sa higaan niya. "Iyan ang labis naming hinahangaan sa iyo, Pareng Tommy. Ang pagpapahalaga mo sa samahan natin. Yes, pare tapos na tayo sa hirap, ang tanging magagawa natin ay mag-exam para sa trabaho. Pero sa tulad mong academic excellence ay walang mintis iyan trabaho ang maghahanap sa iyo," ani Rommy. "Ah 'tol kung ang erpat mo ang may kagagawan sa mga pasa sa mukha mo'y sino ang kasama mo sa ceremony bukas? Eh sa binitawan mong salita sa harap ng bahay n'yo ay walang kaalam-alam ang yaya mo?" tanong naman ni Samson. "Hmm tama sila Pareng Tommy, huwag mong sabihing lalakad kang walang kasama?" ayaw ring magpatalong tanong ni Anjo. Wala siyang masabi, walang nais manulas sa kanyang labi. Paano siya sasagot eh totoo naman sila? Gano'n pa man ayaw niyang pag-alalahanin sila kaya't nagsalita pa rin siya. "Sa totoo lang mga pare masasabi kong makakahinga na ako ng maluwag dahil nandito na ako kahit pa ang ibig sabihin nito ay malalayo na ako ng tuluyan sa taong nag-alaga sa akin mula pa pagkabata. Sa tanong ninyo kung sino ang kasama kong maglalakad ay wala akong alam. Magkakasunod lang naman kasi tayo kaya mahirap na ilipat ang isa sa mga magulang ninyo. Wala naman sigurong masama kung ako lang mag-isa," mapait niyang sagot. "Mauuna ako ng lima mula sa puwesto ninyo so maari ring si nanay or pakikusapan ko si tatay na makikidalo sa pagtatapos natin. Sasabihin kong sasabay sa iyo. Kayat huwag ka ng malungkot. Dapat nga magparty-party tayo eh." Pang-aalo naman ni Samson. Pero para sa kanya ay walang pumapasok sa isipan niya sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. At laking pasasalamat niya dahil kahit hindi niya naramdaman amh pagmamahal n ga magulang niya'y may mga kaibigan naman siya. One month later... "Where are application for Herrera Company?" tanong ni MA sa secretay. "Nasa lamesa mo na, boss," tugon nito. "Okey good. By the way kung mayroon pang mag-apply ay tanggapin mo dahil sabi ni bayaw kailangan daw niya ang ilang engineers," wika ni MA. "Wait lang boss may nakita akong application ng ilang engineers. Saglit lang boss at titingnan ko," may pagmamadaling tugon ng secretary. Hindi nagtagal nakita din ang hinahanap. Kaya naman muling hinarap ang amo. "Heto, boss, ewan ko lang kung magkakakilala ang apat na iyan dahil sabay-sabay silang nagpasa kaso limited naman ang slots kaya hindi nakapasok ang isa," muli ay sabi nito. Hindi naman sumagot si MA pero mabilis pinasadahan ng tingin ang mga application. They are all qualified lalo at sa accredited university sila nagtapos. "Okey good call them now to report to me. Sa Herrera Theater itong dalawa at dito sa Herrera Company itong isa. Pero teka lang sabi mo apat sila, oh anong nangyari at tatatlo lang?" Napaangat mula sa pagbabasa ng mga application dahil sa pagtataka. "Eh wala na pong slot, bossing. Natanggap mo na ang ibang applicants kahapon at sila na lang ang nakapasok ngayon. Sayang nga bossing iyong isa mataas ang grado at kung hindi ako nagkakamali'y may parangal siyang academic excellence." Yumuko ito bago nagsimulang lumakad pabalik sa upuan. Sa narinig ay pinukol ni MA ng matalim ang sekretarya. Hindi tuloy niya alam kung matutuwa o maiinis dahil alam naman pala nitong may award itong academic excellence ang aplikante na advantage sana nito. "Tsk! Tsk! Ikaw, miss Bailey sa susunod bago mo tanggapin tingnan mo muna ng maayos. Hala sige balik ka na sa lamesa mo at tatawagan ko si bayaw," nakailing na sambit ni MA. Hindi na rin sumagot ang secretary bagkus ay tahimik na bumalik sa lamesa. Hindi niya masisi ang amo niya lalo at tama naman ito. Kitang-kita pa nga niya ang panlulumo ng hindi natanggap na kasama ng tatlong engineers na tinanggap niya. Anong magagawa niya kung limited slots lamang ang trabaho sa kanila. Samantala, laking panlulumo ni, Tommy ng hindi siya nakaabot sa slot. Akala niya ay magkakasama silang apat sa trabaho pero mukhang lumayo sa kanya ang tadhana simula nagtapos sila na walang sumama sa kanya. "Opps sorry, sir hindi ko po sinasadyang mabangga ka. Sorry po." Nataranta siya sa pag-alalay sa hindi naman katandaang kagalang-galang na lalaking na nakabangga. Hindi niya namalayang mapalalim na pala ang pag-iisip niya kaya't laking pagsisisi niya. "It's okey iho. Mukhang malalim ang iniisip mo kaya hindi mo na napansin na may makakasalubong ka," nakangiting sagot ni Clarence na papasok din sa kumpanya ng biyanan. "Salamat po sir," tugon niya habang pinupulot ang mga papel na hawak niya na tumilapon. Buong akala niya ay aalis na ang nabangga niyang Ginoo pero muli siyang nagulat dahil nagsalita ito na nakatitig sa papel na hawak niya. "Would you mind iho kung magtatanong ako?" tanong nito. "Sure sir, ano po iyun?" balik tanong niya. "Are you applying there in Herrera Company? Did you get any job slot for you?" He's looking at him and his application papers. Doon niya napagtantong ang application form pala niya ang tinititigan nito. "Yes sir, tama ka po kaso hindi pinalad dahil ilan lamang ang pinalad na nakapasok. Pero okey lang sir bukod sa mga kaibigan ko ang natanggap ay may iba pa naman sigurong mapag-applayan. Sige po, sir, mauna na po ako sa iyo," magalang niyang sagot saka akmang lalakad na kaso pinigilan siya nito. "Wait iho, kindly give me your application and I'll verify something that caught my interest." Pigil nito sa kanya. Walang pag-aalinlangang iniabot niya ang tinatanong nito, ang application form niya na ipapasa sana sa Herrera Company. "Oh how foolish they are to let you go. A board passer with academic excellence award they rejected? Oh since when Marc Anthony became like this? Oh don't be sad iho dahil kahit rejected ka sa kumpanya ng bayaw ko ay ako ang tatanggap sa iyo, iyon nga lang ay seabase ka total marine engineer ka pala. Exactly ,ikaw ang kailangan ko. Sayang lang nakapasok na diyan sa Herrera ang mga kaibigan mo. Come iho and we'll talk about your job," masayang wika ni Clarence na hindi makapaniwalang pinakawalan ng bayaw niya ang isang tulad nito. Bata man sa edad pero maganda ang qualification nito lalo na ang grades. Hindi naman makapaniwala ang binata, hindi siya nakapasok sa Herrera Company pero ang trabaho ang humanap sa kanya. The founder and owner of international cruise ship Captain Clarence Keith Mondragon accepted him as a part and member of his cruise ship, MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD