Habang mahimbing na natutulog sina Manang Azita at Cataleya ay sinulit nila Samira ang pagkakataon para makakuha ng sample sa gagawin DNA test. Kahit labag ng subra sa kalooban ni Cassiv ay hinayaan nalang nya ang ginagawa ng Ina. Dahil kahit si Darius na ama nya ay walang magawa paano pa kaya siya?
Nang makakuha ng sample ay maingat silang umalis sa kwarto at hindi lumikha ng kahit anung ingay. Mabilis silang pumunta sa lab para malaman ang totoo at isinagawa agad ang test. Naghintay lamang sila ng halos isang oras bago nalaman ang resulta.
"Now ma, siguro naman titigilan mo na ako, si Cat ang anak namin? Maybe this is enough proof for you to stop!" Sabi ni Cassiv na noon ay tahimik lang si Samira.
"Matigas kasi ang ulo mo. Sarili mong anak, sarili mong apo, dugo at laman natin ang dumadaloy sa kanya pagdududahan mo. Siguro oras na para humingi ka ng lahat ng kapatawaran sa manugang mo at sa anak mo, Samira." Dagdag pa ni Darius.
"Dad is right ma, you need to apologize to my wife. Kahit hindi nya alam ang nangyayari, gusto ko humingi ka ng tawad sa kanya."
"Okey. I-im sorry, nagkamali ako....alam kong mali 'yun pero ginawa ko lang naman yun kasi may kutob ako, at wala namang nawala diba? Kung gusto nyo na mag sorry ako sa kanya, no problem. I can do that." Panatag pa na sagot ni Samira.
Matapos mabigyan ng kasagutan si Samira sa mga tanung at gumugulo sa isip niya ay nakaramdam din sya ng konsensya. Pero wala sa bukabolaryo nya ang mag-sisi sa mga pinaggagawa nya.
Samantala, mahimbing pa ding natutulog ang mag-ina ng marahang pumasok sa kwarto si Tamilla. Ngunit sa oras na iyon ay gising na si Manang Azita at naghuhugas ng ilang mga pinagkainan na naiwan kanina.
"Mam Tamilla, nandyan po pala kayo."
"Shhhhh! Wag kang maingay, baka magising sila. Nasaan si senyorito at senyora?" Sa mahinang boses nito.
"Ah wala po sila, hindi ko din alam basta pag-gising ko wala na sila. Baka may binili lang po."
Hindi pa nakakatapos magsalita ang matanda ay marahan na lumapit si Tamilla sa pamankin, pinagmasdan muna niya ito ay napangiti pa sa pinsan niyang si Cataleya. Ilang saglit pa ay nagulat ang matanda ng buhatin nito ang bata na mahimbing pa ding natutulog.
"Maaammm!" Pasigaw ng matanda ngunit sa ipit na boses.
"Sshhh! Tumahimik ka nga!"
"Anu pong ginagawa nyo?" Sa pagkakataong 'yun kasi si Tamilla ay malapit sa pintuan na parang may tinataguan habang karga sa kandungan si Naheem.
"Manang.." at biglang ibinigay ng dalaga ang inosensteng bata sa matanda mabuti at nasalo niya ito. "Gusto ko ilayo mo ang batang 'yan dito! Malayong malayo! At ayaw ko na makita pa ang mga mukha nyo lalo na ang batang 'yan!"
"Anu??? Na-naku mam, anu pong sinasabi nyo? Hindi ko po magagawa 'yun." Mautal at naiiyak na dahilan ng matanda.
"Kapag hindi mo ako sinunod, ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi makapagtapos ang anak mo! At alam ko na baon kayo sa utang dahil sa napakalaking tuition na binabayaran nya, na hanggang ngayon ay hindi pa nangangalahati ng bayad. Kung gagawin mo ang sinasabi ko, bibigyan pa kita ng pera basta ilayo mo ang bata at sisiguraduhin ko sayong mawawalan kayo ng utang at mababayaran ang tuition ng anak mo!" Pagkukumbinsi nito.
"Na-naku mam, parang awa nyo na. Hindi ko kaya ang sinasabi nyo....hindi ko gagawin." Patuloy na pagtanggi ng matanda.
"Sige na Manang! O baka naman gusto mong may gawin ako sa anak mo!!" Pananakot pa ni Tamilla na agad nagpakaba sa matanda.
"Wag nyo po idadamay ang anak ko...mam Tamilla."
"Lalayo ka o may gagawin ako sa anak mo! Sisiguraduhin ko kapag hindi mo ako sinunod magiging miserable ang buhay nya, ninyong dalawa!!! Bilisan mo mag-isip dahil pabalik na sila senyorito at baka magising na si Cataleya!!! Anu??!!!"
Naiiyak na walang magawa si Manang Azita azita, mabilis niyang inayos ang mga gamit niya at mga importanteng bagay na meron sya. Labag man sa loob ngunit pinagbantaan ni Tamilla ang buhay ng anak nya, bagay na hindi nya kayang tanggihan.
Alam nyang sa una palang na masama ang ugali ng pinsan ni Cataleya ngunit hindi nya aakalain na kaya nyang gumawa ng ganitong klaseng kawalang hiyaan. Nanghihina, natatakot at sarisari na ang nasa isip ni Manang Azita, at ang gusto nya sa mga oras na iyon ay makalayo sila ng bata at maging ligtas ang anak niya.
Balot na balot ang bata ng lampin at kahit konting iyak ay hindi man lang nagawa para makalikha ng ingay. Habang si Manang azita ay walang tigil ang pag-iyak at pagtawag sa anak niyang si Kheya.
Habang si Tamilla at nakatayong parang animo'y santo habang nakamasid sa natutulog pa din niyang pinsan.
"Sige, matulog ka lang dyan. Alam kong ito ang pinakamasayang araw mo ngunit sisiguraduhin kong bukas ay hindi titigil ang mata mo sa pagdaloy ng mga luha." Nakabungisngis at nakakatakot nitong turan.
Halos madaling araw na at nakaplano na ang lahat kay Tamilla. Illegal syang kumuha ng isang sanggol na wala ng buhay at inihiga iyon sa tabi ng pinsan. Natatawa siya habang ginagawa iyon at kahit bata ay hindi na nito sinanto. Kapwa inosente at walang kaalam alam sa mga nangyayari at pinaglalaruan pa ng kagaya ni Tamilla.
Nang hindi mapakali si Tamilla dahil matagal bumalik sina Cassiv ay nagsimula itong umarte ng pag-iyak. Nagtawag din sya mg ilang doctor at nurse dahil code blue ang pasyente na kgagawan lang din niya at para ipalabas ang plano nya. Hindi magkaintindihan sa pagtatakbo ang mga nurse para asikasuhin ang bata, at saktong naglalakad ang mag ama sa hallway ng makita ang nagtatakbuhang mga nurse at doctor sa kwarto ni Cataleya.
"Nurse, doc excuse me.. anung nangyayari?"
"Mamaya nalang po namin sasabihin kasi emergency po, please lumabas muna kayo."
"No! Asawa ko at anak ang nasa loob, gusto ko malaman ang nangyayari!"
"Cassiv!!! Mam Samira, sir Darius....si baby!"singit ni tamilla na patuloy ang pag-iyak.
"Oh my ghodddd! What happen to him???!" Pagsisisgaw ni Samira at Darius ganun din si Cassiv.
"H-hindi ko alam...pagpasok ko nakita ko na-namumutla si baby, b-binisita ko kasi sila tapos 'yun nung sinalat ko ang noo niya subrang putla at ang lamig nya....na-natakot ako kaya tumawag ako ng tulong..." Si Tamilla na nauutal sa pag iyak.
"s**t!!!!! Please not now!!!" Mura ni Cassiv na hindi mapakali. "Where's Manang?!!! Where is she??!!!"
"H-hindi ko alam, wala sya sa loob nung pumasok ako...."
Maging ang mag-asawa ay hindi na din mapakali. Inilipat din muna nila si Cataleya ng kwarto dahil makakasama sa kanya kung malaman nya ang nangyari.
Isang oras ang lumipas, idineklarang d**th ang bata. Nanlumo at nanlambot ang buong katawan ni Cassiv. Hindi sya gumagalaw o kahit kumisap man lang ng mata. Tulala sya at lutang na lutang. Ilang doctor na at nurse ang nagpaliwag ngunit bingi sya para pakinggan ito. Kamuntikan pa din syang mapaaway dahil nung una ay wala naman problema dahil idinaan sa screening ang bata ngunit ilang oras lang ang lumipas ay nangyari na ang hindi nila inaasahan. Pinipilit ni Cassiv na hindi paniwalaan ang nangyayari dahil sa sakit na naramdaman nito sa pagkawala ng anak. At ang masakit pa dun, hindi pa ito alam ni Cataleya na mas dumudurog sa puso niya.
At dahil apo nila ang bata ay hindi din napigilan ng mag-asawa na umiyak at mas lalong nagpakonsenya kay Samira.
Nang muli silang pumasok sa kwarto ay nakita nilang gising na si Cataleya. Nakangiti pa ito habang bakas sa mukha ang pagkainosente niya.
Lumapit si Cassiv at hindi pinapahalatang may nangyari, mahigpit ang hawak sa kamay ng asawa. Pilit na ngumiti. Ngunit napansin agad ni Cat na tila hindi masaya ang mga ito.
"Honey, may problema ba? Nasaan Pala si baby?"
Nagkatinginan muna ang mga ito at Hindi kaagad sumagot.
"Honey, si baby nasaan?"
"Tamilla, nasaan si baby? Ma, pa! Tinatanung ko kayo?"
"Hindi pa din nagsasalita si Cassiv at pinipilit na huwag ibagsak ang mga luha. kaya lumapit si Tamilla na umiyak na.
"Ba-bakit ba kayo umiiyak? Honey, maaa! pa!"
"Wag ka sana mabibigla....si---si baby kasi, wa-wala na....." Pag-uumpisa ni Tamilla at mabilis na yumuko.
"Anung klaseng joke naman yan! Hindi nakakatuwa ha. Hahahaha. Honey anu ba? Si baby nasaan?"
"She's right honey." Mahinang tinig ni Cassiv habang nakayuko. "Nagkaroon ng komplikasyon na hindi agad nakita ng mga doctor, I'm sorry. Patawarin mo ako..." Dagdag pa niya habang umiiyak.
"Honey!!! Anu ba? Ilabasnyo na si baby, nakikiusap ako. Maaaa!" Pakiusap ni Cataleya na umiiyak na din.
Lumapit lang si Darius at nanatili lang si Samira habang tumutulo ang mga luha. Si Cassiv naman ay niyakap ng mahigpit ang asawa dahil nagiging agresibo ito at nagwawala na gustong umalis sa kwarto kahit hinang hina pa. Rinig na rinig sa buong kwarto at umaalingawngaw ang malakas na pag-iyak ni Cataleya. Nagalit sya sa asawa dahil hindi man lang ipinaalam agad sa kanya. Kagaya ng naramdaman ni Cassiv, hindi na tumigil sa pag-iyak si Cataleya hanggang sa nawalan nalang ito ng malay. Mas Lalong mag-alala si Cassiv dahil baka maapektuhan nito si Cataleya na bagong anak pa naman. Masakit man para sa kanya na isang ama ang mawalan ng anak ngunit wala syang magawa, sinsisi niya ang sarili sa nangyari.