Bago matulog ay minessage ko na lamang si Hardy ng itinerary namin bukas. Kailangan ay ready na siya ng alas siyete ng umaga dahil kakain muna kami at saka aalis.
Tot! Tot!
Tot! Tot!
Nag reply kaagad ito. Himala, akala ko ay busy sa pakikipaglampungan sa mga kasama niyang babae kanina.
Hardy: Would you mind if I bring two more company in our tour tomorrow?
Muntik ko nang ibato ang aking cellphone nang mabasa ang message ni Hardy. Nanggigil kaagad ako dahil malakas ang kutob kong ang dalawang babaeng kasama niya kanina ang isasama niya bukas.
Me: It's fine.
Kahit labag sa loob ay kailangan kong um-oo. Siya naman ang gagastos eh. Iniisip ko pa lamang na may isasama siyang ibang babae ay parang gusto ko na lamang magpa-iwan. Hmp! Makapag exercise na nga lamang. Hirap talaga kapag maliit ang puwet.
Nag-eexercise na ako ng maalala ko si Peter. Tinapos ko muna ang aking 5 mins routine workout at nagpalit ng pantulog. Minessage ko din si Peter at inaya na sumama bukas. Hindi naman siguro magagalit sa akin si Hardy kung hindi na ako magpaalam sa kanya. Siya nga may isasamang dalawa, sa akin isa lang naman. Kaya patas lamang kaming dalawa.
Naku, Debbie dapat magpaalam ka pa rin kasi nga si Hardy ipinaalam din sa'yo na may isasama siya. Tiyak magagalit 'yon bukas kapag nalamang may isinama ka pero hindi ka nagpaalam. Pangungonsensiya ng aking isip.
"Bahala na magalit si Hardy bukas. Basta isasama ko si Peter."
Matigas talaga ang ulo mo. Bahala ka na nga.
******
Itinerary
Tagmanocan Cave
Banahaw Cave
Cambugahay Falls
Maaga pa ay dumaan na ako sa kubo ni Hardy. Nagmessage ito sa akin ng maaga na sabay daw kaming kumain. Natuwa naman ako dahil siya mismo ang nag message na sabay kaming kakain ha.
Pagdating ko sa kubo ni Hardy ay nakaabang na ito sa labas. Makita ko pa lamang ang mga muscles ni Hardy ay parang gusto ko nang maglambitin do'n. Walang binatbat ang biceps at triceps ni Peter. Lalo tuloy gumwapo sa paningin ko si Hardy sa suot nitong hapit na gray dryfit tshirt at short. Kitang kita ang kanyang mga tattoo na lalong nagpadagdag ng kanyang appeal. Para siyang leader ng mga goons. Hehehe.
Akala ko ba bibigyan mo ng chance si Peter. Eh bakit si Hardy na naman ang pinagpapantasyahan mo diyan. Hindi ka niyan papansinin dahil iba ang tipo niyang babae. Nakita mo naman kahapon ang mga kasama niya. Dibdib pa lang, wala ka nang laban. Mukha pang palaban sa kama ang dalawang 'yon dahil mga foreigner din, parang European kasi ang accent nila hindi straight English. Kontra na naman ng aking isip.
Duh! Eh sa mas maganda naman ang katawan ni Hardy. Anong magagawa ko? Don't worry alam ko naman ang aking limitasyon. Hanggang tingin lang. Maglaway na ako, mukhang hindi ko talaga matitikman ang lokong Hardy na 'yon. Kontra ko din sa aking isip.
"Mornin'. Yo look good." nakangiting bati sa akin ni Hardy nang makalapit ako sa kanya.
"Morning too. What's good in my outfit. I don't like it. I need to wear this because I have chikinini in my neck." nagulat ako sa aking sinabi kaya napatakip kaagad ako sa aking bunganga. Patay! Hindi ko na mababawi pa ang aking nasabi. Sana hindi magtanong ang Hardy.
"What c-chi-ki-ni-ni?" biglang tanong ni Hardy.
Ay! Nagtanong nga. Hindi pala alam ni Hardy ang chikinini. Naman kasi. Hindi ko naman talaga type ang aking outfit. Nagsuot ako ng rashguard na blue para takpan ang aking leeg dahil hindi pa nawawala ang aking chikinini. Pinatungan ko na lamang ng maong shorts ang aking suot at may malaking tote bag din akong dala para sa chichirya, tubig at mga importanteng bagay kagaya ng ID.
