Maaga pa ay nagising na ako dahil sa maaga din akong natulog kahapon sa sama ng loob kay Hardy. Dire-diretso lang ang tulog ko pero nagising ako bandang ala una kasi nakaramdam ako ng gutom kaya kumain lang ako saglit at bumalik ulit ng tulog. Ngayon ay alas kwatro pa lang ng umaga pero dilat na ang mata ko. Sabagay mabuti na din ang ganito para naman makapaghanda ako.
Kahit naman nag-away kami kahapon ni Hardy ay hindi ibig sabihin no'n na hindi ko na siya kakausapin. Professional tayo kaya siyempre kapag kakausapin ko na siya, tungkol na lamang sa pagiging tour guide ko.
Weeeehhh.. Ambilis mo maka move on ha. Tulog lang pala ang katapat mo. Buska na naman sa akin ng aking inner self.
Hindi ko na lamang pinansin ang pambubuska ng sarili ko mismo. Pinagpatuloy ko na ang pagliligpit ng aking gamit. Sineparate ko na ang mga labahin dahil pagdating sa Siquijor ay maglalaba ako do'n pati na ang mga damit ni Hardy. Sa paglalaba ko na lamang ilalabas ang sama ng loob ko kay Hardy. Tingnan ko lang kung hindi matanggal lahat ng dumi sa damit naming dalawa.
Pagkatapos kong magligpit ay hinanda ko na ang mga isusuot kong damit. Kahit gustuhin ko man magsuot ng kaakit akit ay hindi pwede dahil may chikinini ang aking leeg. Conservative muna ako kaya close neck muna ang gagamitin ko. Mabuti na lamang at mahangin ang panahon kaya hindi ako maiinitan.
Nagtext na rin ako kay Hardy na aalis kami ng alas siyete ng umaga kaya pwede pa akong umidlip muna saglit. Pero bago umidlip ay nag exercise muna ako ng 5mins workout. Pampa toned ng puwet.. este ng buong katawan.
Akala ko ba professional at tungkol lang sa pagiging tour guide. Bakit nag e-exercise ka pampalaki ng puwet? Sinita na naman ako ng aking sarili. Napansin niya pala. Hehehe.
"Duh! Healthy lifestyle kaya ako. Naniniwala pa din ako sa kasabihan 'Don't lose hope'."
******
Saktong alas siyete ng umaga ay nagcheck out na kaming dalawa ni Hardy sa hotel. Siya talaga ang masasabi mong professional kasi kapag nag message ka sa kanya ng ganyang oras, asahan mo na ready na siya isang oras bago pa no'n.
Ngayon ay pasakay na kami ng ferry sa Talisay Pier papuntang Larena, Siquijor. Isang ocean fast ferry ang aming sinakyan para mabilis kaming makarating sa aming destinasyon. At siyempre dahil war war kami ni Hardy ay hindi ako tumabi sa kanya. Umupo ako sa harapan niya para wala siyang masabi. Mabuti at maaga pa kaming nakarating sa sakayan ng ferry kaya nakapili kami ng magandang puwesto. Sa may gilid ako katabi ng bintana umupo para makakuha ako ng video. Ipopost ko 'to sa aking social media account.
Mga 10 mins bago umalis ang ferry ay may tumabi sa aking lalaki. Alam kung lalaki dahil nag excuse pa iyon sa akin dahil nailagay ko ang aking bag sa katabing upuan. Sobrang lalim naman ng boses ng katabi ko pero hindi ko siya tiningnan at basta kinuha ko lang ang aking bag at umupo na iyon sa aking tabi. Hindi ko iyon pinansin kasi nga busy ako sa kakakuha ng video. Wala akong time tingnan ang aking katabi dahil brokenhearted ako.
Apat na oras ang biyahe papuntang Siquijor kaya naman matapos kong makakuha ng mga videos at pictures ay nagpagpasyahan kong umidlip. Kahit na gustong gusto ko nang lingunin si Hardy ay talagang pinigilan ko ang aking sarili. War war kaming dalawa.
*******
Sobrang sarap na ng tulog ko nang mapansin kong parang may sumisipa ng upuan ko mula sa aking likod. Hindi ko lamang iyon pinapansin dahil alam ko namang si Hardy ang nasa likuran ko. Baka masyado lang siyang magalaw kasi hindi magkasya ang binti niya kaya pati ang upuan ko ay nasasagi niya. Mahahaba pa naman ang biyas no'n.
Akala ko ay simpleng sagi lang pero hindi talaga tumitigil ang pagsipa ng upuan sa likod ko. Naiinis na ako kay Hardy ha. Hindi na tuloy ako makatulog ng maayos. Talagang sinasadya na talaga ang pagsipa nito. Ano na naman kaya ang drama ng ne****rong 'yon.
Humanda siya sa akin.
"Would you st--- Ooooopsss.." natigil ako sa akmang pagsita kay Hardy.
Paano ba naman kasi nakahilig pala ako sa balikat ng lalaking katabi ko. Kaya pala ang sarap ng tulog ko dahil doon ako nakapuwesto dibdib niya. Hindi din naman ako ginising ng lalaki. Parang naalimpungatan din ito sa bigla kong pagkagising. So ibig sabihin pareho kaming tulog kaya hindi niya ako sinita o dahil nahiya lang siyang pagsabihan ako?
"S-sorry.. sorry po.. pasensiya na po kung nakatulog po ako sa balikat niyo." hinging paumanhin ko sa lalaking naalimpungatan.
Infairness, ang gwapo ng lalaki--wait.. bakit parang foreigner din ang lalaki. Parang may lahing black kasi kamukha niya ang kilalang basketball player na si Kobe Bryant. OMG! Another BBC! Baka dito may chance ako.
Goodbye, Hardy! Hello, Kobe!
"I'm sorry, Miss. I didn't understand what you're saying," sabi ng gwapong lalaki. Parang napapantiskuhan pa ito sa sinabi ko.
"I mean.. I'm sorry 'coz I accidentally slept on your shoulder." nahihiyang sabi ko.
"Oh.. No worries. I was also sleeping peacefully that I didn't even feel that you're on my shoulder." nakangiti na ngayon ang lalaki.
Aba 'di hamak na mas gwapo ng isang paligo 'to kay Hardy at mas approachable. Makipag friends nga ako dito.
"A-are you a tourist, Mister?"
"Yes I am. But my mom's a Filipina and my dad's from California. I don't look like a bit of Filipino, right?"
"Yes, you don't look like a typical Filipino at all. Ohhh.. you're a FilAm--Filipino American. Are you here for a vacation?" umandar na ang pagiging chismosa ko.
"Yup! Together with my mom. But my mom is not feeling well, so she just stayed in our house in Cebu and here I am, travelling alone."
"Don't worry, I'm pretty sure that you will enjoy your stay here in Philippines. Filipinos are warm and friendly." ang sarap naman nito kausap.
"Pretty obvious. You're one exact example of that. By the way, we've been talking here for minutes. My name's Peter. May I know you're beautiful name?" pagpapakilala ng binata. Inilahad pa nito ang kamay para makipag handshake.
Chance ko na 'to.
"I'm De---"
Blag! Blag!
"Ooooppss.. Sorry, am I disturbin' somethin' here?"
Paglingon ko ay nakatayo na pala sa aking likuran si Hardy. Masama ang tingin sa lalaking kausap ko.
"You're together?" nagpalipat lipat ng tingin ang lalaking kausap ko sa aming dalawa ni Hardy.
"He's my boss," temporarily for a month. Gusto ko sana idagdag kaso baka masakal ako ng wala sa oras ni Hardy. "Hardy, this is Peter. Peter this is my boss, Hardy." pagpapakilala ko sa dalawa.
Tumayo ang Peter sa kanyang kinauupuan at nakipagkamay kay Hardy.
"Nice meeting you, bro."
"Same here."
I smell tension in the air. Kung magtinginan ang dalawa, 'kala mo magpapatayan na oh. Sukatan talaga sila ng tingin. Walang kumukurap, ayaw talaga magpatalo ng bawat isa. Habang nagsusukatan sila ng tingin ay binistayan ko naman ang dalawang BBC. Kung looks ang pag-uusapan, mukhang panalo si Peter. Matangkad din ito at macho. Pero bakit naman Lord, si Hardy pa rin ang bias ko. Higit na mas matangkad at malaki ang katawan ni Hardy. Tapos kahit na balbas sarado pa ito ay mas ma-appeal pa rin siya sa tingin ko.
"Stop starin' Debbie. Please get me a bottle of water. Thank yo." utos ni Hardy.
"Yes, boss. Right away." umalis na ako para bumili ng mineral water.
Habang bumibili ng mineral water ay nagtaka ako sa ginawi ni Hardy. First time niya akong inutusan ha. Dati naman nag-aantay lang 'yon kung kelan ko siya bibigyan ng tubig o pagkain. Hindi pa naman oras ng pananghalian. Ang balak ko ay kapag dumating kami ng Larena, saka kami kakain. Baka nagutom lang kasi nga mag-aalas onse na. May lampas isang oras pa ang biyahe namin bago makarating sa sunod na pier. Dahil sa kaisipang baka gutom nga si Hardy ay bumili na din ako siopao at cup noodles. Napansin kong gustong gusto niya ang siopao. Baka dahil sa siopao ay bigla siyang ma-inlab sa akin. Hehehe.
Pagbalik ko sa aming puwesto ay parehong nakaupo na ang dalawa. Dumiretso na ako kay Hardy at binigay sa kanya ang mineral water. Natuwa naman ito ng binigyan ko nga ng siopao at cup noodles.
"Thank yo." magiliw na sabi nito.
"You're welcome." sinemplehan ko lang ang pagsagot pero deep inside gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Natuwa lang ako kasi genuine 'yong pagpapasalamat niya.
Bumalik na ako sa aking upuan. Binigyan ko din ng binili kong pagkain si Peter.
"Thanks, appreciate it. I'm also starving. By the way, I didn't get your name. Someone interrupted us." parang may pinaparinggan ang lalaki.
"Hahaha. I'm Debbie. Nice meeting you, Peter. Don't mind my boss. He's a good guy. He looks intimidating and serious but I assure you, he's reliable."
Ginandahan ko ang description kay Hardy. Kailangan marinig din niya para hindi na niya kami disturbuhin pa ni Peter. Mukhang kalog kausap 'to samantalang kapag siya, napaka serious.
Habang nasa biyahe ay panay na ang kuwentuhan namin ni Peter. Manaka naka ay nagtatawan kaming dalawa. At napapansin ko na sa tuwing tatawa ako ay parang may sumisipa ng upuan ko sa likuran. Hindi ko lamang pinansin 'yon. Bahala na magsisipa diyan si Hardy. Ano 'yon, nagseselos siya kasi magkausap kami ni Peter? Imposible.
Lingid sa kaalaman ni Hardy ay natanong ko na din kay Peter kung saan ito pupunta at tiyempong sa Siquijor din pala ito gagala. Kinuha ko ang detalye kong saan ito nagbook ng hotel para doon na din ako magpapa-book.
Kung hindi ko maisakatuparan ang pangarap na pagtikim ng BBC kay Hardy. Kay Peter nalang ako makikipaglapit, baka sakali may chance ako.