Natapos ang unang araw ng tour namin sa Siquijor na wala namang aberya. Nag-enjoy kaming lahat. Kahit na hindi masyadong nag-uusap si Hardy at si Peter ay civil naman silang dalawa. Hindi na nga din kami inistorbo pa ni Hardy matapos ang pag-uusap namin sa may balsa.
Sabay sabay na rin kaming naghapunan sa restaurant pagbalik namin sa resort. Bago kami maghiwalay, sinabi ko na sa kanila ang itinerary namin bukas. Ang pupuntahan naman namin ay ang Lazi Convent, Enchanted Balete Tree at Butterfly Sanctuary. Actually kaya hindi muna ako nagbe-beach sa aming itinerary dahil visible pa rin ang aking chikinini sa leeg. Baka sa sunod na araw na kami pupunta sa beach dahil konti nalang ang bakas at pwede nang lagyan ng foundation para hindi mahalata. Siyempre gusto ko din mag two piece para naman maibalandra ko ang aking sexy and slim body sa madlang people. Kahit naman super sexy ng dalawang kasama ni Hardy ay hindi naman ako pahuhuli. Dami din kaya naiinggit sa aking pang-model na katawan. Sayang naman ang dala dala kong two piece kung hindi ko maisusuot.
*********
Itinerary
Lazi Convent
Enchanted Balete Tree
Butterfly Sanctuary
Sa pangalawang araw ng tour namin ay ganoong oras pa rin kami nagkita sa loob ng restaurant.
Mabuti naman at maayos ayos na ang suot ng dalawang dalaga ngayon. Pinaalalahan ko sila na kumbento ang pupuntahan namin kaya dapat maayos ang suot nila. Kahit na nakasuot sila ng short shorts at tank top na labas s**o na naman ay mas okay na 'yan kesa mag string bikini na naman silang dalawa.
Gusto ko namang matawa kay Hardy at kay Peter dahil halos pareho sila ng suot. Naka hawaiian polo shirt at brown casual shorts na pinarisan nila ng brown men's sandal. Nang magkatinginan silang dalawa at napansing magkapareho ang get up ay parehong sumama ang kanilang mukha. Walang itulak kabigin sa kanilang dalawa dahil pareho silang gwapong tingnan. Katulad ulit ng set up namin kahapon ay magkasama sa isang traysikel si Hardy at ang dalawang babae at ako at si Peter naman sa isang traysikel din.
Nang marating namin ang Lazi Convent ay sinabihan kami ng drayber na maganda ring puntahan ang kanilang simbahan, ang San Isidro Labrador Church dahil katabi lang ito ng kumbento.
Nakita naman namin ang tinuro nilang simbahan kaya minabuti nalang naming pumunta muna doon para manalangin. Sinabihan ko na lamang ang dalawang dalaga na sa labas na sila mag picture picture o kumuha ng video o kung gusto nilang pumasok sa loob ay bilisan lang nila dahil hindi naaayon ang kanilang suot sa loob ng simbahan. Mabuti na lamang at nag long dress ako at nilagyan ko lang ng scarf ang aking leeg kaya pwede akong pumasok sa loob.
Inaya ko din si Peter na pumasok sa loob pero nagpaiwan ito sa labas. Ang sabi niya medyo sumama lang ang kanyang pakiramdam. Gusto daw niyang pumasok at manalangin dahil sa Amerika nga ay Linggo Linggo silang nagsisimba ng Mommy niya pero hindi niya lang maintindihan ang kanyang sarili kung bakit ayaw niyang pumasok ngayon. Hindi ko na siya pinilit pero medyo na disappoint lang ako ng kaunti kay Peter kasi kahit naman hindi ako nagsisimba Linggo Linggo ay pumupunta talaga ako sa simbahan para manalangin kapag may time ako. Siguro nga ay masama lang ang pakiramdam nito. Hindi ko nga ini-expect na mas maka-Diyos pa si Hardy dahil nauna na ito sa loob ng simbahan. Nakita kong taimtim itong nakaluhod malapit sa altar at nakayuko habang nanalangin. Sa laki ng katawan ni Hardy hindi mo aakalaing maka-Diyos ito. Sabagay may tattoo nga ito ni Mama Mary eh. Dagdag pogi points si Hardy sa akin. Minus points naman sa akin si Peter.
Bah may point system ka pa talaga sa kanilang dalawa. Ito na naman ang aking isip.
Joke lang ang point system. Si Peter nalang ang tatargetin ko tutal minus point ako kay Hardy. Hehe.
Matapos naming manalangin ni Hardy ay pumunta na kami sa Lazi Convent. Ayon sa namamahala sa kumbento ay ito ang pinakamalaki at pinakamatandang kumbento dito sa Asya. Habang iniikot namin ang kumbento ay hindi maipagkakailang luma na ito pero matatag pa din sa pagdaan ng ilang taon. Dahil na rin siguro sa katandaan ay hindi ko rin maiwasang kilabutan kasi parang may nararamdaman akong kakaiba sa tuwing papasok kami sa mga kwarto. May ibang part naman ng kumbento na okay pero may iba talaga na mabigat ang aking pakiramdam. Suma tutal ay nag-enjoy naman kami sa pag-ikot ikot sa kumbento kaya worth it siyang puntahan.
Matapos ang pag-iikot namin sa Lazi Convent ay sunod naman naming pinuntahan ang Enchanted Balete Tree. Dahil siguro sa pandemic ay isang pamilya lang ang naabutan namin na bumisita sa balete tree. Mukhang paalis na din ang kanilang grupo at pupunta na sa ibang lugar. Ibig sabihin ay grupo lang namin ang kanilang bisita. Ang sabi nga ng napagtanungan namin sa may entrance na kumonti ang pumunta dito sa Siquijor simula ng pandemic. Ngayon ay paunti unti ay may mga dumadayo na ulit dahil tinanggal na ang restriction. Pinaalalahan kami sa entrance na magsabi ng tabi tabi po at huwag masyadong mag-ingay. Huwag din masyadong magtuturo at basta basta magtapon ng basura. In-explain ko na iyon sa aking mga kasama para aware sila.
Pagkapasok ay diretso kaagad kami sa balete tree. Mayroong parang malawak na fishpond sa gitna kung saan nakatayo ang century old balete tree. Dali dalimg nag si-upuan ang aking mga kasamahan at tinanggal ang kanilang tsinelas at sandal para ilublob ang paa sa tubig. May mga maliliit na isda sa pond na nginangatngat ang paa ng mga bisita kaya parang nagsisilbi din itong footspa. Dahil naiihi ako ay nagpaalam muna ako sa kanila na mauna na sila. Iniwanan ko na silang apat sa may fishpond.
Matapos makaihi ay dumaan muna ako sa restaurant para bumili ng tubig at chichirya para sa aming lima. Sinilid ko na iyon sa aking tote bag. Pagdating ko sa fishpond ay wala na ang apat. Siguro ay kung saan saan na sila nagliwaliw. Nawili siguro kakakuha ng mga video at picture kaya ang ginawa ko ay nag pose na rin ako sa balete at kumuha ng mga selfie. Matapos makapag selfie ay umupo na din ako sa may fishpond. Nilapag ko sa aking tabi ang bag at kumain ng kendi. Habang kumakain ng kendi ay tinanggal ko ang aking sandal para ilublob ang aking paa sa tubig.
Tuwang tuwa ako sa mga isda dahil sa tuwing nginangatngat nila ang aking paa ay nakikiliti ako. Minsan ay napapahagikhik pa ako. Sa katuwaan ko ay kinuha ko ang aking cellphone at binidyo ang mga isda. Ang kagandahan lang dito ay super clear ng tubig kaya magandang bidyuhan.
"You're enjoying huh." nagulat pa ako dahil biglang may nagsalita sa tabi ko.
Ang lokong Hardy, siya lang pala. Muntik ko na tuloy mabitawan ang cellphone ko. Hindi ako makasagot sa kanya ng maayos dahil ang gummy ng kending kinakain ko. Napansin din siguro nitong may nginunguya ako kaya hindi na ito nag-antay ng sagot. Patuloy pa rin ako sa pagbidyo. Umupo na ito sa aking tabi at inilublob din ang sariling paa sa tubig. Sinenyasan ako nitong kunan ng bidyo ang paa nito. Sinenyasan ko din itong ilapit nito ang kanyang paa sa aking paa para nasa iisang frame lamang pareho ang aming paa.
"Do yo have a water? I'm thirsty." kapagkuwan ay sambit nito.
"Uhhmmm..."
Dahil nga may nginunguya ako ay ngumuso na lamang ako na nasa loob ng bag na nasa pagitan namin ang tubig. Kunin na lamang niya.
"Uhhmm.."
"What? I don't get yo. Why you're pouting your lips at me."
Itinigil ko na ang pagbidyo at huminga ng malalim.
Hay, naku. Akmang lulunukin ko na ang kending kinakain ko para makapagsalita ng walang sabi sabi ay dumukwang si Hardy at mas lalo akong nagulat ng halikan niya ako.
Biglang nanlaki ang aking mata sa kanyang ginawa. Bakit niya ako hinalikan? Ibig bang sabihin ay gusto ako ni Hardy?
Ang simpleng halik lang ay biglang lumalim. Ang sarap talaga ng halik ni Hardy. Nakakalasing. Parang nakalimutan ko na nasa harap kami ng balete at anumang oras ay may mga bisitang darating at makikita kaming naghahalikan.
Sa naisip ay parang nakaramdam ako ng hiya at itutulak ko na sana si Hardy pero paglapat ng kamay ko sa kanyang dibdib ay imbis na itulak ay iba ang ginawa ng aking kamay. Hinaplos haplos ng aking kamay ang dibdib ni Hardy dahilan para umungol ito at lalong nanaliksik ang kanyang dila. Napansin ko na lamang na inusog na nito ang bag sa pagitan namin at ngayon ay nakakulong na ang aking mukha sa kanyang mga palad. Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil nakakaramdam na ako ng libog. Grabe kong makahalik si Hardy. Halos lamunin na niya ang buo kong labi. Hindi pa ito nakontento at kinagat kagat pa niya ang aking lowerlip.
"Aahhhhhh..."
Mas lalong naging marahas ang paghalik ni Hardy dahil may kumawalang ungol mula sa akin. Bumaba na ang halik nito sa aking leeg. Sa pagbaba ng kanyang mukha ay nasagi nito ang aking kamay.
Plok!
Bigla akong bumalik sa reyalidad ng marealize kung ano ang narinig kong tunog.
"Oh no. My cellphone!"