BBC Chapter 23

1521 Words
Sumama na ako kay Brice papunta sa gitna ng dancefloor. Hindi naman ako nahihiyang sumayaw kahit saan dahil noong kabataan ko ay active ako sa mga school activities lalo na sa mga sayaw. Kaya malakas ang loob ko. Hinanap ko ang puwesto nila Hardy at doon kami pumuwesto sa kanilang tabi. Wala akong pakialam kung malaman ni Brice na si Hardy ang lalaking nang-iwan sa akin sa table namin. Sa gilid ng aking mata ay sinipat ko ang babaeng kasayaw nito. Hmmm.. Tama nga ang hinala ko. Malaki ang puwet at balakang ng babae kahit na mas lamang lang ng kaunti ang hinaharap nito kesa sa akin. Hindi ito katangkaran kaya nagmukhang unano ito sa harap ni Hardy. Gusto kong tumawa sa kanilang hitsura dahil mukha silang mismatch. Inggit ka lang. Kontra na naman ng aking isip. So what. Mas okay pa nga ang waitress kanina, 'di hamak na mas maganda at sexy talaga 'yon. Rason ko din sa isip ko. Nagsimula nang umindayog ang aking kapareha kaya napaindak na din ako sa saliw ng tugtog. Magaling pala ang Brice kaya malakas ang loob na ayain akong sumayaw. Hindi din naman ako nagpatalo dahil siyempre naging cheerleader din ako dati. Dahil sa nag enjoy ako sa sayaw nakalimutan ko na kaya ako pumunta sa dancefloor kasama ang ibang lalaki ay para ipakita kay Hardy na kung kaya niyang maghanap ng ibang babae, kaya ko din maghanap ng ibang lalaki dito sa bar. Naka apat na kanta na ang aming sinasayaw ng mapalitan ng sweet music ang tugtog. Dali daling napuno ang dancefloor at halos ang mga sumasayaw na magkakapareha ay wala nang hangin na dadaan sa pagitan sa sobrang dikit ng mga katawan. Dahil hindi ako mahilig sa sweet music ay kaagad akong nagyaya sa kasama ko na magpahinga muna. Kahit na gusto din nito akong isayaw ay hindi niya ako napilit dahil kaagad akong umalis pabalik ng aming table. Akala ko susundan pa niya ako subalit natuwa naman ako ng hindi na ito nagpakita hanggang matapos ang dalawang sweet music. Dahil naiihi na naman ulit ako ay nagpagpasyahan kong magbanyo. Habang papunta ng banyo ay may humarang sa akin sa may dulong table. "Lyn, where are you going?" si Brice pala. Dito pala ang kanilang table. Napansin kong may tatlo pang kasamang lalaki si Brice na kung hindi ako nagkakamali ay mga foreigner din. Kung si Brice ay katulad ni Hardy na n**ro, ang mga kasama naman nito ay mapuputi. "I'm just going to the bathroom." sabi ko dito sabay lakad papunta sa banyo. Sumabay din ito sa akin. "Uhhm, okay. Would you mind if I invite you in our table?" nakangiting aya nito sa akin. "Sorry but after this I'm going home. I'm really tired and I really wanna sleep." Hindi ko na ito pinagbigyan pa. Pumasok na ako ng banyo. Sa nakita kong mga galaw kanina ng mga kasama niya ay iba na ang kutob ko kaya maayos akong umayaw. Mukhang naghahanap ng babaeng paparausan nila ang mga kasama ni Brice. Kahit nga kay Brice, wala din akong tiwala. Tiningnan ko naman ang oras sa aking cellphone. Ala una na pala. Kaya pala panay na ang hikab ko. Inaantok na talaga ako. Aayain ko na si Hardy na umuwi. Kung ayaw niya bahala siya sa buhay niya basta ako uwing uwi na. Gusto ko nang bumalik at matulog sa hotel. Pabalik na ako sa aming table ni Hardy ng pagdaan ko sa table nila Brice ay tinawag na naman niya ako ulit. Patay malisya lang ako pero pagdaan ko doon ay hinawakan ni Brice ang kamay ko. "Brice, don't touch me." piksi ko nang hinawakan niya ako. "Woah... Okay, sorry." tinaas pa nito ang dalawang kamay. Kumuha ito ng isang bote ng beer at ibinigay sa akin. "Since you don't want to sit.. or join us here, you can take this beer. Just accept it please and I will not disturb you anymore." ito pa ang naglagay ng bote ng beer sa aking kamay. Dahil alam kong kukulitin lamang ako nito kapag dinala ko pa ang bote ng beer sa aming table kaya nilagok ko ito sa harap nila mismo. Nang maubos ko ang laman ng beer ay ibinagsak ko iyon sa kanilang table. "Happy?! Don't come near me again." tinarayan ko na ito bago umalis. Nagulat pa ako pagbalik ko sa aming table ay nakaupo na ang Hardy. Napansin kong madilim ang mukha nito habang nakatitig sa akin. Siya pa ang may ganang tumingin sa akin ng masama eh iniwanan nga lang niya ako dito sa table. "Hardy it's already 1am. I'm sleepy and I drink alot. I'm feel tipsy. Please let's go back to our hotel. I wanna sleep." umupo na ako dahil parang biglang nanlata ang aking mga paa. Ramdam kong parang pipikit na din ang talukap ng aking mata. Pinipilit ko na lamang na imulat 'to. "Okay. Am just goin' to the bathroom then we'll go bath to our hotel room." Iyon lamang ang huli kong natatandaan dahil parang hinihila na ang aking kamalayan. ***** Pagbalik ni Hardy sa kanilang table ay wala na si Debbie doon. Nagpalinga linga ito at napansin niya ang bag sa may upuan. "Oh, sh*t!" Napamura na lamang ito. Alam niyang may mali dahil naroon ang bag ni Debbie pero wala ito. Kaagad na nagtanong tanong siya sa mga katabing table kung may nakapansin ba kay Debbie. Halos lahat ng napagtanungan niya ay hindi napansin ang dalaga. Kasalanan niya kasi nga iniwanan niya ang dalagang mag-isa sa kanilang table habang siya ay enjoy na nakikipagsayawan sa ibang babae. Nang medyo lumalim na talaga ang gabi ay babalikan na sana niya ang dalaga sa kanilang table nang makita niya itong pumunta din ng dancefloor at may kasamang ibang lalaki. Alam niyang foreigner din iyon kagaya niya dahil sa bihis at asta. Sa inis na naramdaman niya dahil may kasama si Debbie, hindi lang lalaki kundi kapareho din niya na n***ro, ang plano niyang bumalik sa kanilang mesa ay napurnada. Sa buong oras na sumasayaw ang dalawa ay doon lamang siya nakatutok sa kanila. Magaling sumayaw ang lalaki pero nagulat siya na magaling din sumayaw si Debbie. Mukhang nag enjoy ang dalawa sa kakasayaw. Napansin nga ng kanyang kasamang babae na hindi na siya masyadong nag-eenjoy sa gitna ng dancefloor kaya inaya siya nitong umupo sa kanilang table. Nagpaunlak naman si Hardy sa paanyaya ng babaeng kanyang kasayaw. Nakilala niya ito kanina noong nagbanyo siya. Mahilig kasi siyang tumingin sa puwet at katawan kaya nang makita niya itong pumasok ng banyo ay saglit din siyang umihi at binantayan ang babae sa labas ng banyo. Paglabas nito ay kaagad siyang nakipagkilala at inaya itong sumayaw. Doon na rin siya tumambay sa table ng mga ito dahil nabadtrip siya ng hindi na bumalik ang waitress kanina. Mas type niya pa rin ang waitress kung ganda at katawan lang ang pag-uusapan. Pero kanina habang may ibang kasayaw si Debbie ay parang gusto niya itong hilahin pabalik ng kanilang table. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na parang type siya ni Debbie kaso lang hindi niya type ang katawan nito. Sa mukha hindi maipagkakailang maganda ito. Ang mukha ni Debbie ang tipong masarap tingnan buong araw dahil palangiti ito at maaliwas. Mukha din itong bata at inosente kaya parang nakakakonsensiya kung papatulan niya. Kaya siguro nagustuhan siya ng lalaking kasayaw nito kanina. Meron din kasi sa kanila na mahilig sa maputi at payat at iyon naman siguro ang nagustuhan ng kasayaw nito. Malakas ang kutob niya na ang lalaking kasayaw nito ang may gawa kung bakit nawawala si Debbie. May palagay din siyang hindi pa nakakalayo ang mga ito dahil saglit lang siyang umihi. Kung wala si Debbie sa loob ay malamang na may ibang taong nag-ayang lumabas ang mga ito. Sa naisip ay kaagad na pumunta si Hardy bitbit ang bag ni Debbie sa mga bouncer sa labas at nagtanong kung nakita nila itong lumabas. "Sir, the pretty girl with you wearing a white tee shirt that has a print 'I love Black'? Hmmm.. I r-remember I see a girl with some guys going outside.. Just now, Sir, maybe 5-10 minutes. There is also a guy same like you.. Black also and the other guys, I think 3 guys, they are white. I think the girl is sleeping but when I ask them what happened to the girl they said she's tipsy only." sabi ng isang bouncer na nakapansin pala kay Debbie. "Oh my God. Who the h*ll took Debbie?! Which direction did they go?! " tanong ulit ni Hardy sa bouncer na siyang nakapansin kay Debbie. Nag-aalala na siya dahil sa sinabi ng bouncer ay parang tinangay si Debbie ng mga lalaki. "I think that direction, Sir. Let's go Sir I will help you." nagpaalam muna ito sa kanyang mga kasamang bouncer. "Samahan ko muna si Sir kasi mukhang nasa panganib ang kanyang kasamang babae. Pakisabi kay Boss saglit lang at babalik din ako." Tumango lang ang mga kasamahan nito. "Ingat bro. Kami na bahala kay Boss." "Thanks man." nagagalak na sabi ni Hardy dahil may tumulong sa kanya para hanapin si Debbie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD