TEASER

219 Words
"Nakakahiya ka Tommy! Wala ka ng idinulot sa pamilya natin kundi kahihiyan!" malakas na sigaw ni Don Felimon Saavedra. "Bakit, Daddy? Kailan pa ako naging kaaya-aya sa inyo ni Mommy? Kailan man ay hindi ko naramdaman na membro ako ng pamilyang ito! Wala na kayong napuna sa akin kundi ang mga kamalian ko!" ganting sigaw ni Tommy sa ama. Tommy Saavedra, bunsong anak ng business tycoon na si Don Felimon Saavedra. Hindi sumunod sa yapak ng amang negosyante at mas hindi sumunod sa inang mambabatas. Bagkus ay sinunod niya ang bulong ng damdamin niya, ang maging marine engineer. Until he found himself that he's one of the marine engineers of the famous international cruise ship MARGARITA. Sa unang tingin pa lang niya sa kapatid ng Boss niyang halos kaedad nila o mas tamang sabihin na mas bata pa sa kanilang mga tauhan ay nabighani na siya nito. Idinaan niya ang lahat sa panunukso sa takot na mabasted ng dalaga. Cassandra Keith Mondragon, isa sa mga kambal na anak ng mag-asawang MaCon at Clarence. Sa murang edad ay namulat sa responsibilidad sa kumpanya nila. Siya ang namahala sa Herrera Ticketing Booth dahil ang kambal niya'y sa Herrera Theater, ang Kuya ay sa MARGARITA. Magsasangga ang kanilang landas sa gitna ng paglimot sa kani-kanilang BAKAS NG KAHAPON.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD