Mabilis niyang kinalas ang zipper ng bestida nito at muling pinahiga si Tamilla. Mas Lalo syang nakaramdam ng init ng katawan ng makita at masilayan ang malaking dibdib ng dalaga na mas lalo nyang kinatuwa.
"Oh Sh!t!" Mura nito sa isip. Hinalikan niyang muli si Tamilla at sa pagkakataong iyon ay sinasabayan na sya. Mas naging mapusok pa ang ginagawa nila at ramdam ni Hassan higpit ng pagkakayakap sa kanyang leeg ni Tamilla.
"Ipaparanas ko sayo ngayong gabi ang s***p na gusto mong maranasan kay Cassiv." Mapang-akit na bulong niya sa dalaga.
Wala syang nakuhang sagot kay Tamilla kundi mahihinang u***l nito.
At sa loob ng mahabang gabi pinagsaluhan nila ang init ng katawan na kapwa nila nararamdaman.
KINABUKASAN--------]]
"Senyorita....handa na po ang almusal ninyo." Wika ni Esther habang nilalagay sa mini table ng amo nila.
"Salamat Esther. Mukhang masarap ang mga 'yan kaso parang konti lang na naman ang makakain ko."
"Okey lang po 'yun, basta po maramdaman nyong busog kayo at si baby sa tummy nyo." Ngiti ng dalaga.
Habang kumakain si Cataleya at naglakas loob na din si Esther na magsalita.
"Ah senyorita, tungkol po sa nangyari sa Iinyo. Humihingi po kami ng tawad dahil sa kapabayaan namin. Sa katunayan po hindi kami nakatulog ng ilang araw dahil sa konsensya, gusto man po namin na humalili kay manang sa pagbabantay sa inyo e hindi naman po pwede. Sana po mapatawad nyo kami ni Darya."
"Wala iyon. Maayos naman ako at si baby. Sana lang hindi na maulit. Hindi naman ako nagagalit at hindi naman kapabayaan 'yun. Kilala ko kayo ni Darya, hindi nyo naman iiwan ang pagkain kung wala kayong ginawa. Tama ba?"
Tumango tango si Esther. "Sya, kumain kana ba? Kung hindi ka pa nag-almusal sumabay kana saken. Ayoko naman na kumakain ako dito habang nakatayo ka dyan at pinapanuod ako."
"Naku senyorita, hind na po. Mamaya na po kami. Napakabait nyo po talaga. Ngayon palang po, hindi na ako magtataka na magiging mabait at mapagkumababa din ang magiging anak nyo." Naiiyak pa nitong sagot.
Napahaplos at napangiti si Cataleya.
"Salamat.... Pero..maalala ko lang, saan nga ba kayo pumunta nung araw na wala kayo dito sa bahay? Kahit si Manang hindi ko din nakita nun at si Tamilla." Namilog ang mga mata ni Esther. Pinagpawisan sya at parang nanginginig ang mga tuhod.
"Ang-ang totoo po nyan.....si...si Mam Tamilla po---" mautal na wika nito at natatakot.
"Anung tungkol saken?" Biglang singit ni tamilla at pumasok sa kwarto. "Cat, naku mabuti at maayos kana...okey ka lang ba? Anung meron mukhang pinag-uusapan nyo ako."
"Mabuti-buti na din. Nga pala, gusto ko din magpasalamat sayo. Sabi ni doc mabuti at nakita agad ako dahil kung tumagal pa ng ilang minuto maaring mapahamak ako or si baby. Ah si Cassiv pala gusto din niyang magpasalamat. Nagkita na ba kayo?"
"Ohhhh haha nakapag usap na kami kagabi. Ah ibig kung sabihin, pagdating nyo nagpasalamat agad sya."
"Esther anu nga pala yung tungkol kay Tamilla...may sasabihin ka diba tamang tama nandito sya."
Nakangiti lang si Tamilla kay Esther. At kahit hindi ito magsalita alam ng dalaga ang gustong iparating ni Tamilla sa mga titig niya.
"Ahm wa-wala po senyorita...sige po maiwan ko na kayo marami pa po kaming gagawin sa baba." Nagmamadali nitong kinuha ang ilang mga pinggan at sinarado ang pinto.
Tumawa lang si Tamilla at sinabihan pang parang nababaliw si Esther. Hindi naman nagtagal ang dalaga at mabilis din na bumaba.
Nakita nya sina Darya at Esther na tila natatakot sa kanya habang palapit sya sa mga ito.
"Sumunod kayong dalawa saken."
Ngunit umiiwas ang mga ito. "Ngayon na bilisan nyo!" Sigaw nito. Natataranta naman na sumunod ang dalawa at pumasok sila sa isang storage room. Hindi pa nakakasalita ang dalawa ng mabilis na hinawakan ni Tamilla ang mga buhok nito.
"Ahhhhhh." Angil ng dalawa.
"Mam Tamilla, anu bang ginagawa nyo? Ma-masa---ahh aray." Si Darya na nakahawak sa sariling buhok dahil pinipigilan ang paghila ni Tamilla.
"Arayy mam Tamilla masakit po!" Esther.
"Masakit ba???! Tama lang 'yan dahil muntik kanang magsumbong sa pinsan ko!!" At masalong hinigpitan ang pagsasabunot sa dalawa.
Nakayuko na ang mga ito. At si Darya ay naglalaban pero hindi pa din bumibitiw si Tamilla mas lalo lang humihigpit ang hawak nito sa mga buhok nila.
"Malalaman-----malalaman din ni senyorita at senyorito ang mga gina---ginagawa nyo! Ah arayyyy. Tama na po mam Tamilla...!"
"Ito ang tandaan nyo! Kung si Cat ay kaya nyong utuin at nadadala kayo sa paawa at bait effect nya, pwes saken hindi 'yun pwede!! Isaksak nyo din ito sa inyong mga kukuti! Kapag ako na ang naging amo nyo, lahat ng mga kapalpakan nyong gagawin, parusa agad ang haharapin nyo. Hindi ako kagaya ni Cataleya na laging nagpapatawad at akala mo kung sinong mabait!" Sabay bitaw sa mga buhok nito.
Inayos ayos naman ng dalawa. Kasabay nun ay binuksan ni manang Azita ang pinto dahil kanina pa nya naririnig na may nagsisisgaw sa loob. Napansin agad nya ang magulong buhok ng dalawa at si Tamilla na hangos sa hapo na akala mo ay hinabol ng kung anu.
"Mam tamilla? Anung ginawa nyo sa dalawa? Anung nangyari sa mga buhok nyo?!" Tanung ng matanda.
Masama lang ang tingin mg mga ito sa dalaga. Na noon ay lumabas ng pinto na nagdadabog.
"Isa ka pang matanda ka!" Sabay turo kay Azita. "Haysssss! Bakit ba puro mga uto-utonat may saltik ang mga tao dito sa bahay na ito??!" Dagdag pa ni Tamilla at tuluyan ng umalis.
"Ayos lang ba kayong dalawa?" Tumango tango lang ang magpinsan.
Aalis na din sana si Azita para isumbong sa senyorita ang ginawa ng pinsan ngunit mabilis na pinigilan ito ng dalawa at umiling-iling. At naisip nilang kahit magsumbong sila ay mas papanigan pa din nila si Tamilla at hindi ang mga tulad nilang katulong lang sa bahay. Lalo na ng mapansin nilang mas nagiging malapit pa ang loob ni Tamilla sa ina ni Cassiv na si Samira.
Umiyak lang ang dalawa sa loob ng kwarto at pinakalma nalang ng matanda. Wala syang magagawa kung sila ang pumipigil sa kanya na magsumbong. Kahit sya din ay hindi nya magawang isuplong ang pinsan dahil kahit sya ay natatakot din.
"Ayos na ba kayong dalawa? Kung oo ay bubuksan ko na ito baka naghihintay na sila sa labas?" Paninigurado ng matanda.
"A-ayos na po kami. Salamat manang."
Ngumiti ito at naunang lumabas ang matanda at sumunod ang dalawang dalaga.
-----------]]KINAGABIHAN
Umiinom ng wine si Cassiv habang pinagmamasdan ang ganda ng buwan sa may glass window. Habang si Cataleya ay katagapos lang maglinis ng katawan nya.
"Honey, gising ka pa?"
"Ah yeah. Ubusin ko lang ito and susunod na ako dyan."
Humiga na sa kama si Cataleya at ibinalot ang malaking blanket sa katawan niya.
Ang totoo ay bumabagabag sa isip ni Cassiv ang mga litratong ipinakita ng ina niya kanina. Gusto nya tanungin si Cat ngunit para saan naman at anung dahilan, baka makasama lang ito sa asawa nya. Ngunit hindi sya mapakali lalo na at may kakaiba syang nararamdaman bilang asawa ni Cataleya.
Marahan syang umupo at humiga sa likod ni Cataleya, pasimple niya itong niyakap mula sa likuran at unti unting iniharap sa kanya.
"Honey?"
"Hmmm?"
"Can I ask a question to you? It's okey kung hindi pwede, sa sunod na araw nalang kapag makapanganak kana."
"What is it? Hindi naman ata mahirap yan bakit naman ipagpapaliban pa?" Saad ni Cat na nakatingala sa asawa nya habang nakahiga sa braso nito. "Tell me."
"Ahmmm but promise me na hindi ka magagalit o offend kung sakaling itanung ko sayo ang bagay na 'yun?"
"Uh huh."
"It happen before pumunta ako sa Japan, ahm....next time nalang honey. Let's sleep."
"No...tungkol saan ba yun? Mas lalo akong hindi makatulog kung hindi mo sasabihin saken."
"You sure? Kasi...ahm may nakakita sa Inyo...what I mean is may nakakita sa iyo sa park, may kausap kang lalaki and may ilang pictures...I'm sorry...siguro naman you're not doing something that will... that you know..ruin our relationship?"
Napahagikhik si Cataleya.
"Honey...anu ka ba? Si Akim 'yun! Pinsan ko mula sa Palawan, sya kasi yung engineer na in-assign ko para dun sa pinapagawa naming resorts sa Palawan. I'm sorry din kung hindi ko sayo sinabi. Grabi ka, alam mo hinding hindi ko magagawa ang lokohin ka. Hindi na tayo bata para sa mga ganun."
"Pasensya kana. Syempre naman kahit sino magseselos at magtataka kung ang kagaya mong napakagandang babae o maybahay e may kakausaping ibang lalaki. But thanks, I feel relieved. Again , I'm sorry. Hindi na ako magtatanung pa." Sabay tawa ni Cassiv.
"At saka malabo mangyari kun kasi silahis yun." At parehong nagtawanan ang mag-asawa. Mas mahigpit pa nyang niyakap si Cat at hinalikan ng buong pagmamahal sa labi at noo nito.