Flight PHC 143 from Philadelphia (PHL)
to NAIA (MNL) has just landed...
Wed June 01 2022, 00:25
Mabuhay Philippines
Narinig ko na ang announcement ng arrival ng aking susunduin na kakarating lang. Mag-aantay pa ako saglit ng mga 40-60 mins dahil alam kung matagal pa bago pa makalabas sa lobby ang mga pasahero ng eroplano. Katakot takot na tanungan pa muna sa Immigration bago sila tuluyang payagang pumasok ng Pilipinas.
Tiningnan ko muna ako ang aking sarili kung okay na ba ang aking suot. Naka sweater ako pero sa loob ay nakasuot ako ng white long sleeve crop top, nagsuot din ako ng black leggings at black sneakers. Umulan kagabi bago ako umalis sa apartment kaya dapat sana hindi na ako magdadala pa ng sweater. Nag-arkila din ako ng sasakyan na maghahatid sa amin papunta sa hotel. Andoon na din ang aking mga gamit. Isang araw lang kaming matutulog sa hotel at bukas ng umaga ay aalis na kami papunta sa una naming destination- sa Samar.
May placards akong hawak na nakasulat ng malaki ang pangalan ng lalaki- HARDY COX.
Tiningnan ko ang oras sa naka display na LED monitor. Lampas isang oras na ah. Danga't nakalimutan ko ang aking cellphone sa sasakyan sa kakamadali ko. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon. Bakit ang tagal niyang lumabas?
Halos dalawang oras na akong nag aantay sa aking susunduin pero wala akong makita o mabanaag na black American, itim o n***o o matangkad na lalaki. Ang description kasi ni Flor kay Hardy ay malaking lalaki. Nasa 6’4 tapos bulky and muscular ang katawan. Nag search din ako ng American footbal player ng Philadelphia pero halos magkakapareho ang mga hitsura at built ng katawan nila kaya nahirapan ako. Nakita ko din ang picture niya sa passport copy at ibang ID pero ulo lang kaya mahirap siyang kilalanin. Lalo pa ngayon na pandemic kaya ang mga tao ay naka facemask. Paano ko kaya siya makikilala?
Naagaw ng pansin ko ang grupo ng mga taong nagkakagulo malapit sa banyo. Umandar ang pagka-chismosa ko dahil ang ingay nila at marami na ang nakakapansin sa kanila. Kahit may kalayuan ako sa kanila ay naririnig ko ang sigawan ng mga tao.
“F*ck! What dis? Yo wanna lock me up for the thing I ain’t doin’ man!!! I ain’t don sumthin’ to that woman. She crazy yo. I’m here for a vacation. I ain’t expectin’ this kind of welcome. I will call ma friend.”
Naririnig ko ang sigaw ng isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng lalaking sumisigaw dahil napapalibutan siya ng tatlong airport security at dalawang airport staff at may isang magandang babae na tinuturo ang matangkad na lalaking nasa pinakagitna. Nakatalikod sa side ko ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha niya pero malaki ang bulto ng katawan nito.
“Bastos po ‘yan guard. Kanina pa po siya nakatingin sa akin. Nakakatakot at tingnan niyo naman ang mukha—mukhang hindi gagawa ng maganda tapos balbas sarado pa. Baka mamaya ter*rista ‘yan kaya nireport ko na.”
Narinig kong sigaw ng babae. Medyo lumapit ako ng konti kasi na curious ako. Tinapon ko na ang placards na dala dala ko sa isang basurahan ng dumaan ako doon. Nakita kong mahinahong kinakausap ng guard ang babae tapos kinausap nila ang lalaki.
“Okay! Sorry woman if I keep starin’ at yo. I’m definitely here for vacation. I’m waitin’ for ma tour guide. She’s also a woman and thin accordin' to ma friend. Look, I’m sorry for being rude. Not my intention—”
“No. You keep on staring at me. Maybe you’re a m*niac or some kind of a terr*rist. Look at yourself. You look scary.” histerikal na sabi ng sabi.
Putol nito sa paliwanag ng lalaki.
Nakiusap ito sa mga guard, “Kuya dakpin niyo na ‘yan kasi kahina hinala po talaga ang taong ‘yan.”
Medyo malapit na ako sa kanila kaya naririnig ko na ang kanilang pinag-uusapan.
“Ma’am, sorry po pero hindi po namin siya pwedeng damputin kasi po hindi naman po kayo hinawakan at sinabihan ng masama kaya huwag po basta mamintang kasi po Ma’am baka e-reklamo po tayo niyan. Humingi naman po ng pasensiya si Sir kasi may hinihintay din pala siya." Mahinahong paliwanag ng airport staff sa babae.
"Kung hindi niyo ikukulong ang manyak na 'yan, tatawag ako sa boyfriend ko. General ang tatay no'n. Sisiguraduhin kong pati kayo ay matatanggal sa inyong trabahao dahil mas kinampihan niyo pa ang negr*ng 'yan kesa sa akin." Kinuha nito ang cellphone sa loob ng bag at nag dial.
Doon ko na napagpasyahang lumapit pa ng ilang metro sa kanila. Kinalabit ko ang isang guard ng pumunta ito banda sa pwesto ko dahil may tiningnan ito.
"Kuya anong nangyayari diyan?" Pasimpleng tanong ko sa guard.
"Eh kasi Ma'am nirereklamo po kasi ng isa naming pasahero 'yang malaking lalaki na tinitingnan siya at kahina hinala daw. Eh kanina ko pa nakita 'yan si Sir diyan nakaupo tapos palakad lakad. May tinatawagan sa cellphone tapos iiling iling na naman. Pasahero din at kakarating lang, mukhang inaantay ang kanyang sundo. Pinapaliwanagan namin si Ma'am na pasahero din ang lalaki kaso ayaw pumayag ni Ma'am na hindi dalhin sa presinto dahil panay ang tingin sa kanya kanina. Humingi na nga ng paumanhin ang lalaki kaso may tatawagan daw ang babaeng pasahero na general kasi ayaw namin damputin ang lalaki." Mahabang paliwanag ng guard.
"Saang flight po ba galing ang lalaki? Kuya, pwede pakitanong kasi may inaantay din ako. Baka siya na 'yan. Salamat." Kinabahan ako bigla.
Baka siya na ang aking susunduin? Patay ako kay Flor kapag nagkataon dahil pagdating na pagdating niya dito sa Pinas ay disaster kaagad ang sumalubong sa kanya.
"Sige Ma'am tatanungin ko," bumalik ito sa nag-uumpukan at tinanong ang lalaki.
Nakatayo lang ako malapit sa kanila. Mukhang badtrip na ang lalaki. Ang babae naman ay may kausap pa din sa cellphone.
Nakita kong kinausap nga ng guard ang lalaki. Sumagot ang lalaki at pagkatapos ay nakita kong pabalik na ang guard sa aking puwesto.
"Ma'am, galing po sa Philadelphia." Sagot ng guard.
"Thank you Kuya ha. baka Siya na nga ang susunduin ko. Sasabay na lang ako sa'yo diyan sa puwesto niyo para kausapin ko siya. Salamat Kuya." Sumabay na ako kay Kuya guard papunta sa lalaki.
Malapit na kami ng guard sa puwesto ng lalaki ng tapos na ring kausapin ng babae ang kausap niya sa cellphone.
"Humanda kayo. Papunta na ngayon dito ang boyfriend ko. Tingnan ko lang kung hindi kayo matanggal sa trabaho. Mga inutil." nanggigil na pahayag ng babae.
Akala ko kanina maganda sa malayo. Far away beauty lang pala. Mas maganda naman ako ng di hamak sa kanya. Hmp!
"Kuya 'yan ba ang nagrereklamo?" Bulong ko sa guard.
"Opo, Ma'am."
Lumapit ako sa lalaking nakaupo.
"E-excuse me m-mister?" Tumayo ako sa harap ng lalaki at tinanong ko siya. Medyo nautal pa ako dahil hindi man lang ako tiningnan.
Umangat ang tingin ng lalaki. Kahit na nakaupo ito ay halos magpantay na kami. Mas malaking tao pala ito sa malapitan. Tiningnan lang ako at hindi man lang ako pinansin. Malakas talaga ang pakiramdam ko na ito na nga ang susunduin ko. Mas mahaba na ang balbas nito compare sa mga picture niya na clean shaven pa dati. Wala naman akong makitang ibang maitim na lalaki na nakikitang pagala gala sa airport kaya malamang na ito na si Hardy Cox. Tama nga si Flor, suplado nga.
Lalakasan ko na lang ang loob ko. Tatanungin ko ulit.
"A-are you Mr. H-ard-----"
Naputol ang pagtatanong ko..
"Babe, 'yang lalaking nakaupo ang masamang nakatingin kanina sa akin. Imbis na damputin ng mga guard ay siya pa ang kinampihan." muntik na akong matumba dahil may tumabig sa akin.
Napansin ko na lamang na nakatayo na sa harap ng nakaupong lalaki ang babaeng nagrereklamo kanina at may kasama nang maskulado ding lalaki. Mataas din ang lalaki. Siguro nasa 5'9 o 5'10 ang height.
"Hey! Are you the one who keep staring at my girlfriend? Don't you know that it's rude to stare at a lady so many times. You can be sued for s****l assault." mayabang na sabi ng lalaki kasabay ng pagkuwelyo nito sa lalaking nakaupo.
Mukhang hindi naman natinag ang lalaking nakaupo. Pigil na pigil lang nito ang sarili na huwag patulan ang lalaki. Cool lang itong nakaupo. Sabay sabi...
"Yo, sorry man. I ain't hittin' on yo girlfriend. Am here for vacation. Am waitin' for my tour guide. She's also a lady and thin accordin' to ma friend. I'mma trynna callin' her but she's not answerin' her phone."
Mas lalong nanggigil ang lalaki at babae dahil ni hindi natakot ang lalaking nakaupo kahit na kinuwelyuhan na ito. Ngayon ko lang din napansin na hindi ko pala dala dala ang aking cellphone. So ibig sabihin kanina pa siya tumatawag at dahil hindi ko dala ang aking cellphone ay hindi niya ako makontak. Abaw! Patay gid!
Saglit muna akong pumagitna sa kanila.
"Uhhmm.. m-mister.. A-are you Mr. Hardy Cox?" kinakabahan kong tanong. Kapag nagkataon lagot ako. Ako pala ang may palpak.
Bumaling ito sa akin kahit na kinukwelyuhan pa din siya ng lalaki.
"Yes I am. Am Hard--"
"Hoy! Miss, huwag kang epal dito. Hindi ka kasali sa usapan namin." agaw ng feeling magandang babae. Kaagad niya akong hinawakan sa kamay at pilit na inilalayo sa kanilang kumpol.
Iwinaksi ko ang aking kamay.
"Excuse me! Bisita ko 'yang pinagbibintangan niyo. Nakakahiya kayo. Bisita 'yan dito sa ating bansa tapos napakaganda ng pa welcome niyo sa kanya." Inirapan ko ang babae. Naglakad na ako palapit sa lalaki.
"Sorry, Mr. Hardy for this mess. I'm Flor's friend, Miss Debbie Lyn Guan---"
Bago ko pa matapos ang aking sasabihin sa lalaki ay ito na naman ang babaeng feeling maganda.
"Hoy! Babae hindi ikaw ang binastos niyang lalaking 'yan kaya huwag mo siyang ipagtanggol. Tingnan mo nga 'yan. Sa tingin mo 'yang hitsura na 'yan gagawa 'yan ng matino dito sa atin?" sa akin na ngayon nagagalit ang babae. Nakapameywang pa ito habang dinuduro duro ako.
"Humingi na po ng pasensiya ang bisita ko. Nasabi naman niya na napagkamalan ka lang niya dahil nga babae din ang susundo sa kanya at ako 'yon! Atsaka huwag kang judgmental. Porke't balbas sarado ang bisita ko sasabihin mo na hindi na siya gagawa ng maganda. Aba miss feeling maganda, hindi 'ata maganda ang tabas ng dila mo sa bisita ko ah." tinarayan ko din siya. Akala niya uurungan ko siya.
"Sinong feeling maganda?" galit na galit na tanong nito.
"Ikaw! Sino pa?!" halos umusok ang ilong nito sa sinabi ko.
"Ah! Feeling maganda pala ha!" Kaagad niya akong sinunggaban at sinabunutan.
"Aray! Bitawan mo ang buhok ko." napasigaw ako sa sakit ng aking anit dahil sa kanyang pagkakasabunot.
"Hindi kita bibitawan na pangit ka." hawak hawak pa din niya ang buhok ko. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin.
"Ay!"
"Miss wag kayong mag-away!"
"Guard, pag hiwalayin sila!"
Nagkagulo na kami dahil sa pagsabunot niya sa akin. Napapaluha na din ako dahil masakit na talaga ang aking ulo. Mabilis akong nag-isip. Bumuwelo muna ako bago ko siya sinipa sa tiyan ng pagkalakas lakas.
"Urrgghh..." napaigik ito at nabitawan niya ako. Tumilapon ito sa sahig dahil sa pagkakasipa ko sa kanya.
"Sh*t kang babae ka. Magbabayad ka. Babe..hu.hu..hu. hawakan mo ang babaeng 'yan. Kakalbuhin ko 'yan." sigaw ng babae sa boyfriend nito.
Napalingon ako sa boyfriend niya.
Kaagad nitong binitawan ang kuwelyo ng aking bisita at dali daling naglakad papunta sa aking direksiyon.
"STOP!"