"It's nothing. It's just an expression. Like 'ay chikinini mo'." kunyari parang nagulat lang ako. Kailangan ko pa tuloy magsinungaling ng dahil sa chikinini.
"Uuhhmm..Okay. Let's eat now. I'm starving."
Pumunta na kaming dalawa at kumain na sa restaurant. Habang kumakain ay sinabi ko na kay Hardy ang lugar na aming pupuntahan. Tatlong tourist spot bawat araw dahil limang araw kaming mamamalagi dito bago pumunta sa susunod naming destinasyon.
Matapos kumain ay nag-antay pa muna kami ng ilang minuto dahil hindi pa dumarating ang isasama ni Hardy. Maya maya ay nakita na naming papasok sa restaurant ang dalawang babeng kasama niya kahapon. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha. Nakangiting kinawayan ni Hardy ang dalawang babae. Nang makalapit na ang dalawa sa amin ay ipinakilala kami ni Hardy sa isa't isa. Mabait naman ang dalawang babae kaya nahiya akong tarayan sila. Tama nga ako na foreigner din ang dalawa dahil maputi at blonde ang buhok. Russian silang pareho at nandito sila sa Pilipinas para magbakasyon. Mag bestfriend ang dalawang babae na nasa bente anyos pa lamang pala. Mahilig silang mag vlog at kumuha ng mga pictures at videos para i-post sa kanilang mga social media accounts at iyon ang kanilang pinagkakakitaan. Mukha lang silang matured tingnan dahil malaking bulas ang kanilang katawan pero mas bata pa pala sila sa akin ha.
Halos lumuwa ang mata ko sa katawan ng dalawa dahil sobrang lulusog ng hinaharap nila at pati na puwet ay namumutok din. Lalo pang na emphasize ang kanilang kaseksihan sa suot na string bikini. Ni hindi na nila pinatungan ang kanilang suot kaya takaw pansin tuloy ang aming grupo. Tanging bikini, flip flops at cellphone lang ang dala nila. Ni bag o extrang damit ay wala silang bitbit.
"Debbie, let's go now. We're complete." aya ni hardy.
Ngayon ay kinabahan na ako dahil baka magalit si Hardy. Inimbitahan ko si Peter pero hindi ko sinabi kay Hardy na isasama ko siya.
And speaking of Peter, bakit wala pa 'yon. Ang usapan ay alas otso ng umaga pero lampas alas otso na wala pa rin siya. Kapag hindi siya dumating ng limang minuto iiwanan nalang namin siya.
"Uhhmm. Hardy.. i-is it o-okay if---"
"Hey, Debbie I'm here." humahangos na sigaw ni Peter papalapit sa amin.
Nang makita ang paparating ay kaagad akong hinila ni Hardy sa isang sulok ng restaurant.
"Excuse us for a moment." dinala niya ako sa gilid ng restaurant limang metro ang layo sa dalawang babae at kay Peter na ngayon ay nakikipagkilala na sa dalawang babae din.
"Now talk, Debbie. What's the meaning of this?" gigil na sabi sa akin ni Hardy. Hininaan lang niya ang kanyang boses.
"I.. F-forgot to.. I-inform you last night that I invited Peter to come along with us.." nakayukong sabi ko. "Sorry."
Mahabang katahimikan. Hindi nagsasalita si Hardy. Alam kong galit siya kaya nakayuko pa rin ako. Ngayon ay nagsisi tuloy ako na hindi ako nagpaalam sa kanya. Mas gusto ko pang pagalitan niya ako kaagad kesa wala siyang may sinasabi. Baka mamaya niyan awayin niya si Peter. Nakakahiya tuloy kasi nakatingin na sa aming dalawa ni Hardy ang tatlo.
Huminga muna ng malalim si Hardy atsaka napabuntung hininga.
"Tsk! Tsk! Next time please inform me if yo want to invite someone in our tour."
Pagkasabi noon ay nauna na itong naglakad palayo. Sumunod na rin ako kapagkuwan dahil ako ang kumausap doon sa aming sasakyan papunta sa mga lugar na aming pupuntahan.