Dahil sa inis ko kay Hardy dahil gustong gusto nito ang nagseserve na waitress sa aming table ay nawalan ako ng ganang kumain. Parehong burger, steak at beer ang order naming dalawa pero halos hindi ko naman nagalaw ang aking in-order. Ang french fries na lamang at beer ang aking tinira. Ang waitress naman imbis na lumayo at magserve din sa ibang table dahil medyo dumarami na ang mga pumapasok na customer ay tumayo lang sa gilid ilang dipa sa aming table. Konting galaw nga lang ni Hardy lumalapit kaagad ito at tinatanong si Hardy kung may kailangan o may iba pang order. Napansin ko pang sadya niyang binubunggo ang kanyang nakaluwang dibdib sa braso ni Hardy tuwing lumalapit sa aming table.
Sa isip isip ko ay nagbibilang lang ako. Nakakailan na ang waitress na 'to. Isang balik pa niya talaga at magsisisi talaga siya na kinakalantari niya si 'Hardy my palangga' sa harapan ko mismo. Hindi ko lang magawang sitahin ang waitress dahil alam ko naman ang stand naming dalawa ni Hardy. Lagot ka mamaya sa akin.
Oy! Debbie ano na namang katarantaduhan ang nasa isip mo? Babala na naman ng aking konsensiya.
"Wala!" nasabi ko bigla kung ano ang nasa isip ko.
"Deb?! You're sayin' somethin' again?"
"Y-yeah.. s-seems like the waitress here likes you---I m-mean.. s-she's so attentive to our needs. The best waitress I have encountered." sarkastikong sabi ko kay Hardy. Hindi niya naman napansin na irita ako sa waitress dahil ang atensiyon niya ay nasa kanyang kinakain.
"Yup! I kinda like her. She's totally my type." tuloy tuloy lang ang pagnguya ni Hardy ng pagkain habang nakatingin din sa waitress na nakaantabay na naman sa amin.
Ngali ngaling itapon ko ang bote ng beer sa harap niya sa lantarang pagsabi na type niya ang waitress. Sa apat na beer na in-order namin dalawa na kaagad ang naubos ko. May dalawa pang natira at kasalukuyan kong isinasalin ang isa sa aking baso. Pag naubos ko 'to tatawag ako ng ibang waitress--
"Uhmm... e-excuse Sir... do you wanna order again.. some more beers?" nagulat ako sa paglapit na naman ng waitress. Pinalandi pa nito ang boses habang nagtatanong kay Hardy.
Aba at talagang matindi talaga ang kakapalan ng waitress na 'to. Nakita naman niya ako na kasama ni Hardy at ako ang umubos ng dalawang beer pero si Hardy ang tinatanong niya kung oorder pa. Masampolan nga 'tong malanding waitress na 'to.
Itinaas ko ang aking kamay na may hawak na baso ng beer sa isang waitress na nakita kong nakatayo malapit sa may bar area. Nang makita ako ng waitress, sinensayan ko siyang oorder pa ako ng beer at apat pa ulit na bote. Nagulat naman si Hardy at ang waitress na kaharap ko kung bakit tumawag pa ako ng isang waitress. Nang sobrang lapit na sa amin ng tinawag kong waitress dala dala ang apat na bote ng beer sa serving tray ay tiyempong nahulog ang aking tote bag. Pagkahulog ay dagli akong yumuko upang kunin ang aking bag. Nakalimutan kong hawak hawak ko pala ang baso na may lamang beer kaya natapon ang laman nito sa waitress na naglalandi kay Hardy.
"Opsss.."
"Ay!" kaagad na napasigaw ang waitress na natapunan ko. Napalayo kaagad ito kay Hardy.
Pinulot ko muna ang aking bag at dali daling inilapag ang aking baso sa mesa.
"Opsss...sorry.." dagli akong kumuha ng tissue at pupunasan sana ang dibdib ng malanding waitress ng saktong dumating naman ang kasama nito para sumaklolo pero nasagi nito ang upuan ng katabi naming table dahilan para tumilapon mismo sa malanding waitress ang apat na bote ng beer.
"Aray!" galit na bulyaw ng malanding waitress sa kasama nito. Imbis na magalit siya sa akin dahil sa hindi sinasadyang pagkatapon ng laman ng beer sa kanya ay naibaling niya ang kanyang galit sa kasamahan niya na nakatapon sa kanya ng apat na bote ng beer.
