Napailing-Iling si Cassiv at napatayo. Ayaw nyang magkasagutan silang mag-ina dahil pagod na sya.
"Aalis muna ako. Sana kung anu yung pinapakita nyo dati sa kanya, gawin nyo pa din ngayon. Kahit kamustahin nyo man lang sana ang asawa ko." Sabay labas nito.
Kaagad na lumapit si Darius sa asawa na para bang walang pakiramdam.
"Samira! Hindi mo dapat sinasabi sa anak mo ang mga ganung bagay. Asawa nya si Cat, at manugang mo pa din sya. Hindi ka dapat nagsasabi ng ganun. Mas masasaktan si Cassiv sa mga ginagawa mo." Sermon nito.
"Wala naman akong masamang intensyon Darius, gusto ko ng magkaanak sila pero hindi maibigay ni Cat yun." Tumayo ito at lumapit sa asawa. "Anu kaya kung, sa pamamagitan ni Tamilla?" Natutuwa pa nitong suhestyon na ikinagulat naman ng husto ni Darius.
"Anu? Samira, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?!"
"Anung gusto mo? Makipagplastikan ako kay Cat, alam naman nila na gusto ko ng apo! Tigilan mo ako Darius, palibhasa nadadala ka sa kabaitan ng babaeng iyon!" Sabay ismid nito ay diritso sa kama.
"Hindi ko na alam kung anung nangyayari sa iyo." Pagkasabi nun ay lumabas din ng kwarto si Darius.
Saktong paglabas sa kwarto ni Cataleya ay nakita ni manang Azita na nagmamadaling lumabas ng mansyon si Cassiv gamit ang sasakyang regalo ng lolo nito.
Nang makarating sya sa tagpuan na sinabi ni Farrell ay sinalubong agad sya ng dalawa at mabilis na inakbayan.
"Hey, what's wrong? Ngayon ka lang ulit Namin nakasama at umiinom ka pa." Gulat na saad ni Farrell.
"Nothing. You're right, nakakamiss Pala Yung ganito Lalo na kapag business at family na Ang priorities mo."
"Hoho! So anung problema? Kamusta Pala si cat, meron na ba?"
Umiling-iling si Cassiv.
"Hina mo Naman brod!" Pang-aasar pa ni Thadeus.
"Hi boys, pwede ba kami makijoin sa Inyo?" Tanung ng isang babaeng may Kasama pang dalawa Ng makalapit ito sa kanila. Natigil sa pagsasalita si Thadeus at parang sinilihan Ang pwet na Hindi mapakali.
"Ohhh yeah su---" Hindi natuloy na sasabihin nito ng biglang tumanggi si Cassiv.
"I'm sorry. Sa iba nalang kayo." Sabi pa nito sabay lagok Ng alak.
"Hey! What did you do?" Farrell. "Kahit Ngayon lang sana makalimutan mo yang mga problema mo." Dagdag pa nito.
Nagtawanan nalang ang tatlo, dahil sa huli parang nagsisi pa si cassiv at naguilty ito sa mga kaibigan nya.
Ilang oras na Ang nakalipas nakatulog na si Farrell sa bangko, Hindi naman agad-agad nalalasing si Cassiv kahit pa madami syang nainom.
"You know what, what if magpa IVF si Cat, malay mo makatulong sa kanya ang process na 'yun. May kakilala ako sa US, kaya ko kayo ipa consult sa kanya." Suhestyon ni Thadeus habang nasa katahimikan sila.
[IVF(In Vitro Fertilization) - is the joining of a woman's egg and a man's sperm in a laboratory dish. In vitro means outside the body. Fertilization means the sperm has attached to and entered the egg] - google 📌
Napatingin sa knaya si Cassiv at inilapag Ang baso na hawak nya.
"Thanks for that, I appreciate it pero Hindi ako papayag sa ganun. Ayoko Naman nakaramdam ng symptoms o kahit anung side effects si cat dahil sa mga gamot. Mas mahihirapan sya, at saka hindi din Namin alam kung magsusucess Yun! Mas maganda pa din kung natural Yung gagawin namin." Mahabang paliwanag nito na Hindi na tinutulan pa ni Thadeus at natahimik nalang.
"But still, think about it."
Napatingin lang sya sa kaibigan at muling uminom ng alak.
"Ingat kayo." Sabi ni Cassiv sa mga kaibigan Ng maipasok nila sa loob ng sasakyan ni Thaddeus si Farrell. Tulog na tulog ito. Kasunod nun pumasok na din si Thadeus at binuksan Ang bintana Ng kotse nito.
"We'll go ahead."
Tumango si Cassiv at ngunit sa kaibigan. Hinihintay muna nito na makalayo Ang sasakyan Bago sya umalis at umuwi sa bahay.
Nadatnan niyang tulog na tulog si Cat, kinuha nya ang kumot na nalaglag na sa ilalim Ng kama at itinabon iyon sa katawan Ng asawa.
Pinagmamasdan nito ang maganda at maamong Mukha Ng asawa nya, Ng Bigla itong nagising.
"Honey?"
Ngumiti si Cassiv. "Shhhh, magpahinga ka lang. I'm here." Sabi nito habang hawak-hawak Ang kamay ng asawa. Ngumiti lang din si Cataleya at muling ipinikit Ang mga mata.
Hindi mawala sa isip ni Cassiv ang sinabi ni Thadeus. Matagal na din nya itong naiisip pero nag-aalala sya na baka hindi maging matagumpay. Ayaw Naman din nyang mas masaktan si Cataleya kaya hindi nya binabanggit ang bagay na iyon sa asawa nya. Kahit hindi ito magsabi sa kanya at laging nakangiti na animoy walang problema alam nyang nahihirapan na din ito sa sitwasyon nya.
------------]]
"Talaga po?" Masayang bulalas ni Tamilla ng marinig ang sinabi ni Samira. Hindi na umiimik si Darius kahit pa alam nyang mali Ang mga ginagawa ng asawa nito.
"Pero...paano po si Cat at saka baka Hindi pumayag si Cassiv."
"Don't worry about it. Ako na ang bahala dun. Ang gawin mo lang wag kang magpapakapagod hanggang sa dumating yung araw ng schedule mo. Okey ba?"
"Sige po." Natutuwang sagot ni tamilla.
Pa de kwatrong umupo si Samira at naghalukipkip. "Mabuti ka pa madaling pakiusapan, Hindi kagaya ni Cataleya. Magiging madali lang ang lahat, iha. I inject lang nila sayo ang both eggs nila para mag fertilize, kaya dapat maging malusog ka."
Tumango tango si Tamilla at double ang kasiyahan nito. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at pumasok si Cataleya, may dala itong juice.
"Oh Tamilla, nag-usap kayo ni mama?" Gulat na tanung nito.
"Ah o-oo may pinapagawa lang ako sa kanya. Sige na iha, patatawagin nalang ulit kita kapag may iuutos ako."
Nakangiting yumukod si Tamilla sa senyora, ngunit parang hindi man lang nito nakita si Cataleya na kahit pagbati ay hindi nito ginawa.
"Heto na pala yung juice nyo ma."
Kinuha iyon ni Samira at ininom ngunit mabilis din na ibinuga.
"Anu ba naman to!!! Juice lang Hindi mo pa magawa ng tama! Ilang galong tubig ba ang nilagay mo dito?!" Bulyaw nito.
"Anu ka ba naman Samira! Hindi mo kailangang sigawan ang manugang mo ng ganyan." Ani Darius.
"Sorry. Sorry ma!"
Mabilis na inabutan ni Cataleya ng tissue ang mama niya, pinupunasan niya ang nabasa nitong slack ngunit mabilis na hinawi ni Samira ang kamay nya at inagaw ang tissue.
"Lumabas kana! At dalhin mo na ang walang lasang juice na 'yan!" Pasigaw pa nito.
"Ako na ang bahala dito iha, Sige na lumabas kana muna." Sabi ni Darius.
Lumingon pa si Cataleya bago lumabas ng pinto. Magmula ng ikinasal sila ni Cassiv ay biglang nagbago ang pakikitungo nito sa kanya, mas lumala pa iyon ng malaman nitong hindi pa sya nabubuntis. Masakit para sa kanya ang ginagawa nito ngunit dahil ayaw nyang magkaroon sila ng problema ni Samira tinitiis nya ang ginagawa nito na parang hindi sya nasasaktan, na parang walang nangyayari. Hindi nya pinapaalam sa mga magulang nya dahil iniisip nyang normal na magkaroon ng ganung klaseng mother in law. Ang tanging pinagpapasalamat nalang ni Cat ay kahit na ganun ang nangyayari, hindi kinakampihan ni Cassiv ang ina nya sa halip kinakalaban nya pa ito. Bagay na subrang nagpapalakas nalang ng loob kay Cataleya dahil alam nyang hindi sya pababayaan ng asawa nya.
Halos hindi makapaniwala si Cassiv ng marinig ang sinabi ng Ina niya.
"Samira, tigilan mo na ito. Kapag nalaman ito ng chairman mananagot ka pati ako at ganun din ang anak mo." Tutol ni Darius.
"Ma! What's wrong with you?"
Lumapit ang ina niya sa knaya.
"Cassiv, iho pumayag maman na si Tamilla. Walang problema sa kanya. Next week na gagawin ang test, ako ang kakausap kay Cataleya kung sya ang inaalala mo."
"Ma..." Napahawak sa ulo si Cassiv.
"Please! Stop this bulls**t! Kami ang makakasolve ng problema namin. Nahihirapan na si Cat, and do you really think that I'm that st***p para hindi ko makita at mapansin ang mga ginagawa nyo sa kanya?" Singhal ni Cassiv.
"Mygod iho! Kita mo naman lahat ng test results nya at alam mong may problema sa asawa mo! Ang saken lang, tinutulungan ko kayo ibang babae nga lang ang magdadala ng anak nyo na hindi kayang gawin ng asawa mo!" Singhal din nito.
"Then I don't need your help ma, I'm sorry. Im done with this! Wag na wag nyo itong sasabihin kay Cat, dahil kapag nalaman nya hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko. Magkakaanak kami ni Cat ma, at....at saka leave Tamilla alone! Stop using that innocent girl!" Padabog na lumabas ng kwarto si Cassiv.
Napaupo lang si Darius at hinabol pa ni Samira si Cassiv ngunit mabilis itong nakalabas.
"Cassiv! Cassiv bumalik ka! Anak!" Sigaw pa nito.
Napahawak sa bewang si Samira at uminom ng malamig na tubig. Parang hinihingal itong inilapag Ang baso sa lamesa. Mas lalo itong nanggalaiti sa Galit.
"Anu????"
"Yes Mr. Chairman."
Tumayo ang chairman at naglakad malapit sa bintana.
"Papuntahin mo sina Samira at Darius dito sa opisina ko. Ngayon na!"
Yumukod si Hassan at agad na lumabas.
Maya-maya pa ay nadatnan ng mag-asawa na nakaupo ang chairman habang nagbabasa ito.
"Maupo kayong dalawa." Sabi pa nito kahit hindi pa sya nakatingin sa dalawa.
"May kailangan po ba kayo?"
"Kamusta ang pinapagawa ko Sayo Darius?"
"Maayos na ang lahat chairman. Wala na kayong dapat alalahanin, pumayag ang mga smith sa proposal natin."