Samantala, matapos kinausap ang mga magulang ay ang Yaya naman niya ang pinuntahan. Sinabihan niya ito na puntahan siya sa tree house sa likuran ng kuwarto niya. Kahit makita ito ng kapatid niya na papasok sa silid niya ay hanggang doon lamang ang malalaman. Silang dalawa lang ng Yaya niya ang may alam sa tree house na iyon sa loob ng mansion. "Halika rito, Yaya. Maupo ka." Inalalayan niya itong makasampa ng maayos saka sa pang-upo nito. May edad na rin ito kaya't oras na rin upang siya naman ang magsilbi rito kahit pa sabihing siya ang amo. Ang rason niya ay hindi naman kasambahay ang turing niya rito kundi ina. Dahil ito naman talaga ang gumanap sa tungkulin ng mga magulang niya. Kung gusto nga lang nitong sasama sa kaniya ay gagawin niya, kahit pa sa barko kung nanaisin lang sana nito