CHAPTER 9

1669 Words
Dalawang oras ang lumipas, ang mag-asawa at mga malalapit na kaibigan nalang ang nasa labas. Bukod ang grupo ng mga babae sa mga lalaki. Medyo may tama na si Farrell, pagdating sa inuman sa kanilang tatlo ito talaga ang mabilis malasing. Kung anu-anu na ang mga sinasabi nito at tinatawanan nalang nila. Nang mga oras na iyon ay wala si Cataleya at may kinuha sa loob ng mansyon ay magpapalit ng masusuot. Nakauwi na din ang karamihan sa mga bisita nila at naiwan nalang ang dalawang malalapit na kaibigan ng mag-asawa. Samantala, pangiti-ngiti si Thadeus dahil sa kabilang banda ay kanina pa nya napapansin si Tamilla na panay ang tingin kay Cassiv. Mabilis naman binabawi ng dalaga ang mga titig nya sa tuwing nahuhuli sya ni Thadeus na nakatingin sa kanila. Walang kaalam alam ang kaibigan niya dahil hindi naman nito pinapansin ang mga ganung bagay. "Hey brod, I have something to tell you but don't be overreact." "What is it?" "Alam mo, kanina ko pa napapansin itong si Tamilla, panay ang tingin sayo." Saad nito sa kaibigan na parehong nakatingin sa kinaroroonan ni Tamilla na nakikipagusap sa ibang mga kaibigan. Natigil sa pag-inom ng alak si Cassiv. "So?" "Anu ka ba! Napaka-ovbios naman, mga tingin palang nya sayo alam na ang ibig sabihin. Lalaki ka rin kaya hindi ko na dapat ipaliwanag pa sayo!" Natatawang sabi nito. "What the h*ck, men! She's like my younger sister, and nothing more. Baka ikaw ang tinitignan nya, dinadamay mo pa ako." natatawang sabi nito. "You know what! She's an adult now. Look at her, her body...her face...maganda sya...para syang maamong tupa sa umaga na nagiging wild sa gabi." Sabay tawa pa nito. "What if, gamitin mo sya para magkaanak kayo total----" Hindi na natuloy ni Thadeus ang sasabihin nito dahil mabilis na sinunggaban ni Cassiv ang kaibigan at mahigpit na nakahawak sa damit nito. "Wag na wag mo ng babanggitin pa ang bagay na 'yun!! Magkakasira ang pagiging magkakaibigan natin kapag inulit mo pa!" "Hey! Oh o-okey! I'm sorry. I didn't mean it! Sorry." Medyo nakangisi pa nitong sabi. "I think lasing kana din, mas mabuti kung umuwi na muna kayo." At kinalas nito ang matinding pagkakahawak sa damit ng kaibigan niya at inayos din iyon dahil medyo nagusot. Inalalayan nilang dalawa si Farrell hanggang sa sasakyan ni Thaddeus. Humingi na din ng pasensya si Cassiv sa nagawa nya sa kaibigan ngunit wala lang ito kay Thadeus, alam nyang mali ang sinabi nya. Umuwi na din ang mga kaibigan ni Cat at Tamilla. Papasok na sa loob si Cassiv ng makasalubong niya ang asawa. "Honey? Nasaan na sila?" "Oh kakaalis lang nila, I thought you were sleeping dahil alam kong pagod ka kaya sinabi ko na natutulog kana." "Ganun ba?" Napansin niyang napahawak sa ulo si Cassiv. "why? Nahihilo ka ba?" "I'm sorry. Mauna kana sa kwarto, susunod ako. Magbabanyo muna ako dito sa baba." "Okey." At umakyat nga si Cat. Habang tinatanggal ni Cassiv ang button ng long sleeve nya maging ang necktie nito ay biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Thadeus tungkol kay Tamilla. Alam nyang malaki na nga ang pinagbago nito lalo na ang katawan ng dalaga. Hindi nya namalayan na napapalayo na pala sya ng iniisip at mabilis na tumakbo sa banyo para maghilamos. Basang basa ang polo nya