"May iniwan bang sulat ang kaibigan natin sa inyo?" tanong ni Anjo sa dalawa niyang kaibigan. "Hindi mo na kailangang itanong iyan, Bro. Dahil kung ano ang iniwasan sa iyo ay ganoon din sa amin. Kaso hindi ko lubos akalaing pati cash ay mayroon din. Hindi lang basta pera iyon mga 'TOL," agad na sabi ni Samson. "Kaya siguro hindi na niya tayo hinintay dahil diyan. Maaaring inisip niya na talagang hindi natin tatanggapin kapag on hand ang pagbigay niya." Nakangiwi sabay hawak sa batok si Romy. Araw-araw silang magkakasama, papunta man sa trabaho o pag-uwi. Ngunit ng hapong iyon muli silang nagkita-kita dahil sa sobreng iniwan sa kanila ng kanilang kaibigan. Okay lang sana kung sobre lang ito kaso may tig biyente mil na nakalakip. Alam nilang barya lang iyon para sa kaibigan nila ngunit hi