BBC Chapter 20

1511 Words
"Good morning, Miss Debbie. I'm Dra. Carla Serrano, the resident doctor here. I hope that you're okay now. Is it okay to discuss you're situation with your boyfriend here or you prefer to discuss it alone?" paliwanag ni Dra. Serrano. "Do yo want me to go outside, Deb?" tanong sa akin ni Hardy. "It's fine Dra. Serrano. My boyfriend can stay." mas mabuti nang nandito din si Hardy para hindi kami paghinalaan. "Okay. Miss Debbie do you have any idea why you're here in the hospital?" tanong ng doktora. "Actually.. d-doktora hindi ko din po alam," medyo nahihiya kong sagot. Alam ko siyempre pero hindi ko aaminin 'yon. "According to your boyfriend, both of you were having s*x when you passed out. And when he checked on you, you were bleeding that's why he brought you here to be treated. We've done some tests right away and the results were all okay- normal. One thing that I found out upon checking was you have a v*ginal tear. V*ginal tears are frequently caused by s*xual activity when a person's p*nis, finger or other item inserted into the v*gina causes injury to sensitive tissues. The bleeding was the indication that you had a v*ginal tearing. This tearing tends to happen when there isn't enough lubrication during intercourse, or the pelvic muscles are weak." mahabang paliwanag ni Dra. Serrano. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy ulit. "Many v*ginal tears will heal on their own as long as you keep the area clean, avoid s*x, and avoid irritating the tear. I will prescribe an ointment or cream for you to use, to heal the tear faster if you want. Healing will depend on one's person's body. Sometimes it takes a few days or maybe a week to heal the tear. I advise that whenever you will be having a s*xual intercourse, make sure to use a lubricant or do a foreplay first to produce a natural v*ginal lubrication." "Okay po doktora. Hindi ko na po kailangan ng ointment o cream. Mawawala naman siguro ang sakit ng ilang araw. Salamat at okay naman ang results ko." medyo nahihiya kong sabi. Feeling ko ay pulang pula na ang mukha ko. "Naayos na pala ni Mayor ang inyong release form kaya wala na kayong poproblemahin. Sir," baling ng doktora kay Hardy," please take good care of Miss Debbie. Ma'am, kapag hindi pa rin tumigil ang nararamdaman ninyong pananakit sa inyong v*ginal area, magpakonsulta po ulit kayo sa doctor. So goodluck to the both of you. I will go out now and see some other patients. Mauna na ako. Have a nice day!" paalam ni Dra. Carla Serrano. "Salamat po doktora." "Thank yo." ******** Dahil hindi naman life threatening ang aking kalagayan ay hindi na ako tumagal sa ospital. Pagdating ng ala-una ay dumating na ang aming sundo. Habang pabalik sa bahay nila Mayor ay kakwentuhan ko ang kanilang drayber. Sa Catarman Hospital pala nila ako dinala dahil walang ospital sa Victoria. Nalaman ko rin mula sa drayber na nauna nang umalis si P/LT Edwin kaninang tanghali dahil tinawagan na ito ng kanyang Boss. Kinausap din ni Mayor ang Boss ni P/LT Edwin para magpasalamat sa ginawang kabayanihan ng tauhan nito. Bali kaming dalawa na lamang ni Hardy ang naiwang bisita nila Mayor. Dahil nga sa nangyari sa akin ay inusog nila ang pagbibigay ng awarding ceremony kay Hardy sa Lunes. Lampas isang oras din ang aming biyahe mula Catarman papuntang Victoria. Pagdating kila Mayor ay nagpahinga na muna kami ni Hardy sa kwarto. Nagpagkasunduan namin na siya ang matutulog sa sahig at ako sa kama. May bagong kumot at bedsheet na inilagay sa aming kwarto kaya iyon ang kumot ang pinansapin ni Hardy sa sahig. Habang nagpapahinga ay kinausap ko na si Hardy na hindi na kami tutuloy ng Biri Island dahil sa pag stay namin dito kila Mayor. Pagkatapos ng awarding ceremony sa Lunes ay aalis na din kami at pupunta na sa aming kasunod na destinasyon- sa Siquijor. Pumayag naman si Hardy. Ako na daw ang bahala sa lahat. Basta siya ay susunod lang sa gusto ko. Akala ko ay nakikinig pa siya sa sinasabi ko. Pagtingin ko sa kanya sa sahig ay tulog na tulog na ito. Siguro napagod sa kababantay sa akin sa ospital. Para naman akong nakonsensiya dahil partly may kasalanan naman talaga ako. Eh kung hindi ko sana sinunod ang bulong ng masamang espiritu sa akin ay diretso na sana kami sa Biri Island ngayon pagkatapos ng awarding ceremony. Sa kakaisip ko ng masamang espiritu ay nakatulog na din pala ako. ********** Pagdating