BBC Chapter 21

1378 Words
June 6, 2022 Lunes Victoria Municipal Hall Victoria, Northern Samar Awarding ceremony ngayon sa Victoria Municipal Hall. Kanina pa kami dito dahil um-attend din kami ng flag ceremony ng alas otso ng umaga. Pagkatapos ng flag ceremony ay kwentuhan muna at nakipagkamustahan sa lahat ng mga kawani ng munisipyo para ipakilala si Hardy at sa nagawa nitong kabayanihan. Pagdating ng alas nuwebe ay ginanap ang awarding sa conference hall sa 2nd floor. Inabot din ng halos dalawang oras ang awarding dahil may mga speeches pa ang ilang kawani ng munisipyo at may pictorial din. Pagkatapos ng awarding ay doon na rin kami nananghalian sa munisipyo. Namahinga lang kami at bandang alas dose ay pinahatid na kami ni Mayor sa kanyang personal drayber kasama ang isang personal bodyguard papuntang Tacloban. Bago kami umalis ay nagpasalamat kami sa mainit at maayos na pagtanggap ni Mayor sa amin sa kanilang tahanan. Pagdating namin sa Tacloban ay mag-aalas kwatro na ng hapon. Sumakay na naman ulit kami ng sasakyan pero hindi na bus kundi mini-van papuntang Ormoc dahil mas mabilis iyon, 'yon nga lang sa laki ni Hardy ay pandalawahang katao ang binayaran ko para sa kanya. Sa may bandang likuran pa rin kami ng minivan umupo dahil doon lang pwedeng magkasya si Hardy. Habang nasa biyahe ay natutuwa naman ako kahit papaano dahil sa ilang araw naming pamamalagi sa bahay nila Mayor ay sweet sweetan sa akin si Hardy. Kahit hindi kaharap si Mayor ay hindi na ito masyadong seryoso. Siguro dahil akala niya ay hindi ko pa siya pinatawad kaya bait baitan siya sa akin. Parang ayaw ko nga umalis doon sa Victoria kaso baka mapaghahalataan naman ako ni Hardy na gustong gusto ko ang pagpapanggap namin. Ngayon na wala na kami sa Victoria ay nabawasan na ang ka sweetan niya sa akin. Pero at least kahit papaano ay nag-aalala na ito sa akin at hindi na niya ako pinapabuhat ng aking gamit. Kapag nakita niya akong nagbubuhat ay kaagad nitong kinukuha sa akin ang aking maleta. Hay! Hardy, huwag kang ganyan at baka tuluyan akong mahulog sa'yo. Ako din ang kawawa dahil isang buwan ka lang dito at babalik ka na din ng America. Pihadong pagbalik mo ng America ay hindi mo na ako maaalala pa. ******** Hapon na ng dumating kami sa Ormoc. Ang kasunod nito ay papuntang Talisay, Cebu. Sumakay naman kami ng ferry at pagdating doon ay tumuloy muna kami ng isang gabi sa isang hotel. Bukas na ulit kami bibiyahe papuntang Siquijor. Para makatipid sana ay isang room lang sana ang plano kong kunin tutal sa isang kwarto lang din naman kami natutulog sa Victoria kila Mayor kaso ayaw ni Hardy. Wala na akong nagawa kaya dalawa ang kinuha ko. Bali magkaharapan naman ngayon ang kwarto namin. Sa isang mura at malinis na hotel malapit sa Talisay Pier ang aming tinuluyan para bukas ay hindi na kami mahihirapan pang bumiyahe. At dahil nga nasa Cebu kami at malapit pa sa pier ay maraming mga nagkalat na mga club. At ang hinayupak na Hardy ay nagyaya na kumain kami ng hapunan sa isa sa mga club na 'yon. Matagal na daw itong hindi nakakapasok ng club simula nang nag focus ito sa pagiging professional na manlalaro kaya ngayon ay susulitin niya ang bakasyon dito sa Pilipinas. Sana pala tumuloy na kami papuntang Tagbilaran at doon na lang nagpalipas ng gabi. Marami pa namang magagandang babae dito sa Cebu. Baka mamaya makahanap pa si Hardy ng ibang babae dalhin pa niya sa kwarto niya. Kaya pala gusto niya tig-isa kami ng kwarto siguro may balak itong maghanap ng babae sa club na nadaanan namin kanina. Kahit na magdala siya ng babae Debbie, wala kang karapatang magalit o magselos dahil hindi mo naman boyfriend 'yang si Hardy. Ito na naman ang aking inner self. Panira na naman. "May karapatan naman ako dahil---" "You're sayin' somethin'?!" narinig pala ako ni Hardy. "Oh y-yeah... I said I will knock on your door at 7pm tonight then we will have a dinner date in one of the club outside. You choose since you're the one who wants to eat on that place. Be ready oka--" "Dinner date!?" "Nope. I said 'dinner' only. You need to clean your ears!" tinarayan ko na ito kunyari at dali daling pumasok sa aking kwarto. Pahamak talaga minsan ang aking konsensiya. Lagi akong kinokontra kaya nakakapagsalita tuloy ako ng wala sa oras. Kapag may ibang tao na makakakita sa akin ay aakalaing siraulo ako. Sabagay para nga akong sira. Simula nang dumating si Hardy sa buhay ko ay marami nang nagbago sa akin. Isa na ang pagsasalita ng mag-isa. ******* Saktong alas siyete ng gabi ay nasa harap na ako ng kwarto ni Hardy. Bago umalis ng aking kwarto ay sinigurado kong sexy ako sa paningin ni Hardy. Suot ang skinny jeans at wedge sandal at white tee shirt na may print na 'I love Black' feeling ko ay model ako sa isang magazine. May dala din akong puting tote bag para sa mga ID naming dalawa ni Hardy. Ang kagandahan dito sa Cebu ay optional lang ang pagsusuot ng face mask kaya naglagay din ako ng makeup para mas lalong maging kaaya-aya ang aking hitsura. Halos ipaligo ko na din ang cologne sa aking katawan para super bango ako sa pang-amoy ni Hardy. Naka isang katok lang ako at binuksan na ni Hardy ang pinto ng kanyang kwarto. "Let's go." nakangiting aya ko kay Hardy. Imbis na ang Hardy ang ma-starstruck sa akin ay ako pa 'ata ang lalong nahumaling sa kanya. Bagong ligo ito at ang bango bango niya sa kanyang gamit na men's parfum. Naka suot ito ng oversized printed white t-shirt at oversized ripped jeans. Oh my gosh.. Parang gusto ko nang maniwala sa forever. Hindi naman kami nag-usap kong ano ang isusuot niya pero bakit pareho ang style ng suot namin. Lord, ito na ba ang sign na si Hardy ang lalaking para sa akin? Habang pababa ng hotel ay panay lang ang tingin ko kay Hardy. Ang hinayupak na n****rong 'to, sa tagal ng pagpapaganda ko sa aking sarili ni hindi man lang niya na appreciate ang effort ko. Ni hindi nga ako tinapunan ng tingin maliban lang noong pinagbuksan ako ng pinto kanina. At mukhang natatawa pa siya sa aking hitsura. Grgrr... Kakagigil talaga. Effort failed ang pagpapaganda ko. Pagdating sa labas ng hotel ay naglakad lakad muna kami at tumingin tingin sa mga nakahilerang club. Pangatlo mula sa aming hotel ay iyon ang napili ni Hardy. Hhmmmm.. Mabuti naman at ito ang pinili niyang club. May taste din ang loko. Sa mga nakahilerang club ay ito din ang masasabi kong may class. Sa entrance pa lang ay mukhang maiinlove ka na sa mga machong bouncer. Pagpasok sa loob ay may iilan pa lamang kaming customer na nakikita. Siguro dahil maaga pa ay kokonti pa lamang ang tao. Dalawang table na may magkakapareha na nasa malapit sa mini stage ang nasa loob din ng club. Kami naman ay pinili ni Hardy ang mesang nasa gitna malapit sa dancefloor. Pagkaupo namin ay lumapit na sa amin ang isang napakaganda at seksing waitress at nagbigay ng menu. Kumulo kaagad ang dugo ko sa babae dahil kahit na magkasama kami ni Hardy ay lantaran naman ang ginagawa nitong maarteng pagtatanong kung ano ang gusto ni Hardy. Ang malanding Hardy din ay parang nakalimutan na magkasama kami at abot tenga din ang ngiti sa waitress. Sino ba namang anak ni Adan ang hindi mahahalina sa mga waitress kung ang suot nilang damit ay off shoulder na pula ang pang itaas tapos naka mini skirt lahat na halos lumabas na ang kanilang mga dibdib at kuyukot. Ah! So ito pala ang gusto ni Hardy, sa isip isip ko. Voluptuous ang katawan - malaki ang boobs lalo na ang puwet. Napatingin tuloy ako sa aking dibdib. Tiningnan ko din ang aking puwet. Wala. Hindi talaga ako mapapansin ni Hardy. Dahil sa nakitang reaksiyon ni Hardy sa waitress ay na insecure tuloy ako sa aking katawan. Kung ang mga chubbylits kong kasamahan sa opisina ay naiinggit sa aking payat na katawan, ngayon ay napagdasal kong sana pala ay chubby din ako. Kung alam ko lang na makikilala ko si Hardy ay nagpataba na sana ako. Huhuhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD