CHAPTER 11

1611 Words
Napansin ni Cassiv ang nighttees na suot ng asawa, subrang nipis niyon ngunit pansin niya ang ganda ng hugis ng katawan ni Cataleya. Pasimple din niya itong inamoy at hindi maikakailang bagong ligo lang ito. Aalis na sana si Cataleya ngunit mabilis na hinawakan siya ni Cassiv. Binuhat niya ito malapit sa kama at ibinaba. "Honey..." "You're not wearing a bra...and you know that I'm tired and now you're seducing me." Wika ni Cassiv na hinahaplos ang pisngi nyang nang-aakit. "Hey..I'm not----." Nakikiliting tugon ni Cat na noon ay marahan na syang hinalikan ni Cassiv sa leeg at unti-unting kinakalas ang tali ng suot nyang manipis na bestida. "Ohhhhh sh*t! You smell so good, Cat!" Sabi pa nito. "And now, you have to return the favor that you've ask me earlier. By this...." Muli niya binuhat ang asawa at marahang inihiga sa kama. Mainit nilang piangsasaluhan ang mga halik habang ang kamay ni Cassiv at gumagapang sa hita ni Cataleya. Napapaigtad si Cataleya sa ginagawa ni Cassiv at marahang um**ng*l. Sandaling umupo si Cassiv at madaling kinakalas ang button ng polo niya. Umupo din si Cataleya at ngumiti pa sa asawa at saka tinulungan itong kalasin ang mga butones. Matapos makalas ni Cassiv at lumipat ng pwesto si Cataleya at itinulak pahiga sa kama ang asawa. " Alam ko magugustuhan mo ang gagawin ko" Sabi ni Cataleya habang unti-unting tinatanggal ang suot nito. "Uh-huh. Then I can take you to heaven by using my own hand and my lips!" Palaban din na sabi ni Cassiv. Mapang-akit na dahan-dahang tinatanggal ni Cat ang suot niyang night tees ngunit hindi pa man niya nahuhubad ay kaagad na sinunggaban na sya ni Cassiv. Kapwa napapangiti ang dalawa na parang sabik na sabik sa isa't isa. At Pinagsaluhan nila ang mainit na gabi na sila lang ang nakakaalam ng nangyari. ---------------]] "Pasensya na kayo kung ngayon lang kami ng dad nyo nakabisita sa inyo. Kamusta na pala kayo bilang mag-asawa?" Tanung ni Farah na Ina ni Cataleya. "We're good ma, Cataleya is a very hands on wife pagdating saken. And I really love the way she do that." Paliwanag ni Cassiv habang nakahawak kamay sa asawa. "Ikaw iha, kamusta ka naman sa mansyon? Palagi mo bang kinakausap ang chairman?" Tanung ng ama niya. "Don't worry about me pa, hindi ko po laging nakakausap ang chairman kasi busy syang tao. Maayos naman po ako, kasama ko naman si Cassiv." "Iho, anak, thanks for taking care of our daughter. I know you'll be a good partner to her." "Simple things pa. Mahal ko po ang anak nyo and I will always do my best and efforts to maker her happy." "Kelan nyo naman kami mabibigyan ng apo.?" Pabirong tanung ni Farah. Nagkatinginan ang mag-asawa at ngumiti sa magulang. "Malapit na ma, magkakaroon rin kayo ng apo." Biro naman ni Cassiv. Hindi pinaalam ni Cat sa mga magulang o kahit ni Cassiv na hirap sya magbuntis, ayaw kasi niya hanggat maari na mainvolve pa ang parents nya sa problema na sila lang dapat mag-asawa ang magso-solve. Hanggat kaya pa ni Cat, hindi sya hihingi ng kahit anung payo o tulong mula sa magulang nya lalo na ngayon isa na syang ganap na maybahay. Pagkatapos ng dinner nilang iyon, makikita ang saya sa mga mata ni Cat. Iyon kasi ang muling pagkikita nila ng mama at papa niya mula pa ng maikasal sila. Tiwala din naman kasi sina Farah at Javan na nasa maayos na kalagayan si Cataleya sa mansyon ng mga Mondragon. Nangingilid pa ang mga luha ni cat kahit pa ilang oras na nakaalis ang magulang niya. Alam ni Cassiv na subra din ang pagkamiss ng asawa nya sa mga magulang nya kaya hinayaan niyang umiyak ito sa loob ng sasakyan habang yakapyakap. -----[ONE YEAR LATER]----- "Honey, wake up na. It's getting late were going to church diba?" Ngunit walang sagot na narinig si cassiv mula rito. "Honey." Hawak niya sa asawa na nakabalot pa din ng makapal na kumot. nasalat niya ang noo nito na parang mainit. Kaya nakaramdam na ng pag-aalala si Cassiv. "Honey? What's happening to you?" Bumabaleng si Cat at biglang tumakbo sa banyo. Sumunod din si Cassiv at kinamusta pa ito. Paglabas ng asawa ay maputla ito at biglang natumba. Mabilis itong nasalo ni Cassiv at tumawag ng tulong. Hawak-hawak ni Cassiv ang kamay ng asawa nya habang hinihintay si Dra. Perez. Palihim na nagdadasal si Cassiv na sana ay maayos lang si Cataleya. Ilang sandali ay bumukas ang pinto at nakangiting pumasok ang doctor. "How is she Doc? Lagi syang nagsusuka every morning and even sometimes she have a fever." Ngumiti lang si Doc. Perez. "Please let me know." "Dahil sign lang naman ang mga yun ng pagbubuntis." Namimilog ang mga mata ni Cassiv na hindi na kumibo. "Congratulations, she's four weeks pregnant. And please this is strict reminder, bawal na bawal sa kanya ang magkikilos lalo na ang mapagod." Hindi pa din