BBC Chapter 26

1155 Words
Ang lokong Hardy na 'to, matapos akong halikan ganun ganun na lang 'yon. Sa susunod talaga hindi ako papayag na basta halik lang. Aba dapat panindigan niya ang pagnanasang nararamdaman ko sa kanya. "Ma'am nauna na po ang kasama ninyo. Bumaba na po tayo at pumunta ng police station." untag ng Receptionist. "Ay oo nga pala. Humanda sa akin ang mga lalaking 'yon. Talagang magsasampa ako ng kaso at kahit dito pa sa Cebu ang hearing ay bibiyahe talaga ako para mabulok sila sa bilangguan." bumalik na naman ang galit na naramdaman ko nang maalala ang mga lalaking tumangay sa akin. Pagdating namin sa police station ay nakita ko sa loob ng selda ang apat na lalaki. Sa bugso ng galit ay kaagad akong nagtatakbo at kinakalampag ang rehas habang nagsisigaw. "Mga g*go kamo. Mga manyak.. Ipapreso ta guid kamo.." Translation: Mga g*go kayo. Mga manyak. Ipapakulong ko talaga kayo. Sa sobrang galit ko ay nakapag mura na ako sa aming lengwahe. Hindi ko kasi ma express ang aking sarili kapag tagalog na. Sumakit na ang kamay ko sa kakalampag ng rehas kaya tumigil na din ako. "That's enough, Deb." inawat na ako ni Hardy. "Ma'am tama na po 'yan. Doon po tayo sa may Police Help Desk para makapagbigay kayo ng statement para mayroon pong blotter report kung gusto po ninyong magsampa ng kaso." pahayag ng isang police officer. Pumunta na nga kami sa help desk at nagbigay ng aming mga statement. Nauna nang nagbigay ng statement ang bouncer at bumalik sa pinagtatrabahuhang club. Nagbigay ito ng personal information at nagpasabi na willing itong maging witness kung sakaling magsampa ako ng kaso. Nagbigay din ng kanyang statement ang Receptionist at security guard. Katulad ng bouncer ay willing din silang maging witness. Samantala, si Hardy naman ay nagbigay din ng kanyang statement at pinirmahan lang ito dahil hindi siya pwedeng mag witness. Nagtaka naman ang mga naroon pero hindi na nagsalita. Naiintindihan ko naman kung bakit gano'n ang ginawa ni Hardy dahil isang buwan lang siya dito at babalik na nang America. Ako ang huling nagbigay ng aking statement. Sinabi ko ang mga pangyayari mula sa pagpasok namin sa club hanggang sa parang nakatulog na ako sa aming table ni Hardy. Bago umuwi ay pinayuhan pa ako ng police officer sa tamang proseso sa pagsampa ng kaso. Nagpasalamat ako sa kanilang tulong at umuwi na kami. Talagang antok na antok na ako. Mabuti na lamang at naalala ni Hardy ang aking bag kaya kinuha ko muna ang aking cellphone at nag set ng alarm para magising ng maaga. Kailangan ko kasing magpamedical at asikasuhin ang mga bagay bagay katulad ng pagkuha ng abogado para sa pagsampa ng kaso. Kaya tuloy imbis na diretso ang aming biyahe ni Hardy ay kailangan na naman ulit naming manatili ng isa pang araw para lamang sa pagproseso sa kaso. Mabuti na lamang at mabait ang Receptionist at ang security guard. Tinulungan na nga kami ay pinasabay pa kami sa kanilang sasakyan. Pagdating sa hotel ay malugod kaming nagpasalamat bago umalis. Dumaan din kami ng club para magpasalamat sa bouncer. Pauwi na kaming dalawa ni Hardy sa aming hotel at dahil nga antok na talaga ay pagiwang giwang na akong naglalakad sa kalsada. Napansin din siguro ni Hardy na talagang grabe na ang antok ko kaya walang babala na binuhat niya ako. Nagulat pa ako sa biglang pagbuhat niya. "I know your tired, stress and sleepy. I will carry yo into your room." "Thanks." kumapit na ako sa kanyang leeg at humilig na ako sa kanyang dibdib. Parang wala lang kay Hardy ang aking bigat. Alam kong sobrang lapit na namin sa aming hotel dahil malapit lang naman ang club. Hinayaan ko na lamang na buhat buhat niya ako. Dapat pala lagi akong inaantok para lagi niya akong bubuhatin. Siguro sa sobrang kalasingan at sa epekto ng gamot ay tuluyan na akong nakatulog. ********* Nasa hotel entrance na sila Hardy at Debbie nang mapansin nang una na tuluyan nang nakatulog ang dalaga. Tiningnan niya ang dalaga at naawa din siya sa kalagayan nito. Kanina nung makita niya itong galit na galit sa mga lalaki na tumangay sa kanya sa club ay nakonsensiya din talaga ang binata. Partly may kasalanan siya kaya dapat lang na tulungan niya ang dalaga. Ang hindi niya lang magagawa ay maging witness nito dahil sa katapusan ay babalik na siya ng America. Pagdating sa kanilang kwarto ay hinanap niya muna sa bag ni Debbie ang susi sa kwarto nito. Nang makita ay binuksan na niya ang pinto at dahan dahang binaba sa kanyang kama ang dalaga. Tatayo na sana si Hardy pero nakapulupot ng mahigpit ang kamay ni Debbie sa kanyang leeg kaya hindi siya makatayo. Dahan dahan namang tinanggal ni Hardy ang kamay ni Debbie sa kanyang leeg pero imbis na matanggal ay mas lalo pang humigpit ang pagkakapulupot nito kaya napasubsob tuloy si Hardy sa leeg ng dalaga. Dahil sa pagkasubsob ni Hardy sa leeg ni Debbie ay naamoy niya ang natural na amoy ng dalaga. Kaagad na nakaramdam siya ng paninigas sa pagsamyo sa leeg nito. Kahit na unti unting nakakaramdam ng init si Hardy sa katawan ni Debbie ay pinipigalan pa rin niya ang kanyang sarili na gawan ng hindi maganda si Debbie. Pilit niyang tinatatak sa kanyang isip na hindi si Debbie ang tipo niyang babae. 'Sorry Debbie but you ain't my type. Your too skinny for me.' kausap ni Hardy sa kanyang sarili. Naglalaban ang kanyang isip at katawan. Sinasabi ng kanyang isip na hindi niya type si Debbie pero iba naman ang gustong mangyari ng kanyang katawan. Nasa gitna ng pag-iisip si Hardy ng biglang nagising si Debbie. Bumaba ito ng kama at pupungas pungas na pumunta ng banyo. "D-deb...??" nagtaka pa si Hardy dahil parang wala sa sarili si Debbie. 'Creepy.. is she sleep walkin'? Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na ng banyo si Debbie. Pupungas pungas pa rin itong bumalik ng kama. Maya maya ay dahan dahang tumayo ulit at pinatay ang ilaw at nahiga na ito ng kama. Siguro ay naramdaman ni Debbie na mayroon siyang kasama sa kama kaya hinarap niya ito at sa paos na boses ay nagwika ito.. "A-alam mo.. k-kamukha mo si Hardy.. ang n****rong 'yon. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya akong patulan.. hhhhmmm ..." wala sa sariling hinaplos nito ang pisngi ni Hardy na ngayon ay nakatagilid at hindi makagalaw dahil sa inaakto ni Debbie. Hindi nakahuma si Hardy ng hinaplos ni Debbie ang kanyang pisngi. May sinasabi si Debbie pero hindi niya maintindihan dahil hindi sa wikang English. Ibig lang sabihin na wala sa wisyo ang dalaga dahil kung nasa tamang pag-iisip ito ay English ang ginagamit nitong salita. Mas lalong inilapit ni Debbie ang kanyang mukha sa mukha ni Hardy. Ngayon ay gadangkal na lamang ang agwat ng kanilang mukha. "Pakiss nga.." at tinawid na ni Debbie ang natitirang agwat sa pagitan nila ni Hardy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD