BBC Chapter 25

1143 Words
Wake up princess. Enough of sleepin'. Sa aking inaantok na diwa ay may narinig akong bumulong sa aking tenga. Buong buo ang boses na 'yon at puno ng awtoridad na kahit malambing sa aking pandinig ay hindi pwedeng baliin kaya kusang sumunod ang aking katawan na gumising. "N-nasaan ako?!" iyon ang unang namutawi sa aking bibig. Wala pa ako sa wisyo. "H-hardy? Hardy?" tawag ko. "Am here." nakatayo si Hardy sa aking paanan. May isang babae ding naka-uniform na tingin ko ay isang receptionist ang nasa aking tabi. Ito ba ang bumulong sa akin? Bakit boses lalaki naman kanina ang narinig ko? Baka nananaginip lang ako. Nagulumihan ako. Paano ako nakarating sa kama? Ang huli kong naalala ay nasa loob ako ng club at inaantay si Hardy na bumalik dahil umihi lamang ito at uuwi na kami. At hindi din ganito ang kama at hitsura ng aming hotel room. "Do yo have any idea why you're here?" untag ni Hardy sa akin. "Nope." "You were takin by four men. One of them was the guy yo dancin' with in the dancefloor." Hindi nakaligtas sa akin ang selos sa boses ni Hardy. Hoy, Debbie ayan ka na naman sa ilusyon mo. Ayan na naman ang aking inner self. Kj talaga. "R-really?! B-but how?! I remember I was just sitting in the table waiting for you to come back because you said you will just go to the bathroom." pahayag ko kay Hardy. "You sure you didn't go with them?" nagdadalawang isip pa na sabi ni Hardy. "Nope.. I swear! Peks man mamamatay na sila!" mabilis kong sabi. "Whaaat???" "I mean, I swear. I don't even remember a thing when you left. I'm just sitting in our table then suddenly my mind went blank. That's it. Believe me Hardy." hinilot ko pa ang aking sentido pero wala talaga akong maalala. "Mawalang galang na po Ma'am ha. Ma'am, may nainom po ba kayo na galing sa ibang tao bago kayo mawalan ng malay? Uso po kasi dito 'yan na parang nilalagyan ng gamot ang inumin para makatulog ang biktima at kalaunan ay tatangayin na ng masasamang tao." Napahawak ako bigla sa aking dibdib. Buti na lang at may damit pa ako at buo pa. "OMG! Now I remember! That black guy, I forgot his name, he gave me a bottle of beer when I passed by in their table. I don't want to talk to him but he keeps on bothering me and offered me a beer. He said he won't bother me anymore if I will drink the bottle of beer that he gave me. So.. I drink it.. b-believing he will follow what he said. That d*ckhead jerk. Where is he? That means he drugged me? And how did you find me?" para na akong mangiyak ngiyak sa galit ngayon. Ang walanghiyang ne***rong 'yon. May masama palang balak sa akin. "Good thing that the bouncer in the club recognizes that yo came with me that's why he had a hunch that somethin' ain't right. When I asked them if they had seen a girl wearin' a white shirt, he help me lookin' for yo. Your one lucky girl. If not maybe those guys already tasted every part of your body. " Nanakot pa ang Hardy. Kinilabutan tuloy ako. Kung nagkataon pala baka headlines na ako bukas. "Naku Ma'am mabuti nalang talaga at naabutan kayo ni Sir at nang bouncer. May mga insidente nga na ganyan ngayon kaya dapat ingat po kayo. Sa susunod huwag po kayong tumanggap ng kahit anong inumin o pagkain sa hindi ninyo kakilala." paalala ng Receptionist. Nilapitan ko ang Receptionist at yumakap dito dahil sa kanyang paalala. "Salamat talaga. Maraming salamat. Tatandaan ko talaga 'yan." Para na akong maiiyak. Ngayon ay nag sink-in na sa akin kung ano kahihinatnan ko kung hindi ako nailigtas. "Naku Ma'am mas magpasalamat po kayo sa kasama ninyo kasi siya talaga ang alalang alala sa inyo. Halos patayin na nga niya ang mga lalaking tumangay sa inyo. Grabe pala 'yan magalit. Nawalan ng malay ang dalawang lalaking binugbog at sinakal niya dahil sa inyo, Ma'am." nangingiting pahayag ng Receptionist. Sa sobrang tuwa ko dahil iniligtas ako ni Hardy ay bumaba ako ng kama at dagling yumakap sa kanya. Nagulat pa ito sa aking ginawa. "T-thank you so much Hardy. P-promise next time.. I will not drink and dance with any other guys that I don't know. Promise! Even if you look with other sexy girls, you talk with other pretty girls, even if you leave me alone in the table.. I will just wait for you.. Hhuhu.. " Hindi ko napansin na humihikbi na pala ako. "Shhhh... I'm sorry also. My bad. Had I stayed with yo in the table and not talked with other girls, yo will not be here." bigla akong napabitiw kay Hardy at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Nanlaki ang aking mata dahil inako nito na may mali din siya. Nakatingin pa rin ako kay Hardy nang mapansin kung unti unti ay lumalapit ang mukha niya pababa sa aking mukha. Naramdaman ko na lamang na dumampi na ang kanyang labi sa aking labi. Yay! Sweet! Natikman ko na naman ang tamis ng halik ni Hardy. Bigla ang pagragasa ng libo libong boltahe sa aking katawan. Parang naging jelly ang aking paa at pakiramdam ko'y ako'y matutumba kaya nangunyapit ako sa leeg niya. Dahil sa pangungunyapit ko kay Hardy ay niyakap na din niya ako. Mas lalong lumalim at dumiin pa ang aming halikan. Nanggigigil talaga ako sa kanyang makapal na labi. Gusto ko iyong kagatin at kinagat ko nga ng marahan lamang. "Ohhh.." Napaungol naman si Hardy sa aking ginawa. Ngayon ay siya naman ang naging marahas. Ipinasok nito ang kanyang dila sa aking bibig at ginalugad ang loob na parang kinakabisado ang bawat sulok. Nang matagpuan ang pakay ay eksperto nitong sinipsip ang aking dila. F*ck! Torrid kung torrid talaga. Halik pa lang ni Hardy parang may lumabas ng katas sa panty ko. Darang na darang na kaming dalawa sa aming ginagawa nang... "Uhhm... Excuse po, Ma'am, Sir. 'Andito din po ako sa loob ng kwarto kasama niyo. Hehe. Mamaya na po 'yan. Sir you need to take Ma'am to the police station. The police are waiting for both of your statement about the incident. I will also go with you to give my statement." natatawa pa ang Receptionist dahil muntik nang makakita ng liveshow. Hahaha. "Ughh.. f*ck I forgot. Oh yeah, Debbie we need to go to the police station. Thanks lady." nagpatiuna nang lumabas si Hardy. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan kasi parang nakalimot lamang ito kaya nahalikan ako. Hindi ba niya nagustuhan ang halikan namin? Gano'n lang 'yon sa kanya. Ano 'yon? Nawala lang sa sarili si Hardy? Minsan parang g*go din 'to si Hardy eh. Sala sa lamig sala sa init.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD