"WOW!" Ang salitang tanging nanulas sa labi ng binata nang makaapak sa main deck ng MARGARITA. Alam niyang magagara ang mga cruise ship dahil mga bigating tao sa lipunan ang mga pasarehos kadalasan ng mga cruise ship pero ibang-iba ang MARGARITA para sa kanya. Para tuloy siyang nanonood sa television dahil sa nakikitang kagandahan ng barkong tinutuntungan niya. "Oh, Iho, may problema ba? Hindi ka na naimik diyan ah. May masakit ba sa iyo ng sa ganoon ay maipatawag ko ang doctor," pukaw ni Clarence sa binatang natahimik. Naisip tuloy niya na baka nagbago ang isipan nito na imbes sasama sa kanya'y uuwi na. "I'm sorry, Sir. Kung naumid ang dila ko, pero okay po ako. Sa kagandahan ng barko, Bossing, ay wala akong masabi. Kulang ang salitang maganda upang ilarawan ito. Hindi ko alam kung paa