"Oh no. My cellphone!"
Kaagad kong tinulak si Hardy at bumaba sa fishpond para kunin ang aking nalaglag na cellphone.
"W-what happened?!" Gulat na tanong ni Hardy.
Mabuti na lang at mababaw lang ang fishpond kaya nakita ko kaagad ang aking cellphone. Pagkakuha ko ay patay na ang aking cellphone.
Pak! Pak!
Sa galit ay nasampal ko kaagad si Hardy.
"What the f*ck, Debbie! Why did yo slap me?" ang kaninang nag-iinit na pakiramdam ni Hardy ay napalitan ng pagtataka at galit sa pagsampal ko.
"This is all your fault. See, my phone is not working anymore. Why did you kiss me?" galit na bulyaw ko.
"It's because your pouting your lips when I ask yo about the water. I thought that yo want me to kiss yo, so I kiss yo." nagugulumihan na din si Hardy.
Pinagsusuntok ko na ito sa dibdib.
"I'm pointing the water inside my bag. I'm chewing a candy that's why I cannot talk properly. See.. What did you do to my phone. It's not worki--"
"Stop it okay. My bad. Sorry if I misunderstood yo. Okay I will buy a new phone for yo."
"No!"
"Don't be silly. I will a buy new phone for yo." napipika na si Hardy sa akin.
"Easy for you to say that. I love this phone. I have so many pictures.. Videos.. A-and-- I just love this phone. I don't want any other phone."
Nag-umpisa na akong umiyak kasi hindi na gumagana ang aking cellphone. Ang mahal kaya ng bili ko nito kasi nga latest model ng Samsung 2 years ago. Hindi pa naman ako mahilig magpapalit palit ng cellphone. Ang gusto ko pangmatagalan saka galing sa sarili kong pera ang pinambili ko.
"Okay, give me your phone. It's just a seconds when it dropped so I'm pretty sure it will work. I'll keep it and let it dry 'coz I know for sure yo will try to open your phone to see if it's working or not." inilahad na ni Hardy ang kanyang kamay para kunin ang aking cellphone.
Bantulot kong binigay ang aking cellphone kay Hardy kasi hindi ko nga alam kung marunong ba siyang mag-ayos. Pero tama siya na baka nga kalikutin ko ang aking cellphone kapag nasa akin. Mahilig pa man din akong magbutinting. Mamaya kakapindot ko kung gumagana ay masira ko pa ang aking cellphone. Sa huli ay binigay ko na rin.
"Okay I will keep it with me and let it dry.. maybe for a day. Tomorrow or the day after tomorrow I will check it again and if it's working then I will return it to yo. If not, then I will buy a new phone for yo. Deal?"
Pumayag ka na. Sana nga hindi gumana tapos magrequest ka ng IPhone. Sulsol naman ng utak ko.
Oo nga noh.
"Okay. Deal!"
******
Dahil binigay ko ang aking cellphone kay Hardy ay napilitan tuloy akong gamitin ang isa ko pang cellphone na luma na. May camera din naman kaso sa kalumaan ay puno na ang memory at madaling malobat kaya hindi ko na masyadong ginagamit.
Sa buong araw namin ay parang nawalan na tuloy ako ng gana ng dahil sa nalaglag kong cellphone ko. Kahit na noong nasa Butterfly Garden na kami ay hindi na ako masyadong nag-eenjoy. Ang ganda pa man din sa Butterfly Garden kasi para kang nasa paraiso. May iba't ibang klase ng paru-paro. Kahit gustuhin ko mang kumuha ng picture o magselfie ay nahiya naman akong gamitin ang luma kong cellphone. Ang ginawa ko na lamang ay nag volunteer na maging photographer at videographer. Napansin ko din na hindi lang pala ako ang hindi masyadong nag-eenjoy dahil si Peter ay napapansin ko ding hindi gaanong nagsasalita at minsan ay parang pinipilipit ang tiyan. Nang pauwi na kami ay tinanong ko siya sa traysikel kung masama ba ang pakiramdam niya pero umiling lang ito. Nahihiya siguro dahil nga lalaki siya tapos magkakasakit. Ang mga lalaki pa naman ayaw umamin, feeling siguro niya ay makakabawas sa kanyang p*********i ang pag-amin na masama ang pakiramdam niya. Hinayaan ko na lamang si Peter basta sinabihan ko siya na kapag kailangan niya ng tulong ay tawagan o message niya lang ako. Tumango lang ito.
Habang naghahapunan kami ay sinabi ko na ang itinerary namin para bukas. It's beach time.
Makakapag two piece na ako rin ako sa wakas. Tuwang tuwa din ang apat dahil nga pwede na nilang ibalandra ang kanilang mga beach bodies.
Bukas dapat maaga pa kami at una naming pupuntahan ang Salagdoong Beach. Excited na din akong makita ang Cliff Jump na kilalang tourist spot sa Siquijor na tumatalon ang mga turista sa dagat. Siyempre hindi ako tatalon. Gusto ko lang makita. Pagkatapos ay kakain lang kami sa Kanheron Ranch at balik na rin sa aming resort para ipagpatuloy ang paliligo. Sa ilang araw naming pananatili ni Hardy ay hindi ko pa nabisita ang ilang bahagi ng resort dahil pagod na ako sa buong araw. Si Hardy feeling ko naikot na niya ang resort kasi minsan nawawala siya sa kubo niya sa tuwing sinisilip ko siya sa gabi kapag pupunta ako ng banyo.
*******
Itinerary
Salagdoong Beach and Cliff Jump
Kanheron Ranch
Maaga pa ay nakagayak na kaming lahat. May dala na naman akong tote bag para sa mga gamit namin ni Hardy. Katulad ng dati ay wala na namang dala ang dalawang babae at si Peter maliban lang sa suot nilang damit, cellphone at sarili nila. Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa traysikel papunta sa Salagdoong Beach. Mabuti na lang talaga at halos tuldok na lang ang chikinini sa aking leeg kaya hindi na halata. Para na lang itong kinagat lang ng lamok kaya hindi ko na rin nilagyan ng foundation.
Pagdating sa Salagdoong Beach ay nagbayad kami ng entrance at pumasok na sa loob. Una kaagad naming hinanap ang Cliff Jump. Pagdating namin ay may mangilan ngilan nang turista na pumipila para tumalon sa nasabing Cliff Jump. Nang grupo na namin ang kasunod ay nag-volunteer na ako na ako na ang kukuha ng kanilang mga picture at video dahil ang totoo talaga niyan takot akong tumalon. Marunong akong lumangoy, oo, pero ibang usapan ang tumalon. Napakam*rbid ko pa namang mag-isip minsan, kung ano anong trahedya na ang pumapasok sa utak ko.
Naunang tumalon sa amin si Hardy. Lahat ay napanganga ng tinanggal nito ang pantaas na hawaiian polo shirt at itinira nalang ang kanyang black shorts. Kitang kita ang mga tattoo ni Hardy sa katawan na lalong nagpadagdag ng kanyang appeal. Lalaking lalaki ang dating. Nakita ko naman si Mama Mary. Patawad po, Mama Mary at nagkasala na naman ang aking mata at isipan.
Tumambad din ang eight packs ni Hardy na lalong nagpakilig sa mga babaeng naroon. Nag cheer pa sila ng tumalon na si Hardy. Sarap pagtutusukin ang mga mata. Kung pwede nga lang itago sa aking bulsa si Hardy para hindi nila pagnasahan ang katawan eh.
Possessive 'te. Kala mo girlfriend ka ni Hardy at may patago tago kapa sa bulsa. Binubuska na naman ako ng aking isip.
"Kung hindi ko rin lang matitikman ang katawan niya, dapat wala ding makakatikim sa kanya dito hanggang makabalik siya ng Amerika." mahinang bulong ko.