matapos makapaghilamos, gusto niya mabura ang nasa isip niya at hindi dapat niya iniisip ang ganung bagay lalo na at alam nyang may asawa sya. Lumabas sya ng banyo at bago umakyat sa taas madadaan muna ang mga kwarto ng mga maids nila at isa doon ang kwarto ni Tamilla. Hindi nila tinuring na katulong ang dalaga ngunit ito ang nagpresenta na doon nalang ang kwarto niya. Hanggang sa napatigil siya sa tapat ng isang kwarto dahil bukas iyon. Parang na istatwang nakatayo sa labas si Cassiv ng makitang nakatapis ng puting tuwalya si Tamilla at naglalagay ng lotion sa binti niya. Parang inaakit ng dalaga ang binata kahit pa walang kamalay malay itong nakikita na pala talaga sya ni Cassiv sa mga oras na iyon. Halos limang minuto nakatigil si Cassiv, umiling Iling ulit sya at nagmadaling pumunta sa storage room para kumuha ng wine na maiinom. Mabilis syang nagsalin sa baso at uminom. Para syang hinihingal na animoy may humabol sa kanya. Sinadya nyang wag buksan ang ikaw dahil kita naman nya ang alak dahil sa liwang mula sa labas. Nangangalahati na sya at alam nya sa sarili nyang may tama na din sya. Gusto nyang mawala ang naiiisp niya tungkol sa dalaga. Ilang sandali pa ay biglang lumiwanag dahil may nagsindi ng ilaw. Dali-daling napatayo si Cassiv at nagulat ng makitang nakatayo sa harapan niya si Tamilla. Nakasuot ito ng maiksi at manipis na bestidang pantulog. Nakalugay ang mahabang buhok na kagaya kay Cataleya, at kitang kita din nito ang nangingibabaw na cleavage ng dalaga at umalingasaw pa sa buong silid ang bango nito. Kapwa sila napatigil sa kinatatayuan nila at maging si Tamilla ay nagulat dahil hindi nya inakalang may tao sa storage room. Hagyang napalunok si Cassiv, at ng matauhan at natataranta syang kunin ang baso at bote ng alak ganun din si Tamilla at mabilis na tinakpan ang hinaharap. "I'm- I'm sorry, hindi ko kasi alam na may tao pa dito." "No! No! Kasalanan ko hindi ko binuksan ang ilaw." "Aalis na din ako, baka may gagawin ka pa." Sabi pa ng dalaga "No! Ako na lang ang aalis, pakiramdam ko inaantok na din ako at medyo lasing na." "Okey." Nagsimulang humakbang si Cassiv at ganun din si Tamilla. Mas nakaramdam pa ng kakaiba si Cassiv ng aksidenteng nagkasagi ang mga balat nila. Tila uminit ang buong katawan ng lalaki. Saglit syang napatigil, hindi niya alam ang nangyayari sa kanya na hindi nya mapigilan. "Tamilla." Lumingon ang dalaga sa kanya. Matagal bago muling nagsalita si Cassiv. Sa halip na sa mata ang tingin nito at tinignan nya ang dalaga mula ulo Hanggang paa. Nahalata iyon ni Tamilla kaya palihim syang napangiti. Lalapit pa sana sya ng magsalita si Cassiv. "Don't forget to lock the door and turn off the light when you leave." Sabi nito at mabilis na sinara ang pinto. Kahit hindi sabihin, alam ni Tamilla ang nasa isip ng lalaki. At para sa kanya mas mabuti ang ganung nangyayari. Napatingin sya sa sariling katawan at ngumiti ng parang nakakatakot na may balak. Hangos na isinara ni Cassiv ang pinto at napasandal pa ito saglit. Sinampal nya ng marahan ang pisngi niya para matauhan sa ginagawa niya. Napansin nyang tulog na si Cataleya kaya marahan niyang hinakbang ang mga paa para humiga na din sa tabi nito. Pinaharap nya sa kanya si Cat at parang santong nagsisi agad sa kasalanan si Cassiv ng makita ang maamo at inosenteng mukha ng asawa. Niyakap niya ito ng mahigpit at tanging sya at sarili lang nya ang nakakaalam kung anung kasalanan ang pinagsisihan niya. KINABUKASAN.... Kagagaling lang maglinis ni Tamilla sa labas ng garahe ng sunduin sya ni Hassan. "Gusto ka makausap ng chairman." "Ha? Bakit daw?" "Hindi ko alam, pumunta ka muna saglit sa opisina nya." Sumunod naman si Tamilla kay Hassan, at ng makarating sa may labas ng pinto ay pinagbuksan ito ng binata. Nakadungaw sa may babasaging bintana ang matanda habang ang mga kamay nito ay nakalagay sa likod. Yumukod si Tamilla at saka bumati. "Ngayon lang tayo nagkita, iha. Katulad ng mga sinasabi nila, may pagkakahawig nga kayo ni Cataleya." puri nito. "Ah hehe hindi naman po Mr. chairman. Pu-pwede ko po ba malaman kung bakit nyo ako gusto makausap?" "Alam kong may in-offer sayong malaking pabor sina Samira at Darius, at Hindi maitatago sa akin ang bagay na iyon. Gusto kong wag mong gawin ang pinapagawa nila. Hindi sa ayaw ko sa plano ni Samira kundi ayaw kong madungisan ang pangalan na matagal kong iningatan. Hindi naman siguro mahirap ang hinihinling ko iha, tama ba?" Sabay ngiti pa nito ng humarap. Natamimi si Tamilla, hindi nya alam ang sasabihin. Parang nakaramdam pa ito ng inis sa sinabi ng matanda. Iyon na nga lang sana ang isang paraan para mas maging malapit sya kay Cassiv na matagal niyang plinano magiging bulilyaso pa. "Iha." tawag ng matanda dahil tulala si Tamilla. "Ah pasensya na po Mr. Chairman. Gagawin ko po ang sinabi nyo." "Alam kong hindi mo ako bibiguin. Salamat sayo. Sige, makakaalis kana." Nang makalabas si Tamilla sa kwarto at muli pa itong lumingon. Naiinis sya sa matanda ngunit wala syang nagawa. Pero, sa isip niya itutuloy nya pa din ang plano dahil wala na itong magagawa pa kung sakaling mabuntis sya. Padabog itong lumabas ng mansyon, at sa di kalayuan nakita niya si Cataleya na abala sa pagdidilig ng mga imported nitong mga bulaklak. "Nandito ka pala. Bakit dito mo sila tinanim, masyadong malayo sa mansyon." Wika ng dalaga. "Andyan ka pala. Ah ito ba? Mas maganda kasi ang lupa dito, mas mabilis silang lumaki. Ang gaganda nila hindi ba?" Sabi ni Cataleya. Pilit lang na ngumiti si Tamilla. "Ahm, cat." "Anu Yun?" "Hindi naman sa nanghihimasok ako ah, diba kasal na kayo ni Cassiv at Hanggang ngayon wala pa din kayoang anak. Hindi ba nalulungkot si Cassiv?" Napahinto si Cat sa ginagawa at hianrap ang pinsan. "Bakit mo naman biglang nasabi yan? Oo naman, kahit ako nalulungkot pero alam ko magakakanak kami. Nararamdaman ko yun." "Hindi ba parang umaasa ka naman sa wala." Nasambit pa ng dalaga na ikinagulat ni Cat. "ha? Anu bang sinasabi mo?" Nangingiting tanung nito. "Alam mo kung ako sayo, total wala naman kayong problema kung financial lang dahil marami kayo nun bakit kaya Hindi ka pumunta muna ng US at maghanap dun ng pwede magdala ng baby nyo or kaya magpatest ka na pwedeng makatulong sa pagbubuntis mo." Pahayag ni Tamilla . "Kung ako lang ang asawa ni Cassiv , hinding hindi ko hahayaan na magiging malungkot sya na pakiramdam nya nabigo sya." Habol pa nito. Napataas ang isang kilay ni Cataleya, sa isip baka concern lang talaga ang pinsan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD