Natatawa nalang si Cataleya sa ginagawa ng dalawa. Kahit noon pa ay ganito na sila kung mag-asaran at magkulitan. At ni minsan hindi nag isip Ng iba ang dalaga sa pinsan nya at maging sa nobyo nyo.
"Babe, ahm I'll go ahead then." Paalam ng binata.
"Sure. Good night."
"Good night."
Hinalikan ito ni Cassiv sa labi na buong pagmamahal sa harapan ni tamilla na bahagyang yumuko ng gawin ito ng binata.
"I love you."
"I love you too Cassiv. Mag-ingay ka sa pag-uwi."
"I will." Ngiti nito at lumabas na ng pinto.
Kumaway pa si Cataleya sa nobyo bago pumasok sa kanyang sasakyan. At saka pinaharorot ito.
[MONDRAGON Residence]
"Saan ka galing?" Nagulat pa si Cassiv ng biglang lumitaw sa likuran nya ang kanyang lolo.
"Grandpa?"
"Tinatanung ko kung saan ka galing? Kung hindi ako nagkakamali, siguro nagpaplano ka na naman sumali sa racing."
"No. Sumaglit lang po ako kina Cat. I-i just want to see her. That's it."
"Cassiv, apo. Lahat ng meron ka iyon ay dahil may dugong Mondragon na dunadaloy dyan sa katawan mo. Wala kang pinaghirapan sa lahat ng meron ka. Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mo basta maging totoo ka lang saken. Sige. Alam kong maayos ang pamilya ni Cataleya at malaki ang tiwala nila sa atin ganun din ako sa kanila. Kaya sana wag mong sisisrain yun."
"Wh-what do you mean?"
"Sinasabi ko lang na wag kang gagawa ng kalokohan, lalo na sa mga Diaz. Katulad natin, malaki din ang impluwensya nila. Wag na wag mong lolokohin at sasaktan ang nag-iisang heredera nila. Dahil kapag ginawa mo iyon ako mismo ang kusang lalayo ang loob sa iyo."
"Grandpa naman. Why would I do that such thing to her? I love her more than anyone expected. Hindi ko magagawa yun sa knaya." Natatawa pang wika ng binata.
"Mabuti kung ganun. Sige na magpahinga kana at maaga ka pa bukas. Bago ko makalimutan, apo."
"Anu yun, lolo?"
"Masaya ako para sa inyo. Magkaroon nawa kayo ni Cataleya ng maayos at perpektong pamilya."
"Thanks grandpa."
At nagpaalam ang binata sa matanda at saka pumunta sa master's bedroom.
Hindi na nakatulog pa si Cassiv dahil sa subrang excited nito. Nauna na syang nag-intindi sa lahat at gulat na gulat ang mga magulang niyang handa na ito. Pagpatak ng alas syete ng umaga ay gayak na din ang lahat. Dapat bago mag-eight ay nasa simbahan na sila dahil ten magsisimula ang seremonya.
"Bago ko makalimutan, anak. Binabati kita. Mamaya lang magiging ganap na tunay na lalaki kana. Ingatan mo at mahalin magiging asawa mo. gaya ng ginagawa ko sa mommy mo." Payo ng ama nito.
"Thanks dad. Gagawin ko."
Mangiyak-ngiyak naman na lumapit ang ina nitong si Samira sa kanya.
"Ma." Sabay kibit balikat nito.
"Don't mind me." Wika nito habang hawak sa magkabilang pisngi ang anak. "My son...talagang napakamatured mo na. Napakagwapo mo ngayon, anak." Dagdag pa na nito habang inaayos ang kwelyo ng kanyang tuxedo.
Niyakap ito ni Cassiv at maging ng ama niya. Ngunit mabilis din silang kumawala sa isa't isa ng lumabas ang chairman at sabay na tumingin para sa pagbibigay galang sa matanda.
"Bakit kayo nag-iiyakan dyan? " Tanung nito.
"Masaya lang po kami chairman." Tugon ni Darius.
Sumenyas ang matanda sa isa nyang tauhan at may binulong ito. Bumaba ito mula sa hagdan at lumapit sa malaking bagay na may tabing itim sa harapan nila.
"Cassiv, tanggapin mo ang regalo ko sayo apo." Sabay abot ng isang maliit na box.
"What is it? Let me guess?." Sabay kuha ng box.
"Buksan mo na."
"Ngayon na po?"
Tumango ang matanda. Napamulagat ang mata ng binata dahil isang susi ng sasakyan. Nang sumenyas muli ang matanda ay sabay-sabay na inalis ng bodyguard nito ang isang napakalaking tabing. Halos lumuwa ang mga mata ni Cassiv ng makita ang isang bagong sport car na black Audi R8. Napatakbo pa ito sa tabi at sabay na napahawak sa ulo. Hindi sya makapaniwala dahil binabalak niyang bumili talaga nun pagkatapos ng kasal nila ni Cataleya.
"Grandpa? For real?" Hindi mapakaling tanung ng binata sa labis na kasiyahan.
"Alam kong matagal mo ng gusto iyan, kaya inunahan na kita. Tamang-tama. Iyan na ang gamitin mo papunta sa simbahan." Tugon nito.
"Thanks grandpa!" Sabay pasok sa loob ng sasakyan.
"Sige na, susunod na din kami." Sigaw ni Darius.
Pinaharorot ng binata ang sasakyan ng may ngiti sa labi. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman nito.
Samantala, matapos maayusan at bihisan si Cataleya nakaupo sya habang hinihintay ang kanyang pinsan at si Manang Azita.
"Hey..." Wika ni tamilla ng makita ang pinsan pagpasok sa dressing room.
"Wow! Nakapakaganda mo, Cat."
"Tama po si Mam Tamilla, napakaganda nyo ngayon senyorita." Dagdag din ni Azita.
"Salamat manang. Kayo din naman po, bagay na bagay sa inyo ang suot nyo ngayon."
"Salamat senyorita. Ah heto nga po pala yung hinihingi nyo."
Maya-maya ay may pumasok na isang babae.
"Senyorita, nandyan na po ang sasakyan sa baba. Naghihintay na daw po ang lahat sa simbahan. Oras na po para sa pag-alis nyo."
"Ayan na ..." Inaalalayan ni Tamilla ang pinsan sa pagtayo, habang ang matanda ang humahawak sa dulo ng puting gown nito sa likod pababa sa hagdan. "Dahan-dahan lang..." Sabi pa ni tamilla.
Matapos makapasok sa puting limousine si Cataleya ay sabay sabay na yumukod ang lahat. Pagkatapos nun ay isa-isa din silang nag-madali sa pagsakay sa mga nakahandang iba pang mga sasakyan.
Nang makarating ang lahat ng panauhin at handa na para sa seremonya ang lahat ay pinapasok na sa loob ng simbahan.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonya. Habang ang lahat ay naghihintay ng tawagin ang pinaka-inaabangang bride na si Cataleya sa pagpasok at paglakad sa gitna ng aisle. Nakatuon ang lahat sa napakagandang si Cataleya at hindi din nito maitatago ang mga luhang dumadaloy sa gilid ng mata niya habang papalapit sa kanyang magiging katuwang sa buhay na si Cassiv.
Bakas din sa mga mata nito ang nangingilid na mga luha ng magkalapit sila sa isa't isa.
"You're so beautiful!" Senyas nito at Mahigpit na hinawakan ng sa kamay at humarap sa pari.
Matapos makapagpalitan ng vows ang dalawa at inanunsyo ng pagiging ganap nilang sagradong mag-asawa ay tumayo ang lahat at pumalakpak. Isa-isang din silang nilapitan ng mga relatives upang i-congratulates.
Katulad ng mga kinakasal, hinintay ng lahat sa labas ang mga ito. Tuwang-tuwa ang bagong kasal na makita ang mga taong laging nakasuporta sa pag-iibigan nilang dalawa.
"Mag-iingat kayo sa daan...pupunta na kami sa reception..magkita tayo dun." Wika ni Darius.
Lumapit si Samira sa dalawa at parehas na niyakap.
"Congratulations. Lahat at nasabi ko, and now you're officially my daughter in law, Cat."
"Salamat po."
"Ma." Wika ni Samira. "Tawagin mo din ako mama kagaya ni Cassiv."
"Salamat, ma." Muli ay niyakap ni Samira si Cat. Nilapitan din siya ng mga magulang niya at umiiyak pa si Farah.
"Mom, umiiyak pa din kayo?"
"Napakaganda mo kasi anak. Masaya ako para sa inyo ni Cassiv."
"Sige na, umalis na kayo. Naghihintay ang ibang bisita sa resort. Mag-iingat kayo. Cassiv, wag mo muna isipin na nasa karera ka."
"Masususnod dad. Ayaw ko naman mapahamak itong bride ko lalo at may honeymoon pa kami." Pilyong sagot ni Cassiv na dahilan ng pagtawa ng mga magulang nila.
Muling kumaway ang dalawa bago pumasok sa sasakyan. Medyo aabutin ng isang oras nag byahe nila. Hindi na inalis ni Cassiv ang kamay niya sa pagkakahawak kay Cataleya. Hindi naman ito tinutulan ni Cat, alam nyang mag-iingat ito.
Pagkarating sa venue mg reception kung saan isa sa mga resort na minamanage ni Cataleya ay napakaraming tao ang naghihintay sa kanila. Sinalubong sila ng kanilang malalapit na kaibigan at isa Isang niyakap.
"Congratulations to the newly wed couple!" Hiyaw ni Farrell.
"Woahhhh!" Kantyawan ng lahat. Napansin pa nito ang bagong model na sport car ni Cassiv at agad na lumapit dito at hinimas pa ang bandang unahan.
"Wait! Is this your new car? Pare, alam mo ba na hinihintay ko din na lumabas to, tapos makikita ko na meron kana! Ibang klase din talaga ang galing mo!"
"That was a wedding gift from grandpa. Nagulat din ako, alam mo naman na gusto ko din talaga to!"
"Hep!hep! Nandito tayo para sa panibagong celebration ng kasal nila hindi para sa bagong sasakyan." Biglang singit ni Tamilla. Nagtawanan nalang ang mga ito at napapakamot sa mga ulo.
Pagkatapos nun ay dumiritso na sila sa mismong venue sa resort, sandali nilang hinintay ang kanilang mga magulang bago sila nagsimula.
"I just want to thank to all of you, sa lahat ng mga nakasaksi ever since ng pagmamahalan namin ni Cat, my wife. Salamat dahil nandito kayo para saksihan muli ang pagiging isa namin ni Cat." Pahayag ni Cassiv habang mahigpit na nakahawak sa kamay ng asawa.
Nang makapagsalita din si Cataleya ay sumiklab ang masigabong palakpakan at malakas na hiyawan. Dahil din nakaisip ng kalokohan si Thadeus, tumayo ito at kumuha ng kutsara at babasaging baso at saka pinaingay ito.
Mas lalong naging malakas ang hiyawan dahil para sa bagong kasal ang ibig sabihin nun ay "kiss" na agad naman ginawa nina Cataleya at Cassiv. Napapapikit pa ang iba dahil medyo matagal ang paghalik ni Cassiv sa asawa.
"Mag-iingat kayo....good luck sa honeymoon!" Biro ni Thaddeus.
Muling sumakay ang mag-asawa sa sasakyan matapos magpaalam sa lahat. Todo suporta naman ang mga malalapit na kaibigan at mga magulang nito sa bagong kasal.