CHAPTER 15

1505 Words
Nanatiling nakaupo at walang imik si Samira ganun din si Cassiv. "Kahit minsan ba hindi ka nagtaka o nag-isip ng kung anu dyan sa asawa mo?" Hirit pa ni Samira. "Yang bata na nasa sinapupunan nya? Sigurado ka bang ikaw ang ama? Posibleng ginagamit ka nya at mga kayamanan mo lalo na ngayong buntis sya." Napasapo sa noo si Cassiv at bumingisngis nalang. "Ma, you know what? You're being paranoid. Uuwi na kami ng asawa ko mamaya, at sa halos limang araw na pagstay niya sa hospital not even a single day hindi man lang kayo nakaisip na dalawin sya, tapos ngayon sasabihin nyo saken na nagloloko sya at kung anu anu pa?!" "Hindi talaga ako pupunta o kahit dalawin sya ay hindi ko gagawin. Ngayon pa? Na baka hindi ko talaga totoong apo ang magiging anak nya! Anung malay natin na sa ibang lalaki ang dinadala nya, kaya ang gusto ko... ipa-DNA ang bata sa oras na manganak sya!" Dagdag pa nito. "Maaaa! Enough!! Hindi pa lumalabas ang anak ko ganyan na ang mga iniisip nyo?! Hindi na ba talaga kayo nahihiya o kahit respetuhin nyo man lang ang desisyon ko o kahit ang asawa ko nalang, ma? Please.... Walang ginagawang masama si Cataleya at kung meron man hindi nyo na dapat pang pakilaman kasi ako at sya ang mag-uusap at hindi ikaw." "Buo na ang pasya ko Cassiv, matatanggap ko lang ang bata kung iyan ay totoong Mondragon. At kung hindi, ako mismo ang gagawa ng paraan para maghiwalay at magdivorce kayo ni Cat!" Tumayo si Cassiv at malakas na isinara ang pinto. Hingal naman si Samira na naiwan at sunod-sunod ang pag-inom ng tubig. Bumalik sya sa sasakyan at niluwagan ang necktie na nakasabit sa kwelyo niya dahil hindi nya din maiwasan na magalit at pinakalma muna nya ang sarili sa loob ng kanyang sasakyan. Ngunit deep inside ay hindi maiwasan na mapaisip sya kung sino nga ba ang lalaking kausap ng asawa niya? Nang makarating si Cassiv sa hospital, naasikaso na lahat ni Manang Azita tanging pagbabayad nalang sa accounting ang gagawin niya na ipinagpasalamat niya sa matanda. Matapos makapagbayad, muli silang nagpasalamat sa doctor at ilang nurse an umalalay kay Cataleya, pagkatapos ay naghanda na para umuwi at bumalis sa mansyon. Pagdating nila ay sinalubong sila ng mag-asawang Samira at Darius at ganun din ng mga ibang katulong. Inalalayan nila si Cataleya hanggang sa maihatid ito sa kwarto. Sinadya ni Cassiv na magpaiwan muna sa baba para pagpahingain ang sarili sa layo at pagod ng byahe nila. Ibinilin naman niya kay Manang Azita na doon muna sa kwarto ang matanda hanggat hindi pa sya umaakyat. Nakapikit si Cassiv habang nakasandig sa kamay niyang nakapatong sa couch. Hindi naman nag-abala pa ang ina nya na kausapin o tanungin sya dahil sa tingin nito ay pagod ito at wala sa huwesyo na sumagot. Kaya iniwan nalang ng mag-asawa ang anak sa living area. Ilang saglit ay lumapit si Darya sa senyorito para alukin o tanungin kung may gusto itong kainin. "No. I'm good. Magpahinga nalang kayo kasi alam ko na naabala namin kayong lahat ngayong gabi sa pag-uwi namin." Sabi nito na nakapikit pa din. Aalis na sana si dyarya ngunit bumalik ito. Natatakot man ay gusto nya pa din subukan at gawin ang gusto niyang sabihin. "Ahm senyorito...."marahan nitong saad. "Hmmm." "Tu-tungkol po sa nangyari nung nakaraan, muli po humihingi ulit ako ng patawad. At pasasalamat na din kasi hindi nyo pa din kami pinaalis....salamat po." Iminulat ng lalaki ang mata at umayos ng pagkakaupo. "Speaking of that, hindi nyo saken dapat sabihin 'yan kundi sa mam nyo. And tungkol naman sa mga sinabi ko that time, pasensya na din kung nakapagbitaw ako ng mga masasakit na salita and sana naiintindihan nyo kung bakit. Pero ang sinabi ko sa inyo nung araw na iyon ay last warning na, at hindi magbabago 'yun kaya umaasa ako na hindi na mauulit pa ang insidenteng 'yun." Tumango tango si Darya. "Makakaasa po kayong hindi na mauulit. Salamat po ulit, bukas na bukas po kakausapin namin si senyorita." Masayang turan ng dalaga. "Ahmm. Nga pala, hindi ko nakita si Tamilla kanina simula nung dumating kami. Pwede ba na pakitawag sya at papuntahin mo dito." Ang masasayang ngiti ni Darya ay napalitan ng pait na reaksyon ng marinig nito ang pangalan ni Tamilla. Ngunit wala syang magagawa kahit galit sya sa dalaga dahil inuutos sa kanya. Pasimple nalang syang ngumiti kay Cassiv at saka umalis. Kinatok nya sa pinto si Tamilla kahit sa loob nya ay nagagalit at