CHAPTER 20

1323 Words
Kaagad syang binigyan ng tissue ng matanda dahil hindi na naman niya napigilan ang sarili na huwag umiyak. "Salamat po." "Ingatan mo ang sarili mo. Magpalakas ka, hindi ibig sabihin ay hindi ako nasasaktan sa mga nangyayari. Sadyang tinitibayan ko lang ang loob ko. Mag-usap kayo ni Cassiv, pag-usapan nyo ang lahat. Ayoko nang may iba pang mangyari bukod sa pagkawala ng apo ko." "Salamat po, Mr. Chairman...salamat at nauunawaan nyo ako." Ngumiti ang matanda at muli syang binigyan ng tissue. Pagkatapos makipagkwentuhan ay umalis din ito. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ni Cataleya. [PALAWAN, EL NIDO] Naglalakad si Kheya kasama ang kaibigan ng mapansin ng isa sa mga ito na bukas ang ilaw ng bahay nila ng matapat sila dito. "Kheya, may tao ba dyan sa inyo?" "Huh? Wala bakit?" "Tignan mo oh, bukas ang ilaw baka naman umuwi na ang nanay mo". "Sus! Malabong mangyari 'yun! Sa sunod na buwan pa ang birthday nya. Sige na, paalam. Kitakits bukas sa school." Kumaway sila sa isa't isa at dali-dali ngang umakyat si Kheya sa hagdan para tignan kung sino ang nasa loob ng bahay. Naamoy din niya ang paboritong adobong manok. Nang buksan niya ang pinto ay nagulat sya dahil nakta nyang naghahayin sa mesa ang ina niyang si Azita. "Nay?" Hindi makapaniwalang tanung nya at marahang lumalapit. Natigil ang matanda at ngumiti sa anak. "Nandyan kana pala. Tamang-tama, ipinagluto na kita ng hapunan." Wika nito. Inilapag ni Kheya ang bag sa mahabang upuan at saka umupo. "Anak, bakit walang bigas sa lagayan o kahit anung extra dito sa bahay? Nagpapadala naman ako sayo buwan buwan." "Kelan pa kayo?" Habang tinatanggal ang medyas. "Biglaan ata ang pag-uwi nyo." "Hindi ka ba masaya anak na umuwi ang nanay?" "Hindi naman ho sa ganun, paano na tayo nyan kung wala kayong trabaho? Mahirap ang buhay dito at walang makain, tsaka nag-aaral pa ako." "Magtutulong ulit tayo anak, meron namang naipon si nanay kahit papano. Miss na miss na kasi kita anak." Yayakapin sana ni Azita ang anak ng biglang may umiyak na sanggol. "Anu 'yun nay? Iyak ng sanggol 'yun ah." Hinanap iyon at sinundan ni Kheya at nadatnan niya sa kwarto nagmumula ang iyak at nagulat sya ng makita ang sanggol. "Naayyyyy! Anu 'to??!" "A-anak magpapaliwanag ang nanay..." "Nay naman! San nyo pinulot 'yan! Halika kayo dadalhin natin sya sa baranggay, baka hinahanap yan ng magulang nya." "Sandali anak!! Wag...hindi pwede kasi anu na-nakita ko 'to dun sa estasyon ng tren. Tama dun nga. Kawawa naman kaya kinuha ko.." "Anu ba naman 'yan! Wala na ng tayong makain dumagdag pa kayo ng isa.!" Singhal nito. "Sige nga, tayo nga na may isip at matanda ay hirap paano pa kaya sya? San kayo kukuha ng gatas nyan, lampin?!" Pagwawala ni Kheya. "Makinig ka muna sa nanay, anak...." "Hindi ho pwede! Bukas po dadalhin natin sya sa baranggay. Kung ayaw nyo, magiging miserable lang ang Buhay nyan kung aampunin nyo pa din. Haysssss! Matutuwa na sana ako dahil umuwi kayo tapos ganito ang madadatnan ko!" Padabog itong pumasok sa kwarto at malakas na sinara ang pinto. Kalong ni Manang Azita ang sanggol. Pinapatahan niya ito at kahit gusto nyang ipagtapat sa anak nya ang totoong dahilan ng pag-uwi niya ay Hindi naman ito pakikinggan at paniniwalaan ni Kheya. [BAGUIO] Naabutan ni Cassiv na tulala na naman si Cataleya habang nakatitig sa pagkaing nakahayin sa harapan niya. Kaya nang makita iyon ni Cassiv ay mabilis na uminit ang ulo niya, ngunit pinipigilan niya dahil gusto niyang makapag usap sila ng maayos ni Cataleya. Magmula ng mawala ang anak nila ay biglang nagbago ang lahat sa knailang dalawa. Hindi pa sila nagkakausap ng maayos. "Tititigan mo nalang ba ang mga pag-kain na nasa harap mo?" Tulala lang si Cat at hindi umiimik. "Sabi nila, hindi ka pa daw kumakain mula pa kahapon. Anung balak mo! Anung gusto mong mangyari?!" Ngunit wala syang natanggap na kahit anung sagot mula sa asawa sa halip ay tahimik pa din ito at tulala. "Honey, may kausap ba ako o wala?! Anu ba? Cat, 'wag ka namang ganyan! Minsan iniisip ko na para kanang nababaliw! Parang hindi ikaw yung Cat na pinakasalan ko!" Mabilis din agad binawi ni Cassiv ang sinabi ng makita ang asawa. "Honey, I'm sorry..i-i-i am so-sorry..." "Para aan pa? Kung maging malakas man ako para kanino pa?!" Pag iiyak nya. "Nandito pa ako, nandito ako honey... Hindi ako nawala. Honey... please, I'm begging you. Bumalik kana sa dati dahil nahihirapan na din ako..." Si Cassiv na nakatalikod sa kanya at sandaling tumahimik ang paligid. "Narinig ko syang umiyak... rinig 'yun ng dalawang tenga ko, malusog si baby..ngunit bakit paggising ko sasabihin nyong wala na sya?!!!!" Hinawi niya ang lahat ng mga nasa harapan nya at nagsisisgaw. Kaya mabilis syang nilapitan at niyakap ni Cassiv, pilit niya itong pinapakalma at pinipigilan. "Shhhhh!!" "Bakit???!!!!!bakit?!!bakit??!" Paulit ulit niyang tanung habang nasa bisig ng asawa. "Honey, honey... Cataleya!" Sigaw niya sa asawa dahil wala na ito sa tamang katinuan sa subrang pagkakaiyak. "Honey, come on... Look at me...diritso sa mga mata ko, kailangan mong tanggapin na wala na sya...wala na si Naheem." Isang sampal ang pinakawala ni Cataleya at tumayo ito. "Paano mo nasasabi 'yan?! Ganun lang sayo kadali na tanggapin ang nangyari? Wag mo akong gawing tanga, Cassiv. Wala kayong ibinigay na paliwanag saken simula pa lang, tapos ngayon sasabihin mo saken na tanggapin ko na ganun ang nangyari! Buhay na buhay sya habang nasa tabi ko, at alam ko 'yun dahil isa akong Ina!!!" Pagsisigaw niya. Nakatungo lang si Cassiv habang nakikinig sa kanya at umiiyak. "Hindi ko alam kung bakit napakadali lang para sayo na tanggapin, samantalang ako nandito sa kwarto, nagpapasakit, umiiyak at nagdadalamhati.....tama ka, oo para na akong nababaliw..gusto ko nalang din mawala dahil subrang sakit!! Subrang sakit!" Nanghihinang sigaw ni Cat habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha. "Nasasaktan din ako! Masakit para saken na isang ama ang mawalan ng anak...hindi mo din alam kasi hindi ko sinasabi...pero kailangan kong tatagan ang loob ko dahil nandyan ka pa...ikaw ang dahil kung bakit kailangan kung lumaban, kailangan kong bumangon...kaya nakikiusap ako...bumalik kana saken..." Nilapitan niya si Cataleya at mahigpit na buong puso at pagmamahal niyang niyakap. KINAUMAGAHAN.... Mag-isa ang chairman na nagpapahangin sa labas, ngunit ang sadya talaga nya ay kausapin ang pinsan ni Cataleya na si Tamilla. Bukod kasi sa nakikita nitong parang walang pakialam sa nangyayari ay Sunod-sunod pa ang paglalabas at pagsasaya nito. Ilang saglit nga ay dumating ang dalaga, bitbit ang napakaraming pinamiling sari-saring mamahaling mga damit. Ngumunguya pa ito ng bubble gum. Hindi nito napansin agad ang matanda kaya pumipitik pa ang daliri at bewang nito na naglalakad. "Magandang umaga sayo iha." Bati ng matanda kaya napalingon at napahinto ang dalaga na makita ang chairman. "Ayy. Kayo po pala, magandang umaga din po." "Pwede ko ba malaman kung saan ka galing? Maaga palang nung umalis ka." Pasimpleng itanago ni Tamilla ang mga pinamili sa likod. "Ah eh dyan lang po sa labas, ahm nagpahangin." "Iha, alam mo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinungaling? Hindi na ako magpapaligoy dahil alam ko na alam mo na ang tama at mali, napapansin ko lang na simula ng mawala ang apo ko ay nagbago at pakikitungo mo sa pinsan mo. Napapadalas din ang paglalabas mo ng gabi at pamimili ng mga magagarbong damit na dapat ay kasama mo kaming nagdadalamhati. Sabihin mo, may pinapagawa ba sayo si Samira?" "Ah wala po chairman, wala po. Nalulungkot din naman po ako sa nangyari sa pamangkin ko pero hindi naman po ibig sabihin e magmukmok din po ako sa kwarto gaya ni Cat. Pasensya na po, sumumbra na ako..." "Sige na. Makakaalis kana, pasensya na din sa mga sinabi ko." Ginawadan ng dalaga ng ngiti ang matanda tsaka nagmadaling pumunta sa kwarto. "Pakilamerong matanda! Sige lang, hindi magtatagal mapapasaken din lahat ng kayamanan mo!" Sa isip ni Tamilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD