"Ano po??!!"
Tumaas bigla ang boses ko sa narinig. Bigla akong napahawak sa leeg ko.
"Ang ibig ko pong sabihin--may chikinini ako?" dumikit ako sa may-edad na babae at bumulong. OMG!
"Totoo ate? Saan po banda? Malaki po ba? Mara-"
"Naku 'Day mukhang wala kang kaalam alam na may chikinini ka sa leeg.. Hahaha.." pinagtawanan na naman ako ng babae.
"Waaaaaaaaa..." pumalahaw na ako ng iyak.
OMG! Nakakahiya! Paano ako nagkaroon ng chikinini. Siguro ang apat na walanghiyang mga lalaki ang gumawa sa akin nito. Baka ginawan nila ako ng masama habang tulog ako. Hindi naman daw ako nakahubad noong naabutan ako ni Hardy at ng mga kasama niya. Baka naman kasi pinaghahalikan pala nila ako sa leeg bago pa dumating sila Hardy. Imposible naman kasing si Hardy ang maglagay sa akin ng chikinini dahil ni ayaw nga ako pansinin ng ne***rong 'yon. Kung hindi lang ako ang kanyang tour guide no'n baka iba't ibang chubbylicious na babae na siguro ang kinakalantari noon.
"Waaaaaaaaahhh..."
Lalo na naman akong nanggigigil sa mga lalaki sa kaalamang ginawan nila ako ng chikinini. Mga hayop talaga sila. Mabuti na lang talaga at nagpa medical ako.
"Tahan na 'Day. Ito may balabal ako. Sa'yo na 'yan. Kanina natatawa pa ako. Pero sa nakikita ko sa' yo mukhang wala kang kaalam alam kung paano mo nakuha 'yang chikinini mo. Pasensiya ka na 'Day ha. Napagsamantalahan ka siguro kaya ka nandito." inalo na ako ng babae. Mabuti na lang talaga at naka face mask ako kaya hindi buong mukhang ang nakikita sa akin. Kung hindi mas lalong nakakahiya.
"Talaga po, akin na lang ang balabal niyo ate. Salamat po talaga. Thank you! Thank you! Hindi ko po alam na may chikinini ako. Tama po kayo. May tumangay na apat na lalaki sa akin kagabi. Sasampahan ko sila ng kaso sa tangkang pananamantala sa akin. Kung alam ko lang dapat hindi ganito ang sinuot ko. Nakakahiya po talaga ate."
"Kaya naman pala. Naku 'Day ilaban mo 'yan. Ang mga manyak na lalaki dapat makulong talaga."
"Salamat po talaga ate ha. Paano na lang pala kung hindi ako nagtanong."
"Walang anuman 'Day. Siya sige baka tawagin na ako."
Ginamit ko na ang bigay na balabal sa akin ng babae. Kaagad kong tinakpan ang aking leeg at balikat. Kahit na luma ay amoy downy naman iyon kaya hindi na ako nag-inarte. Masuwerte pa rin ako at may mabuting loob ang nagbigay sa sa'kin.
Nauna nang tinawag sa akin ang babae pero bago siya umalis ay inabutan ko muna siya ng pera kapalit ng balabal.
Nagpasamalat ito sa akin at ngumisi na naman na tinuro ang leeg ko.
Pilyang babae din si ate, sa isip ko.
Mabuti pala at nagtanong ako. Kung hindi buong araw pala akong naglalakad ng paroo't parito na may chikinini sa leeg. Humanda talaga ang mga lalaking 'yon at dadagdagan ko ang ihahain kong kaso laban sa kanila.
******
Sa dami ng tao sa PAO ay alas dos na ng hapon ako natapos doon. Sa sobrang gutom ay sa mismong carenderia sa labas ng opisina na lamang ako kumain. Kahit na kumakain ay tinangka ko pang tawagan si Hardy kung ano na ang kalagayan nito. Ang n**rong 'yon, kahit man lang mag reply o tumawag sa akin, hindi man lang ginawa.
Kung makatext at makatawag ka sa kanya para ka namang girlfriend eh tour guide ka lang naman. Nega na naman ang aking konsensiya.
"Eh ano ngayon kung mag-astang girlfriend ako. Baka magkatotoo kaya nagpa-practice na ako. Hindi naman masamang magpantasya." kinausap ko naman ang sarili ko.
Matapos kumain ay umuwi na ako sa aming hotel. Pagdating sa harap ng aking kwarto ay nilingon ko muna ang kwarto ni Hardy. Gustuhin ko man siyang katukin ay hindi ko na ginawa dahil baka magalit na nang tuluyan sa akin 'yon. Sinabihan pa naman ako noon na hindi ko na siya lalapitan o gagambalain dahil hindi niya ako type. Ako lang naman ang mapilit na makipaglapit sa kanya.
Akmang papasok na ako sa aking kwarto nang bumukas naman ang kwarto ni Hardy. Automatic kaagad na lumapit ako dito dahil namiss ko ito. Namiss? Halos kalahating araw pa lang na hindi nagkita, miss kaagad?
"Hardy did you eat already? Where did you go? You did---"
"Stop it there! Am fine. Thanks."
Sumama naman ang loob ko sa inasal ni Hardy. Nag-aalala lang naman ako sa kanya kung kumain na siya tapos sisinghalan lang pala niya ako.
"Yo process all things yo need today?"