naiinis sya dito. Bagaman hindi nila magawang komprontahin kasi pinsan ito ng amo nila at malaki ang respeto nila sa mag-asawa. "Oh bakit?" Nakasimnagot na bati nito. "Pinapatawag po kayo ni sir Cassiv sa living area." Tila inuusukan ang pwet nito at hindi mapakali. "Umuwi na sila? Myghod Darya bakit ngayon mo lang sinabi! Sige na, magbibihis lang ako at pupunta na ako dun!" At agad na sinara ang pinto. Samantala, natutuwang lumabas si Tamilla na parang bagong make up pa. Sinipat nya muna sa malayo si Cassiv kung may kasama ito sa living area at ng makitang wala ay muli itong humarap sa salamin at inayos ang sarili. "Ahmmmm ehemmm." Pagpaparinig nya sa likuran nito para mapansin ng lalaki. "Tamilla.." "Ahm pinapatawag mo daw ako." "Yeah have a seat." Mabilis na umupo malapit sa kanya. "Pasensya na hindi ko alam na umuwi na kayo? Kamusta ka? Siguro napagod ka ng subra...ang--ang ibig kung sabihin e kamusta kayo ni Cat, maayos na ba sya?" Diri-diritsong tanung nito. "Maayos naman na sya. And that's the reason kung bakit kita pinatawag. To say thank you. Kasi kung wala kayo dito sa bahay o kahit si Manang Azita, hindi ko alam kung anu na ang nangyari sa mag-ina ko. And I really appreciate it." Ngumiti ang dalaga at lumapit ng konti sa kanya. Napansin ni Cassiv ngunit hinayaan nya lang. Napatikhim pa sya ng bigla nalang syang hinawakan sa hita ng dalaga. Pakiramdam niya ay nakuryente ang buo nyang katawan sa ginawa nito. "Wala iyon, basta para sa magiging ikabuti ng lahat." Sabay ngiti pa nitong nakakaakit. Sunod-sunod lang ang paglunok ni Cassiv. Hindi nya alam kung sinasadya ba ni Tamilla na bigyan sya ng motibo o sadyang inosente at nagpapanggap lang itong parang walang alam. Tinitignan niya ang kamay ni Tamilla na noon ay pinapalandas sa hita nya. "Ay pasensya na. Nasubrahan ata ako." Sabi pa nito. Pagkatapos niyon ay masayang nagpaalam ang dalaga sa kanya, habang tinitignan niya ito na palayo sa kanya na may kakaibang naramdaman. Sa kabilang banda, nagulat si Hassan ng paghubad nya ng kanyang jacket ay nakitang nakaupo si Tamilla sa sofa nito. Nakadekwatro at may hawak na basong may lamang red wine. Nilingon sya ng dalaga at nakakaakit na ngumiti. "Mukhang masaya ka ata ngayon?" At sumalin din ng wine sa baso na nakalagay sa maliit na table. "Hindi lang masaya. Masayang masaya!" Sabi ng dalaga at itinaas ang baso para mag toast sila. Isang oras din bago nila naubos ang isang bote ng red wine, kaya tumayo si Tamilla at binuksan ang drawer ni Hassan at saka kumuha pa ulit ng panibago. Nang makapagsalin sya ay kinuha niya ito at inabot kay Hassan. Nasa likod niya ang dalaga at nakayakap ang kaliwang braso sa leeg nya. Bagay na nagbibigay ng kakaibang excitement kay Hassan. "Alam mo ba? Napakalaking tulong ang ginawa mo na pagbigay saken ng mga litrato. Lahat sila nagulantang, at sa tingin ko pati si Cassiv ay nag-iisip na din ngayon ng hindi maganda sa asawa niya." Umiwas sya kay Hassan at tumayo malapit sa bintana. Nanatili lang nakaupo ang binata habang patuloy na umiinom. "Mabuti kung ganun. Hindi ba ganun naman talaga ang gusto mo, ang masira ang pagsasama nila?" Muling tumingin sa kanya si Tamilla at sa pagkakataong iyon ay iba na ang pakiramdam ng binata. Tila inaakit siya nito lalo na mg inilapag ni Tamilla ang hawak niyang baso sa table at paunti-unting lumapit sa kanya. Napalunok ng laway si Hassan. Lalo ng hinawakan sya ni Tamilla sa kamay at hinila, para syang aso na hindi makapagsalita at sumusunod lang sa dalaga. Hanggang sa napansin nyang nasa kwarto na silang dalawa. Itinulak sya ni Tamilla sa sariling kama at doon ay hindi na nya maiwasan pa ang init na nararamdaman niya. Alam nyang hindi pa sila lasing at nasa tama pa silang pag-iisip. Mabilis din niyang hinila palapit sa kanya ang dalaga at inihiga ito na ngayon ang nasa ibabaw ng dalaga. Hindi na nya binigyan pa ng pagkakataon makapagsalita ang dalaga dahil mabilis niya itong nilantakan ng halik sa labi. Naramdaman din niyang hindi tumututol ang dalaga sa ginagawa nya. Sandali syang tumigil at mabilis niyang kinalas ang polo niya at itinapon yun kung saan. Ganun din ang pantalon niya. Mas nagulat pa si Hassan ng umupo at tumalikod sa kanya si Tamilla at hinawi ang mahabang buhok nito. Sino ba naman si Hassan para hindi manlambot at maaakit kung palay na ang kusang lumapit sa manok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD