CHAPTER 6

1624 Words
Sa patuloy na paghahanap nya sa asawa ay napadpad sya sa kusina. Nakita nyang nakatayo doon si Cataleya at nag-aasikaso. Mahigpit niyang bilin kay Cataleya na pagdating sa mga pagluluto o kahit anung konektado sa mga gawaing bahay ay wag na wag syang gumawa. Katwiran nito na marami naman silang pwede maasahan sa mga bagay na iyon kaya ng makita nya ang asawa ay madali itong lumapit at mabilis na ibinaba ni Cassiv ang bitbit niyang bouquet, mas lalo pa itong nagulat ng makitang tambak ang mga ibat ibang gulay na nakapatong sa mesa. "Honey! Wh-what are you doing here?" "Hon!!!" Salubong nito sa asawa at mabilis na niyakap. "Hindi mo sinabi na dadating ka, sana naghanda ako. Hindi kana namasyal?" "No. Honey, sabi ko diba wag kang magkikilos dito sa bahay. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sana inutos mo nalang kay Manang Azita o kaya sa ibang maids, besides nandyan naman si Tamilla." Pag-aalala nito. "Hon, okey lang ako. Balak ko kasi magluto ng ulam ngayon, tamang-tama at dumating ka pa." "Don't tell me ikaw pa ang namili ng mga 'yan?" Medyo ngumisi at napayuko si Cataleya, dahilan ng mas pagbilog ng mga mata ni Cassiv. "I'm so---" Hindi natapos na sasabihin ng Cataleya ng bigla itong matumba at nawalan ng malay. Rinig pa niya ang pagsisisgaw ng mga tao sa mansyon at maging ang nag-aalalang boses ng asawa niya bago siya isakay sa sasakyan at saka tuluyang ipinikit ang mga mata. "How is she? Is that a sign?" Masigla pang tanung ni Cassiv sa doctor. Ang masayang mukha nito ay napalitan ng lungkot ng umiling-iling ang doctor sa harap niya. "But don't worry, there's nothing wrong with Cat, niresitahan ko na din sya ng ilang vitamins. At bawal sa kanya ang subrang mapagod. Pwede yun maging isa sa mga reasons kung bakit hirap sya magbuntis. This time, sana mag-ingat na sya." Paliwanag ng kaibigan ng mag-asawa na si Doc. Perez, isang OB-gynecologist. Malungkot ang mga matang nakahawak sa mga kamay ni Cataleya si Cassiv. Isang taon na din ng maikasal sila ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din sila nagkakaanak. Maraming beses na silang sumubok ngunit bigo sila. Akala nila ay madali lang ito ngunit iyon ang isa sa ponakamahirap na sitwasyon na kinakaharap nila bilang mag-asawa. Ipinaliwanag na din ng Ob-gyne ni Cat, ang mga dapat gawin at hindi dapat gawin kay Cassiv. Ilang sandali pa ay nagising si Cataleya. Napangiti siyang nakitang nakahawak sa kamay niya ang asawa nya na nakangiti din sa kanya. Inaalalayan sya nito na umupo. "Anung nangyari?" Tanung pa nito. "Nawalan ka ng malay, hon. At first I thought that it was a sign, but still we failed." Malungkot na saad nito. "Hon, pwede pa naman nating subukan. Wag muna tayo sumuko, naiintindihan kita. Pero magpakatatag lang tayo, ibibigay din satin ang hinihinling natin. Kailangan lang nating ang maghintay at magtyaga, okey." Magiliw na sabi nito sa asawa na hinaplos ang kanang pisngi. Tumango-tango lang si Cassiv habang patuloy na hinaplos ang pisngi ng asawa. Ilang sandali pa ay dumating ang OB nito at ibinigay ang ilang mga vitamins na maaring makatulog sa pagbubtis ni Cataleya. Pinayuhan na din nito ang mag-asawa sa mga hindi dapat gawin ni Cataleya. Matapos nun ay umuwi na sila sa mansyon at para mas makapagpahinga na si Cataleya ng maayos. Nang makauwi ang mga ito ay agad na pinatawag ni Cassiv ang lahat ng mga kasama nila sa bahay maging ang personal maid ni Cataleya na si manang Azita. Iyon ang unang beses na gumawa ng ganung pagpapatawag si Cassiv para sa mga katulong, nag-ipon-ipon ang lahat ng mga ito sa living area habang hinihintay na makababa ang senyorito nila. Nakapila ang mga ito habang papalapit sa kanila si Cassiv, pawang mga nakayuko at walang kibo. "Do you have any idea kung bakit pinatawag ko kayo?" Tanung nito. "This is the first time na ginawa ko ito at ito din ang unang beses na pagsasabihan ko kayo, am I right?" Sabay-sabay naman na sumagot ang mga ito. "Maybe all of you are aware that my wife has been hospitalized again and again, dahil yun sa kapabayaan nyo. Ikaw, Darya, ikaw ang naka-aasign sa pamamalengke hindi ba? Pero bakit kanina, si Cataleya ang gumawa nun? At sa mga araw na wala pala ako dito sa bahay, sya ang kumikilos Dito at wag nyo ng ipagkaila saken yun because I already checked the security cameras!" Medyo pabulyaw nito sa lahat. Napahawak sa ulo si Cassiv at maging sya ay hindi na din mapakali, hindi niya inaasahan na ganun ang mangyayari pag-uwi nya galing Japan. "Okey! Ayoko na maulit pa ito, huwag nyong abusuhin ang senyorita nyo hindi porket mabait sya. Tandaan nyo! Sya pa din ang amo nyo kahit pa ang tingin niya sa Inyo ay kapantay lang nya! Is that clear?!" Sabay-sabay muli na sumagot ang mga ito, at agad na pinablik sa mga kanya kanyang trabaho. "Nanay Azita?" Biglang tawag niya sa matanda. "Anu po yun senyorito?" "Pakitignan nyo muna si Cataleya and bigyan nyo na din ng makakain, and pakitawag si Tamilla. Pumunta sya sa blue house, I need to talk to her." "Sige po senyorito." ---------]] Habang naghahanda na sa pagtulog sina Esther at Darya, ay hindi nito maiwasan na banggitin ang nangyari kanina. "Sya naman talaga ang may gusto na magtrabaho dito sa mansyon. Nakakainis lang na pinagsabihan tayo ng ganun kanina. Nagtatrabaho ako ng maayos, sya kasi ang mapillit." Giit ni Esther. "Tama ka. Sinabihan ko na din sya na ako ang gagawa ng pamamalengke dahil alam ko kapag nalamn ni sir Cassiv, sigurado magagalit yun. Nagulat nalang ako kanina pagbalik ko nakapamalengke na sya. Nakakainis talaga." Hirit din ni Darya na parehas na naglalagay ng panggabing cream sa mga mukha nila. Natigil ang mga ito ng makita sa salamin si Tamilla na nakasandal sa pader at nakahalukipkip. Mabilis na lumingon ang dalawa at yumukod. "Ma-mam Tamilla?" Magkahalong takot at gulat na sambit ni Darya. "Tama ba ako ng narinig? Pinag-uusapan nyo si Cataleya?" Tanung nito at lumapit sa dalawa. Nagkatinginan ang dalawang katulong, nangangatog pa ang mga tuhod at hindi makasagot. "Oh bakit hindi kayo makapagsalita? Hayaan nyo sya kung gusto nyang kumilos dito sa bahay. Ayaw nyo yun mapapagaan ang mga trabaho nyo, bihira ang ganung amo." Nakangiting sabi pa nito sabay tapik sa balikat ni Esther at umalis. "Ha?" Nagtatakang tugon ni Darya. Napaawang ang mga labi ng dalawa at muling nagkatinginan. Sinilip pa nila si Tamilla na lumabas. Hindi nila inaasahan na ganun ang sasabihin nito. Samantala ng makita ni Azita si Tamilla ay agad nitong sinabi ang pinaparating ni Cassiv. Hindi maitatanggi na nakangiti ang dalaga ng marinig ang sinabi ng matanda. "Bakit daw?" "Hindi ko po alam, basta pumunta daw kayo sa blue house at may sasabihin daw sa inyo." Azita. Ang blue house ay isang private place ni Cassiv na kung saan dito sya pumupunta kapag malungkot o gusto niyang mapag-isa. Ganun din kung nagpapalipas ng init ng ulo lalo na kapag may problema ito. Katulad ng ibang mga silid sa mansyon, Mondragon lang ang pwede pumasok doon at kahit katulong ay hindi pa nakakapasok doon kaya naman ng malaman ni Tamilla na gusto syang makausap nito sa pribadong lugar niya ay na excite pa ang dalaga. "Come in." Saad ni Cassiv ng marinig ang kumakatok sa pinto. Alam nyang si tamilla iyon. Ang malawak na ngiti ni Tamilla ay isinantabi niya ng palihim ng makitang nakatalikod si Cassiv habang umiinom ng wine. Walang masyadong bukas na ilaw at liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag na kitang kita sa glass window nito. "Gusto mo daw ako makausap?" "Oh yeah. Have a seat." Palihim na natutuwa si Tamilla, noon lang ulit sila makakapag-usap ni Cassiv ng sila lang. "Ahm. Ayos lang ba na dito tayo mag-usap, hindi bat---" "It's fine." Inilapag nito ang wine sa mini table at umupo sa harap ni Tamilla. "Tungkol saan pala ang sasabihin mo?" "Tungkol sa ate mo." Unti unti nawala ang masiglang ngiti ni tamilla ng maring iyon. "Alam mo na gustong gusto ko na magkaroon kami ng anak, and that will never happen hanggat sinusuway nya ang mga bilin ng doctors nya. Kaya naman, please kung wala ako alagaan mo sana sya." Sinserong pakiusap nito. "Hindi naman na sya bata para alagaan pa." Inis na sagot ni Tamilla. "Ibig kong sabihin e binabantayan ko naman sya, pero si ate ang makulit. Nabobored daw sya kapag walang ginagawa." "But still, nakikiusap ako sayo. Hindi kana iba samen at lalo na saken. Para na kitang younger sister." "Y-younger sister?" Nauutal na tanung nito. "Yeah. Why?" "Ah.....hi-wala." Matapos mag-usap napalitan ng inis ang masayang mukha ni tamilla ng sabihin na nakakbabatang kapatid ang tingin sa kanya ni Cassiv. Naiirita itong lumabas ng bahay at padabog na bumalik sa sarili nitong kwarto. "Iho, how was Cataleya?" Tanung ng ama nito. "She's fine dad. Nagpapahinga na sya." "Bakit ikaw hindi pa? Pagod ka sa byahe galing Japan at wala ka pang pahinga magmula kanina. Are you okey?" "Yes dad." Tahimik lang si Samira habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang buhok nito. "Ahm mom, about Tamilla." "What about her?" "You always allowed her to enter in any private rooms, mas close pa kayo kesa sa totoong daughter in law mo." Napangisi si Samira. "Yeah. Natutuwa talaga ako sa batang yun. Because she's very different than your wife." "Samira." Awat ni Darius. "Ma, wag nyo naman sabihin yan. Si Cataleya ang daughter in law nyo at hindi si Tamilla. Is this because, hindi nya kaagad kayo mabigyan ng apo?" "Iho, alam naman natin o kahit ikaw na may problema kay Cataleya. Marami namang paraan kung talagang gusto mo magkaanak. Hindi natin alam kung magbubuntis pa ba yang asawa mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD