Makailang ulit pa nagpabalik balik sa pagtalon ang apat samantalang ako ay nanonood lang sa kanila. Inaya din ako ng dalawang babae at ni Peter na tumalon pero magalang lang akong umayaw.
Mga ilang minuto na rin akong nag-aantay sa kanila sa taas ng mapansin kong hindi pa bumabalik ang apat. Akmang bababa na sana ako ng umakyat na si Hardy.
"Where are they?"
"They've got hungry and they went to buy some food."
"They should have told me. I have snacks in my bag. Come we'll look for them--"
"Don't bother them. Why don't you jump, it's fun. I've noticed that you're not enjoying. If it's because of you're phone, don't worry about it 'coz I've already bring it---"
"No.. No.. I'm fine. Really! It's j-just--actually.. I'm afraid to jump." nasabi ko din sa wakas. Okay lang naman sabihin kay Hardy kasi palagay naman ang loob ko sa kanya.
"Yo--what?? You're afraid? Don't be. Come on. Come with me. We will jump together."
Kaagad na akong hinila ni Hardy papunta sa may pilahan.
"No.. Hardy, I'm gonna die. Please I don't wanna jump."
Tigas naman ako sa kaka ayaw. Gusto ko sanang iwaksi ang aking kamay sa pagkakahawak ni Hardy kaso ang higpit ng hawak niya.
Tumigil ito saglit. Binalingan ako nito.
"Don't yo really wanna jump off that cliff?"
"I'm afraid." nakatingin lang ako sa may dagat.
"We'll jump together. I'm here to support yo." hinawakan nito ang aking mukha at tumingin ng diretso sa aking mata. Gusto ko tuloy matunaw sa titig ni Hardy.
"Don't yo trust me? I will make sure that nothin' will happen to yo."
Wow! Sarap naman pakinggan. Gusto ko na tuloy ma inlove ng tuluyan kay n**gro.
"Uhhmmm...."
Nagdadalawang isip pa rin ako.
Nang hindi ako makatagal sa kanyang titig ay ibinaling ko ang aking tingin ulit sa dagat.
Binitawan na ni Hardy ang aking mukha at nagpatiuna nang naglakad.
"Sorry for being pesky. I will not force yo if yo don't want to. Let's go. We'll look for them." bigla ang paghina ng boses ni Hardy.
Para naman akong nakonsensiya ng humingi ng tawad si Hardy. Gentleman pa rin ang loko kasi hindi naman niya ako pinilit kung ayaw ko talaga.
"Hardy.. Hardy!!!"
Tumigil ito sa kakalakad at lumingon.
"Uhhmm.. o-okay you win. I will jump in the water.. b-but promise me that we will jump together."
"Sure. I promise. We will jump together. Hold my hand and don't ever let it go."
********
Pumila na kami ni Hardy para tumalon. Pinakiusapan muna namin ang isang staff sa beach na andun na hawakan muna niya ang aking dalang bag. Tinanggal ko muna ang suot kong short bago bumalik sa pila.
"Yo look good in your swimsuit. Yellow suits yo well." Pinasadahan pa ako ng tingin ni Hardy mula ulo hanggang paa.
Gusto ko tuloy matunaw sa kanyang mga titig. Titig na punong puno ng paghanga. Ayeye!! Kinikilig ako. Dahil sa natuwa ako at nagustuhan ni Hardy ang suot kong yellow two piece bikini ay nakalimutan ko na naman ang bilin niya na huwag siyang lambingin.
Bigla ay yumakap ako dito at hinalikan siya sa pisngi dahil natuwa ako sa papuri niya.
"Smack only. I forgot that yo don't want to be kissed." inunahan ko na siya bago pa niya ako sitahin.
Hindi naman niya ako sinita bagkus ay hinawakan lang ang aking kamay. Hindi na ako pumalag kasi kami na ang susunod na tatalon.
1..2..3.....
"Jump!"
"Jump!!"
"Jump!!!"
Nagcheer pa sa amin ang mga nakasunod din dahil nga nakita nilang bantulot akong tumalon kanina.
"Aaaaahhhhhhhhh..."
Ang lakas ng sigaw ko kasabay ng pagtalon naming dalawa ni Hardy.
Halos hindi ako humihinga ng tumalon kaming dalawa ni Hardy. Sa isip ko hindi na talaga ako uulit. Pagbulusok naming dalawa sa tubig ay sobrang sakit ng ilong ko. Sa sobrang tensiyon na naramdaman ko dahil sa takot ay nakalimutan ko tuloy na marunong pala akong lumangoy. Pag-ahon namin sa tubig ay tinawag ko kaagad si Hardy.
"H-hardy.. h-help.."
"I'm here." nakangiti si Hardy sa akin at itinaas ang aming kamay.
Gusto ko tuloy mapahiya. Talagang pinanindigan niya ang sinabing hindi niya ako pababayaan dahil hanggang ngayon ay hawak hawak pa rin niya ang aking kamay.
Sa tuwa ay napayakap ulit ako sa kanya.
"I thought that you've got separated from me. I was afraid. I won't do this again."
Habang nakayakap ay hinawi naman ni Hardy ang ilang hibla ng basang buhok na tumabing sa aking mukha.
"I told yo, I will stay with yo no matter what. I won't leave yo." habang nagsasalita si Hardy ay parang iba naman ang dating ng salita niya sa akin.
Dream on. Sige, Debbie managinip ka at baka tuluyan kang malunod sa pantasya mong 'yan. Babala ng isip ko.
Nagising ako bigla sa pagpapantasya ng dahil sa babala ng aking isip.
"I'm good now. T-thanks. A-am f-fine.. I can manage now."
"Are yo sure?"
Hindi ko alam kung anong gustong palabasin ni Hardy. Imbis na bitawan ang aking kamay ay lalo pa itong dumikit sa akin. Kaya nga gusto ko nang umalis dahil iba na ang pakiramdam ko. Naapektuhan ako sa hawak niya.
Ako na mismo ang kusang kumalas sa kanya at lumangoy pabalik sa dalampasigan.
"Let's go back to shore. I'm a-also.. h-hungry--"
"Not fast sweety.. Why is it that you're avoiding me," sagot ni Hardy habang lumalangoy. Sumabay na din ito sa akin.
"I'm not avoiding you. I'm really hungry."
"'Kay fine. Up to yo. Why don't we race who will reach the shore first. Let's see whose better in swimming."
"No way.. of course you will win because you're tall and you have long arms and legs."
"Okay I will give yo a handicapped. Yo can swim first then after that area," itinuro ni Hardy ang layo kung saan pwede na rin siyang mag-umpisang lumangoy," you see that area there, when you reach there.. just shout 'Go' then I will start swimming. Yo see, it's like 10 meters and then it's the shore.. so I think you're gonna win."
Tiningnan ko ang layo mula sa dalampasigan at tama nga siya, malapit lang iyon sa lugar kung saan pwede nang mag-umpisang lumangoy si Hardy. Game. Feeling ko mananalo ako.
"What's the prize for the winner?" tanong ko.
"If you win, then you ask whatever yo want--"
"I want a bonus. Hahaha. Of course not now but when you go back to America. I will show to my friends that I have afam-- I mean I have an American friend whose sending me money. Just for fun. Maybe they will get jealous of me. Hahahaha." tumawa ako ng malakas sa sariling kalokohan.
Tumawa din si Hardy sa sinabi ko.
"How 'bout you, what do yo want if you beat me?"
"Hhhmmm.. I will think about it when we get there. I think I will not beat yo. Yo seem so eager to win."
Pa-humble pa 'to.
"Okay, yo swim now on that area so we can start."
Lumangoy na ako papunta sa tinurong direksiyon ni Hardy at nang malapit na ako sa dalampasigan ay sumigaw na ako ng 'Go' hudyat para mag-umpisa na ring lumangoy si Hardy.
Sa isip ko ako na talaga ang mananalo pero laking gulat ko nang malapit na ako sa dalampasigan ay naungusan ako ni Hardy at nauna ito kaya ito ang nanalo.
"I win." Nakangiting Hardy ang sumalubong sa akin sa dalampasigan pag-ahon ko. Ngiting may pang-aasar.
"Hmp!" naiinis ako kasi hindi ako nanalo. Ibig sabihin wala akong bonus.
"I should have not race with you. You're too fast. See, you still beat me even if you give me a handicapped," nakalabing sabi ko.
Pabalik na kami sa taas para kunin ang aking bag.
"I'm just lucky. So I'm gonna get my prize."
Tumigil kami sa paglalakad. Ay! Oo nga pala. Dahil siya ang nanalo dapat may premyo siya.
"S-so.. what do you want? You know that I'm not rich that's why I volunteer to be your tour guide for a month."
Kinabahan ako bigla. Baka sabihin niya, hindi na niya ako babayaran kasi ako nga bonus ang hiningi kong premyo kung ako ang nanalo sana.
"Stay away from that guy, Peter. I don't want yo hangin' out with him."