BBC Chapter 32

1371 Words
Pagdating namin sa Larena Pier ay nagpasya muna kaming mananghalian ni Hardy. Sa isang mini restaurant kami kumain malapit lang sa sakayan ng mga jeep, tricycle, taxi at van. Matapos kumain ay sumakay na kami ng taxi papunta sa tutuluyan naming hotel. Siyempre recommended by Peter, my newfound friend na nauna nang umalis kanina kasi ang sama ng tingin sa kanya ni Hardy. "Kuya sa Enchanted Island Resort po tayo." iyon ang sinabi ni Peter sa akin na tutuluyan niya dito sa Siquijor. "Okay po Ma'am, Sir." Sobrang lapit lang pala ng aming pupuntahan dahil wala pang kinse minuto ay nakarating na kami sa Enchanted Island Resort. "Wow!" Ang ganda pala ng Enchanted Island Resort. Akala ko talaga hotel, inland resort pala. Ang resort ay nasa tabi ng dagat at nasa likurang banda naman nito ay bundok at burol. Ang gaganda din ng design ng kanilang mga cottage dahil makalumang bahay kubo na pa-triangle. Mayroon silang iba't ibang design ng bahay kubo - may pinakamalaki na pang 10-15 katao, may medium na 5-8 katao, may pangdalawahan para sa couple at ang kinuha namin na solo kubo na pinakamaliit sa lahat. Ang pangit lang dito dahil walang sariling banyo. Bali ang banyo at shower area ay nasa labas. Kahit na malapit lang naman iyon sa nakuha naming bahay kubo ay hassle pa rin kasi nga babae ako. Noong tinanong ko naman si Hardy kung okay lang sa kanya na nasa labas ang banyo ng tutuluyan namin, um-okay naman siya kaya wala na akong magagawa. Pagka check-in namin ay diretso na kami sa aming kubo. Magkatabi lamang ang kubo namin ni Hardy. Nauna na kaming pumasok sa kanyang kubo at kinuha ko muna ang kanyang mga labahin para naman hindi siya matambakan. Noong una nagtaka pa ito kung bakit ko kukunin ang mga sinuot niyang damit, pero noong pinaliwanag ko na na lalabhan ko ay natuwa naman ito. Bago umalis ay nagbilin na ako dito na kung may kailangan siya ay tawagan o message niya lang ako o di kaya ay puntahan sa aking kubo. Matapos kunin ang mga labahin ni Hardy ay pumunta na din ako sa aking kubo. Nag-ayos lang muna ako ng aking mga gamit at saka ko inilabas ang aking labahin. Iidlip lang muna ako saglit at mamayang hapon na ako maglalaba. Ngayong araw ay dito muna kami tatambay sa resort at mamayang gabi sa hapunan ay sasabihan ko si Hardy ng aming itinerary. ***** Pagdating nga ng hapon ay nilabhan ko na ang aming mga labahin ni Hardy. Sinampay ko na lamang ang aming mga damit sa pader ng aking bahay kubo. Takipsilim na ng matapos ako kaya pagdating ng alas siyete ay dumaan na ako sa kubo ni Hardy para ayain itong kumain. Halos kinse minuto na akong kumakatok sa kanya ay hindi pa ito nagbubukas ng kanyang kubo. Tinatawagan ko din ito pero ring lang ng ring ang kanyang cellphone. Nasaan na naman kaya nagpunta ang ne**rong 'yon. "Hardy, where are you?" huling tawag ko sa kanya sa labas ng kanyang kubo. Wala talaga. Hmp! Bahala sya. Ako na nga lang ang kakaing mag-isa sa restaurant ng resort. Habang papunta sa restaurant ay naalala ko ang binigay na number ni Peter. Bumalik ulit ako sa aking kubo para hanapin ang papel na sinulatan ko ng kanyang number at tinawagan si Peter. Mabuti na lamang at sumagot ito. Nasa may pangdalawahang kubo pala siya dahil dapat ay kasama nito ang kanyang Mommy kaya lang ay masama ang pakiramdam kaya nagpa-iwan ito sa Cebu. Sabi ni Peter ay magkita na lamang kami sa restaurant dahil ang pwesto ng kanilang kubo ay malayo sa amin. Kung ang aming kubo ay malapit sa likod, ang kubo naman nila Peter ay nakaharap sa dagat. Malapit nang mag alas siyete y medya ng dumating si Peter sa restaurant. Ang gwapo naman nitong tingnan. Bagay na bagay ang suot nitong black jersey shirt at short. Nang makita ako sa loob ng restaurant ay tuwang tuwa ito. Nagyakapan pa kaming dalawa na akala mo ay magsiyota talaga kahit ang totoo ay kanina lamang kami nagkakilala. "Where's your boss?" bati kaagad nito sa akin ng mapansing wala si Hardy. "Maybe busy with some other girls." nakatawang sabi ko. Malamang 'yon nga ang ginagawa noon kasi wala na siya sa kanyang kubo. "Don't worry, I'm here for you." kinindatan pa ako ni Peter. Naks! Parang nagsommersault ang puso ko ng kinindatan ako ni Peter. Iba din ang dating nito eh. "Weehh.. maybe if you see some other sexy girls, you will also leave me alone." biro ko sa kanya. "Nope. How could I leave such a beauty like yours. Frankly speaking, I like you." diretsong sabi nito sa akin. Bigla naman akong natahimik. Iba din talaga ang laking Amerika. Walang maraming pasikot sikot, I like you kaagad. "Uhmm.. I-I'm--- I don't know what to say. Y-you surprised me. We've just met in the morning and suddenly you will tell me you like me. You're so fast." Although hindi ko naman naramdaman na parang binobola lang ako ni Peter 'di katulad ng mga lalaking tumangay sa akin sa Cebu ay nakakawindang na may magsabi sa akin ng ganyan. First time pa lamang. "Don't get me wrong. I'm not a playboy and I don't usually tell it to any girls that I've just met. I'm just being honest because that's how I feel." sincere na sabi ni Peter. "I'm happy to hear that you like me b-but.. we'll see. For now, let's just enjoy each other's company." Well pwede ko naman siyang kilalanin muna dahil mukha naman siyang sincere. Tutal ang habol ko nga talaga ay makatikim ng BBC. Bigyan ko siya pa siya ng dalawang araw bago ako magpakita ng motibo para matupad na ang aking pantasya. Malapit na kaming matapos kumain ni Peter ng maagaw ng aming atensiyon ang tatlong pigurang papasok sa loob ng restaurant. Masayang nagtatawan ang tatlo ng magsalubong ang tingin namin ng isa sa mga 'yon. Para itong natigilan saglit at tiningnan ang aking kasama. Bumalik ulit sa akin at patay malisyang nakipagtawanan na ulit sa mga babae. Pumuwesto naman sila sa mesang malapit sa pintuan. Sh*t! Parang may kumurot sa puso ko dahil sa inasal ng lalaki na walang iba kundi si Hardy. Ni bati o kaway ay hindi man lang niya ginawa. Para tuloy hindi niya ako kilala. Natigil ako sa pagsesenti ng sumabat si Peter. "You're right about what you've said about your boss. He's with some other girls-- I mean hot ladies. Can't blame him though 'coz look at those bodies. Peeeeww... Smokin' Hot!" napapalatak pang sabi ni Peter. Nainis na din ako kay Peter dahil sa kanyang sinabi. Pati pala siya gusto ng mga katawang vavavoom at malalaki ang dede. Napalabi tuloy ako. " Hahhahaha!" humagalpak kaagad ito ng tawa ng makitang nakalabi ako." Hey! Don't be sad. Yeah, they're smokin' hot but I will still chose you over them." pambobola nito. "Hmp! Weehh.. I don't believe you." kunwari ay galit galitan ako. Umusog ito ng sobrang lapit at hinawakan ang aking kamay. Nagulat naman ako sa ginawa ni Peter. Dumadamoves ang loko. "You don't believe me? I will kiss--" Hinugot ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at tinampal ang balikat nito. "Just try it and I will not talk to you anymore." namula bigla ang aking pisngi ng sinabi niyang hahalikan niya ako. Saktong napatingin ako sa gawi sa pinto. Nagsalubong na naman ang tingin namin ni Hardy. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero naniningkit ang mata nito sa akin. Binawi ko na lamang ang aking tingin dahil hindi ako makatagal. Kahit na tapos na kaming kumain ay um-order pa si Peter ng panghimagas. Inaya pa nga niya akong uminom pero umayaw ako kasi naalala ko naman ang nangyari sa akin sa Cebu. Hindi ko namalayan na inabot na pala kami ng alas diyes ng gabi sa restaurant kasi masarap kausap si Peter. Puro ito kalokohan at biro. Ito na rin ang nagpaalala sa akin na matulog na kasi gabi na. Pagtingin ko sa may pintuan banda ay wala na doon sila Hardy pati na ang kasama nitong dalawang babae. Hinatid na ako ni Peter sa aking kubo para makatulog. "Goodnight!" "Goodnight!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD