Sa kabilang banda, nagpaalam na si Tamilla na umuwi. Hindi para magluksa kundi para magsaya. Sa unang pagkakataon naging matagumpay ang plano nya. Nag-paiwan pa muna ang mag-asawa at ang ipinagtatataka nila na si Manang Azita ay nawawala.
Nang Malaman ni chairman ang nangyari sa apo kamuntikan din ito masugod sa hospital, lalo ng malaman na nawawala si Azita, ang nag-iisang bantay sa bata ay inakala ng lahat na ito ang may kagagawan ng biglang pagkawala ng apo nito.
Mabilis na ipinahanap ang matanda sa mga pier na maaaring daanan nito pauwi ng probinsya. Dahil kilala ang chairman ay mabilis ang proseso mg paghahanap. Ngunit bigo ang mga ito na makita si manang Azita.
"Gusto ko makita at mahanap si Azita sa lalong madaling panahon kung kinakailangan halughugin nyo ang lahat ng probinsya gawin nyo! Ang tanging pagkakamali niya ay apo ko ang sinaktan niya.!" Galit na utos nito kay Hassan.
"Masusunod po chairman."
Paglabas ni Hassan ay hindi din siya makapaniwala sa nangyayari. Maging sya ay hindi alam ang gagawin.
At ng makita nya sa malayo ang nakangiting abot tenga na si Tamilla ay mabilis syang kinutuban na may kinalaman ito sa nangyayari. Hinila niya ito sa madilim na lugar na walang CCTV cameras.
"What happen?"
"Anu ba? Bitawan mo nga ako!"
"Tinatanung kita kung anung nangyayari? Ba-bakit biglaan naman ata at nakakagulat na namatay ang apo ng chairman? Unless, may ginawa ka na namang hindi maganda?!"
"Para sabihin ko sayo, ikaw ang nagbigay ng idea na 'yun! Sabi mo kanina, kung mawala ang anak nila baka sakali pa na maghiwalay sila! Ginawa ko lang ang sinabi mo, kaya dawit ka na din."
Napasapo sa noo si Hassan. "What did you do, Tamilla?!! Hindi mo ba sila kilala? Sana nag isip ka muna bago ka gumawa ng plano mo! Nang dahil ang lahat ng ito dyan sa senyorito! Kung hindi lang malaki ang respeto at utang na loob ko Sa chairman at kung hindi lang kita mahal, matagal ko na sanang..... Pero dahil ang buong pag-aakala ko na magbabago ka kaya sinusunod ko ang mga pinapagawa mo! Ngayon? Ang Gusto ko, lumayo ka na sa lalaking 'yun! Dahil ako na ang masusunod!" Gigil na sambit ni Hassan na nakahawak ng mahigpit sa braso ng dalaga
"Bitawan mo ako sabi! Ngayon pa ba? Na wala na ang anak nila! Konti nalang at makukuha ko na si Cassiv! Ito na ang simula Hassan!!" Pagkukumbinsi pa nito.
"Tapos anu? Anung mangyayari kung makuha mo si Cassiv?? Ha? Anu? Paano ako? Ipagpapalit mo ako sa kanya?!"
"Anu pa ba?" Pagmamatigas ng dalaga. "Pero tuloy pa din naman ang plano! Kapag napunta na satin ang kahit kalahati ng kayamanan nila, hindi ka na magiging sunod sunoran dyan sa matandang 'yan! At mawawalan ka na din ng sinasabi mong pinagkakautangan ng loob!"
"Ititigil mo na ito! Tama na! Kung materyal na bagay lang tanging nakakapagpasaya sayo, pagsisiskapan ko ibigay yun sayo, Tamilla! Hindi lang ni Cassiv!"
Tumingin lang si Tamilla at muling humakbang palayo. Naiwan si Hassan na napasuway nalang sa hangin at sumuntok sa pader.
Ilang araw ang lumipas, nabalot ng lungkot ang buong mansyon. Ang inaasahan ni Cataleya na masaya at malaking pagdiriwang na napunta sa pighati at pagluluksa. Hindi sya makausap at halos hindi na kumakain, nagsasalita at umiiyak mag-isa habang yakap-yakap ang mga damit pamabata na ibinili nilang mag-asawa. Walang magawa si Cassiv kundi maawa at tignan ang asawa niya sa nakakalungkot na kalagayan. Galit sa kanya si Tamilla at sa lahat ng mga taong inakala niyang nagpabaya sa pagkawala ng anak nila. Hindi ito masisi ni Cassiv dahil kahit sya ay sinisisi ang sarili. Ang ikinagagalit pa din ni Cataleya ay hindi na niya nakita pa si manang Azita na kasama niya sa oras ng magmula sya ay manganak. Wala ding bumabanggit sa kanya kung nasaan na ito at kung anung nangyari.
Sa kabilang banda, kung gaanu nagluluksa binabalot ng lungkot si Cataleya ay kabaligtaran si Tamilla. Labis ang tuwa niya sa mga nangyayari. Inisip niyang malaking pagkakataon iyon para tuluyan nyang maagaw di Cassiv sa pinsan. Panay ang papansin niya, pagbibihis ng magaganda at laging nakapustora at wala syang pakialam kahit lahat ng tao sa mansyon ay nagdadalamhati at sya ay nagsasaya.
Lumipas pa ang dalawang linggo, matapos ang ilang pagpapatin ni cat sa ibat ibang mga doctor at sa tulong ng mga gamot na iniinom niya ay bumuti ng konti ang pakiramdam niya. Ngunit hindi pa din naghihilom ang sakit sa pagkawala ng anak niya. Nagsisimula lang syang bumangon dahil kailangan niya ng lakas.
Isang umaga, nadatnan siya ni Tamilla na nakadungaw sa malaking binata. Humihikbi at yakap pa din ang lampin dapat na ibinabalot niya kay Naheem.
"Kumain kana muna para mas lumakas ang katawan mo." Si Tamilla na paisa isang binaba ang pagkain sa mesa ngunit wala syang narinig na sagot sa pinsan. Kaya ng mailapag niya lahat ay nagpasya na siyang bumaba ulit.
"Sandali, Milla." Pigil niya sa pa-alis na si tamilla.
"Bakit?"
Nagulat sya ng mabilis syang hinawakan sa kamay ni Cat.
"Parang away mo na. Sabihin mo saken ang totoong nangyari kay Naheem....hindi ko na alam ang gagawin ko Milla...pa-para na akong mababaliw..."
Nakaramdam ng pagkairita ang dalaga kaya mabilis niyang tinabig ang kamay ng pinsan.
"Anu ba, cat! Gumising ka nga! Patay na ang anak mo! Patay na!!!" Sigaw pa nito.
"Paano mo nasasabi yan!!!" Sigaw din ni Cat. "Pamangkin mo sya! At dapat nagluluksa ka din na gaya ko pero iba ang nakikita ko sayo!! Kaya please, gusto ko malaman ang totoong nangyari" muling pagmamakaawa nito at nakaluhod sa pinsan. "Ka-kahit si manang, hindi ko na alam kung nasaan...walang nagsasabi saken... please Milla..."
Napabuntong hininga ang dalaga at inayos ang buhok. "Haysssss. Bahala ka nga! Kung ayaw mong kumain at maniwala, bahala ka...pero gusto ko lang sabihin sayo na wala Ka ng magagawa."
"Bakit...bakit ganyan ka?...A-anu bang nangyayari sayo..? Hi-hindi ka naman ganyan."
"Wala kana dun! Bakit, lahat naman ng tao nagbabago.." nakangiti pa nitong wika.
Naiwan si Cataleya na nakaluhod at umiiyak. Hinahampas ang sariling dibdib dahil sa sakit.
-----------------]]
Mag-isang lumalaklak ng alak si Cassiv sa living area, kahit hindi sya magsabi labis din ang pagdadalamhati niya sa pagkawala ng anak niya. Hindi niya iyon pinapakita sa pag-iyak ngunit sa pag-inom ng alak gabi gabi. Ilang araw na din silang hindi naguusap ni Cat, bagay na hindi din niya kayang tanggapin maliban sa pagkawala ni Naheem.
"Cassiv, I've heard na hindi na naman Kumain yang asawa mo. Aba, dalawang linggo syang halos hindi ko nakitang bumaba. Baka mamaya kung anu nang mangyari sa kanya." Welga ni Samira.
"Samira, she's in pain now. Leave her alone. Masakit ang mawalan ng anak, and you felt that too when your----"
"Dad, enough!" Pigil ni Cassiv. "and ma, can you please , kahit isang araw o Isang Gabi lang jindi muna kayo mangialam sa buhay ko or even kay Cataleya..."
"Yes son.. we're sorry iho. Don't worry, ako na ang bahala dito sa mom mo. Take your time iho, but if you need help nandito lang si dad." Mahinahong wika ni Darius.
Nang tumayo ang mag-asawa ay muling nilaklak ni Cassiv ang alak. Kasabay nun ang pagpunas sa mga luhang pumapatak.
--------------]]
Marahang binuksan ni Cataleya ang pinto ng marinig na may kumakatok. At Isang malawak ngunit pekeng ngiti ang iganawd niya ng makita ang chairman.
"Pwede ba ako pumasok?"
At nilakihan niya ang pagbukas sa pinto at tumuloy ang matanda.
"How are iho, iha?"
"Gusto ko pong maging totoo sa inyo pero subrang sakit pa din po, hindi ko na alam ang gagawin ko.."
"Hindi mo kailangan magsinungaling sa sarili mo, iiyak mo lang at darating ang bukas na lahat yan ay lilipas din. Alam kong masakit, pero ang katotohanan na wala na ang apo ang pinakamasarap na tanggapin dahil dun mo lang mararamdaman na malaya kana sa sakit at pighati."