------------[MANSYON]
"Kamusta si Cataleya?" Tanung agad ni Darius sa anak ng makauwi.
"Bakit hindi nyo sya kasama?" Ami Samira.
"Kailangan nya mag stay sa hospital ng ilang araw. Maselan at delikado daw ang nangyari sa kanya kanina." Napasinghap si Cassiv, ramdam ng mag-asawa ang nararamdaman ng anak nila.
"Manang, pakikuha na ng mga kailangan ni Cat at ganun din sa inyo. And please pakitawag ang lahat and gather them here. Ganun din si Tamilla." Umupo si Cassiv at uminom ng tubig. Hindi naman alam ng mag-asawa ang sasabihin sa at kung papano pakakalmahin si Cassiv dahil alam nilang nagpabaya din sila sa nangyari.
Ilang saglit pa ay nakayukong lumapit sina Darya at Esther, kasama ang ilang mga katulong at ganun din si Tamilla.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, sino sa inyo ang magiging responsible kung may mas malala pang nangyari sa asawa ko?!" Malakas nyang tanung.
"Oras na may mangyari sa asawa ko at sa magiging anak ko, lahat kayo aalis na sa bahay na ito!" Dagdag pa niya.
"A-anak, Cassiv. Pag-isipan mo ang mga sinasabi mo." Samira.
"Ma, please ... Let me talk, okey." Sabi lang ni Cassiv at pinigilan naman ni Darius ang asawa sa ginagawa nito.
"Tamilla, nasan ka nung nangyari na nasa baba na si Cat?"
"Ah..ang totoo nyan, nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako kanina. Nakita ko ang mga pagkain sa mesa na sa tingin ko iniwan nalang basta nila Darya at Esther...." Pagsisimula ni Tamilla sa mahinahong boses.
Nagtataka at naguguluhan sina Darya at Esther dahil alam nilang hindi iyon ang totoong nangyari.
"Ta-tapos naisip ko na lampas na ang oras para sa hapunan ni Cat, kaya naisipan ko na dalhin yun sa kanya pero lumabas muna ako saglit kasi may kukunin ako tapos pagbalik ko nakita ko na si Cat na nakahiga sa sahig at walang malay."
"Naku senyorito, hindi po yun ang nangyari... Mam Tamilla, anu po bang sinasabi nyo----" awat ni Darya.
"Let...her ...finish."
"Pagkatapos tumawag ako ng tulong pero walang sumagot o lumapit at nakita ko silang dalawa na bihis na bihis na parang galing sa gimik at dun....na-nakita kong bumalik na pala kayo. Pasensya na, kasalanan ko..." Nakayukong wika at nangingilid na mga ngiti ni Tamilla.
"May gusto pa ba kayong sabihin o magdadahilan pa kayong dalawa?"
"Pero senyorito...maniwala po kayo samen, hindi po----" mangiyak ngiyak na turan ni Esther.
"Pasensya na... kasalanan ko." Hirit pa ni Tamilla.
"Senyorito..."
"Dapat lang pala na tanggalin kayo, napakapabaya! At nagawa nyo pang mag party sa kabila ng nangyari...!" Singhal pa ni Samira.
"Senyora, nagkakamali po kayo. Hindi po iyon ang nangyari...." Iyak ng dalawa. "Wag nyo po kaming tanggalin...nakikiusap po kami...hindi na po mauulit.."
"Mga wala kayong silbi!! Ang tataas ng pinapasahod sa inyo tapos hindi nyo magawa ng ayos ang trabaho nyo!"
"Listen. This is your last warning. Both of you, kapag naulit pa ito lalo ngayon na malapit na mananganak si Cat but I'm so sorry just look for another job. Sige na, magpahinga na kayo."
Umiiyak na nagpasalamat pa din ang dalawa at saka umalis. Kitang kita naman ni Manang Azita ang nangingilid na ngiti ni Tamilla.
Nagpalipas muna ng isang oras si Cassiv at kinalma ang sarili bago bumalik sa hospital. At natakpan nga ng mga inosenteng palusot at kasinungalingan ni Tamilla ang totoong nangyari.
Tatlong araw ang lumipas, naghahanda na sa pag-uwi sina Cataleya. Mas triple na ang pag-iingat na ginagawa nila dahil linggo nalang ay manganganak na sya. Wala si Cassiv dahil umuwi muna ito para kumuha ng cash na ibabayad sa hospital at dahil may ipapabibili din sya kay Manang Azita.
Habang nilalagay ng matanda ang mga ilang damit ni Cataleya sa malaking maleta at hindi niya maiwasan na hindi mapakali, lalo na kapag napapatingin sya sa senyorita ay napakaamo at napakamot inosente ng mukha nito.
"Ahmm.. senyorita.." tawag niya rito kaya lumingon sa kanya si Cat.
"Hmmm. Bakit nanang?"
"Sigurado po ba kayong kaya nyo kumilos? Pwede naman po na mag-stay nalang kayo dito hanggang sa makapanganak."
Napangiti si Cat. "Kaya ko naman po, at isa pa parang mas lalo akong nanghihina kapag nandito ako sa loob ng apat na sulok bg kwartong ito. Parang hindi ako nakakalanghap ng sariwang hangin."
"Ganun po ba?"
"Salamat nanang kasi lagi kayong nandyan para alagaan ako, wag kayo mag-alala babawi ako kapag makapanganak ako. And balak ko talagang wag sabihin sa inyo ito, pero alam ko malapit na ang birthday nyo. Pwede nyong paluwasin dito sa manila si Kheya at mag celebrate kayo, ako po ang bahala sa isang linggo na magiging bakasyon nyo kahit saan nyo gusto." Mahabang pahayag ng senyorita.
Halos maluha si Azita sa mga sinabi ni Cat. Ngunit mas lalo naman syang nakokonsensya dahil alam nyang may ginagawang hindi maganda ang pinsan nya ngunit hindi niya masabi-sabi sa senyorita.
"Napakabuti nyo talaga. Salamat po. Sigurado ako matutuwa siya kapag ipinaalam ko. Ahm senyorita, wag nyo sana isipin na nangingialam at nanghihimasok ako. Pero.....si mam Tamilla.."
"Si Tamilla po? Anung meron po sa kanya? May sasabihin kayo manang?" Mahihanon pa ring boses ni Cat. Umiling-iling nalang ang matanda at mabilis na binawi ang sasabihin.
"Ah wala po.
"Sigurado po kayo? Nanang Azita, kayo na ang intinuring kong pangalawang nanay kaya kung may problema kayo wag na po kayong mahihiyang magsabi saken. Kamusta po pala si Kheya?"
Napangiti ang matanda ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman po sya, magsi second year college na po."
"Aba, dalawang taon na Lang po may graduating na kayo. Subra siguro kayong proud sa kanya."
"Subra subra po mam, kahit papano makikita ko ang bunga ng lahat ng pagod at sakripisyo ko."
Hinagod naman ni Cat ang likuran nito.
"Basta po, kung may kailangan kayo magsabi lang kayo saken. Kahit anu pa po yan." Pagpapalakas ng loob ni Cat sa matanda.
-----------------[MANSYON]
"Cassiv, can I talk to you for a minute?" Habol ni Samira sa anak na papasok na sana sa loob ng sasakyan.
"About what? Siguro mamaya nalang ma, Cat is waiting for me and I'm in a rush. Sorry.." papasok na sana sya ngunit nagsalita ulit ang ina nito.
"This is very important, son and you have to know this habang maaga pa." Habol ng ina niya.
Tumingin muna sa relo si Cassiv at nagkibit balikat nalang. Pagkatapos ay sumunod sya sa ina at pumasok sa private room nito.
"Okey, 10 minutes lang ma and aalis din ako agad."
"Baka pag nalaman mo kung tungkol saan ang pag uusapan natin ay mabigla ka at hindi na aalis sa kinatatayuan mo."
"Sounds interesting! Tungkol san ba ang pag-uusapan natin?" Habang nakaupo ng pa de kwatro sa sofa.
May kinuhang envelope si Samira sa kanyang drawer at saka umupo malapit sa anak niya. Niladlad nya sa harapan ng anak nya ang ilang mga kuhang litrato.
"Guess who's in the photo?" Napataas lang ng kilay ang anak. "It's your wife, Cataleya. It was captured by someone and your wife was talking to a man. And look at her! She looks happy, isn't it?"
Kumuha ng isa si Cassiv at nakompirma nga nyang si Cataleya iyon, hindi niya makilala ang lalaking nasa larawan dahil medyo madilim ang kuha. Hindi naman nag-isip ng kung anu si Cassiv sa asawa sa halip ay nanatili itong kalmado.
"See? She's cheating on you son! Maybe that guy on the photo is her affair!" Dagdag pa ni Samira.
Napabungisngis si Cassiv. "Cheating? Seriously ma? Is this all you wanted to say? That my wife is cheating on me? Hmmm. No way! I know her. This?" Kinuha ang litrato at muling nilapag. "I don't know the whole story behind this photo and hindi ako basta huhusga. Maganda si Cat at hindi maikakaila yun, men look at her and talk to her that's normal, just like sa mga ginagawa ko I talked to other girls and there's nothing wrong with that. Please ma, you always making a way para masira kami ni Cat. The moment na manganak si Cat, aalis na kami. Wag nyo na ako pigilan kasi buo na ang desisyon ko. And I hope you will understand that." Mahabang pahayag ni Cassiv at hindi na nakapagsalita pa si Samira.