Napailing lang si Darius. Katulad ng dati hindi nya na pinapatulan pa si Samira.
"Magpapahinga na ako, aalis kami ng chairman bukas ng umaga. Tigilan mo na ang pag-iisp ng hindi maganda sa magiging apo natin." Sabay higa nito.
Sa kabilang banda, isa at kalahating bote na ng alak ang nauubos ni Tamilla. Mag-isa sya sa labas na umiinom nang makita sya ni Hassan at nilapitan siya nito.
"Nag-si celebrate ka mag-isa dito?"
Napatingin si Tamilla sa binata at tinarayan ito.
"Bakit naman ako magsi celebrate?"
"Hindi ka ba masaya kasi magkakaroon kana ng pamangkin?." Natatawa lang si Hassan.
"Tigilan mo nga ako kung wala kang matinong sasabihin umalis kana." Inis nitong sabi.
"Bakit ba gustong gusto mo makuha ang alam mo naman na mahirap? Nandito naman ako at nangako ka." At paunti-unting lumalapit sa dalaga.
"Ikaw? Na isang hamak na utusan at tagasunod lang din na kagaya ko?! Wag na, Hassan! At isa pa wag mong seryosohin ang sinabi ko. Kung may mapatunayan ka baka dun patulan pa kita."
"Wag kang mag-alala, ako ang bahala pero siguraduhin mo lang na ibibigay mo ang gusto ko."
Ngiting pilit ang ibinigay ni Tamilla sa binata na noon ay sinasaluhan na din siya sa alak na ininom niya.
KINABUKASAN....
Nagising si Cataleya sa amoy ng pagkain na nakahain sa tapat ng kama nila. Saktong papasok si Cassiv na may dalang bagong timplang juice.
"Wait!" Madali niyang nilapag ang dala kasama ang mga pagkain at inalalayan ang asawa sa pagbangon.
"Careful.." Sabi pa nito.
"I'm okey honey. Kayang kaya ko pa naman kumilos hindi pa naman malaki ang tummy ko."
"No.. starting today hindi kana pwede mapagod o kumilos dito sa bahay. Please, don't be stubborn. It's for your sake and also for our baby. Okey?"
"But.."
"Here I prefer your breakfast...syempre hindi lang dapat si baby ang healthy dapat ikaw din." Dagdag pa nito.
Hindi pa man tuluyang nabubuo ang anak nila sa sinapupunan niya ay pinaparamdam na ng asawa nya ang pag-aalalaga. Bagay na subrang nagugustuhan niya na pakiramdam ni Cat ay bumalik sila sa pagiging magnobyo/nobya.
Nakangiti sya habang kinakain ang mga hinanda ni Cassiv, pakiramdam ni Cataleya sa mga oras na iyon ay sya na ang pinakamasayang asawa. Hindi niya mapigilang lumuha, at hinangad niya sa isip na huwag magbabago ang asawa nya.
Walang oras, araw, linggo o kahit buwan na pinalipas si Cassiv para pagsilbihan si Cataleya. Lalo na ng maramdaman na din niya ang sipa ng magiging anak nila ni Cataleya. Halos hindi na sya umalis sa tabi ng asawa dahil sa subrang pag-aalalaga nito. Dalawang buwan nalang kasi manganganak na si Cataleya.
"Careful....Manang Azita, pakidala na muna ito sa sasakyan. Dadaan tayo sa store after nito." Wika ni Cassiv habang inalalayan si Cat na ihiga sa hospital bed.
"Alam nyo nakakatuwa kayong dalawa, naalala ko tuloy sa Inyo nung buntis din ako sa panganay namin. Ganyan na ganyan kami ka excite ni hubby para sa first baby namin." Sabi ni Doc. Perez. "Napakahealthy ng baby boy nyo." Dagdag pa nito habang pinapakita sa screen ang ultrasound na ginagawa kay Cat.
"Paano ba naman, magaling mag-alaga itong asawa ko." Pagmamalaki ni Cat.
"Of course honey, I will do everything for you and for baby. And of course special thanks to you Doc. Ang dami naming natutunan sa halos buwan buwan mong payo."
Nagtawanan ang tatlo sa loob at nagkwentuhan pa ilang minuto matapos ang check up ni Cat. Natatawa si Cat kapag naiiisp niyang mas excite at mas nape pressure pa kesa sa kanya si Cassiv. Siguro dahil dala lang ng labis na excitement nito para sa magiging anak nila.
Habang naghihintay ang dalawa na lumabas ang nurse na magdadala ng niresitang vitamins ay may Isang batang lalaki na nakatayo sa harapan nila. Nakasuot ng hospital uniform at Nakatitig ito sa kanila na parang nangungusap ang mga mata. Natuwa si Cassiv kaya kinawayan at lumapit ito.
"Hi." Magiliw na bati ni Cat sa bata.
"Hi, what's your name?" Tanung ni Cassiv Dito.
"Na-vid." Sagot ng bata habang nakangiti sa kanila.
"What a beautiful name, Navid. Where's your mom?"
May tinuro ang bata na isang kwarto na sa tingin nila ay doon ito naka admit.
Ginulo gulo ni Cassiv ang buhok nito, kitang kita na giliw na giliw siya sa bata.
"Navid, you see this? Do you have idea what's inside in her tummy?" Tanung pa ni Cassiv.
Tumango-tango ang bata. "Yes, it's baby."
Nakangiting nagkatinginan ang mag-asawa. Ipinarinig pa nila sa bata ang muling pagsipa ng bata sa loob ng tiyan niya, tuwang tuwa pa ito.
"Did you feel it?" Tumango si navid na nakangiti. "Ako gumawa nyan." Hirit pa ni Cassiv at kumindat pa kay Cataleya. Hagya naman siyang siniko ni Cataleya, tumawa lang si Navid na parang Naiintindihan ang sinabi ni Cassiv.
Ilang sandali ay ibinigay na din sa kanila ang vitamins at tinawag na din si Navid ng Ina niya. Binigyan pa ito ni Cassiv ng regalo at labis na nagpasalamat ang ina nito sa kanila.
Sumunod na araw, nagpaalam si Cassiv kay Cataleya na mawawala sya ng dalawang araw. Mahigpit ang bilin niya sa asawa n wag bumaba sa hagdan at kung may kailangan ay magpatawag sa taas ng mga Kasama sa bahay. Nag-aalala si Cassiv dahil malalayo sya sa asawa nya, nasanay kasi ang katawan niyang inaasikaso si Cataleya. Nagbilin siya sa lahat ng katulong na minuminuto tinignan si Cataleya sa kwarto nito bago umalis. Ganun din kay Tamilla na isa sa tanging mapgakakatiwalaan niya pagdating kay Cataleya. Sumangayon naman ang dalaga at rinig pa iyon ni Manang Azita.
"Ma, I'll go ahead."
"Take care son, please call us."
"Yeah ma, I will. Please look after Cataleya until I get back."
"Kami na ang bahala sa kanya, mag-iingat ka doon." Wika ni Darius.
Pinaharorot ni Cassiv ang sasakyan, kung maari sana ay hindi na sya umalis pa. Important business matter kasi iyon kasama ang ilang mga board.
Habang abala si Cassiv na makipag usap sa ilang mga foreigner na nagtitiwala sa company nila, Hindi niya maiwasan na isipin si Cataleya. Gusto niya sana tawagan ito pero napakaraming tao ang sunod sunod na bumabati sa kanya.
Samantala, naglalakad si Tamilla sa dining room ng makitang abala sina Darya at Esther na naghahanda ng hapunan ni Cataleya. Oras na kasi para hatiran iyon ng pagkain sa taas.
"Hi. Dadalhin nyo na ba yan sa taas?" Pasimpleng tanung nito.
"Ah yes po mam Tamilla. Hindi na po kasi nagpahatid ang senyorita kanina dahil busog pa daw sya, sigurado po ngayon mauubos na nya ito." Tugon ni Esther.
"Ganun ba."
"Gusto nyo po ba tikman?" Ani darya.
"Huh? naku hindi...." Tiningnan ni Tamilla ng kakaiba ang dalawa, napangiti ito at nakaisip ng kalokohan. "Alam nyo, gaanu na nga kayo katagal dito? 1 year? 2 years? Naka paggala ba kayo ng gabi?" Tanung nito.
Nagkatinginan naman ang dalawa sa kakaibang tanung ni Tamilla.
"Ah eh hindi pa po. Kasi wal naman pong oras para dun. At saka hindi naman namin hilig ang pumasyal sa gabi." Nangingiting tugon ni Darya.
"Subukan nyo din paminsan minsan. Pwede naman ngayong gabi. Ako na ang bahala sa mga hinanda nyo para kay ate Cat. At wag na din kayo mag alala sa kanya, ako na ang bahala magpaliwanag. Mabilis naman makaunawa yun."
Parang naingganyo ang dalawa sa matatamis na salita ni Tamilla. Nag-aalalangan man ay sumang-ayon ang mga ito lalo na at wala si Cassiv. Alam din naman nilang mabait si Cataleya at hindi sila aawayin nito.
"Talaga po? Pwede namin gawin yun ngayong gabi?" Excited na tanung ni esther.
"Oo naman. Maghanda na kayo. Ako na ang bahala dito." Ngiting sagot ni Milla.
Halos hindi magkaintindhan ang dalawang katulong. Habang si Tamilla ay natatawa nalang dahil kumagat sa plano nya ang dalawa. Balak talaga nyang wag hatiran ng pagkain ang pinsan, hindi sya nakokonsensya sa kung anung magiging resulta niyon dahil ang gusto nya ay masunod ang gusto nya.
Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat, kumuha ng nh representative si Cassiv na papalit muna sa kanya sa loob ng dalawang araw. Hindi kasi siya makatiis na talagang iwanan si Cataleya sa gabung sitwasyon. Lalo na at malapit na itong mannganak para sa unang anak nila. Nagmamadali syang nagmamaneho pabalik sa mansyon.
Pasado alas nwebe na ng makaramdam ng gutom si Cataleya. Dapat alas sais ay hinahatiran na sya ng pagkain ngunit ilang oras na nag nakalipas, nakatulog na din kasi sya dahil pakiramdam niya ay napapagod sya. Maingat niyang hinakbang qng mga paa, halos hindi na niya Makita ang inaapakan niya dahil subrang laki at namimilog ang kanyang tyan. Naglakad sya palapit sa pinto nagbabakasakaling may taong darating.
"Manang Azita?
Manang...Darya...Esther.." marahan din niyang tawag. Ngunit wala syang narinig na kahit anumang tugon kahit pa kay Tamilla.
Nakaramdam sya ng konting hilo ng mapatayo sya sa may bandang hagdan. Nasa fifteen steps din iyon at para sa tulad nyang buntis ay mahihirapan syang bumaba. Natatakot man ay magsimulang ihakbang ni Cataleya ang mga Binti dahil nagugutom na sya. Mahigpit ang hawak niya sa bakal nito at marahan ang ginagawa niyang paghakbang. Hindi pa nakakalimang tapak si Cat ay ramdam na niya ang pagod.
Nakahinga siya ng malalim ng maayos at ligtas syang nakababa. Naglakad sya papuntang dining room at nadatnan doon ang ilang mga pagkaing hindi pa natatakpan ng kahit na anu.