"Ewan ko sa'yo. 'Kala mo ikaw lang marunong magsuplado. Hmp!"
"What are yo sayin' again? Godd*mmit Debbie! I don't understand what y'all talkin'."
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot si Hardy. Nakakasama na talaga siya ng loob ha.
"I keep on texting and calling you the whole day because even if I'm processing my papers I'm still concerned about you. Like if you had eaten already or maybe did something happen to you because you're not responding to any of my messages and my calls."
"Stop that nonsense, Debbie. You're not my woman Debbie. You're my tour guide. Don't cross that boundary. Am warnin' yo."
Natameme ako sa sinabi niya. Ouch!
Hindi ko napansin na tumulo na pala ang luha ko. Namalayan ko na lamang na hindi ko na maampat ang aking iyak. Buti na lang talaga at may balabal ako. Iyon ang nagsilbing pampunas ko ng aking luha. Sa kakapunas ko ay natanggal na nga iyon sa aking leeg.
"Hhhmmmhm.. hhm.. I'm s-sorry.. " humihikbi kong sabi kay Hardy.
Kaagad na hinanap ko ang aking susi at nang matagpuan ay dali daling pumasok sa aking kwarto. Hindi na ako nagbihis sa sobrang sama ng aking loob. Hindi ko akalain na masakit pala talaga ang katotohanan. Para akong si gaga na inantay ko pa talaga na ulitin na namang sabihin sa akin ng harap harapan na tour guide lang ako.
Sh*t! Sh*t!
Sa kakaiyak ko ay tuluyan na talaga akong iginupo ng antok.
*********
Nagtagis ang bagang ni Hardy ng pumasok na sa kanyang kwarto si Debbie. Ayaw man niyang saktan si Debbie ay hindi talaga maiiwasan. Mas okay na magmukha siyang masama sa paningin ni Debbie kesa naman magsisisi pa siya bandang huli.
Sa ilang araw nilang pagsasama ay paunti unti ay nakikilala na niya ang dalaga. Napaka sweet nitong babae at alam niyang kapag hindi din niya rerendahan ang kanyang puso ay baka mahulog siya ng tuluyan kay Debbie kahit na ba hindi pa ito nagtataglay ng katawan na pangarap niya.
Nang makita niya ang mga text at tawag ng dalaga ay nakaramdam siya ng tuwa. Inaalam nito kung kumain na ba siya o kung ano na ang ginagawa niya, talagang iniisip talaga ang kapakanan niya. Hindi lang isang beses kundi halos oras oras pa. Parang ang Mama niya. Lagi siyang chinecheck kung ano ang nangyayari sa kanya. Kaya nga mahal na mahal niya ang kanyang Mama noong buhay pa ito. Sayang nga lamang at sumakabilang buhay na ang kanyang Mama dahil sa sakit.
Ganyan din naman dati ang mga ex-girlfriends niya, nagmemessage din sa kanya kung kumain na o kung okay siya pero paminsan minsan lang at ang kasunod noon ay tungkol sa usaping s*x na kaagad. Kapag hindi pa niya napagbigyan dahil busy siya sa kanyang career ay mag-aalburuto at maghahanap na ng ibang lalaki kaya nga lagi din siyang niloloko ng kanyang mga ex. Ang mahirap lang dahil maagang namulat ang tao sa s*x kaya minsan ka lang din makakita ng taong tapat sa pag-ibig. Kahit nga ang Mama niya ay iniwan din ng kanilang Papa at ng iba pang naging karelasyon nito.
Iyan din ang rason kung bakit ayaw niya munang makipagrelasyon sa ngayon dahil sa kanyang career liban pa sa kanilang business na real estate na iniwan ng kanilang Mama. Mabuti nga at andiyan ang kanyang bestfriend. Iyon ang namamahala sa real estate company na iniwan ng Mama niya sa kanila ng kapatid niya. Busy din kasi ang mga kapatid niya sa kani-kanilang career kaya mas gusto na iba ang mamahala sa real estate business ng kanilang pamilya pero paminsan minsan ay chinecheck din nila ang status kung matatag pa o palubog na.
Kaya nga dapat ay iwasan niya si Debbie. Mahirap nang tuluyan siyang mahulog sa charm ng dalaga dahil masasaktan lamang ito. Magkaiba ang kanilang mundo. Isang buwan lang ang bakasyon niya dito sa Pilipinas at babalik na siya ng Amerika. Kung ibang babae lang si Debbie ay walang kaso, kahit na s*x lang ay okay lang.
Ewan ba niya kung bakit iniisip niya ang kapakanan ng dalaga. Iyan din ang hindi niya maipaliwanag sa kanyang sarili. Nang makita niya itong umiiyak ay gusto niya rin itong aluin at ikulong sa kanyang bisig. Lalo na nang matanggal ang balabal na suot nito. May nakita siyang kiss mark sa leeg nito. Alam niyang siya ay may gawa noon kay Debbie kaya naman nag-init ang kanyang pakiramdam. Lalapitan na sana niya ito pero tumalikod na ito at dali daling pumasok sa sariling silid kaya hindi na niya hinabol pa.
Mabuti na din na ganun ang nangyari. Hindi na muna siya maglalapit sa dalaga. Baka kung ano pa ang magawa niya lalo na kapag nakita niya ulit ang kissmark sa leeg nito.
Napangiti na lamang siya at pumasok na ulit sa kanyang kwarto.