"STOPPPPPP!!!!!"
Tumigil ang lahat ng marinig ang dumadagundong na boses. Napatingin lahat sa pinanggalingan ng boses. Nahintakutan ang lahat ng makita nilang boses iyon ng aking bisita. Parang slow mo lang na tumayo ito at naglakad.
"Don't lay yo hand on her, man. Yo regret if you touch her." titig na titig ito ngayon sa boyfriend ng babaeng feeling maganda. May pagbabanta sa boses nito.
Parang napako din ang lalaki sa kanyang kinatatayuan ng dinaanan na ito ng aking bisita.
Kung kanina ay matangkad ang tingin ko sa lalaki, ngayon ay parang lumiit ito sa tabi ng aking bisita. Hanggang balikat lang niya ang lalaking kumuwelyo sa kanya. Parang gorilla pala sa sobrang laki ang kaibigan nila Flor. Kahit ako parang natakot din.
Walang may gumagalaw ng lumapit na sa akin ang lalaki. Parang na freeze ang mga tao ng oras na 'yon.
"Let's go." nagpatiuna na itong naglakad.
Nakasunod lang ako sa kanya ng pumunta sa upuan nito kanina para kunin ang kanyang luggage at isang paper bag at hinila na parang wala lang.
Lumingon ito sa mga naiwang tao at nag-iwan ng mensahe.
"Don't trynna follow us y'all. I will make sure that we will see each other in court whoever y'all follow us...and.. y'all who take us a picture and video... just upload it and see you in jail." babala nito.
Nakakatakot pa lang galitin ang lalaking 'to. Kahit nga ako parang nalulon ko na ang dila ko. Tumaas ang aking balahibo sa kung paano siya magsalita. Biglang nag-iba ang temperatura ng paligid. Nag-iba din ang aura ng lalaki. Alam mo 'yong bawat salita niya ay maawtoridad. Kahit na ayaw mong sundin ay kusang susunod ang katawan mo sa sinabi niya. Feeling ko habang naglalakad kami ay nakatutok sa amin ang tingin ng mga taong nakasaksi ng eksena kanina.
Dahil nga sa sinabi niya ay walang ngang may nagtangkang sumunod sa amin. Nakalabas na kami ng matiwasay na hindi na humabol pa ang nagtatalak na babae kanina. Baka narealize niyang namali siya ng napagbintangang tao. Malamang lagot 'yon sa boyfriend niya. Mag-aaway ang dalawang 'yon sigurado ako. At mukhang lagot din ako dito sa friend nila Flor. Kasalanan ko din kung bakit napagbintangan siya ng babae kanina. Tahimik lang muna ako ngayon. Mamaya na ako hihingi ng pasensiya sa kanya kapag medyo okay na.
Tumawid na kami sa kalsada at pumunta sa parking area ilang metro ang layo sa labas ng airport. Malamang nakatulog na ang driver ng inarkilahan kong sasakyan dahil lampas dalawang oras na kami dito sa airport. Nang makita ko na ang van ay hindi nga ako nagkamali. Kinatok ko ang bintana ng driver. Kaagad naman nagising si Kuya driver. Bumaba ito sa sasakyan.
"Pasensiya po Ma'am, nakatulog na po ako dahil sobrang tagal niyo." medyo antok antok pa si Kuya.
"Okay lang po 'yon, Kuya. Pasensiya na din po kayo kung natagalan kami kasi alam niyo naman, medyo sumabit lang ng kaunti sa loob." hinging paumanhin ko din. "Kuya, patulong na lang po sa pag-aayos ng luggage niya sa likod. Siya po ang sinundo ko diyan sa loob."
"Sige po , Ma'am."
Buti naman at hindi pa-VIP ang lalaki dahil siya na mismo ang naglagay ng luggage niya sa likod. Inayos lang ng driver ang gamit ng lalaki sa likod. Isang malaking luggage lang ang dala nito at isang paper bag. Binuksan ko na ang pinto at nauna nang pumasok. Pagkatapos nilang ayusin ang gamit sa likod ay pumasok na din ang lalaki sa loob at tumabi sa akin. Pumasok na din ang driver at nag-umpisa nang magmaneho.
"M-mr. H-hardy, I'm really sorry again for what happened to you inside." Humawak ako sa braso niya.
Napapiksi ang lalaki sa ginawi ko. Nagulat sa paghawak ko sa kanyang braso.
"A-ay! Sorry again. It's my mannerism." mahinang bulong ko. Tinanggal ko ang aking kamay sa kanyang braso.
Nakalimutan ko na ibang tao pala 'to. Nasanay kasi ako na kapag nakakagawa ako ng mali o kapalpakan ay hinahawakan ko ang taong nagawan ko ng kasalanan. Parang lambing ko 'yon para patawarin ako.
Oh my gosh. Antigas ng braso. Sherep! Parang ayoko ko nang tanggalin ang kamay ko sa braso niya. Oh no! Bakit biglang naging mahalay ang isip ko. Masamang pangitain ito.
"I hope it will not happen again.. And I keep callin' yo. Why yo not answerin' ma call?" nakatingin ito ng matiim sa akin. Parang gusto akong lamunin ng buo.
Ito na.. interrogation na dahil hindi ko nasagot ang tawag niya.
"Uhhmm.. a-actually I forgot my phone here. See, this is my backpack. It's here inside. I'm in a hurry to pick you that I forgot to bring it with me inside the airport. But, I do have a placards which has your name written on it. I throw it away when I saw you.'' paliwanag ko sa kanya.
"Please.. next time, stay near me. If yo wanna go somewhere then tell me ahead. Yo know am here for vacation. And, don't tell anyone that am a player. Up to yo what alibi yo wanna say but only yo and me should know am here. Got it?" seryoso na ang boses ng lalaki.
"Yes! Yes! Mr. Hard--"
"Call me Hardy."
"Okay H-hardy."
"By the way this for yo, from your friend Flor." binigay nito ang hawak hawak na paper bag.
"Oh my gosh... thank you so much.." sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko ang lalaki.
Nagulat na naman ito. Kahit ako ay nagulat din. Hindi ko talaga maalis sa sistema ko ang paghawak at pagyakap yakap minsan. Kaya nga ang mga close friend ko, kamag-anak, kahit si Jun at James, at si Flor at Ivy ay naiinis din minsan sa akin dahil pag nasosobrahan ako tuwa o nagpapaawa ay nagiging touchy ako.
Kumalas ako kaagad sa kanya bago pa ulit niya ako sitahin. Buti at naka face mask pa rin kami, kung hindi baka nahalikan ko pa siya sa pisngi. Mahilig pa man din ako maghalik halik sa pisngi minsan lalo na kapag ganitong binibigyan ako ng gift. Sweet nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Namana ko sa Mama ko na mahilig maghalik halik sa amin kapag naglalambing.
"S-sorry again ha if I'm touchy sometimes. If I'm happy and sad I usually hug or cuddle the person.. but not all. Only the person close to me. But for you, maybe because I miss my bestfriend, Flor, that's why I keep touching you." weeeeh?! pasimpleng tsansing ka pa. Kontra ng isip ko. Nginitian ko pa si Hardy ng matamis. Tahimik lang itong nakaupo. Tumango lang ito sa akin. Siguro pagod na sa biyahe.
Binuksan ko ang paper bag na binigay ni Hardy sa akin. May laman iyong imported chocolates at may iba't ibang notebook sa loob. Special request ko kay Flor kasi mahilig ako mag take down notes. Wow! love na love talaga ako ni Flor. Kahit na sobrang tuwa ko na ay pinigilan ko ang aking sarili na yakapin ulit si Hardy. Baka ang labas pa niyan ay minamanyak ko na siya.
Mga ten minutes lang ay nakarating na kami sa hotel. Malapit lang ang hotel na kinuha ko para bukas ng umaga ay mabilis lang kaming makarating ng airport. Matraffic pa naman sa umaga.
Bumaba na kami ni Hardy ng sasakyan. Kinuha na nito ang kanyang luggage sa likod ng van.
"Salamat Kuya. Bukas ulit ng umaga mga 4am kasi 7:30am ang flight namin papuntang Tacloban."
"Sige po, Ma'am." paalam ni Kuya driver.
Inaya ko na sa loob ng hotel si Hardy para makapagpahinga siya. Isang araw din halos ang biyahe niya mula sa Philadelphia. Mamayang hapon ay aayahin ko din siya na pumunta sa mall para bumili ng ilang mahahalagang gamit na kakailangan namin sa biyahe.
Pagdating sa 10th floor ay hinatid ko muna siya sa kanyang kwarto.
"Hardy this is your room and the next one is mine. If you need anything just call me on my number. Now I'm really gonna answer you. If not, just bang my door. Be prepared in the afternoon because we will go to a mall to buy some things." sabi ko sa kanya bago umalis.
Tumango lang ito at pumasok na sa kanyang kwarto. Pumasok na din ako sa aking kwarto para mag pahinga. Kahapon pag check-in ko ay naayos ko na ang aking mga gamit na dadalhin kaya wala na akong problema. Isang maleta lang din ang dinala ko. 'Yong kay Hardy lang ang kailangan kong e-check kasi iba ang damit sa kanilang lugar at iba dito kaya kailangan namin bumili ng isusuot niya.
Nag-alarm na ako ng 3pm. Plano kong katukin at kausapin siya tungkol sa aming itinerary si Hardy ng 4pm. Pagkatapos ay pupunta na kami ng mall ng mga 5pm at doon na din kami kakain. Pagkatapos ay uuwi at matutulog para bukas - start of our travel adventure together.
Naks! Travel adventure together talaga ha!
Nakangiti ako pa ako bago matulog.