Tictac!
Tictac!
Tic----
Alas tres na ng hapon. Pinatay ko na ang aking alarm clock. Nag-inat inat muna ako. Nagugutom na ako dahil simula kagabi pagsundo ko kay Hardy ay wala pa pala akong kain. Iwan ko sa lalaking 'yon kung kumain na din siya. Check ko nalang mamaya kasi pupuntahan ko din siya. Nagpadeliver muna ako ng pagkain sa hotel atsaka naligo na. Saktong natapos na akong maligo ng dumating ang in-order kong pagkain. Nagbihis muna ako ng black skinny jeans at white t-shirt at nagsuot ng white sneakers at kumain na.
Matapos kumain ay sinilid ko na sa aking bag ang aking cellphone, wallet at isang maliit na notebook. May mga papel at ID na din ako ni Hardy na nilagay ko din sa aking bag. Just in case na hanapan siya ng papel ay mayroon akong ipapakita. Pupunta na ako sa kwarto ni Hardy para i-discuss ang lugar na pupuntahan namin. E-checheck ko na din ang kanyang mga gamit para alam ko kung ano pa ang kulang at dapat naming bilhin.
* * * *
Tok!
Tok!
Tok!
Nakatatlong katok na ako ay wala pa ding may nagbubukas ng pinto sa kwarto ni Hardy. Baka tulog pa siguro. Akmang aalis na ako ng may marinig akong nabasag sa loob.
Tok!
Tok!
Tok!
Bakit wala pa ding nagbubukas?!
Kinabahan na ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya sa loob. Kahit na masama ang pumasok sa loob ng kwarto ng ibang tao na hindi nagpapaalam ay pumasok na ako. Hinawakan ko ang doorknob.
Bukas ito.
Hindi naka lock ang pinto ng kwarto ni Hardy. Nakalimutan siguro sa sobrang pagod. Pagsasabihan ko 'yan para na din sa kanyang safety.
Pagpasok ko ay maayos naman ang higaan ng lalaki. Maayos din ang mga gamit nito sa loob ng kwarto. Maayos pala ito at organize na tao.
"H-hardy?! Hardy?! Where are you? Are you okay? I heard a noise that's why I invited myself inside your room. Did something happen?" sunod sunod kong tanong. Pero walang may sumagot sa akin.
Maya maya ay may narinig na naman akong kalabog. Galing iyon sa banyo.
Dali dali akong pumasok sa banyo. Nag-aalala ako kay Hardy kung ano na ang nangyari sa kanya.
"Hardy! Har-----oh my gosh what happened here." nagulat ako sa bumulaga sa akin sa loob ng banyo.
Basag ang isang glass panel ng walk-in shower. Nakatayo si Hardy at puno ng bula ang buong katawan.
"Don't move, okay. I will clean the broken glasses. Just wait there."
Lumabas ako ng banyo at naghanap ng towelette at plastic. Wala akong makitang plastic kaya basurahan na lang ang dadalhin ko sa loob ng banyo. Nilagay ko muna ang aking bag sa center table at tinanggal ang aking mask.
" Just stay there, Hardy. There's a lot of broken glasses on the floor."
Tinanggal ko muna lahat ng malalaking basag na salamin. Mabuti at mukhang palabas ang pagkakabasag ng salamin at hindi paloob ng walk-in shower. Nilagay ko muna sa ilalim ng wash basin ang mga basag na salamin. 'Yong ibang maliliit na bubog ay nilagay ko sa basurahan.
"I can't see. This shower is small. I'mma puttin' soap when it gets in my eyes. I accidentally touch the shower handle and the water stop. And then I hit on the glass." Paliwanag ni Hardy.
Sa laki nga ng katawan ng lalaki talagang hindi siya magkakasya sa shower. Ngayon pa nga lang na nakikita ko siya kahit na nakatalikod ito sa akin ay halos okupahin na nito ang buong walk-in shower. Eh paano pa kapag gumalaw ito, talagang basag ang salamin sa laki at tigas ng katawan nito.
Naalala ko ang sinabi ni Flor na may six pack.. no, eight packs pala si Hardy. Napatigil ako sa aking ginagawa. Silipan ko kaya siya, hehehe. Tutal hindi naman ako nakikita ni Hardy. Pasimple kong tiningnan ang lalaki. Ang tangkad niya pala talaga. Halos umabot na siya sa kisame. Anubayan, bakit naman kasi nagsabon ito kaya puno ng bula ang katawan niya. Hindi ko tuloy masight ang kanyang muscles. Heheheh. Mamaya kapag tapos na akong maglinis ng mga bubog dito, makikita ko din yang katawan niya pati na ang dakilang sandata. Makakita man lang ako ng malaking TT, kahit maitim pa 'yan maligaya na ako. Hehehe.
Binasa ko ang towellete at 'yon ang ginawa kong pampunas sa sahig para maipon ang mga maliliit na bubog. Mamaya ko na to ipapalinis ng maayos sa cleaner kapag aalis na kami papuntang mall. I-inform ko nalang sa reception sa baba para macharge na lang sa aming bill ang nabasag na salamin o kung pwede kung kausapin ang management na hindi sinasadya ni Hardy ang pagkakabasag.
Okay na at parang wala na ang maliliit na bubog. Tiningnan ko ng mabuti ang sahig kung may tumalsik sa ibang bahagi. Wala na.
"I will just get a towel for you. I removed already the broken glasses and some debris and put under the wash basin. Just stay put because maybe there are still broken glasses where you are standing." paalala ko kay Hardy.
Mahirap nang gumalaw siya baka kasi may mga bubog sa kanyang paanan at baka maapakan pa niya. Hindi pa naman siya nakakakita kasi hindi pa siya nagbabanlaw.
Kumuha na ako ng towel sa labas at dinala iyon sa loob ng banyo. Sinabit ko sa may towel rack na kaharap lang ng walk-in shower.
"I will open the shower so you can continue your bath. Please move a little on the right." pinaunahan ko na si Hardy na bubuksan ko ang shower. Baka mabigla siya kapag nabasa na lang siya ng tubig at masapak niya ako.
Umusog naman ng konti si Hardy pakanan. Pagpasok ko sa walk-in shower ay kaagad kong binuksan ang shower handle.
"Ay! " pagbukas ko ay dali dali akong lumabas ng walk-in shower dahil nabasa ako ng konti ng tubig.
"I'm going out now. Just call m---"
Naudlot ang paglabas ko ng banyo.
"Yo, I can't see--the soap irritates ma eyes." Siguro ay napasukan ng bula ang kanyang mata at kinusot kusot niya ito kaya nahahapdian siya ngayon.
Pagbaling ko kay Hardy para tulungan siya ay napasinghap ako.
Por Dios por santo. Napahawak ako sa aking flat na dibdib.
Ang ganda ng katawan ni Hardy. Unti unti nang natatanggal ang mga bula dahil sa tubig na galing sa shower. Mas mataas pa si Hardy kaysa sa shower kaya medyo nakayuko ito ng kaunti para mabasa ng tubig ang kanyang katawan. May tattoo pala ang katawan nito. May tattoo ito ni Mama Mary sa likod. Maka-Diyos pala ang lalaki. Nakonsensiya naman ako sa kakasilip ng katawan ni Hardy dahil kay Mama Mary. Patawad po Mama Mary at pinagnanasahan ko ang katawan ni Hardy. Sa kaliwang braso nito ay may tattoo ng bungo at angel. Malamang pati kanang braso no'n ay may tattoo din. Saang parte pa kaya ng katawan nito ang may tattoo?
Hindi ako mahilig sa mga lalaking may tattoo pero kay Hardy, bagay sa kanya ang kanyang tattoo. Parang lalaking lalaki ang dating niya. 'Yong brusko at badboy ang peg. Ayeyeyeye! Hindi halata na may tattoo siya dahil ang suot niya kagabi ay long sleeve na shirt at naka jeans pants. Mukhang nag-iiba na ang preference ko sa mga gusto ko sa lalaki ah.
"Hey! I can't see.. Please help me." Sige pa rin ang kusot nito ng mata.
"Ooops.. Sorry.. wait.." nagising ako sa pagnanasa sa kanyang katawan.
Hoy! Debbie gising! Nanghihingi na ng tulong sa'yo ang tao ay inuna mo pa ang pagdaydreaming. Nasita pa tuloy ako ng aking inner self.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng banyo. May nakita akong vase na parang tabo ang laki na nakadisplay sa taas ng bathroom cabinet. Nilagay ko muna sa may wash basin ang laman nitong bulaklak. Wala na akong choice. Hinubad ko muna ang aking damit, pantalon at sapatos. Bra at panty na lang ang aking itinira. Magbihis na lang ako ulit mamaya. Kesa mabasa ang aking damit ay mas mabuti pang tanggalin ko na lang.
Pumasok na ako sa may walk-in shower.
"B-brrrrbbrrr.. it's cold." anlamig ng tubig. Nangalikig ako sa lamig.
Magkatabi na kami ngayon ni Hardy sa loob ng maliit na walk-in shower.
Hinarap ko na si Hardy para sabiha---
"Ay! Itlog sang kabayo. Daku daku bah." napabulalas ako dahil napatutok kaagad ang aking makasalanang mata sa nakalawit na TT ni Hardy. Wala na ang bula sa katawan nito.
Sa isip isip ko, tulog pa yan sa lagay na 'yan. Kahit na nakatayo na dati ang chorizo ni Jun at senorita ni James ay di hamak na malaki nga talaga ang TT ni Hardy. Tulog pa 'yan pero halos isang dangkal ko na ang haba ng TT niya. Paano pa kaya kapag tumigas na 'yan? Gaano pa kaya kalaki at kahaba 'yan?
Kahit na basa na din ako ng tubig ay parang nanuyo ang aking lalamunan sa pag-iisip ng mahahalay. Hawakan ko kaya, noh. Ano kaya ang pakiramdam na makahawak ng malaking TT? Hehehe.
"What yo say?" tanong ni Hardy.
"I said can you please bend more towards me." sabi ko na lamang sa kanya. Sumunod naman si Hardy. Yumuko pa ito at nilapit ang mukha sa akin banda.
Be professional Debbie Lyn. Pangatawanan mo ang pagiging Tour guide. Kliyente mo 'yan. Huwag haluan ng kamanyakan ang trabaho.
Sinahod ko na ang tubig gamit ang vase at kapag umaabot na iyon sa kalahati ay binabasa ko ang mukha ni Hardy. Mga ilang sahuran pa at medyo okay na at hindi na mahapdi ang mata ni Hardy. Hindi na niya kinikusot ang kanyang mata.
"Enough. I can see now. I can manage alone. You can wait for me outside. Thank yo."
"Okay! I will wait for you---ay! ay!"