"Go ahead."
Muling lumingon si Cataleya bago pumasok sa sasakyan. Kumaway din muna si Samira sa dalaga habang naka halukipkip ito. Nang makalabas sa mansyon ay muling bumalik ang binata sa ina.
"She's lovely, right?"
"She is." Ngiti ng ina. "So, now tell me anung sinabi ng lolo mo sa inyo?"
"Gusto nya magkaroon agad ng apong lalaki samen ni Cat, sometimes hindi ko maintindihan ang mga requests ni grandpa, but also I want a child so that will be easy for us."
"Why all of a sudden?"
"I don't know...maybe he's weak. Ma, I'll go upstairs. Maaga pa ako pupunta sa Cavite bukas. Kukunin ko ang weeding ring namin ni Cat."
"Yesss son...Sige na magpahinga kana it's getting late."
"Good night ma, pahinga na din kayo."
"Yeah...may gagawin lang ako saglit."
Kaagad na pumasok ang binata sa kwarto nito matapos makapag paalam.
"Pasok." Wika ng matanda sa loob at pumasok sa opisina nito si Samira.
"Anung kailangan mo? Bakit gising ka pa? Ang mag fiancee nagpapahinga na ba?"
"Umuwi po si Cataleya sa bahay nila, si cassiv naman ay kasalukuyan ng nagpapahinga."
"Mabuti naman. Ipinaliwanag ko na sa kanila ang lahat kanina."
"Mr. Chairman, gusto ko lang sana malaman kong anu ang mga sinabi nyo sa dalawa kanina, siguro naman may karapatan ako na malaman yun dahil ako ang ina ni Cassiv."
Natigil sa ginagawa ng pagbabasa ang matanda at diritsong tinignan si Samira.
"Mahina na ako at baka hindi na ako magtagal. Ang attorney ko na ang magpaliwanag ng iba sa inyo ni Darius. At tungkol naman sa mga bata, at nararapat para sa pamilya na ito na magkaroon ng apong lalaki na magpapatuloy ng nasimulan ko, alam natin dalawa na binigo nyo ako ni Darius kaya sana hindi na mauulit pa iyon kina Cataleya at Cassiv."
"Ga-ganun po ba? Magpahinga na kayo, Mr. Chairman. May meeting pa kayo bukas sa mga Smith." Sabay yukod ni Samira at lumabas ng pinto.
[DIAZ residence]
Halos inabot ng madaling araw ang dalaga ng makarating ito sa bahay, inakala nyang tulog na ang lahat ngunit nagulat sya ng buksan ang ilaw ng kwarto nya ay nakaupo sa kama ang pinsan nyang si tamilla. Mulat na mulat ang dalawang mata na halos mapatalon sa takot at gulat ang dalaga.
"Pasensya kana.."
"Nandito ka naman pala bakit hindi mo binubuksan ang ilaw!"
"Pasensya na, pero anu na? Kamusta ang dinner nyo, kamusta ang kasal?" Excited nitong tanung na napangiti si Cat.
"Alam mo ba Tamilla, napakabait pala ng mom ni Cassiv. Alam mo yun, kanina alagang alaga nya ako, ang lambing ng boses nya at nakakagaan ng loob." Habang inaals ang suot nitong sandlayas.
"Mabuti naman kung ganun, magiging panatag ang loob ko at nintita kapag tuluyan na kayong ikasal ni Cassiv. Nga pala, kelan daw ang kasal?"
"Saturday." Ngiting tugon ng dalaga.
"Webes ngayon, so ibig sabihin sa isang araw na? Bakit ang bilis ata?"
"Ehhh kasi...Yung chairman, yung grandpa ni Cassiv medyo mahina na, tapos..."
"Anu? Sabihin mo na?"
"Gusto nya magkaanak agad kami ni Cassiv ng lalaki."
"Huh?? Bakit, buwan nalang ba ang nalalabi sa matandang yun na para bang nagmamadali sya. Hindi naman ganun kadali ang magkaanak nu? Mabuti kung sa isang subok nyo ni Cassiv may mabuo agad." Sunod-sunod na birada ni tamilla.
Ngumiti lang si Cataleya.