"Hindi ka ba tumitingin! Ang laki laki ng upuan tapos nasagi mo pa. Tingnan mo ang hitsura ko, amoy beer na ako." galit na nilapitan nito ang kasamahang waitress. Nakaagaw na sila ng atensiyon kaya napatingin na rin ang ibang customer sa aming table.
"Sorry Eva. Hindi ko talaga sinasad-"
"Tatanga tanga ka kasi---" akmang hahawakan ng Eva ang kasamahang waitress ng may sumaway sa kanilang dalawa.
"Both of you, come to my office. Now!" Isang gwapong lalaki ang lumapit at pinagalitan ang dalawa. Kaagad namang tumalima ang dalawa at pumunta na sa sinasabing office ng gwapong lalaki.
Lumapit ito sa aming table at nagpakilala na siyang namamahala ng bar. Humingi ito ng dispensa sa nangyari dahil nag-away ang dalawa niyang waitress sa aming harapan. Pati ako ay humingi din ng dispensa dahil natapunan ko ng beer ang isa niyang waitress at kaagad din niya itong tinanggap. Dahil gumawa ng eksena ang dalawa niyang waitress sa aming table ay sinabi niyang complimentary na lamang ang lahat ng aming order. Natuwa naman ako dahil makakasave kaming dalawa ni Hardy. Bago umalis ang gwapong lalaki ay may tinawag pa itong isang maganda at seksing waitress din at sinabihan na asikasuhin kami.
"Debbie what the hell is that guy sayin'? Y'all keep talkin' and talkin' and I don't understand a thing. And the waitress, she didn't come back yet. " inis na sabi ni Hardy dahil wala siyang may naintindihan sa aming mga usapan kanina. Buti nga.
"I don't know." maang maangan ko.
"Cool. So yo don't know." sarkastikong sabi nito.
"Are you mad at me?! For what reason?! Just because that sexy waitress didn't come back. And why mad at me.. I don't understand," sumama naman ang loob ko dahil ngayon ay parang galit pa sa akin si Hardy dahil hindi na bumalik ang malanding waitress. Hindi ko na nga siya nakita pa pati na din ang kasama nito.
"Am not mad at yo!" tanggi nito pero may tigas ang pagkakasabi.
"Ah.. so you're not mad at me?! Huh.. But the way you react speaks volume. Just because that waitress didn't come back you will talk to me like that. Okay.. fine..go and look for her yourself. I'm not gonna stop you." naiinis kong turan. Sa inis ko ay inisang lagok ko na lamang ang laman ng beer. Sa bilang ko naka apat na bote ng beer na ako samantalang isang bote pa lamang ang nainom ni Hardy.
Parang natigilan naman si Hardy.
"Am sorry--"
"Sorry?! A-again!" medyo gumaralgal na ang aking boses. Hindi ko alam ko kung bakit naapektuhan ako kanina na gano'n ang tono ng pagkakasabi sa akin Hardy. Nagiging sensitive na 'ata ako.
Wala na kaming imikan pagkatapos noon. Lumalim na ang gabi at halos mapuno na ang club. At dahil masama ang loob ko ay panay lang ang inom ko ng beer. Hindi ko na mabilang kong ilan ang naubos kong bote ng beer. Medyo naliliyo na ako sa magkahalong usok, ingay, music, ilaw, sayawan at sa dami ng tao. Kahit na medyo naliliyo ay medyo kaya ko pa naman ang aking sarili. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Alas onse pasado na pala ng gabi. Tumingin ako pwesto ni Hardy. Wala si Hardy sa kanyang upuan. Nagpalinga linga ako at nakita ko siya na may kasayaw na ibang babae sa gitna dancefloor. Mabilis ko siyang nahanap dahil siya 'ata ang pinakamatangkad sa lahat ng sumasayaw. Ang n****rong 'to, ambilis maka move on sa waitress. Ngayon iba na naman ang babaeng gusto. Mas lalo tuloy akong nanggigil dahil mag-isa lang ako sa aming table.
Sa sobrang dami ng beer na nainom ko ay naiihi na ako. Pagiwang giwang na ang aking paglalakad papunta sa banyo. Nakakailang hakbang pa lamang ako ng may isang katawan ang bumunggo sa akin. Dahil sa nipis ng aking katawan ay muntik na akong matumba pero bago pa mangyari 'yon ay nahawakan kaagad ako ng kung sino mang bumunggo sa akin.
"Sorry Miss.. Did I hurt you?" anang baritonong boses.
Pagtingin ko ay isang lalaki ang umalalay sa akin. Napakapit din ako dito. Muntik na nga akong matuwa dahil akala ko si Hardy ang sumalo sa akin. Tiningnan kong mabuti ang lalaki. May lahing n****ro din siguro 'to dahil maitim at macho din. Kasing wangis sila pero clean shaven lang ang lalaking nasa harap ko ngayon. Matangkad din ito pero hindi kasingtangkad ni Hardy.
Nakita kong napatingin ito sa aking suot at medyo napangiti.
"A-are you okay, Miss? Sorry if I bump you." Hindi pa rin niya ako binibitawan.
Medyo nahimasmasan naman ako. Ibang lalaki ang kaharap ko. Hindi ito si Hardy. Kaagad akong kumalas dito.
"No worries.. Uhmmm.. I'm okay.." dali dali na akong umalis dahil ihing ihi na talaga ako.
Iniwanan ko na ang lalaki kahit na parang may sinasabi pa ito. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil nga puputok na ang pantog ko. Nang makaihi na ako ay parang nabawasan ang aking pagkaliyo. Inayos ko lang ang aking sarili at bumalik na ng aming table. Aayain ko nang umuwi si Hardy dahil alas dose na. Bibiyahe pa kami bukas. Pagbalik ng aming table ay wala pa rin ito. Pagtingin ko sa dancefloor ay sige pa rin ang sayaw nito. Hindi ko lang masyadong nakikita ang kabuuan ng kanyang kasayaw pero alam kong babae din dahil sa may braso akong nakikitang kumakapit sa kanyang leeg. Kahit na nagpupuyos ang loob ay wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng basta basta na lamang puntahan si Hardy sa gitna at gumawa ng eksena. Ayaw niya 'yon. Baka lalo pa siyang magalit sa akin. Aantayin ko na lamang na mapagod siya at aayain ko nang umuwi dahil sa totoo lang ay inaantok na ako.
Tahimik lamang akong nag-iisip ng biglang may tumikhim.
"Uhmm.. Uhm.. H-hi.." bati ng lalaking tumayo sa harapan ko.
Tiningnan ko ito. Ito ang lalaking bumunggo sa akin kanina.
"You're alone?"
"Nope."
"Ops.. I thought you're alone. My bad."
"My companion is busy dancing out there." Walang ganang minuwestra ko ang dancefloor.
"Is he a guy?"
Tumango lang ako.
"He's a jerk for leaving a gorgeous lady like you alone." medyo maangas din ang lalaking 'to. Kahit na totoo ang sinabi nito ay hindi ko naman papayagan na gano'n ang sasabihin niya patungkol kay Hardy.
"He's not a jerk. If you don't mind, I'm not comfortable talking to strangers." pagtataray ko.
"Woah.. Sorry if I'm being rude here. But, honestly if I'm the guy I wouldn't leave you alone. Sitting and looking unhappy. By the way, Brice here." inilahad nito ang kanang kamay.
Tiningnan ko lang ito ng masama. Hindi ko pa rin tinatanggap ang kanyang pakikipagkamay. Siyempre ang pangit tingnan na may kasama ako tapos makikipag usap ako sa ibang lalaki. Pero.. pangit din kapag hindi ko tinanggap ang pakikipagkamay niya. Humingi naman ito ng pasensiya.
Huminga muna ako ng malalim.
"I'm Lyn." tinanggap ko ang pakikipagkamay sa kanya.
"How 'bout we dance? Since your companion is dancing also." alok nito saka inilahad ang kanyang palad.
Hhmm.. Good idea. Nang makaganti ako diyan kay Hardy. Hindi pwedeng siya lang mag-enjoy tapos ako ay nakatunganga lang sa table namin.
Debbie Lyn huwag kang sumama diyan... Saway ng aking inner self.
Hinawakan ko din ang palad ng lalaki at sabay na kaming pumunta ng dancefloor.