Mabilis na nagpatiunang naglakad ang bouncer na kasama ni Hardy. May limang hotel na silang nadadaanan ng makita ng bouncer ang isang kasamahan ng lalaki sa reception ng panglimang hotel.
"Sir! That is one of the guys that take the girl with you." kinawayan ng bouncer si Hardy at kaagad na pumasok sila sa hotel.
Naabutan nila ang lalaki na kausap ang receptionist at parang nakikipag-away.
Kaagad na kinuwelyuhan ni Hardy ang lalaki na nagulat sa kanyang ginawa. Napamulagat ito sa laki at tangkad ng lalaking biglang sumulpot.
"Hey! Where's my companion?! " galit na sigaw ni Hardy sa lalaki.
"I d-don't know.. w-what you're talking!" umiiling nitong tanggi. Pilit na binabaklas ang kamay ni Hardy sa kanyang damit.
"The slim girl wearin' white shirt. Who took her?" dumadagundong ang boses ni Hardy sa buong reception.
"I said I don't know. And who the hell ar---"
Kaagad na inupakan ni Hardy ang lalaki. Sapol sa mukha ang lalaki na gumulong gulong sa sahig pagsuntok ni Hardy dito. Hindi pa ito nakakatayo ng dinaluhong na naman ulit ito ni Hardy at inupakan na naman. Nagsigawan na ang dalawang receptionist.
"Security! Tulong! May nag-aaway dito." sigaw ng isang Receptionist samantalang tumakbo naman ang isang kasama nito sa labas para tawagin ang kanilang security guard.
Dahil madaling araw na ay wala namang iba tao sa reception maliban lamang sa kanila.
"Miss, tumawag ka ng police dahil 'yang guest ninyo, tinangay nila ang babaeng kasama ni Sir. Baka may nakita kang babae na naka white tshirt na naka skinny jeans na kasama nila. Payat na maputi at medyo matangkad, iyon ang kasamang babae ni Sir. Galing sila sa aming club at noong lumabas na ang apat na lalaki ay hawak hawak at inaalalayan nila ng patayo ang babae. Tinanong ko pa sila kung ano ang nangyari sa babae kasi concern lang ako pero sinabihan lang nila akong tipsy lang daw ang babae. Medyo nagduda na ako kasi nga noong pumasok ang babae, itong si Sir ang kanyang kasama." mahabang paliwanag ng bouncer sa Receptionist.
Habang kinakausap ng bouncer ang Receptionist ay sige pa rin sa pagsuntok si Hardy sa lalaki. Dahil walang may umaawat ay hindi na tinantanan ni Hardy ang lalaki. Hindi din nito kaya si Hardy dahil di hamak na matangkad at malaki ito. Duguan na ang lalaki sa kamay ni Hardy pero si Hardy ay wala pa ring balak na bitawan ito.
"Hala! Totoo ba? Naku bilisan ninyo. Kakaakyat lang ng mga guest namin. May kasama nga silang babae na nakasuot ng puting tshirt at naka skinny jeans pero karga ito ng isa naming guest na n***ro din. Kung sure talaga kayo na may kasalanan ang mga guest namin ay kailangan nilang managot. Hindi po namin tinotolerate ang mga ganyang maling gawain ng guest dito sa aming hotel dahil 'yan po ang turo sa amin ng may-ari. Makakaasa po kayo at tutulong kami. Antayin po natin ang aming security at ang kasama ko at sasamahan ko kayo sa kanilang room." sabi naman ng Receptionist.
Ang lalaking binugbog ni Hardy ay mukhang nawalan na ng malay. Kaya tumigil na din sa wakas si Hardy sa pagbugbog dito.
Maya maya ay dumating na ang isa pang Receptionist kasama ang security guard.
"Anna, tumawag ka ng police. Bantayan mo iyang guest natin na walang malay dahil may atraso pala sila sa lalaking 'yan. Tinangay nila ang kasamahan nitong babae. Iyong babae palang karga karga nila ay 'yan pala ang totoong kasama kaya pala nagwawala siya dito. Mang Islaw samahan po natin sila sa taas sa Room 669. Kakaakyat lang nila at medyo lango pa sa alak ang mga iyon kaya bilisan natin." nauna nang umakyat ang Receptionist at security guard.
"Sir, just leave that guy there. They will the police to come here and take those guys." tawag ng bouncer kay Hardy.
"Bilisan natin. Sumunod lang kayo sa amin." Nagpatiuna na ang Receptionist na sumakay ng elevator.
Pagdating nila ng 6th floor ay nauna nang maglakad ang security guard kasunod si Hardy na halos mararamdaman na ang magkahalong galit, tensiyon at pag-alala kay Debbie.
"Thank yo so much, guys. I really appreciate the help. I could k*ll those bastards if they lay a hand on Debbie." pati ang boses ni Hardy ay puno din ng pangamba para kay Debbie.
Nang sa wakas ay marating na nila ang Room 669 ay kaagad na binuksan ng security guard ang pintuan gamit ang duplicate key. Pagkabukas na pagkabukas nila ng pinto ay huling huli sa akto ang tatlong lalaki na halos hubo't hubad na. Nakatayo sa gilid ng kama ang dalawang lalaking puti samantalang nasa paanan ng kama ang lalaking n***ro. Ang dalawang puting lalaki ay pang-itaas pa lamang ang nahuhubad samantalang ang lalaking n***ro na siyang kumarga kay Debbie ay wala nang saplot at akmang papatungan na ang walang malay na si Debbie.
"Oh f*ck! What's happening here? Who are you guys? This----"
Hindi na natapos ng lalaking ne***ro ang kanyang sasabihin dahil kaagad itong sinunggaban ni Hardy. Sinakal niya ang nagulat na lalaki kaya hindi kaagad ito nakapalag. Samantalang ang dalawang kasama nito ay hinarang ng security guard at ng bouncer. Tatakbo pa sana palabas ng kwarto ang mga ito pero natakot ng makita ang baril ng security guard.
"W-we will surrender. W-we didn't do anything to that lady. It's only Brice that wants that lady. We are only following him." kumanta na kaagad ang isang lalaki at ibinuko na ang tinutukoy nilang Brice ang may pakana ng lahat.
Si Hardy naman sa tindi ng galit ay hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkakasakal sa lalaki. Wala itong pakialam kahit na mapatay pa niya ang kapwa niya ne***ro.
"S-sir.. t-that's enough.. you could k*ll him," paalala ng bouncer kay Hardy.
Parang walang epekto kay Hardy ang sinasabi ng bouncer dahil hindi na halos gumagalaw pa ang sinasakal nito.
Nang maya maya ay may narinig na silang wangwang ng police sa labas ng hotel. Ilang minuto pa ang nakalipas ay may mga yabag na silang naririnig papunta sa kanilang direksiyon.
Mabuti na lamang at bago pa nila maabutan na sinasakal ni Hardy ang lalaki ay hinila na ito ng bouncer. Saka lang nahimasmasan si Hardy ng napansin niyang parang hindi na gumagalaw ang lalaki. Pinulsuhan niya ito. Buhay pa naman. Nawalan lamang ito ng malay.
Pagkapasok na pagkapasok ng mga police ay kaagad na pinosasan nila ang dalawang lalaki samantalang ang ne***rong nawalan ng malay ay ginising din nila at pinagbihis. Kaagad na dinala sa presinto ang mga lalaki dahil sa pagtangay kay Debbie. Nauna nang umalis ang mga police kasama ang mga suspetsado para ikulong samantalang naiwan naman si Hardy at ang Receptionist sa kwarto para gisingin din si Debbie. Susunod na lamang sila Hardy kapag nagising si Debbie dahil kailangan ang kanilang statement at kung kakasuhan nila ang mga lalaki.
Ilang minuto nang ginigising ng Receptionist si Debbie mula sa pagkakatulog pero hindi pa rin ito nagigising. Nang umabot na sa bente minuto na hindi pa nagigising si Debbie ay lumapit na si Hardy sa kama at may binulong sa tenga ng natutulog na dalaga.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kaagad na nagising si Debbie. Pupungas punas itong naghikab at umupo ng kama.
Sa lumilipad na diwa ay nagwika ito.
"N-nasaan ako?"