"So, please come in, the clock is ticking. We have prepared all the foods that Cassiv mentioned."
"Oh! By the way, where's Cassiv? I can't see his presence."
"Ahm." singit ni Mr. Darius. "Cassiv? Don't worry iha, he'll be right here, binisita lang nya saglit ang friend nyang dumating kagabi from US." Magiliw na sagot nito.
Elegante at presentableng umupo ang dalaga maging ang mga magulang nito. Naiilang pa ang dalaga at panay ang sulyap sa paligid. Nasanay kasi ang dalaga na maging independent kahit pa isa ang pamilya nila sa mga successful sa business industry. Nang makaupo ay rinig nya ang pagsalubong ng dalawang palad ni Mrs. Samira at lumapit ang ilang maid dala-dala ang mga espesyal na mga pagkain. Dinadaan nalang ni Cataleya sa maamo at magiliw nyang mga ngiti ang hiya nya. Umaasang nasa tabi niya si Cassiv na kahit papano ay lumakas ang loob nya.
Maya-maya pa ay may dumating ang chairman o ang lolo ni Cassiv sakay ng welchair habang tulak ito ng isang matipunong lalaki na guard. Napatayo ang lahat ng makitang palapit ito sa kanila ay sabay-sabay na yumukod.
Itinaas lang ng matanda ang kamay at sumenyas na umupo na. Pagkatapos, pumwesto ito sa unahan.
"Good evening po, Mr. Chairman." Bati ng dalaga dito.
Napangiti ang dalaga. "You must be Cataleya?"
"Yes po."
"Sana maayos ang pag welcome nila sa iyo. Salamat sa pagpapaunlak sa gabing ito, binabati ko kayo sa panibagong tagumpay ng inyong negosyo." Nakatingin ito sa mga magulang ng dalaga.
"Thank you Mr. Chairman."
"Mr. Chairman, We're looking forward for our partnership. and also we're here because of the wedding. Pero hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na ito na magpasalamat sa inyo."sabay tayo ni Javan at yumukod sa matanda.
"And alsow Mr. Chairman. It is because we admire you a lot, your passion and dedication inspired us to do more.." Singit din ni Mrs. Farah.
Napalawak naman lalo ang ngiti ng matanda at napahimas sa tuhod nya.
"Mabuti naman kung ganun ang tingin nyo saken, natutuwa akong marinig ang mga sinabi nyo. Pero ngayon, kumain na muna tayo at pag usapan ang kasal. Lumalamig na ang pagkain."
"Yeah...yes dad." Sagot ni Darius.
Ilang sandali habang kumakain ay napatingil ang matanda dahil napansin na wala si Cassiv.
"Nasan pala si Cassiv? Kanina ko pa sya hindi nakikita."
Nagkatinginan ang mag asawa ganun din sa pintuan, wala pa din si cassiv at mauubos na ang mga nakahandang pagkain. Pansin ng dalawa na napa iling-iling ang matanda at muling sumubo ng pagkain. Katahimikan ang namutawi sa mga sandaling iyon ng biglang may narinig silang busina ng ng isang sport car. At sabay na napatin sa nagmamadaling papasok na si Cassiv, habang inaayos ang damit at kwelyo nito.
"I'm sorry, I'm late. Pasensya na kung naghintay kayo."
"Lagi kang hindi dumadating sa oras ng usapan, dahil mas inuunat mo ang bisyo mo." Wika ng matanda habang nginunguya ang steak nito.
Mas lalong nagkaroon ng konting tensyon ng marinig ito.
Sumenyas naman si Samira sa anak na umupo na at dali-dali naman si cassiv na sinunod ito.
"Hmmm. Guys, kain lang ng kain...marami pa kaming hinanda para sa inyo." pambasag ni Darius sa katahimikan at unti unti naman nagngitian ang lahat kahit naiilang.
"Total nandito na si Cassiv, let's talk about their wedding. Gusto ko maging totoo sa inyo, hindi ko ipinagkakasundo ang anak nyo sa apo dahil isa kayo sa nagungunang matagumpay na business dito sa bansa kundi alam kong gusto ni Cassiv ang anak nyo kaya walang problema saken iyon."
"Have you two talk about your plans for your wedding?"
"Yes ma, ayoko naman ng subrang grande, we'll make it simple. Nag envite lang kami ng mga ilang close friends, and then relatives. Okey na 'yun." Sagot ni Cassiv.
"And gusto din po sana namin na dumirtso sa resort para sa reception, total summer naman po."
"That's a good idea, alam kung sisikat na Naman ang resort nyo for this." Pagbibiro ni Samira.
Matapos makapag-usap kung anung araw at anung oras ang kasal nila ay naunang umuwi ang mga magulang ng dalaga, nagpaiwan muna sya dahil ipinaalam ni Cassiv ang nobya.
"I'm sorry if you waited for so long earlier. Gosh, I missed you." Habang nakaalingkis ang mga kamay sa bewang ng dalaga. "Kanina pa ako nagtitimpinsa sarili ko." dagdag pa nito.
"Okey lang. Hindi naman matagal." Humarap ang dalaga sa nobyo ay ipinulupot din ang dalawang kamay sa leeg nito.
"I can't wait to see you walk in the aisle, ilang araw nalang magiging ganap na akin kana, walang makakaagaw sayo from me. Magiging Mrs. Cataleya Diaz Mondragon kana.."
"Excited ka ba?"
"Of course! Sino ba naman ang hindi excited? Ang babaeng mahal mo magiging asawa mo na sa ilang araw lang." Sabay pisil sa pisngi nito.
"Nga pala sino yung friend mong dumating daw from US?"
"Who told you?"
"Sino pa ba?"
Napakamot at napangiti nalang si Cassiv.
"My mom? Lahat nalang talaga sinasabi nya." Nagtawanan ang dalawa at ilang saglit lang ay tinitignan ng binata ang nobya na para bang inaangkin ito sa mgaa tingin.
"I Love you so much, Cat."
"I love you too."
"You know that I'm very happy because we're finally getting married."
Unti-unting nilalapit ni Cassiv ang labi nya sa labi ng dalaga ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nito at pumasok ang ina nito.
"Maaaa! Don't you know how to knock?" Pasigaw ni Cassiv na medyo asar.
"Wala munang gagawin hanggat wala pang kasal, okey?"
Natatawa nalang si Cataleya.
"Maaa. We...whatever.."
"Hinahanap kayo ng chairman, gusto nya kayong dalawa makausap." Pagkatapos ipaalam sa dalawa ay agad din itong lumabas ng kwarto.
Muling sinuot ng binata ang jacket nito at inayos ni Cataleya ang sarili. Hinawakan ni Cataleya sa braso ang nobyo.
"Kinakabahan ako."
"Hey... don't be. Maybe grandpa is strict but I can assure you na mabait naman sya...and beside kasama mo ako." Pagpapalakas ng loob ng binata. "Okey?" Sabay haplos sa buhok at pisngi nito.
Magkahawak kamay na lumabas ng kwarto ang magkasintahan habang palapit sa opisina ang chairman. Bago pumasok, isang malalim na paghinga ang pinakawala ni Cassiv at kumatok sa pinto. Nang marinig marinig nila na pinagpatuloy sila ay pinihit ng binata ang door knob at pumasok. Kapwa sila nakangiti habang palapit sa matanda na noon ay nakasilip sa bintana.
"Grandpa, we're here." Bati ng binata.
Humarap ang chairman sa dalawa at pinindot ang auto ng welchair at dumiritso sa kanyang table.
"Have a seat."
Marahan pang umupo si Cataleya dahil nangangatog na ang tuhod nya, nang mapansin iyon ni Cassiv ay nginitian sya nito at pasimpleng hinawakan ang tuhod.
"It's okey." Marahang wika nito.
"Grandpa, hinahanap nyo daw po kami?"
"Meron lang akong gustong sabihin, pinaalam ko na ito sa mga magulang nyo kanina..."
"What is it?"
"Narinig ko na sa Palawan ang hometown mo iha." Baleng ng matanda sa dalaga.
"Ye-yes po Mr. Chairman."
Napangiti ang matanda.
"Napakagandang probinsya..."
"It is, Mr. chairman. Lahat doon ko po unang natutunan. Lumuwas lang kami dito sa syudad ng mag college ako and then ng ibigay saken ni dad ang ilang resorts para I manage. Sa katunayan po, nagbabalak po ako magpagawa doon sa El Nido, kasi mata po sya sa mga tourists." Paliwanag ni Cataleya.
"See grandpa? She's the most powerful and dedicated woman that I've ever met...malayo sa mga pinakilala mo saken dati." Singit ni Cassiv.
"Masaya akong marinig ang mga plano mo iha, at isa pa hindi mo kailangan mailang kapag makausap tayo. masasabi ko na pinalaki ka ng maayos mg mga magulang mo. Maswerte si Cassiv dahil ikaw ang napili nya."
"Salamat po, Mr. Chairman."
Kumindat pa si Cassiv sa nobya.
"Pero tungkol po saan yung sasabihin nyo?"
"Ah...para sayo Cassiv, gusto ko ipaalam sayo na kahit isa kang Mondragon at kilalang tao ay kokonsintihin kita sa mga ginagawa mo, ngayong ikakasal kana sa susunod na araw maging responsible ka na sa lahat ng bagay. Alam mo ang tinutukoy ko, iho."
"That's was I told you earlier, he's very strict." Kibit balikat ng binata at nagkangitian sila ni Cataleya.
"Matanda na ako, hindi ko alam kung hangang kelan pa ako magtatagal, pero sinisigurado ko na lahat ng properties ko ay mapupunta sa lahat ng maayos. Nakausap ko na ang attorney ko, 40% ay idodonate ko at mapupunta sa charity at ilang homeless na pamilya at ang 60% at lahat ng properties ko ay mapupunta sa magiging anak nyo ni Cataleya. Iyon ay kung lalaki ang magiging apo ko, pero kung babae kalahati lang nun at the rest sa charity na." Pagpapatuloy na pahayag ng matanda.
"So, you're trying to say na gusto mong bigyan ka namin mg apo? A.S.A.P?" Nangingilid na ngiti ng binata. "Kung 'yun lang naman pala e, pwede na kami gumawa mamaya ni Cat." Birong hirit pa nito.
Biglang nangasim ang hitsura nito ng biglang hampasin ng matanda sa tuhod ang binata.
"Grandpa..I'm just kidding."
Ilang sandali pa ay natapos ang pag uusap ng tatlo. Nakangiting lumabas ng opisina ang magkasintahan na tila ay mabunutan ng tinik si Cataleya ng magkapanatagan sila ng loob ng matanda.
"No...ihahatid na kita." Wika ng binata.