CHAPTER 10

1464 Words
"Alam mo, napapansin ko sayo na parang mas nag-aalala ka pa kay Cassiv sa halip na sa akin, wag kang mag-alala. Ako na nag bahala dun, ako ang asawa nya at ako ang nakakaalam ng lahat." Sabay ngiti nito. "Pasok na tayo sa loob, tapos na din naman ako dito." Tumalikod sa pinsan at nagsimulang lumakad. Hindi agad sumunod si Tamilla sa pinsan sa halip ay nagpaiwan ito. Sinipa pa niyang palihim ang mga halaman ni Cataleya sa inis. ----------- "Hindi ako makapaniwala na pati ang pagdesisyon ko para sa anak ko ay pinapangunahan nyo na." Reklamo ni Samira sa chairman. "Hindi din ako makapaniwala na magagawa mo ang ganitong bagay sa anak mo! Talagang kahit ako sinusuway mo na, oras na malaman ito ng pamilya Diaz magkakagulo ang lahat. Tandaan mo 'yan!" "Bakit ba mas kinakampihan nyo pa ang babaeng yun kesa saken na tunay mong anak?!" "Lagi ako sa tabi nyo nakasupurta kung Tama ang mga ginagawa nyo, at sa pagkakataong ito mali ang ginagawa mo." Sabi mg matanda at tumalikod. "Papasukin mo si Cassiv, gusto ko sya makausap." Padabog na umalis si Samira at napatingin nalang sa pinto Ang matanda dahil napalakas ang pagsara ni Samira rito. Ilang saglit pa ay pumasok si Cassiv at mabilis na yumukod sa lolo nito. "Grandpa." "Maupo ka iho." "Gusto nyo daw ako makausap?" "Kamusta na Ang asawa mo?" "Ah she's good grandpa. Why? Is there a problem?" "Nabalitaan ko ang mga pinaplano ng mommy mo, hinihingi ako ng pasensya dahil nagawa nya iyon." Napayuko si Cassiv. "No grandpa, it's also my fault. Don't worry, we already talked about it. "Alam ba ni Cataleya ang tungkol dito?Naawa ako sa asawa mo, umiikot sya dito sa bahay na hindi nya alam na may binabalak na palang hindi maganda sa kanya." "She didn't know about it. "Mabuti kung ganun, alagaan mo ang asawa mo Cassiv. Wala namang magbabago kung hindi kayo magkaanak ni Cataleya, apo pa din kita at makukuha mo pa din ang para sayo." Sabi ng matanda. Tumango-tango si Cassiv. Hinagod pa ng matanda ang likuran niya at saka muling bumalik sa kinauupuan nya. Isang gabi, hindi mapakali si Cataleya sa kwarto nito. Panay din ang tawag niya sa cellphone ngunit hindi pa din nya makontak si Tamilla. "Wala po sya sa buong bahay, senyorita. Pero saka ko lang nalaman na umalis sya, sinabi saken ni Esther nakita daw nyang umalis ito." "Ganun po ba? San kaya sya nagpunta? Kapag umaalis naman sya nagsasabi muna sya saken." "Senyorita, sa tingin ko po gusto lang mag-aliw ni mam Tamilla. Nasa hustong edad na din naman po sya at hindi na bata." "Kung sa bagay po, nga po pala Manang. Kumain na ba kayo?" "Ah kanina po Kumain na ako. May gusto po ba kayo ipaluto?" "Wala naman po, si Cassiv po ba dumating na?" Umiling-iling ang matanda. "Sige Manang, magpahinga na po kayo. Salamat po." Lumipas na ang dalawang oras at kalagitnaan na ng gabi, nagising siya at namalayan na wala pa din si Tamilla. Nag-aalala sya sa pinsan dahil iyon ang unang beses na umalis ito at hindi nagpaalam sa kanya. Nadatnan sya ni Cassiv na nakatayo, hawak ang cellphone nya. Nilapitan agad sya ng asawa dahil agad itong nag-aalala. "Honey, why are you still awake? I'm sorry late na ako nakauwi." Niyakap nila ang isa't isa at hinagkan ni Cassiv sa noo ang asawa. "May problema ba?" "W-wala naman, ang kaso si Tamilla kasi." "Why? What's wrong with her?" "Hindi pa kasi sya umuwi. May tumawag saken kanina, phone niya ang gamit. Lasing na lasing daw si Tamilla sa isang bar. Nag-aalala ako hon baka may mangyaring hindi maganda sa kanya." "Shhhh! Don't worry, tatawag ako sa pwedeng I grab sya na taxi pauwi dito, don't worry about her." "Alam mo naman na wala akong tiwala sa mga ganun. Bakit hindi nalang ikaw ang sumundo?" Napatingin si Cassiv sa asawa. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon. "Please honey, wala si Hassan umalis sila Kasama ang chairman. Ayoko Naman abalahin yung mga guards." Parang nagsusumamomg pakiusap nito. Matagal bago nakasagot si Cassiv. Kalahati ng katawan nya ay tumatanggi ngunit hindi niya maintindihan na kalahati din ng katawan niya ay parang gusto nyang sunduin si Tamilla. Pinuntahan nya ang bar na sinabi ni Cataleya, sikat ito at maraming tao ang pumupunta. Alam nyang hindi niya makikita agad si Milla. Sinubukan nya muna itong tawagan ng makarating sya sa nasabing lugar. Madaling araw na pero ang dami pa ding mga nagpapasukang mga customers sa loob ng bar. Lingid sa kaalaman ng lahat kung bakit naglasng si Tamilla ay nasira ang mga pinaplano niya. Mas lalo syang nanggilaiti kay Cataleya ng malaman na Hindi matutuloy ang test na gagawin sa kanila. Papasok na sana nya ng mapansin ang grupo ng tatlong lalaki na pinapalibutan ang isang babae. Lasing na lasing ito at pilit na kinukuha ng tatlo para isakay sa kotse. Tutulungan sana niya ang babae at nagulat sya ng makilalang si Tamilla iyon. Mabilis niyang kinuha ang dalaga at sinakay sa kanyang SUV. sinundan sila ng tatlo at kinalabit sya. "Hey, Mr! Hindi naman ata Tama Yung ginawa nyo! Bigla nyo nalang kinuha Yung babae samen." "Sino ka ba? Kilala ka ba nya?!" "Baka syota nya! Kung oo pasensya na, sya naman itong lapit ng lapit samen kahit kanina pa sa loob. Masyadong malikot ang kamay ng sy*ta mo pre." Sunod-sunod na banat Ng tatlo. "She's not my girlfriend. umuwi na kayo habang mabait pa ako." "Pare!" Hinawakan sa damit si Cassiv ng isa sa mga ito. "Get off your filthy hand out of my shirt now!" Pambabanta nya. Pinagtawanan lang sya nito at sumipol pa ang isa. Papatulan na sana nya ng dumating ang mga nagrorondang officer sa lugar, ang tatlo na ang umiwas at nagtatakbo palayo. Pagpasok ni Cassiv sa sasakyan, amoy na amoy nya ang alak kay tamilla. Natutulog ito at may binubulong bulong. Bahagyang lumapit ng konti si Cassiv sa dalaga para itakid ang seatbelt nito, napalunok pa sya ng laway ng makita ang naglalakihang cleavage na naman ng dalaga. Parang may kung anung magnet ang napatigil sa kanya at pinagmasdan ang dalaga. Naisip nya Bigla si Cataleya kaya umayos sya ng pagkakaupo. Nang tignan niya muli si Tamilla, nakangiti at nakatingin ng diritso sa kanya. "Sa-salamat at sinundo mo ako. Hindi ko- hindi ko inaasahan na gagawin mo-mo ito." Utal nitong sabi. "Hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar lalo na kapag mag-isa k----" natigil si Cassiv dahil nararamdaman niya ang kamay ng dalaga na gumagapang sa hita niya. Parang may kong anung boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanya, palapit ang dalaga sa kanya na alam niyang dahil iyon sa subrang kalasingan. "Why? Iniisip mo pa din ba na lasing ako? Kahit lasing ako alam ko ang ginagawa ko, at hindi na ako bata para ituring mong nakababatang kapatid." Mas nagulat pa si Cassiv ng sabihin iyon ni Tamilla. "M-milla, wh-what are you ----" biglang pinigilan sya ng dalaga magsalita, hinahawakan nito ang kanyang labi na para bang inaakit. Mas nakaramdam pa ng init si Cassiv ng tanggalin ng dalaga ang seatbelt niya at inalis ng dalaga ang jacket niya. Strapless na mini dress ang suot nito, alam niyang sinasadya ng dalaga na gawin ang ganung bagay, bagay na alam niyang nagpapahina sa pagiging lalaki niya. "You know what, Cassiv." Sabi Ng dalaga habang hinahaplos Ang malambot niyang pisngi. "I-i really---" Hindi na kayang pigilan ni Cassiv ang sarili nya, papatulan na sana niya ang dalaga ng bigla niyang nakita ang picture nila ni Cataleya na nakadisplay sa unahan. Napapikit sya at mabilis na hinawakan ang kamay ni Tamilla. "Please, stop doing this! Come to your senses, Tamilla. I'm your ate's husband!" "Wala naman akong ginagawa ah." Sabi pa ng dalagang nangingiti. "Wh-what??!" Natatawang muling sinuot ng dalaga ang jacket nya saka humarap sa may bintana at pumikit. Muling napalunok si Cassiv at sinumulang paandarin ang sasakyan. Pagdating sa mansyon, sinadya nyang Hindi alalahan si Tamilla dahil parang maayos pa naman ang lagay nito. Tinitignan lang ito ni Cassiv habang paakyat sa ilang palapag na hagdan. Hindi nya maitatanggi na namamangha sya sa ganda ng katawan ng dalaga, Hindi niya inaasahan na magiging ganap itong dalaga dahil ng makilala niya ito ay animoy matikas na daig pa ang lalaki. Malaki ang hinahanap ni Tamilla kumpara kay Cataleya, pero parehas na parehas sila ng hubog ng katawan ni Cat. Ngunit katulad ng mga karamihang lalaki, natutukso din sya kahit anung pilit niyang pag-iwas. Akala niya ay tulog na ang kanyang asawa ngunit nagulat sya na gising pa ito at hinihintay siya. "Kasama mo na ba sya?" "Yeah, dapat natulog kana honey. Hindi ko naman pababayaan ang pinsan mo." "Thank you hon, wag kang mag-alala hindi na mauulit ito. Naabala ka pa tuloy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD