"Hanggang kailan mo balak ilihim kay Cassandra ang tungkol sa kalagayan mo, Kuya? Baka nakakahalata na ang tao kaya't naghahanap na rin ng paraan upang malaman ang tunay na dahilan mo kung bakit paunti-unti kang dumidistansiya sa kanya. Kaninang tanghali ay nakipagkita sa akin ngunit pinanindigan kong hindi nagsalita tungkol sa iyo. Pero Kuya naman, maawa ka sa kaniya," ani Imie sa kapatid. "Hindi ko alam, Sis. Kung paano ko ipagtatapat sa kaniya ang lahat. Ang nasa isipan ko ay mas nanaisin kong kamuhian niya ako kaysa ang malungkot siya sa aking paglisan. Kaya hanggang ngayon ay wala siyang kaalam-alam sa tunay kong kundisyon. Maaring iba ang iniisip niya pero mas mabuting ganoon na lamang kaysa ang kaawaan ako," pahayag ni Rodney. "Ewan ko sa iyo, Kuya. Matino namang tao ang nobya m