makapaniwala si Cassiv. Panay ang linga nya kay Cataleya na natutulog. "You're not joking, right?" "Why would I? I know this is a big announcement." Napapikit si Cassiv at lumayo ng konti sa asawa at sa doctor. Nagtatalon ito malapit sa pinto at napapasuntok pa sa hangin sa labis na kasiyahan. Niyakap din nito si Manang Azita na kasama nila sa kwarto. "Did you hear that manang? I'm going to be a father!" Masiglang sabi pa nito. Hindi muna ipinaalam ni Cassiv kay Cataleya Hanggang sa makauwi ito ng bahay. Ayaw kasi din nito na magtagal sa hospital dahil kaya naman niya alagaan ang asawa sa bahay. Sa wakas ang matagal na hinihintay nila ay nagkatotoo. Saka lang niya pinaalam sa asawa ng makapagpahinga na ito ng maayos. Mas labis ang saya na nararamdaman ni Cataleya at umiyak pa ito ng malaman. Napatalon din sya sa tuwa ngunit mabilis na pinigilan ni Cassiv. Gabi-gabing kinakausap ni Cassiv ang baby sa loob ng sinapupunan ni Cataleya kahit alam nilang hindi pa ito tuluyang nabubuo. Pinagbawalan din nya ang asawa na kumilos sa bahay, pakiramdam ni Cataleya iyon ang pinakamagandang masarap na alala niya kay Cassiv dahil sa subrang pag-aalaga sa kanya nito. Nagdesisyon ang mag-asawa na magkaroon ng simpleng celebration para sa announcement nila. Hindi pa din kasi nila ipinapaalam sa lahat dahil gusto nilang surpresahin ang mga tao sa mansyon at malalapit na kaibigan. "Anu bang meron, anak. Bakit may mga ganito?" Habang inaalalayan ni Cassiv ang ina papuntang dining area. Napapangiti lang si Cassiv. Umupo ang ina nito at ama malapit sa pwesto ng lolo nya. "Mukhang may magandang balita, anung meron?" Tanung pa ng chairman. "Malalaman nyo din po mamaya." Maya-maya ay dumating ang dalawang kaibigan ni Cassiv ganun din ang ibang mga katulong at kasama sa bahay. At huling dumating si Cataleya na parang anghel sa suot niyang puting bestida. Sinalubong sya ni Cassiv, at hinawakan sa kamay at sabay na naglakad. Matapos makakain ng lahat at nagkukwentuhan nalang, ay doon na tumayo si Cassiv at Cataleya para ipaalam ang gusto nila. Magkahawak kamay na pumwesto sa harapan ng lahat. Natigil ang lahat ng makitang nakatayo ang mag-asawa sa harapan. "First of all, thanks for coming everyone I know you all shocked because of this sudden announcement." Tumingin si Cassiv sa asawa. Nangungusap ang mga mata nila na sila lang ang nakakainitindi. Alam nila sa isa't isa kung gaano kasaya ang kanilang mga puso sa regalong natanggap nila. "Ahm. Everyone, I just want you to know that my wife Cataleya is now four weeks pregnant!!" Malakas na sigaw ni Cassiv at niyakap ang asawa. Nung una ay walang pumalakpak dahil sa gulat at pagkabigla, ngunit pinagunahan iyon ng chairman at tumayo pa. Tuwang tuwa ito at kamuntikan pa matumba. Binuhat naman sincassiv ng dalawa niyang kaibigan, at nilapitan din sya ng ama niya. Maliban kina Tamilla at Samira na tanging naiwan sa bangko at nanatiling nakaupo. Palihim na nakaramdam ng galit si Tamilla sa pinsan at panay ang inom ng alak nito. Si Samira naman ay nakatingin lang sa mag-asawa na nagsasaya habang nagtataka. Lumapit lang sya ng kawayan si ni Darius para makisaya at para hindi siya pag-isipan ng hindi maganda. "Congratulations sa inyong dalawa." "Thanks grandpa." "Hindi ko na kayo masasamahan dito, basta masaya ako para sa inyong mag-asawa." Dagdag pa ng chairman. "Naiintindihan po namin Mr. Chairman, magpahinga na po kayo dahil malalim na din ang gabi." Wika ni Cataleya. Malapad na ngiti ang iginawad ng matanda sa kanya at saka tinapik tapik ng marahan ang kanyang balikat. At nalalayan na sya ni Hassan papasok na sa mansyon. Umalis din si Tamilla at napansin iyon ni Cassiv, at mas pinagtuunan ng pansin Ang dahilan kung bakit sila nagsi-celebrate. Makalipas ang ilang oras, isa Isa nang nagpaalam ang mga kaibigan nila. Masaya din ang mag asawa dahil suportado lagi sila ng mga malalapit na kaibigan. Mabilis na inalis ni Samira Ang suot niyang jacket pagkapasok sa kwarto. At kumuha ng wine. "Nakita mo ba ang reaksyon ni Cassiv kanina? Napakasaya niya, ganun na ganun ako nung malaman kong nagdadalantao ka sa panganay natin." Masayang wika ni Darius habang nagtatanggal din ng necktie. Lumingon sya sa asawa dahil wala syang narinig na sagot mula rito. Tahimik ito at nakatingin sa kawalan. "May problema ba? Hindi ka ba masaya? Hindi bat gusto mo na magkaanak sila?" "Hindi ko din alam Darius, parang pakiramdam ko may mali. Nakita mo naman lahat ng results ng test nya, tapos ngayon bigla bigla syang mabubuntis?" "Bakit pinag-iisipan mo ng hindi maganda ang daughter in law mo?! Anu bang kinagagalit mo sa kanya?" "Malalaman ko din ang totoo! Hindi ako makapapayag na lokohin nya ang anak natin at maging tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD