"Sigurado ka ba riyan, Pareng Tommy? I mean hindi man kami mayaman para masupurtahan ng husto ang kursong nais ko pero mas hindi ko naman yata kayang ipaako sa iyo ang gastusin ko." Namilog ang mata ni Romy dahil hindi makapaniwala.
"Ah makasabad ako mga brod lalo na sa iyo Tol Tommy, bakit ayaw mong ipaalam sa mga magulang mo ang bagay na ito? The worst is bakit kailangan mo pang maghanap ng boarding house samantalang malapit lang naman kayo sa university? Tsaka may driver naman kayo, ah," ani Samson.
"Well let me guess, 'tol ayaw mong susunod sa yapak ng mga magulang mo ano? Hindi sa ayaw kong tulungan ka o hindi sa kinakampihan ko ang mga magulang mo dahil sa totoo lang kahit ako ay nauunawaan ko ang sitwasyon mo but tandaan mo pare walang lihim na nabubunyag. Maybe you can hide nowadays pero someday, somehow kahit manahimik kami habang-buhay ay malalaman pa rin iyan ng mga magulang mo," pahayag pa ni Anjo.
Lahat ng tinuran ng mga kaibigan niya ay pawang mga katotohanan. Alam naman niyang concern lang ang mga ito sa kanya pero buo na ang pasya niya. Mag-aaral siya sa kolehiyo at sisiguraduhin niyang magiging civil engineer siya pagdating ng panahon. Ipapakita niya sa mga magulang niyang makakamit niya ang kanyang pangarap kahit hindi susunod sa yapak nila.
"Nag-aral tayong lahat sa iisang paaralan. Magkakasama tayo sa hirap at ginhawa. Nagtapos din tayong lahat ng sabay-sabay therefore kilala n'yo na ako dahil simula't sapol ay kayong tatlo ang nakakaalam sa whereabouts ko. Yeah I'm not going to follow their paths dahil tayong apat ang magsasabay na namang mag-aaral at magtatapos in five years including civil services. Tama walang lihim na hindi nabubunyag and I'm sure malalaman nila ang tungkol dito pero oras na darating ang pagkakataong iyun ay tapos na tayong lahat sa pag-aaral. Kaya ako na ang nakikiusap sa inyo na kahit sa kaunting paraan lang ay matulungan ko kayo dahil alam kong hindi n'yo rin ako matitiis. Alam ko namang civil engineer din ang kurso ninyo as I am so why not to try to look for a room na tayong apat ang uukupa? I'm not going to say apartment dahil mas hindi kayo papayag kaya't kahit bed spacen na lang basta iyung kumportable tayong lahat lalo na sa pag-aaral. I promise mga 'tol ako ang magbabayad sa boarding natin monthly basta tulungan n'yo akong itago ang lahat mula sa pamilya ko." Lumakad siya palapit sa kinaroroonan ng kaibigan at humiga matapos maipahayag ang saloobin.
Maaring nabigla ang mga kaibigan niya dahil hindi sila nakapagsalita agad pero nauunawaan niya iyon.
"Sa lagay na iyan pare hindi na kami maaring humindi? Hayaan mo 'tol tutulungan ka namin kahit hindi mo sagutin ang boarding namin. We will help you dahil kaibigan ka namin. Ang maging kaibigan mo kami kahit anak mayaman ka ay malaking bagay na iyan pero sobra na kapag ilibre mo pa kami monthly," salungat ni Romy.
"I have a better idea , Pareng Tommy para hindi masyadong makahalata ang ermat at erpat mo. Tama mangungupahan tayo while studying pero kailangan mong uuwi every afternoon pero sa day time lalo na kapag breaktime including free time natin ay doon tayo magkikita-kita. This is for your sake Pareng Tommy." Lumapit ito sa hinigaan niya saka inilahad ang palad upang paupuin siya.
Sa narinig mula sa mga kaibigan ay muling lumawak ang ngiti ni Tommy. Hindi niya akalaing susuportahan siya ng mga ito kahit pa sabihing malalagay silang lahat sa alanganin oras na malaman ito ng mga magulang niya.
"Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran sa lahat ng kabaitan n'yo mga 'tol, kaya hayaan n'yo akong magpasalamat at gaya ng sabi ko kaunting halaga lang ang mapupunta sa boarding natin. Hayaan n'yo akong magbayad sa upa. Alam ko namang bibigyan kayo ng mga magulang ninyo pero gamitin n'yo na lang sa ibang bagay lalo na sa pangangailangan ninyo sa university. Thank you very much mga 'tol," hindi matapos-tapos ang pasasalamat niya ng oras na iyon.
"That's what friend are for bro, so get up and go home bago ka pa ipasundo sa mga tauhan ng mommy mo," they answered in unison.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero hindi rin sila nagtagal, nagsiuwian silamg apat na nakapaskil ang ngiti sa kanilang labi.
Kinagabihan...
"Ano kamo Tommy anak? Mangungupahan ka habang nag-aaral? Maari bang huwag kang magbiro ng ganyan Tommy? Abah sa bartolina na talaga ang bagsak mo niyan kapag malaman ng Mommy mo." Napalakas ang boses niya dahil hindi makapaniwala sa sinabi ng alaga.
"Ano ba yaya, baka may makarinig sa iyo riyan eh." Napasimangot tuloy siya dahil maaring nagulat ito kaya napalakas ang boses. Hindi naman siya galit pero nag-aalala lang siya na baka may biglang napadaan sa tapat ng kuwarto niya at marinig nila ang pinagsasabi ng kanyang yaya.
"Talagang mapapalo na kita, Tommy, kapag hindi mo liwanagin ang pananalita mo abah hindi magandang biro ang pinagsasabi mo ah. Malapit lang ang bahay sa papasukan mong University tapos mangungupahan ka? Nagsasayang ka lang ng pera, Tommy," anito.
Sa pagkakabanggit nito sa salitang "pera" napaismid siya. Lingid sa kaalaman ng mga magulang niya ay nasa pangalan niya ang naiwang kayamanan ng mga ninuno sa ina. Hindi man ito kasing-dami ng pera ng kanyang ama ay sigurado siyang makakapagtapos siya ng pag-aaral na hindi pa niya ito nagagasto. Hindi pa nga niya magalaw-galaw dahil wala pa siyang biyente-uno.
"Nakalimutan mo na yatang tinatakpan nila ng pera ang bawat pagkukulang nila sa akin yaya? Alam mo ba kung magkano ang laman ng bawat sobre na halos isampal sa akin ni Daddy sa tuwing nagsasabi akong may event sa school as Mommy does. Sobra-sobra na iyon upang matustusan ko ang pangangailangan ko habang ako ay nag-aaral. Saka huwag kang mag-alala, yaya, dahil uuwi pa rin ako tuwing hapon." Napahawak siya tuloy sa kanyang batok dahil kulang na lang ay kurutin siya ng yaya niya. May pera naman silang magkakapatid mula sa mga magulang pero kung gagamitin niya iyon ay malalaman nila lalo at underage pa lamang siya kaya naisip niyaw ang perang galing sa mga ninuno niya ang gagamitin niya upang hindi sila makatunog.
"Ahh! Bahala ka riyan na bata ka basta huwag kang magpahuli sa mga alipores ng magulang mo. Idagdag mo pa ang mga kapatid mong napakaraming kaibigan. Hala, diyan ka na muna at may gagawin na ako," wika ng yaya saka niya nagmamadaling lumabas.
Hindi tuloy niya alam kung matatawa o maawa dito. Kagaya lang ito ng mga kaibigan niyang pinagtatakpan siya sa mga magulang lalo na when it comes to trouble. At sa kanyang pag-iisa ay biglang sumiphayo ang abuelo niya sa kanyang isipan.
"Alam naming nagtataka ka apo kung bakit sa iyo namin ipinanangalan ang kabuuan ng kaunting yaman namin ng Lola mo. Balang araw malalaman mo din, at sana pagdating ng panahon ay gamitin mo sa tamang bagay ang perang iyan. Ito ang land title ng rancho apo sasamahan ka namin upang ilagak iyan sa bangko para sa kaligtasan mo. Alam naming hindi maganda ang turing sa iyo ng Mommy at Daddy mo. At sana ingatan mo ang lahat ng iniwan namin sa iyo dahil magagamit mo iyan balang-araw," parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa kanyang isipan ang huling katagang narinig sa abuelo.
"Ngayon nauunawaan ko na lolo kung bakit ginawa n'yo iyun ni lola. Mula noon hanggang sa kasalukuyan ay hindi maganda ang turing nila sa akin. Pilit nila akong pinapasunod sa yapak nila, hindi binibigyang importansiya. Ngayon nauunawaan ko na kung ano ang ibig sabihin ni lolo," bulong niya.
"Huwag mong alalahanin ang rancho apo dahil may tagapag-alaga. Tapat kong tauhan ang mag-asawa. Sigurado akong mapapangalagahan nila ng maayos ang lupa at mga hayop doon. Ang dapat mong gawin ngayon ay mag-aral kang mabuti, sundin mo ang bulong mg damdamin mo. As long as wala kang inaapakang tao ay go ka lang ng go apo ko. Ipakita mo sa kanilang lahat na kaya mong abutun ang pangarap mo sa sarli mong pawis," mga huling katagang iniwan sa kanya ng mga ninuno.
Sa pagkakaalala sa yumaong abuelo ay napatayo siya, paroo't parito tuloy ang bagsak niya.
"Susundin ko ang lahat ng payo mo 'lo. Please watch over me," bulong niya saka iginala ang paningin.
Lumipas ang panahon, naging matulin ang padaan ng mga tao. Sa tulong ng mga kaibigan at yaya niya'y walang nalaman ang mga magulang at kapatid niya na may boarding house sila, na civil engineering ang kinuha. At heto silang magkakaibigan ilang araw na lang ay magmamartsa na sila. Even the university already declared that they've successfully completed their course. Ang pagtanggap na lang nila ng kanilang dimploma ang hinihintay nila.
"Ang bilis ng panahon mga 'tol, parang kailan lang mga bubwit pa lang tayo kung tawagin ng mga lintik na iyun sa university eh ano ngayon ang mga bubwit ang magmamartsa, sila? Hay naku mga taong nanlait sa atin eh expelled naman." Napailing si Samson sa pagkakaalala sa ilang kaklase nila.
"Habang-buhay ko itong tatanawin sa inyong lahat mga 'tol. Oras na rin siguro para malaman ninyo kung bakit hindi nalaman ng mga magulang ko ang lahat samantalang umuuwi naman ako araw-araw. By the way congratulations sa ating lahat. We've successfully completed our course sa rancho ang party nating apat mga 'tol," sambit ni Tommy.
"Ah mawalang-galang na lang parekoy, rancho ba kamo? Saang rancho iyan 'tol? Saka paano nga bang hindi nalaman ng mga magulang mo ang lahat?" Napahawak siya sa kanyang batok dahil sa pagtataka. Akmang sasagot na si Tommy kaso naunahan ito ni Anjo.
"Mula sekondarya hanggang ngayong magtatapos na tayo sa kolehiyo with completed requirements including our thesis, wala kaming nakita o nalamang dinaluhan ng mga magulang mo. Tanging ang yaya mo ang nakikita namin, ganoon pa man hindi naman naputol ang sustento mo. Ngayon may rancho ka na ring nalalaman? Ahem parekoy mukhang hindi ka namin kilala ah," sabi nito.
Tuloy ay napangiti siya, ngiting nakikita lang nila kapag sila ang kasama niya. There are lots of people who surrounds them including those flirty students pero kailanman ay walang pumukaw sa damdamin niya.
"Hinay-hinay lang mga 'tol. Isa-isahin nating sasagutin ang mga tanong ninyo. Kung naaalala ninyo ang sinabi ko sa inyo noon na bago pa nila malamang may boarding house tayo, civil engineering ang kinuha ko? Well ganito iyan mga 'tol, hindi ang perang ibinibigay nila sa akin ang ginagamit ko. Sorry for this pero nakapangalan sa akin ang kayamanan ng mga ninuno ko kay mommy. Ang cash sa bangko ang ginamit ko kaya hindi nalaman nila Mommy ang tungkol sa pagkuha ko ng pagka-inhenyero dahil hindi ko ginalaw ang galing sa kanila. Iyan ang dahilan kung bakit hindi nila nalaman ang whereabouts ko. We are all twenty-two now mga 'tol and last year as I've reached my twenty-one birthday ay napasakamay ko na ng buong-buo ang pamamahala sa rancho. Saang rancho ito? Well kayo ang unang nakatapak sa lugar na iyun at doon natin idinaos ang kaarawan ninyo and we will celebrate our victory there after the graduation," paliwanag ni Tommy.
"You mean ikaw ang may-ari ng pinuntahan nating rancho?" sabay-sabay pa na tanong ng tatlo.
"Yes mga 'tol. Ako at wala ng iba." Tumango siya bilang pagsang-ayun. Ang kanyang mukha'y nababalot ng kasiyahan, patunay na lamang ang hindi matatawarang ngiti na nakapaskil sa kanyang labi.
Kaso....
Ang hindi niya napaghandaang hakbang ng mga ito ay binuhat siya na parang papel saka itinaas na parang bola. Kumbaga dahil sa katotohanang nalaman nila'y ginawa siyang bola na naging sanhi ng kumusyon sa kuwarto nila o ang boarding house nila. Kung hindi pa sila kinatok ng may-ari dahil sa ingay nila ay hindi pa sila tumigil sa paghaharutan.
Kagaya nga ng kasabihan, walang lihim na hindi nabubunyag. Isang araw bago ang graduation nila. Susurpresahin sana niya ang mga magulang sa pamamagitan ng pagtatapat niya na siya ang nakakuha sa academic excellence. Magtatapat saba siya tungkol sa hindi niya pagsunod sa yapak nila kasabay ng paghingi niya ng tawad sa paglilihim niya.
Kaso, halos kapapasok pa lamang niya sa gate nila ay sinalubong na siya ng suntok mula sa kanyang ama. Ang kanyang ama na kailan man ay hindi niya nakitang ngumiti sa kanya. He's furious at all, tuloy umurong ang dila niya kahit anong suntok nito ay hindi siya lumaban. Walang salitang namutawi sa labi niya hanggang sa iniwan siya nito.
"Dalhin iyan sa kuwarto niya! Sabihin ninyo sa kanyang magtutuos kami paggising niya!" animo'y kulog na sabi nito sa pag-aakalang nawalan siya ng malay.
May hinala na siya kung ano ang ikinakagalit nito, pilit niyang iminulat ang mata saka nakiusap sa mga tauhan ng ama na dalhin siya sa kinaroroonan nito. Pero hindi siya sinunod ng mga ito sa kadahilanang baka daw mas malala pa ang gagawing nito sa kanya. They advised him na kakausapin na lamang niya ito kinaumagahan bagay na sinunod niya. Nagpahatid na lamang siya sa kanyang kuwarto at pinatawag ang yaya niya upang gamutin ang pasa niya nang sa gano'n ay makakapagmartsa siya kinabukasan. Magtatapat siya tungkol sa hindi pagsunod sa yapak nila pero kailanman ay wala silang malalaman tungkol sa hinahanap nilang kayamanan ng ninuno niya sa ina.