UNANG KABANATA
"Huwag mo kaming idamay, Tommy, kung iyan ang plano mo dahil wala kaming balak suawayin si Daddy," ani Gil sa bunsong kapatid.
"Hindi ko naman sinabing idadamay ko kayo ,kuya. Alam ko ding wala kayong balak suportahan ako pero hindi ninyo ako mapipigilan sa plano ko. Nasa kolehiyo na kayo samantalang magtatapos pa lang ako ng sekondarya. Don't worry dahil kaya kong panindigan ang salita ko hindi gaya sa inyong dalawa ni Kuya San na parang puppet sunod-sunuran sa lahat---"
Pero hindi na ito natapos ng binata dahil pinadapo na ng kanyang kapatid ang kamao sa kanyang pisngi pero hindi siya natinag. Tumabingi ang mukha niya dahil sa lakas nito pero napaismid lang siyang lumingon dito saka nagpatuloy.
"I don't care, kuya, kahit, suntukin mo ako. Kung kinakailangan kong ulit-ulitin ang salitang iyan ay gagawin ko total bawat kilos ko ay binabantayan ninyo para may maisumbong kayo kay daddy so go ahead rush yourself in the office o 'di naman kaya ay doon kay Mommy para muli niya akong ipa-detain sa presinto." Ismid niya saka ito iniwan.
Ang scenariong iyun sa buhay niya'y hindi na bago. Maaring anak mayaman siya pero kailan man ay hindi siya naging masaya kung sa piling ng sariling pamilya niya. Mas mabuti pa ang mga kaibigan niyang anak mahirap dahil nararanasan pa niyang tumawa.
"Sige lang magpakasaya kayo dahil kahit anong gawin ninyo ay hindi ako susunod sa yapak ninyo. Hindi ako puppet na susunod sa anumang sinasabi ninyo," bulong niya na lumingon sa masayang usapan ng mga kapatid niya kasama ang kanilang ama na kadarating mula sa business trip.
Ganoon naman talaga ang pamilya niya, miyembro siya ng pamilya Saavedra pero kailan man ay hindi naramdaman iyon. Kung hindi ang kanyang ama ang nanenermon, ang kanyang ina na pinadetain siya sa kulungan dahil lang sa paninira ng mga kaklase niya na hindi man lang inalam kung may kasalanan nga ba siya o wala. Matuturuan naman sana niya ang sariling sundin ang bawat utos ng mga magulang niya lalo sa pagsunod sa yapak nila dahil kaya naman niya ang maging negosyante o di naman kaya ay maging police pero dahil sa malamig nilang trato sa kanya ay mas pinili niyang sundin ang bulong ng damdamin niya, ang sundin sng kanyang pangarap niya.
"Tommy, anak, hindi ka ba lalapit sa kanila? Nandiyan ang mommy at daddy mo kasama ang mga kuya mo," tinig na nagmula sa likuran niya.
Hindi man niya ito lingunin ay kilala na niya. Ito ang nagpalaki sa kanilang magkakapatid pero sa kanya napalapit. Pero duda siyang iyun ang dahilan nito dahil maaring sunod-sunuran ang mga kapatid sa magulang nila pero pagdating sa yaya nila ay wala siyang masabi kontra sa kanila iyon nga lang ay siya ang bunso kaya siya ang pet nito.
"Bakit pa, yaya? Anong gagawin ko doon?" tanong niya dito saka dahan-dahang lumakad patungo sa kabilang bahagi ng beranda sa kuwarto niya pero sumunod ito.
"Anak, alam kong masama ang loob mo sa kanila pero kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay magulang mo pa rin sila, sila ang pamilya mo kaya huwag mong hayaang talunin ng sama ng kalooban mo ang katutuhanang sila ang pamilya mo," sabi ng yaya.
"Hindi ako lalapit sa kanila yaya dahil may pupuntahan ako roon ramdam ko pang may pamilya akong malalapitan. Huwag kang mag-alala yaya dahil bago pa nila malamang wala ako rito sa bahay ay makabalik na ako. Sige na yaya bumalik ka na doon baka idamay ka pa nilang pagalitan," aniyang muli n
Ito ang taong nakakaunawa sa kanya, mas ramdam pa niya ang pagiging ina nito kaysa mismong magulang niya. Hindi na ito sumagot sa kanya bagkus ay nagpakawala ng malalim na paghinga na ibig sabihin ay wala na itong magagawa kundi ang sumang-ayun sa kanya. Hinintay na rin lang niyang nawala ito sa paningin niya bago siya pumasok sa loob ng kuwarto niya at nagbihis.
"Well wala namang makakaalam na dito ako dumadaan kapag lumalabas ako, kaysa naman madadaanan ko pa sila na akala mo ay isa akong kriminal na sasalang sa interrogation," bulong niya saka sumampa sa bintana at lumipat sa malaking punong-kahoy sa pamamagitan ng ginawa niyang tulay.
Makalipas ang ilang sandali ay nasa piling na siya ng mga kaibigan na kulang na lang ay buhatin siya at isayaw-sayaw dahil tumupad siya sa usapn nilang dadalo para sa kaarawan ng kaibigan nila.
"Akala namin 'tol hindi ka na darating. Balita namin dumating na daw erpat mo," sabi ng isa.
"Oo 'tol dumating na kaya nga hindi ako agad nakalabas dahil hinintay kong pumasok silang lahat by the way anong handa mo 'tol?" sagot niya saka binalingan ang may kaarawan.
"Wala 'tol iyan mag-iinuman lang tayo kahit papaano ay may maihain ako para sa inyong dumating dito sa bahay alam mo namang---"
"Sa tanong ko ay andami mo ng sinagot 'tol. Hala pasok na tayo baka may makakita pa sa atin eh isumbong pa tayo kay ma'am bukas," putol at sabi niya kaso natigilan dahil sa sulok ng mata niya'y nahagip niya ang patrol car na gamit ng kanyang ina.
"Pasok na mga 'tol nasa paligid ang ermat ko---"
Kung pinutol niya ang pananalita ng isa sa mga kaibigan niya ay pinutol naman nila ang sinasabi niya.
"Tago pare nandiyan na mommy mo," wika nila saka siya hinila pakubli sa pader.
Akala niya ay hindi siya susundan ng ina dahil hindi naman siya nakitang lumabas kaya nagtaka siya kung bakit alam nito kung nasaan siya. Pero hindi niya maaring ipagkanulo ng mga kaibigan na laging nagtatago sa kanya sa tuwing nasa ganoon silang scenario.
"Magandang gabi po Chief, ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" dinig niyang tanong ng birthday celebrant.
"May nakapagsabing nandito daw ang anak ko iho kaya dito na lang kami maghahanap kaysa kung saan-saan. Totoo bang nandito si Tommy iho?" sagot at tanong ng kanyang ina.
"Wala naman po siya dito maam. Huli namin siyang nakita sa paaralan," aniya ng isa.
"Hmmm ganoon ba iho? Pero hindi maaring nagsisinungaling ang kapatid niya na nandito siya," dinig niyang sabi ng ina niya kaya napakuyom siya dahil ang kapatid na naman pala niya ang nagkanulo sa kanya. Lalabas na sana siya upang harapin ang kanyang ina bago pa nito mautasan ang mga tauhan na halughugin ang kabahayan ay hinila siya ng kasamang nagtago.
"Huwag kang magpakita pare sigurado akong sa kulungan ka na naman matutulog kapag ituloy mo iyang plano mong magpakita. Alam kong ayaw mo kaming ipahamak pero mas mapapahamak tayong kapag itinuloy mo iyan. Narinig mo naman ang sagot ni 'tol Romy na wala ka dito," pagpipigil sa kanya ng isa pa niyang kaibigan.
Kaya naman todo pigil siyang huwag lalabas. Saka pa lamang sila nakahinga ng maluwag ng umalis na ang ina kasama sng alipores. Hinintay nilang nakalayo sng patrol car na sumugod doon bago sila nagpatuloy. Pumasok silang lahat sa loob ng kabahayan, doon nila ipinagpatuloy ang pag-uusap kasabay ng pag-inuman nila.
As the days goes on, dumating ang kanilang pagtatapos. Dalawang araw bago ang graduation nila ay pinatawag siya ng adviser nila. Although may hint na siya kung ano ang sasabihin nito ay nagtaka pa rin siya lalo at hindi siya sanay tinatawag ng opisina.
"Magandang araw po sir, pinatawag mo daw po ako?" agad niyang tanong ng siya'y nakapasok.
"Yes Tommy, maupo ka." Itinuro nito ang upuan kung saan siya mauupo.
"Salamat sir. Siya nga po pala sir bakit mo po ako pinatawag?" tanong niya.
"Alam kong may hinala ka na kung ano ang sasabihin ko Tommy pero kujumpirmahin ko ito. As we all know ikaw ang nangunguna sa klase at hindi na nakapagtataka na ikaw ang valedictorian natin at isa iyan sa dahilan kung bakit kita pinatawag. Nais kong sabihin sa iyo personally. Pangalawa ay about the graduation ceremony, alam kong alam mo ang tinutukoy ko Tommy, you need to tell this to your parents para sila ang sasama sa iyo sa stage. It's your last time here in the school dahil sa susunod na pasukan ay sa unibersidad na kayo papasok. By the way congratulations,Tommy, you've got the first place again so keep it up. May you achieve your goal in life," pahayag ng adviser.
In his mind, he's so lucky dahil bukod sa siya ang valedictorian ay makakalaya na siya sa bahay nila. Kapag sa university na siya mag-aaral ay sa boarding house na siya maninirahan dahil wala sa plano niya ang panghabang-buhay na magpapaalipin sa takot at pagkawalang tiwala sa sarili.
Then..
"Sir salamat sa lahat. Tatandaan ko po ang bawat payo mo sa akin, sa aming lahat. Pero maari po bang makiusap? Kung maari lang po sir ikaw na lang po ang magsabi either kay Mommy sa presinto o kay Daddy sa kumpanya. Hindi naman po siguro lingid sa inyo how they treat me. Thank you in advance sir," magalang niyang sagot.
Napatango-tango tuloy ang guro, bilang class adviser at guro sa paaralang iyun sa loob ng ilang taon ay nakilala na niya ang bawat isa lalo ang grupo ng binatilyong nasa harapan niya ba kung tutuusin ay kayang-kaya namang mag-aral sa private school pero mas ginusto ang makihalubilo sa mga ordinaryong mamamayan.
"Siya sige ,Tommy, huwag mo ng abalahin ang sarili mo about that matter dahil ako na lang ang magsasabi kay chief. Maari ka ng bumalik sa practice ninyo iho," tugon ng Principal.
"Maraming salamat po ulit, sir. Sige na po balik na po ako sa stage," ani Tommy saka lumabas sa faculty room bago dumirerso sa kinaroroonan ng mga kaklase niya. May tampo man siya sa mga magulang ay umaasa pa rin siyang papayag silang escort niya sa graduation nila. Nais niyang ipakita sa kanila na karapat-dapat siyang tratuhin kagaya ng pagtrato sa dalawa niyang kapatid at sa pamamagitan ng pag-akyat niya sa stage na may karangalan ay napakalaking ebidensiya upang tratuhin siya ng maayos.
Samantalang napailing-iling naman ang guro ng nakaalis na ang binatilyo. Tama naman kasi ito na hindi maganda ang trato ng mga magulang.
"Kawawang bata ka. Sana balang-araw matauhan din ang mga magulang mo," bulong na lamang niya habang nakatanaw sa tinahak nitong daan.
Kaso...
Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang seremonya pero wala pa ring Mr and Mrs Saavedra na nagpapakita samantalang lahat na ng parents ng kapwa niya magtatapos ay nandoon na.
"Good morning ladies and gentlemen. We are about to start the ceremony so please stay to your designated place," iyon na nga, magsisimula na kaso walang magmamartsa para sa kanya.
"Ano pa nga ba sng inaasahan ko mula sa kanila? Dito nila ako pinag-aral samantalang sa mga prestigious school sila nag-aaral ang mga kapatid ko so bakit nila ako pagkakaabalahan," he carelessly whispered dahil sa pinaghalong emosyon.
"Paano iyan 'tol magsisimula na ang seremonya ng pagtatapos natin pero wala pa rin ang mga magulang mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
"Ah 'tol nandiyan ba ang mama mo? Kung nandiyan maaring siya na lang ang escort ko?" tanong din niya.
"Wala ang asawa ko dito iho lero kung gusto mo'y babalikan kita diyan total may tatlo naman kayong pagitan," anito.
"Salamat po tito," senserong sagot niya.
"Walang anuman iho. Matagal na kayong magkakaibigan kaya't kilala ko na kayo ng mga kaibigan ninyo," tugon nito.
Pero nasa kalagitnaan na ang marching ay may tumabi sa kanya.
"Oh yaya ikaw pala, akala ko ba ay---"
"Pasensiya ka na kay, yaya dahil halos late na ako pero masaya ako para sa iyo,Tommy. Alam kong inaasahan mo ang Mommy at ang Daddy mo pero pasensiyahan mo na lang sila ha dahil may meeting ang Daddy mo samantalang ang Mommy mo ay lakad daw ang grupo nila kaya't si yaya ang nandito," agad nitong paliwanag.
"Okey lang po, yaya. Masaya akong naparito ka at lalakad patungong stage kasama ang alaga mong blackship ng pamilya. Ikaw ang dumalo sa lahat ng meetings, events simula nag-aral ako kaya hindi na nakapagtatakang ikaw din ang nandito yaya. Masaya akong ikaw muli ang kasama ko ngayong pagtatapos ko, ikaw din noong nasa elementary ako. Salamat yaya." Umakbay siya dito upang ikubli ang namumuong luha.
Ngiting akala ng lahat ay walang pait na lumulukob sa kaibutuwiran ng kanyang puso. Ginawa niya ang lahat upang makamtan ang pangunguna sa klase para may maipagmalaki siya sa mga magulang pero wala din palang silbi. Nais niyang magwala ng mga sandaling iyun dahil sa sama ng loob pero idinaan na lamang niya sa pagngiti dahil ayaw niyang makagawa ng eksena lalo at napakaraming tao. Pero sa ginawang iyun ng mga magulang niya ay mas sumidhi ang damdamin niyang huwag sumunod sa yapak nila. Mag-aaral siya sa kolehiyo pero wala siyang balak sundan ang pagiging businessman ng ama at mas lalong wala siyang balak maging alagad ng batas. He will achieve his dreams and goal in life independently.