"Pasensya kana. Wag mo na muna alalahanin yun sa ngayon, ang isipin mo ikakasal kana. Nakaklungkot lang dahil maiiwan na ako dito."
"Sino naman nagsabi sayo, kasama ka din kung sakaling lilipat ako. Ikaw lang at si Manang azita ang pinagkakatiwalaan ko, wala ng iba."
Agad na gumuhit ang pagkabigla at kasiyahan sa mukha ng dalaga, at niyakap ng mahigpit ang pinsan.
Hindi lamang pinsan kundi itinuring na ni Cataleya si Tamilla na parang nakababatang kapatid. Magmula ng maghiwalay ang mga magulang nito at nabaon sa utang at nalugi ang dating negosyo, nagpresenta ang ina nya na ampunin ang dalaga. Hanggang sa ngayon na buwan lang ang pagitan ng edad nila ay patuloy na kasama ng dalaga ang pinsan niya. Para na silang pinagbiyak na bunga dahil bukod sa may pagkahawig ang dalawa ay lahat din ng meron si cat ay meron din si Tamilla.
[MONDRAGON Residence]
"Goodbye ma." Sabay halik sa kanang pisngi. "Dad."
"Mag-iingat ka, dahan-dahan sa pagmamaneho." Wika ng ama nito.
"Take care iho, call us kapag nakarating kana dun. Kasama mo ba si Cataleya na pupunta dun?"
"Nope. Ako lang po mag-isa, and besides marami din po syang inaasikaso."
"Basta mag-iingat ka, huwag ka ng kung saan saan pumupunta. Alam mong pinapasubaybayan ka lagi ng chairman."
"Yes ma, I know that. Sige na po." Sabay saludo Ng binata sa dalawa at pumasok sa loob ng sasakyan nya.
[CAVITE]
"Woah, I really can't believe you're getting married soon! No! Bukas na pala, wow! I'm sor proud of you, Cassiv!" Masiglang bati ni Farrell habang naka-akbay sa balikat ng kaibigan na nagsusukat ng kanyang tuxedo.
"Thanks. Pakiramdam ko mag-iibang tao ako kapag naikasal na kami. Wala na akong ibang ipa priorities kundi sya at mga magiging babies namin."
"You know what, I'm sure mamimiss mo ang pagiging buhay binata when you're married. No jamming and girls at all!" Hirit pa ni Thadeus.
Napailing Iling habang nakangisi si cassiv. "Puro kayo kalokohan. Guys, you know that I loved Cat and I have been loyal and faithful for her for almost 7 years, and ayoko masira yun. Kaya kayo, tigil tigilan nyo ako ha."
"Come on! You don't have to explain that! Nagbibiro lang naman kami." Sagot ni Farrell.
Matapos makapagsukat ang tatlo at makuha ang singsing ay sumaglit muna sila sa isa na namang restobar. Hiniling ito ng dalawa nyang kaibigan dahil katwiran ng dalawa ay ikakasal na din naman sya. Pinagbigyan naman ito ni Cassiv. Ngunit lumipas lang ang ilang sandali at nagdidilim na ay nagpaalam si Cassiv. Hindi naman ito pinigilan pa ng dalawa.
"Senyorito, pinapasundo na po kayo ng chairman." Wika ni Hassan.
"Grabi, hanggang dito sa Cavite nasundan nya pa din ako." Sa isip nito.
"Hassan, pakidala nalang muna ito sa bahay. Kapag tinanung ng chairman kung nasaan ako, pakisabi may inaasikaso lang." Wika ng binata at inabot ang mga gamit.
"Alam nyo naman po na ayaw ng chairman na hindi kayo nagpapaalam sa kanya." Sagot ni Hassan, personal driver ng lolo niya.
"Wag ka mag-alala, uuwi din ako bago mag-eight."
"Sige po, sasabihin ko nalang sa chairman "
"Salamat Hassan, bumalik kana din sa mansyon." Pagkatapos nun ay sumakay na si Cassiv sa kanyang sport car.
[DIAZ residence]
"Bakit hindi ka pa natutulog? Excited kana siguro para bukas?" Tanung ni Tamilla sa pinsang nakasilip sa glass window.
"Ganun na nga. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal." Tugon ng dalaga.
"Alam ko masaya ka, pero kailangan mo muna matulog at magpahinga. Dapat maganda ka bukas at presentable, Teka ipagtitimpla kita ng tea para mabilis ka makaramdam ng antok."
"Salamat Tamilla."
Pagkalabas ng dalaga at umupo sa kama si Cataleya, hinahaplos ang singsing na nakasuot sa daliri nya. Nang biglang may narinig syang kumakatok.
"Senyorita, nandito po si sir Cassiv, hinihintay po kayo sa living area." Wika ni Azita.
Napatayo si Cataleya at nagulat.
"Si Cassiv po nasa living area? What is he doing here?" Pero hindi maitatanggi ang mga nangingilid na ngiti ng dalaga. "Sige po, Manang azita salamat po. Ah nga po pala, magpahinga na po kayo kasi maaga pa din po kayo bukas. Ako na po ang bahala sa amin ni Cassiv. Saka nandyan naman po si Tamilla." Wika ng dalaga.
"Naku, senryorita hindi po maaari. Magagalit po saken ang mga magulang nyo "
"Tulog na po sila. Ako na po ang bahala dun, maghapon na po kayo nag-aasikaso dito sa bahay pati na sa akin. Magpahinga na po kayo."
"Napakabait nyo talaga. Sige po, salamat." Napahawak pa sa batok ang matanda at halatang pagod na pagod ito.
Napangiti nalang si Cataleya at agad na tumunog sa living room kung saan nadatnan nya ang kanyang nobyo na nakaupo.
"Cassiv?"
"Hey...amm.. I can explain."
"Wh-what are you doing here? You supposed not to be here, diba nga bawal daw makita ng groom ang soon to be bride?"
"Hey... Gusto lang naman kita makita.
And wala naman magsusumbong na nagkita tayo tonight." Nakangiti pa nitong sabi.
"Silly, Cassiv. Sige na, umuwi kana. Malalim na ang gabi."
Tatalikod sana ang dalaga ngunit mabilis na ipinulupot ng binata ang mga kamay sa maliit nitong bewang at niyakap ito.
"Papauwiin mo na agad ako, nagsinungaling pa ako para lang makapunta dito." Bulong nito.
Humarap ang dalaga sa nobyo. Dalawang pulgada ng daliri nalang ang pagitan ng mga mukha nila.
"You smell so good, Cataleya. I really like your scent." Mapang-akit pang sabi nito.
Kapwa nag-usap ang mga mata at isip nila at akmang hahalikan ng nobyo si Cataleya ay biglang may tumukhim sa gilid ng pinto kaya napatigil ito sa gagawin. Nagkangitian ang dalawa at agad an lumayo sa isa't isa ng makita ang pinsan ng dalaga na si Tamilla.
"Ehmmmm. So-sorry, naka-abala ata ako."
"No... yes actually." Biro pa ni Cassiv.
"Hinahanap kita sa kwarto mo akala ko natutulog kana, pati na si nanay azita tapos makikita ko kayo na...okey pasensya na.." Wika ni tamilla na nakatingin sa magkatabi at magkahawak kamay na magkasintahan.
"Binisita ko lang ang bride ko, maybe I was too excited for our wedding so pumunta ako saglit. Hindi naman ako magtatagal. I want to check is she's doing fine." Sabay tingin sa dalaga.
"Anu ka ba? Okey naman ako lagi."
"Mas maganda pa din yung nakikita ko." Sabay pisil pa sa pisngi nito.
"Naku, matutulog na nga lang ako." Palusot ni Tamilla.
"Don't worry, Thadeus will also there tomorrow." Hirit pa ni Cassiv.
"Tigilan mo ako Cassiv dyan sa kaibigan mo ha. At isa pa, hindi naman ganun ang tipo na gusto ko...at may iba naman ako gusto. May taste naman ako pagdating sa mga lalaki nu!" Nakatayong angil ni Tamilla.
"Okey..."
"Matutulog na ako, Cat. Maiwan ko na kayong dalawa. Kahit kailan talaga, Cassiv." Sabay walkout at kamot sa ulo ni Tamilla.
"What? Hey! What's wrong with her?!" natatawang saad ni Cassiv.