CHAPTER 17

1550 Words
Sa kabilang banda, nadatnan muli ni Hassan na nakaupo si Tamilla sa sofa nya. Napansin agad nito ang suot nitong hapit na bestida. Kaya napataas ang isang kilay nito at nakangiting nilapitan ang dalaga ngunit hindi na naman maipinta ang hitsura nito. "Oh! Magkasalubong na naman yang mga kilay mo." Puna nito at umupo sa harap nya. "Wag ngayon Hassan, bad trip ako! Parang wala namang nangyari dun sa mga litratong ibinigay ko kay senyora! Magkasama pa din sila ni Cat! Ayoko naman na makipagplastikan sa pinsan ko hanggat maari, at hindi ko naman gamay yun! Grrr! Nakakainis!" "Alam mo hindi din kita maintindihan. Bakit ba galit na galit ka dyan sa pinsan mo e mabait naman si senyorita, lahat ng meron sya meron ka din. Tapos ito pa, nandito naman ako si sir Cassiv pa din ang gusto mo! Kaya ko naman ibigay o gawin din yung ginagawa ni sir Cassiv ah." "Aba hoy! Tigilan mo ako Hassan! Sinabi ko na sayo ng paulit-ulit ang dahilan!" "Ipagsabay mo kami, tanggap ko 'yun!" Tinarayan lang sya ni Tamilla. "Bigyan mo nalang ako ng maiinom bago kita mabigwasan dyan!" "Oo na! Pasalamat ka kahit ibang lalaki ang hinahanap mo gusto pa din kita." Sabay abot ng alak sa dalaga. "Hinay hinay sa pag-inom, o baka gusto mong maulit ulit yung nangyari satin kagabi." Nakakalokong ngisi pa nito. "Hayssssst! Yung nangyari satin, wala lang 'yun saken! Naiintindihan mo? At tsaka hindi na mauulit pa 'yun!" "At least kahit papano napasaya kita at nagenjoy ka naman." Nakatungong turan ng binata sabay kindat pa dito. Umirap lang ang namimilog na mga mata ni Tamilla at nilaklak ang alak na hawak nya. [MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO] "Push harder Cat, konti pa." Malakas na sabi ng OB-GYNE habang sinisipat ang ulo ng bata. "Ahhhhhhhhhh!" Pilit na sigaw ni Cat. "Sige pa po, konti nalang...."Dagdag ng assistant nurse nito. Samantala si Cassiv ay hindi mapakaling lakad dito lakad doon sa labas ng delivery room. Paulit ulit syang nagdadasal na sana ay maging maayos ang panganganak ni Cataleya at ganun din ang baby. Ilang saglit pa ay nagtatatakbong palapit sina Darius at Samira kasama si Manang Azita bitbit ang ilang mga gamit. "How is she?" "I don't know ma, pero sana maayos lang ang lahat." "Son, irelax mo muna ang sarili mo. Maupo ka muna at alam ko naman na maayos na mailalabas ni Cat ang apo ko." Suhestyon ng ama nito. Maya-maya pa ay narinig pa nila ang malakas na sigaw ni Cat. Mas lalong nakaramdam ng takot si Cassiv at kung pwede lang pumasok sa loob ay ginawa na nya para makita ang asawa. Lumipas pa ang ilang minuto, hindi na nagawang umupo ni Cassiv sa halip ay pabalik pabalik lang sya. Ilang saglit pa may narinig silang malakas na pag-iyak ng isang sanggol. Bagay na lalong nagpasigla kay Cassiv. At ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at mabilis na sinalubong ni Cassiv at ng magulang nya ang doctor at nurse. "Doc, kamusta ang asawa ko?" Hindi mapakaling tanung nito. "Doc, kamusta ang manugang namin? ang baby?" Singit din ng mag-asawa. Tinanggal ng doctor ang mask nito at ngumiti sa kanila. "She's okey, normal ang delivery. Malusog at napakagwapong batang lalaki. Binabati kita, Mr. Mondragon. Pwede na kayong pumasok sa loob para makita sya, but still, she needs to rest. Maiwan ko na kayo." Wika nito. Parang nabunutan ng tinik si Cassiv at nakahinga ng maluwag ganun din ang mag-asawa sa sinabi ng doktora. Nakipagkamay pa ito at hindi mawala-wala ang ngiti sa labi habang nagpapasalamat. Nang makaalis ang doctor ay mabilis nyang binuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang mag-ina niya. Maluha-luhang lumalapit na marahan si Cassiv na parang hindi makapaniwalang ganap na syang ama. "Ma, pa, 'you see that? That's my son! Dad, tatay na din ako. Ma!!" Sa subrang saya nito at niyakap ang ina. "Kamusta ka iha? Ayos ka lang?" Magiliw na tanung ni Darius. Mahinang sumagot si Cat sa pamamagitan ng pagtango. Kahit papano ay nagpapakita pa din ng malasakit si Samira dahil manugang nya pa din si Cat at hindi iyon ang oras para magtaray sya. Bahagya syang lumapit sa bata at tila kinakausap ito. Naiiyak na lumapit at hinalikan sa noo ni Cassiv si Cataleya. Kinamusta nya ito habang makailang beses na hinalikan sa labi at noo. "Honey, baka magselos si baby." Mahinang wika ni Cataleya. "Ohh. Sorry. Hi baby...." Naluluhang sambit niya rito habang hinahaplos ang maliit nitong kamay. "I'm your dad..." Hindi din mapigilan ni Cat na hindi maluha sa ginagawa ni Cassiv. Ramdam niya sa asawa ang tuwa at sigla nito. "Salamat kasi hindi mo pinahirapan ng subra si mommy. Kamukha ko sya, pa kamukha ko ang anak ko." Pagmamalaki pa nito. Hindi na umalis si Cassiv sa tabi ng mag-ina nya. At hindi matigil-tigil ang pagdaloy ng luha nya. Kausap nila sa telepono ang chairman at tuwang tuwa ito ng makita ang apo niya. Ipinamalita din ni Cassiv sa mga malalapit na kaibigan na tatay na sya at nagsend pa ng litrato sa mga ito. Ipinagpahinga din nya si Cataleya dahil kailangan maibalik agad ang lakas nito. "Cassiv, let's talk outside ?" Bulong ni Samira sa kanya. Muli syang sumulyap sa mag-ina nya habang mahimbing na natutulog. Naiwan si Manang Azita na nagbabantay. Naluha din ang matanda ng makita sa malapitan ang cute na anak ng amo nya. Habang pumunta ang mag-ina kasama si Darius sa isang bakanteng room. "Son, I'm so sorry but we have to do this. Let's do the DNA test." "Samira, have you totally lost your mind?! Hindi talaga ako makapaniwala na aabot sa ganito ang galit mo kay Cataleya." Lumayo saglit si Darius sa asawa dahil talagang tumaas ang dugo nito. Tahimik lang si Cassiv, kilala nya ang ina niya. Hindi titigil hanggat hindi nakukuha o nangyayari ang gusto nya. Gusto man nyang tumutol ulit pero ayaw nya makipagtalo sa ina lalo pa ngayon na mas gusto nyang makita lagi anak. Pumayag ito sa gusto ng ina kahit labas sa loob, pero inisip din nyang mas maganda na din yung malaman din nya ang totoo dahil may konti din syang pagdududa. Samantala, halos nagsisigaw si Tamilla sa nurse department kung saan ang kwarto ng pinsan nya. Kasama nito si Hassan, at ng ituro sa kanila ang kwarto ay agad nila itong pinuntahan ngunit nahinto sila at hindi na tinuloy na pumasok dahil nakita ni Tamilla na masayang masaya si Cassiv habang kausap si Cataleya. Nakaramdam ito ng galit at inis, lalo na ng makita na parehas na kinakausap ng mag-asawa ang bata na nasa Gitna nila. "Hindi ka papasok?" "Ikaw nalang kung gusto mo!" Singhal ni Tamilla. "Anung problema? Kaya nga tayo nandito." "Sira talaga ang ulo mo! Hindi naman porket nandito tayo ay gusto ko makita si Cat, si Cassiv ang gusto ko makita hindi yung masaya silang tatlo sa loob! Wala na! Sira na lahat! Umalis na nga tayo!!" Padabog na sabi nito at saka umalis. ----]] "Honey may naisip ka na bang pangalan nya?" Mahinang wika ni Cataleya. "Ang dami kong gustong ipangalan sa kanya, and I don't know which one to choose. But, I want to name him Naheem, it means he's a gift from God." Napangiti si Cat. "Napakagandang pangalan. Tignan mo ang ilong at labi nya, kuhang kuha sayo." "Yes honey. Honey, you still need to take a rest. I will not go anywhere, babantayan ko kayong dalawa." Tumango si Cat. "I love you so much, honey. Kayo ni baby, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti nyo at walang makakasira nun. I promise." Wika ni Cassiv at hinalikan muli sa noo ang asawa. "I love you too." "Nanang, nakita nyo na po ba si baby." Ani Cataleya. "Opo senyorita. Kamukhang kamuka po ni sir Cassiv." "Of course Manang, saken galing eh." Biro ni Cassiv. Napatawa ang matanda ng biglang ng biglang bumukas ang pinto at bumungad si Samira. "Sorry to disturb but you need to fill this son, may naisip na ba kayong ipapangalan sa kanya?" "Yes ma." "Mabuti. Sige na iho, hintayin nalang kita dito sa labas. Iha, magpahinga ka muna dyan. Kailangan mo ng lakas. Aasikasuhin lang namin ni Cassiv ang mga dapat asikasuhin." "Sige ma, naiintindihan ko po." Samantala, hindi pa din mawala wala ang inis ni Tamilla. Si Hassan naman ay labas pasok sa hospital dahil minomonitor ng chairman ang nangyayari sa apo niya. "Sasama ka na ba saken pauwi? Hindi ka din naman magpapakita sa kanila, anu pang dahilan para magpa-iwan ka dito?" Tahimik lang ang dalaga. "Ang laki na nga ng problema ko iiwan mo pa ako dito!" "Kung gusto mo talagang maghiwalay sila gamitin mo nalang yung anak nila para pangtakot sa kanila." Pabiro ni Hassan . "Sirau---" napaisip si Tamilla. At bigla itong nagtatalon na parang bata. "Ang galing mo talaga! Alam mo paminsan-minsan gumagana din ang kokoti mo!" Sabi pa nito kay Hassan. "What? Kanina lang hindi mapinta ang hitsura mo tapos ngayon hindi na matigil ang pagtawa mo." "Tama ang sinabi mo. Kung hindi ko sila mapaghiwalay, pwede ko ngang gamitin ang anak nila....napakagaling mo talaga!" At hinalikan pa sa pisngi si Hassan sabay takbo nito. "Tamilla! Tamilla! Tignan mo ang babaeng 'yun! Matapos magmukmok dito bigla-bigla nalang akong iiwan." Nailing na pumasok ang binata sa sasakyan at pinaandar ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD