CHAPTER 13

1454 Words
"Nasan sila Darya at Manang Azita, bakit hinayaan nila ang pagkain na nakaganito? May nangyari ba?" Si Cataleya na kinakausap at tinatanung ang sarili. Habang si Tamilla mula sa labas ng dining room nakita nya na nakatayo sa harapan ng malaking lamesa si Cataleya at sumusubo ng pagkain. Natatawang pinagmamasdan ng dalaga ang pinsan habang himihithit ng sigarilyo. "Kaya mo din palang bumaba, nagbubuhay prinsesa ka pa sa taas." Sabi pa nito sa sarili. Ilang saglit ay may narinig syang bumusina sa harap ng mansyon, nung una ay inakala niyang baka sila Darya at Esther lang iyon, ngunit ng malaman niya na si Cassiv iyon ay mabilis niyang tinapon at pinatay ang sindi ng sigarilyo. At ng tingnan nya muli si Cataleya sa loob ay nakatumba na ito sa sahig. Nagmadali siyang pumasok at saka kinabahan, ginigising niya si Cataleya ngunit wala na itong malay. Tatawag na sana sya ng tulong ng dumating si Manang Azita. "Senyorita!!" Sigaw nito at agad na lumapit. "Mam, anung nangyari sa senyorita?!" "Hindi ko alam. Nakita ko nalang na nakahiga na sya dito!" Natataranta ding sagot ni Tamilla. Sandali syang umalis at saktong kadadating lang nila Darya at Esther. Nakangiti pa ang mga ito at bihis na bihis. Medyo ilang metro din kasi ang garahe ng sasakyan sa pinaka main door ng mansyon. Kung kaya nakaisip ng paraan agad si Tamilla para hindi sa kanya mapunta ang sisi lalo na ng makita niyang palapit na si Cassiv. "Hoy!!!! Kayong dalawa! San kayo galing???!" Habang tinuturo ang dalawa at bakas ang pagkakagulat sa mga mukha nito. "Diba sabi nyo ----" di natuloy na sasabihin ni Esther. "Ang kakapal ng mukha nyo! Iniwan nyo si ate Cat at ganun din ang mga pagkain na dapat ay ihahatid nyo sa kanya!!" Mas lalo nyang nilakasan ang boses ng ilang hakbang nalang ang layo ni Cassiv. "Mam Milla, anu po ba ang problema----" "At talagang bihis na bihis pa kayo at may gana pa kayong lumabas ng gabi!!! Samantalang yung amo nyo iniwan nitong gutom!! Hindi nyo alam ang nangyari, malamang dahil wala kayo dito sa mansyon dahil nandun kayo sa labas at nagsasaya!" Sunod-sunod na birada ni Tamilla. Naguguluhan ang dalawa sa mga sinasabi nito. At halos mabitawan ni Darya ang dala niyang bag at cp ng makalapit sa kanila si Cassiv na akala nila ay nasa malayong lugar. "Si-sir Cassiv?" "Ba-bakit po u-umuwi agad kayo?" "Cassiv...mabuti naman at umuwi ka..." Maluha luhang wika ni Tamilla. "Bakit nandito kayo sa labas?" "Cassiv, si ate Cat kasi...." "Why? What happen to her?" "Na-nawalan kasi sya ng malay------" "Whattttttt!" Sigaw ni Cassiv at nagmadaling hinakbang ang mga paa. "Where is she??!" Sinundan sya ng tatlo at tinuro ni Tamilla kung nasaan si Cataleya. Habang sila Darya at Esther ay parang gusto nalang maglaho dahil sa nakakagulat na nangyayari. Nadatnan nilang nakahiga sa sofa si Cataleya at inaalagaan ni Manang Azita. Napatakbo si Cassiv ng makita ang asawa. "What happen?? Manang anung nangyari???" "H-hindi ko po alam, na-nakita ko nalang po sya dito sa dining nakahiga at wala ng malay." Mautal na turan ni Manang. "What??? Pa-pa-papaanong nakababa sya? Hindi bat kabilin bilinan kung wag na wag syang hahayaan na bumaba dito dahil napakadelikado sa kanya!" Sigaw ni Cassiv. Nakayuko ang apat habang pinagsasabihan ni Cassiv. Nagulat nalang din ang mag-asawa at ang chairman dahil sa ingay at lakas ng boses ni Cassiv. "Cassiv? Bakit nandito ka?" "Is that really important now ma?" "A-anu...ba-bakit ba? Anu bang nangyayari? Bakit nakahiga dyan si Cat?" "Hindi nyo din alam ang nangyayari sa asawa ko?!!! Kayo ang nandito sa bahay?? F**k!" Isang malakas na pagmura ni Cassiv. "Kayo ang inaasahan kung titingin sa kanya pero kahit isa sa Inyo walang alam kung anung nangyayari!!!" "Ahm a-anu kasi..." "Iho apo, mabuti pa dalhin na muna ninyo sa hospital si Cataleya. Makakasama sa kanya at sa bata kung hindi sya maagapan agad." Singit ng matanda. Lahat ay natahimik at hindi makasagot. Binuhat ni Cassiv ang asawa at mabilis na tinawag si Manang Azita. Nagmadali naman ang matanda na sumunod dala ang ibang gamit ni Cataleya. Ang mga naiwan ay wala pa ding kibo, naiiyak na si Esther at hindi na alam ang gagawin. At si darya naman ay hindi maiwasan na tingnan at pag isipan ng hindi maganda si Tamilla dahil sa pagpapahiya na ginawa sa kanila sa harap ni Cassiv at sa pagbabaliktad ng totoong pangyayari. Makalipas ang ilang oras, mahimbing ng natutulog si Cataleya sa hospital. Mabuti at naagapan sya dahil ilang minuto na pala syang walang malay. Magkahalong galit at takot ang naramdaman ni Cassiv. At ng mabalitaan pa nyang hindi pa kumakain si Cataleya mula nung umaga ay mas lalo syang nagalit sa mga tao sa mansyon. Samantala, inis na inis si Tamilla dahil sa nangyari. Marami pa naman sana syang balak gawin sa loob ng dalawang araw na wala si Cassiv. "Magkasalubong na naman ang nga kilay mo." Wika ni Hassan mula sa likuran nya. "Tigilan mo ako ah. Naiinis ako, hindi mo man lang sinabi na babalik agad si Cassiv. Anung nangyari?" "Kumuha sya ng representative bilang kapalit niya, hindi ko din alam. Wag kana magalit dyan, sandali may ipapakita ako sayo. Siguradong matutuwa ka." Umismid lang si Tamilla. Labas pasok na si Tamilla sa tinutuluyan ni Hassan katabi ng mansyon at ng blue house ni Cassiv. At ang pagkikita nila ay lihim na sila lang ang nakakaalam. Pagbalik ni Hassan, may dala itong maliit na brown envelope. "Anu naman 'to?" Matapos abutin sa kanya ang envelope. "Buksan mo nalang." Sagot ni Hassan. Tumingin muna ulit si Tamilla sa binata at saka binuksan iyon. Nagulat sya sa nakita dahil ilang kuha ng litratto iyon ni Cataleya na may kausap na lalaki. "Totoo ba ito? Pero teka, sino naman tong lalaki na to?" "Paano ko naman malalaman? Kuha yan bago pumunta si Cassiv sa Japan. Siguro naman napawi niyan ang galit mo kanina." Nakakalokong ngumiti si Tamilla sa binata. Muli niyang ibinalik ang mga littrato sa loob ng envelope at mahinang inihampas kay Hassan. "Hindi ko alam gumagana din pala yang utak mo." "Nagmamadali ka kasi e. Humahanap lang ako ng tyempo, at saka nangako ako sayo diba." "Mabuti naman kung natatandaannmo ang mga sinabi mo. Sige, akin nalang ito. Siguradong magkakagulo ang mga Mondragon sa gagawin ko at ang kawawa kong pinsan ay mawawala na din." Sabi nito. Pinigilan pa sya ni Hassan na umalis ngunit umiwas si Tamilla. Kung kaya hinayaan nalang ito ng binata. -----------------]] "She needs to stay her for a few days, so that we can check her up 24/7. Masilan ang pagbubuntis ni Cat, dapat hindi mo sya hinahayaan na mapagod nor stress. Makakasama para sa kanilang dalawa yun." Ani pedia ni Cat. "Okey....if that will be good for both of them to stay here in the hospital, I agree." "Come with me. You have to fill out some forms." Sumunod naman si Cassiv at Sa kabila ng nangyari, laking pasalamat nya na umuwi sya at hindi tumuloy dahil kung hindi sya nagpasyang bumalik baka dalawa sa mahal niya ang nawala. Matapos maka fill up bumalik sya sa private room ni Cat. Gising na ito at kinakausap ni manang Azita. "Honey.....how you feelin'? May masakit ba sayo?" Pag-aalala niya. "Honey naman wag mo ng uulitin yung ginawa mo ha. I told you to stay in your room, and kung may needs ka just call Manang or Tamilla." "Okey na ako hon. Medyo nahilo lang ako kaya siguro nawala ako ng malay. Ikaw akala ko ba next day ka pa babalik, bakit nandito kana?" "Don't worry about it. Mas mahalaga ka kesa dun. But hindi ko pa din palalampasin ang nangyari. I'm so sorry honey, hindi na mauulit pa ito. For now, you have to stay here for a few days, for your safety and for baby as well." Tumango tango si Cat at naiintindihan naman nya ang sinasabi ng asawa. "Honey, uuwi muna ako to get some of your stuffs. Manang, pakibantayan po muna si Cat. If anything happen please call me right away. I'll be back very soon." "Sige po senyorito. Ako na po ang bahala kay senyorita." "Hon, ayos lang ako. Isama mo na si Manang." "Naku, paano po kayo? Wala po magbabantay sa inyo?" "Yeah." "Honey, kailangan din ni Manang ng ilang mga damit at gamit nya, lalo na kung sya yung makakasama ko ng ilang araw." Napaisip din si Cassiv. "Okey lang ako dito, nanang sumama na kayo kay Cassiv. Lagi naman may nagche-check na nurse saken kaya wag kayo mag-alala." Dagdag pa niya. "You sure?" "Mmmm." Hinalikan siya ni Cassiv sa noo at labi at saka lumabas ng kwarto. Nagbilin din sya sa mga nurse na may station malapit sa kwarto ni Cataleya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD