"Mabuti kung ganun. At ikaw naman Samira anung binabalak mong gawin sa apo at manugang ko?! Galit na sabi ng matanda. Nagulat ang mag-asawa na nalaman agad iyon ng chairman.
"Ah...Pa-paano nyo---"
"Baka nakakalimutan mong nasa sarili kitang pamamahay, lahat ng lihim o impormasyon na meron dito sa bahay ay alam ko at nakakarating saken. Anung iisipin ng mga tao kapag lumabas ito sa media, magiging katawatawa ang pamilya natin. Sa tingin mo kapag nalaman ito ng mga magulang ni Cataleya, malaki ang mawawala satin! Tandaan mo yan!"
"Chairman, ang gagawin ko ay para sa magiging apo nyo. Hindi .aibigay ni Cataleya kay Cassiv ang anak na gusto nyo....wala namang nakakaalam!" Pagkukumbinsi pa nito.
Napahampas sa lamesa ang matanda at galit na sinigawan si Samira.
"Nasisiraan kana ng bait! Paano mo nagagawa na sabihin yan sa harap ko at sa anak mo! Tuturuan mo pang magtaksil ang sarili mo anak! Wala kang kahihiyan!"
"Pa!!!"
"Darius, ilayo mo na saken ang asawa mo! Kapag hindi ka tumigil sa plano mo! Malaya kayong makakaalis sa pamamahay ko!" Dagdag pa nito.
Hangos na napaupo ang matanda at pilit naman na nilalayo ni Darius si Samira rito.
-------
"Bilis tawagin mo na!!" Bulyaw nito sa isang katulong. Nanginginig naman ang mga tuhod nitong tumakbo palabas ng kwarto ng senyora.
Ilang sandali nga ay pumasok si Cataleya na nakangiti pa.
"Ma, tawag nyo daw ako."
"Hah! Masaya ka ata at nakangiti ka pa!" Basag ni Samira. "Oh gusto mo ba na magkaank kayo ni Cassiv, ayoko ng paligoy-ligoy."
Natatawang sumagot si Cat. "Ma, a-anung klaseng tanung naman po yan?"
"Oo o hindi lang ang isasagot mo dahil kung oo sa ayaw at sa gusto mo, magsasagawa tayo ng test sa Inyo ni Cassiv." Nakatalikod na sabi nito.
"Ma, a-anu pong ibig nyong sabihin?" Tanung nitong naglaho ang masayang ngiti sa labi.
"Samira, tumigil kana!" Pabulong ni Darius.
"Meron na akong nakausap na magpepresentang magdadala ng baby nyo, wag mo ng isipin ang magiging bayad ako na ang bahala dun. Bukas na bukas din aalis tayo para ipacheck ka. Magkakaanak kayo ni Cassiv kaso hindi ikaw ang magbubuntis, wag kang mag alala. May contract yun at pagkapanganak wala na syang pakialam pa sa bata." Mahabang paliwanag nito
Halos mapaluhod si Cataleya sa mga sinabi ng biyenan nya, nanghihina ang tuhod maging ang katawan nya.
"Ma, a-a-alam ba ito ni-ni Cassiv?" Nauutal at nanginginig niyang tanung.
"Don't worry about him, I can convince my son about it. Sige na lumabas kana, at nga pala, gawan mo ako ng juice. Wag kang sumama ang loob saken dahil tinutulungan ko lang kayo. Umaasa akong hindi mo lalagyan ng lason ang juice na gagawin mo." Umupo ito matapos sabihin kay Cat.
Tuluyang nanghina si Cataleya at natumba sya ng magsimulang humakbang. Inalalayan siya ni Darius at nakitang pinupunasan ang mga luha nito. Ngumiti lang si cat sa ama at lumabas ng kwarto.
Hindi magawang ma-kontrol o pigilan ni Darius si Samira sa mga ginagawa nito. Dahil umaasa syang kung mangyari na magkaanak nga sila Cat at Cassiv ay magbabago na ito.
Sinadya nyang hanapin si Cataleya para makausap tungkol sa nangyayari, nadatnan nya itong nasa kusina at nagtitimpla ng juice ni Samira. Nilapitan niya ang manugang na noon ay palihim palang umiiyak.
"Cat, anak?"
"Pa." Mabilis na pahid nito sa luha. Patapos na po ito. Sandali nalang."
"Ah ako na ang nagbibigay nyan sa kanya, magpahinga ka sa kwarto mo. Yung tungkol pala sa mga sinabi ng mama mo, ako ang hinihingi ng patawad. Alam ko nasasaktan ka sa mga ginagawa nya." Sambit nito.
Hindi umimik sa Cat. Maging sya hindi makapaniwala na kayang gawin iyon ng biyenan nya.
"Intindihin mo sana sya, alam ko mahirap pero yun ang hiling ko. At sana, hindi na ito makarating pa sa mga parents mo." Dagdag pa nito.
"Ang totoo po hindi ko maintindihan si mama, pero wag po kayo mag-alala pa. Hindi naman na ako bata para magsumbong pa sa kanila."
"Sigeee." At hinagod ang likod nito at umalis. Nakatingin lang si Cat sa direksyon ng papa nya, nagtanung at napapaisip na bakit biglang nagbago ang lahat?
Pumasok sya ng kwarto, naupo sa kama at tulala. Nang biglang pumasok ang asawa nya, mabilis nyang pinahid ang nangingilid na mga luha at ayaw nya Makita sya ni Cassiv na ganun.
"Hon? San ka galing?"
"May pinuntahan lang ako honey, kumain kana ba?" Habang hinuhubad nito ang jacket at saka umupo sa tabi ng asawa.
"H-hindi pa. Hinihintay kasi kita." Ngiti nito.
"Hinihintay mo talaga ako, halika kakain tayo sa baba." Tumayo ito na hawak ang kamay ng asawa ngunit natigil sya dahil hindi tumatayo si Cataleya. Mabilis ulit itong naupo.
"What's wrong? May nangyari ba?" Pag-aalala nito.
Umiling-iling lang si Cat at diritso ang tingin sa asawa.
"I-im sorry hon, hindi ko alam kung mabibigyan kita ng anak. Alam ko umaasa ka pa din pero---"
"Shhhh! Don't say anything. May sinabi ba si mom about pregnancy? Tell me."
"Wala naman.....baka kasi.."
"Cat, remember this magkakaanak tayo. Alam ko mabubuntis ka, at kung may sinasabi man si mom about it. Just ignore her! She's nothing to do about it. Trust me." At niyakap niya ng mahigpit ang asawa. "Nakalimutan mo ba, first wedding anniversary natin bukas. Baka may gusto ka imbitahan, gusto mo ba lumabas tayo ngayon para makarelax ka." Dagdag pa ni Cassiv.
"Oo nga nakalimutan ko. Hindi na, bukas nalang siguro."
"No matter what happen, I will always here besides you. Pinangako ko sayo na hindi kita pababayaan Cat, walang makakasakit Sayo even if it is mom and dad or even grandpa, as long as nandito ako. Walang makakapanakit sayo." Saad nito sa asawa na parang mas binuhayan ng loob si Cat.
-------
"Anung ginagawa mo dito?"
"Alam mo ba? Lahat ng plano ko unti-unti ng nangyayari. Kaya ikaw, wag kang masyadong madaldal kung ayaw mong mawala akong tuluyan sayo. Gawin mo lang ang trabaho mo at gagawin ko din ang saken."
"Basta tupadin mo ang pangako mo, kung makuha mo man sya tandaan mo plano lang ang lahat. Wag mong seryosohin na angkinin sya!"
"Oo na! Big time tayong dalawa kapag nagkataon, at heto pa ah wag mo akong pakialaman. Gagawin ko nalang ang gusto ko."
Iritang umalis ang babae sa tagong lugar, nagpalinga linga pa ito kung may nakakita sa kanila.
---KINABUKASAN---
Lahat ng mga inimbitang malalapit na kaibigan ng mag-asawa ay dumating sa bahay nila para sa celebration ng wedding anniversary nila. Masayang masaya ang mga ito dahil kahit mga kilala at busing mga tao ang mga kaibigan ay pinagbigyna pa din ang imbitasyon nila.
"Happy anniversary to the both of you."
"Thanks Doc, salamat pumunta kayo." Sabi ni Cat.
"Syempre naman. So how are you, okey kana ba?"
"Don't worry Doc subra subra na ang binibigay kong pag-aalaga sa misis ko." Singit ni Cassiv at nakahawak ang kamay sa bewang ni Cat.
"That's good to hear, Cassiv. Basta wala akong ibang hiling kundi magkaroon na kayo ng mga bulilit." Nagtawanan naman ang tatlo.
Habang abala si Cassiv sa pag-aasikaso sa mga bisita nila ay napansin ni Cat na nakatingin at nakangiti si Tamilla sa asawa nya. Ngunit hindi nya binigyan ng kahulugan yun dahil alam nyang natutuwa lang sya kay Cassiv.
"Milla."
"Cat, pasensya na wala akong regalo kasi hindi ko naalala na anniversary nyo pala ngayon." Nakayuko pa nitong sabi.
"Anu ka ba? Hindi ko naman kailangan nun, masaya na ako na kasama ko si Cassiv ngayon. Ah nga pala, anu ang pinag-usapan nyo nila mama nung nakaraan? Wag kang pumasok sa mga kwarto na yun ha, lalong lalo na sa kanila."
Lihim na napatawa si Tamilla.
"Ah wag kang mag-alala. Pinapayagan naman ako ni senyora."
"Ha? Paano nangyari? Ma-mabuti naman kung ganun."
"Napansin ko mas lalong guma-gwapo ni Cassiv ngayon." Sabi pa ni Tamilla.
Napatingin naman si Cat sa pinsan at nagulat sa sinabi nito.
"Kung ako sayo Cat, bigyan mo na sya ng anak habang maaga pa. Mahirap na." Napapangiti pa nitong Sabi. "ah iwan na muna kita, sasamahan ko lang si manang Azita mag-aasikaso sa kusina." At umalis ito.
Nakatingin lang si cat sa pinsan, nagtaka sya na parang nagbago ito. Mas pinagtataka pa nya na madalas nitong purihin si Cassiv na hindi naman nito ginagawa noon.
"Wag ka mag-isip ng ganun, Cat. Normal na may magkacrush sa asawa mo dahil sikat sya at gwapo naman talaga sya." Natatawang sambit nalang ni Cat sa isip niya.
Pagpatak ng dilim ay nagsimula na ang mas pinakahihintay ng lahat. Nagkaroon kasi sila ng party. Habang nagsasayaw ang mga kababaihan sa gitna ay panay naman papansin ang dalawang kaibigan ni Cassiv.
Sa kabilang banda nakatingin lang ang mag-asawang Samira at Darius, ang chairman naman ay may kinakausap na ibang mga batang entrepreneur na kaibigan ng mag-asawa.
Matapos magpasalamat ng mag-asawa at tumanggap ng ilang regalo, nakatayo mag-isa si Cataleya. Pinagmamasdan ang mga bisita ng lumapit si Cassiv at binigyan sya ng wine.
Itim na lace dress ang suot ni Cataleya, maxi dress iyon na kitang kita ang kurba ng katawan niya. Kanina pa din nya napapansin na iba ang tingin sa kanya ni Cassiv na parang nangaakit.
"What?" Natatawang Sabi nito.
Medyo mild ang ilaw, bagay para sa mas romantic. Nilapitan siya ng asawa,at pasimpleng hinaplos ang bewang nito.
"What are you doing?" Bulong nya sa asawa na hindi nagpapahalata sa mga tao. "I think, you'll get pregnant pagtapos ng gabing ito." Bulong nito na nakangisi.
"Mamaya na yan, madami pang tao."
Pigil ni Cat sa asawa, pero natutuwa naman ito sa ginagawa sa kanya. Lumilikot kasi ang kamay ni Cassiv sa katawan niya.
"Hindi na ako makapaghingay, I want to see you naked." Mapang-akit na bulong nito sa asawa. Hagya naman syang tinulak ni Cat, natatawa ito at ganun nalang din sa Cassiv.
"Then wait, after this party's over." Palaban din niyang sabi.
"Uh-huh. Then let's end it" Nakakalokong sagot pa ni Cassiv. Nagtawanan lang ang mag-asawa at mas lalo pang inasar ni Cat ang asawa.