ng hapon ay nagising na kami ni Hardy. Dahil nakakahiya naman kung wala kaming gagawin sa bahay nila Mayor ay nagpresinta na akong tumulong sa kusina samantalang si Hardy naman ay nagkikipagkwentuhan sa isang bodyguard ni Mayor na nakatalaga lang sa kanilang bahay. Mabuti na lamang at kahit paano ay tinuruan kami nina Mama ng mga gawaing bahay kaya sanay naman akong maglinis. Hindi kami magiging pabigat sa pagtuloy namin kila Mayor. Pagsapit ng gabi ay sabay na uli kaming naghapunan. Ang tatlong katulong nila Mayor ay pinapasabay nilang kumain pero nahihiya sila kaya nauna na kami. Kwento ng asawa ni Mayor na sabay sabay talaga silang kumakain pati na ang mga katulong at iba pa nilang kasambahay pero kapag daw may bisita ay ang mga ito na mismo ang hindi sumasabay dahil nahihiya. So ibig sabihin talagang down to earth ang mag-asawa. Halata naman dahil mukhang mahal na mahal sila ng kanilang mga tauhan. Napansin ko lang na parang walang anak sila Mayor. Gusto ko nga sanang itanong 'yon kaso pinigilan ko lang ang aking sarili. Lumalabas na naman ang pagiging tsismosa ko. Dahil sa nangyaring pagkalasing ni Hardy ay nanood na lamang kami ng TV pagkatapos kumain. Mahirap na raw uminom uli ng tuba si Hardy at baka malasing at bumalik ulit ako ng ospital. Binibiro nga ni Mayor at ng kanyang asawa si Hardy na sa susunod ay dahan dahan lang at siyempre dahil nga payat ako ay baka daw hindi ko kinaya ang 'laki' ni Hardy. Sabay silang tatlong nagtawanan samantalang ako naman ay hindi makasagot dahil sa hiya. Wala naman akong may maisagot dahil nga bago ko pa maranasan ang ikapitong langit ay hinimatay na ako. Ang Hardy naman nakikisabay din sa mga biro ni Mayor. Mukhang close na nga ang dalawa eh. Mabuti na lamang at kahit na suplado ito ayon kay Flor ay marunong naman itong makisama sa mga tao. Habang papalalim na ang gabi ay medyo inantok na ako. Nang makita nilang humihikab na ako ay si Hardy na mismo ang nagpaalam kila Mayor na matutulog na kami. Siyempre dahil nagpapanggap pa rin kami ay hawak kamay na kaming pumasok sa aming kwarto. Pagdating naman sa loob ay kaagad na binitawan ni Hardy ang aking kamay. Nadismaya naman ako sa kanyang inakto dahil akala ko ay magtutuloy tuloy na ang aming pagpapanggap. Dahil sa kanyang inakto ay hindi na ako nagpaalam at nauna nang nahiga sa kama. Sinabihan ko na lamang itong patayin ang ilaw kung gusto na din nitong matulog. Naramdaman kong nahiga na din si Hardy sa may sahig. Pinapakiramdaman ko lamang ito. Feeling ko ay gano'n din siya sa akin dahil hindi man ito gumagalaw ay panay naman ang buntung hininga nito. "Can I talk--" "Please swi--" Sabay pa kaming nagsalita ni Hardy. "Okay go ahead. Ladies first." sabi ni Hardy. "Please switch off the light. I can't sleep with the lights on." sabi ko lamang 'yon. Ang totoo ay hindi talaga ako makatulog. "Right away." tumayo ito at pinatay ang ilaw. Bumalik na sa pagkakahiga si Hardy. "Thanks. Goodnight." "Uhhhmm... D-deb?'' alanganing tawag ni Hardy sa aking pangalan. Aba himala. Ano ang nakain nito at kinausap ako. "Yes?" "It's about what happened last night. I'm really sorry. I was drunk... a-and I don't remember anything. I mean.. mean how did we end up doing s*x.."nagugulumihang sabi ni Hardy. Medyo napatigil ako saglit. Humugot muna ako ng malalim na hininga. "Yes you were drunk a-and..and I w-was cleaning you because you throw up last night then.. s-suddenly you just grab me and then kiss me. I was f-fighting b-back.. b-but you were so s-strong and I couldn't stop you. And the worst part.. you mistake me for another woman." medyo tumalim ang boses ko sa part na 'yon dahil naman totoo 'yon. "Am really sorry. Am such a j*rk. I shouldn't have done that to yo." seryosong seryoso ang boses ni Hardy. Tahimik lang ako. Hindi kaagad ako makasagot. "Deb???" "I hope yo will forgive me." Mahabang katahimikan. "Goodnight." Wala pa ring sagot sa akin. Hanggang sa nakatulog na ito ay ay hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Mas lalo tuloy akong binagabag ng aking konsensiya. Paano ko siya patatawarin kung pati ako ay may kasalanan din sa kanya. Baka masakal ako ng wala sa oras ni Hardy oras na malaman niya ang kabulastugang ginawa ko habang tulog ito. Mag-uumaga na 'ata ako dinalaw ng antok. Pinanalangin ko na sana, 'whatever happens in Victoria, stays in Victoria'. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD