BBC Chapter 15

1371 Words
Habang tinitingnan ko ang aming nadadaanan ay napansin kong pulos bundok at palayan lamang ang aking nakikita. Wala din halos akong nakitang bahay maliban lang doon sa mismong bayan at kalapit na baranggay. Mga bente minuto din ang aming nilakbay at nakita kong papasok na kami sa may malaking bakal na gate at napapalibutan ng napakataas na pader. Ah ito pala ang bahay ni Mayor. May malaking fountain sa may pinaka gitna ng lawn. Ang garahe ay nasa kanang side ng bahay. May apat pang iba't ibang sasakyan akong nakikita maliban sa sinasakyan namin. Maganda at modern ang design ng dalawang palapag na bahay. Kung ikukumpara ko sa mga bahay ng mga pulitikong napagsilbihan ni Papa ay masasabi kung mas maliit pa itong kay Mayor. Mabuti naman dahil kung sobrang laki ay magtataka talaga ako dahil hindi ko naman masasabing mayaman o maunlad ang kanilang bayan. Kahit nga ang bodyguard ni Mayor ay tatlo lamang sa aking bilang. "Let's go inside. My wife is waiting in the dining area. I'm sure you're all hungry." anyaya ni Mayor. Bago kami pumasok ay binilinan muna ni Mayor ang kanilang katulong tungkol sa aming gamit. "Tinay, ipasok mo ang maletang nasa sasakyan sa unang guestroom. Itong kay P/LT Edwin ay siya ang bahala. Salamat." "Opo, Mayor." ******** Ang dining area nina Mayor ay nasa may bandang likod ng malaking hagdan papunta sa pangalawang palapag ng kanilang bahay. Naabutan namin ang asawa ni Mayor na aligaga sa pag-uutos sa dalawa pang katulong liban doon sa isang babae na tinawag na Tinay kanina. "Darling, 'andito na ang ating bisita. Tama na 'yan. Kumain na tayo at gutom na sila." lumapit si Mayor sa isang maliit pero magandang babae na sa tantiya ko ay hindi din nalalayo ang edad kay Mayor. Hinalikan niya ito sa pisngi at yumapos naman ang babae kay Mayor. "'Andito na pala kayo. Pasensiya na at naabutan niyo akong aligaga. Sige at huling putahe na 'yang nilalapag nila Manang. Magsiupo na tayo at alam kung gutom na kayo." paanyaya ng butihing ginang ni Mayor. Pinaghila na ni Mayor ng upuan ang kanyang asawa para makaupo muna ito at pagkatapos ay umupo na din si Mayor sa may pinakadulo ng mahabang mesa. "Have a seat guys. Don't be shy. Today is a feast. After eating we will also drink later. " masayang paanyaya ni Mayor. Sumenyas ito sa amin na umupo na din. Naunang umupo si P/LT Edwin sa kaliwang bahagi ni Mayor. Ipinaghila din ako ni Hardy ng upuan sa tabi ni P/LT Edwin bago ito umupo. Kaharap naming tatlo ang asawa ni Mayor. Ang dalawang katulong nila Mayor ay nakatayo lang sa bandang likuran ng asawa ni Mayor. Nanalangin muna kami bago mag-umpisang kumain. Pagkatapos noon ay nilantakan na namin ang nakahaing pagkain. Sobrang dami ng hinanda nila Mayor para sa amin. Iba't putahe ng karne at seafoods ang kanilang niluto. May mga panghimagas din. "Just eat guys. I hope that you will like the foods that my wife prepared. By the way may I know you're name again Miss, Sir? Sorry if I ask again because you know guys.. if you're thinking a lot of things you will end up like me-- short amnesia sometimes." nakangiting tanong ulit ni Mayor sa aming dalawa ni Hardy. Tumingin ito sa asawa saka nagpaliwanag uli, "Darling, kaya ako nag-e-English dahil laking America kasi ang isa sa mga nagligtas sa mga pasahero sa bus." "Ah, kaya pala. Akala ko nga sinasadya mo lang para lalo akong bumilib sa'yo." biro ng ginang at natawa din kami ni P/LT Edwin. "Ako po si Debbie Lyn, and this my langga, Hardy." pagpapakilala ko ulit sa aming dalawa ni Hardy. Ngumiti lang din si Hardy. Tinitingnan ko sa gilid ng aking mata kung kumakain ito. Mukhang nasasarapan naman ito sa mga inihandang pagkain at nakikita kong magana nitong nilalantakan ang iba't ibang lutong pinoy sa mesa. "Thank you so much Debbie, Hardy at sa inyo din po, Sir. I'm so happy that you accepted the invitation of my husband to have a dinner with us. It such an honor knowing that you guys were like a hero. You saved my fellow kababayan in those bad guys. We're very grateful." nagagalak na pahayag ng asawa ni Mayor. " You're welcome, Ma'am. These foods are great." sabi ni Hardy. Panay pa din ang kain. "Walang anuman po, Ma'am. Trabaho ko po ang magtanggol ng mga naaapi." pahayag naman ni P/LT Edwin. Ako ay nakikinig lang at napapangiti. Hindi ako masyadong nakikihalubilo sa kanilang usapan. Magana lang din akong kumakain dahil masarap ang mga nilutong pagkain nina Mayor. "After this dinner, I'm inviting all of you to have a drink. I won't take a no for an answer!" pahayag ni Mayor. Mahilig siguro itong uminom. "Hardy, you should try one of our local drinks here. We call it 'tuba'. I'm sure that these two know what is 'tuba' but I want you to taste it also. I bet that there is no 'tuba' in your place." "Yeah sure, Mayor. I love drinkin'." masayang sabi ni Hardy. 'Aba mahilig din pala uminom si Hardy. Tingnan natin mamaya kung magugustuhan niya ang tuba. Ipinagpatuloy na namin ang dinner. Sa gitna ng aming hapunan ay panay ang kwento ni Mayor. Ang kanyang mga plano at proyekto para sa kanyang nasasakupan. Sa tingin ko ay magiging mabuting pulitiko si Mayor dahil ang mga proyektong nabanggit niya ay simple lamang at hindi iyong pangmalakasan na mangangailangan ng napakalaking budget. Ang gusto nito ay mauna muna ang imprastraktura para maisaayos ang kanilang kalsada para sa kalakalan at ang kasunod ay pangunahing pangangailangan ng kanyang bayan. Nang matapos kaming kumain ay si Mayor mismo ang naghatid sa amin sa guestroom. Dahil nga sa pag-aakalang magnobyo kami ni Hardy ay sa iisang kwarto lang niya kami pinatulog. Hindi din makapalag si Hardy dahil sa kanya naman nanggaling na girlfriend niya ako. Si P/LT Edwin ay sa kasunod naming guestroom. May nakita pa akong dalawang kwarto sa dulo na magkaharapan. Siguro para na iyon sa katulong at bodyguard ni Mayor. Ang gusto ni Mayor ay magkwentuhan muna bago matulog. Masama daw kasi ang matulog na busog. Atsaka ngayon lang kasi may napadpad na dayuhan sa kanyang nasasakupan na naging bayani pa. Kaya gusto niyang mapanatag kami sa aming pagtigil sandali sa kanilang bahay. Nagbihis lang kami ng pantulog ni Hardy at lumabas na papunta sa sala. Yellow pajama set ang aking suot at sando at shorts lang ang suot ni Hardy. Yummy talaga ang biceps at triceps ni Hardy. Sa kaisipang iinom si Hardy ay sinamahan ko na siya kahit hindi ko trip ang tuba. Mamaya malasing pa siya ay baka kung anong kabulastugan pa ang kanyang gawin. Kargo ko pa naman siya. Umiinom naman ako ng tuba pero hindi ko type ang lasa dahil medyo maasim asim na manamis namis ito. Napipilitan lang ako uminom kapag andoon ako sa lolo at lola ko sa bukid. Pagdating namin sa sala ay nag-iinuman na sina Mayor katabi ng kanyang asawa at nasa isang couch naman sa kanan banda si P/LT Edwin. Nakadamit pantulog din sila kagaya namin. Naupo na kami ni Hardy sa kaliwang bahagi naman nila Mayor at ng kanyang asawa. Sa harap naman ay may malaking crystal na center table at nakapatong doon ang tatlong pitsel na may lamang tuba. May nakahanda na ding baso para sa aming dalawa ni Hardy. May ice bucket din at mga pulutan na tira kanina sa aming hapunan. Meron ding mani at mga chips sa gitna. Habang umiinom ay nakabukas ang malaking LED flatscreen tv sa harap namin. May pinapatugtog na kanta doon. "Oh.. kung gusto ninyong magkaraoke sabihin niyo lang at isasalang natin. Mahilig din akong kumanta kahit walang hilig ang kanta sa akin." sabay tawang sabi ni Mayor. "Hardy if you want to sing just tell me so we can play it. We, Filipinos love karaoke that's why in every occassion it's not complete without it." "Here, this is your glass. Inside this pitcher is what we call 'tuba'. At first, the taste is not good but after a few shot you will definitely like it." dagdag pa ni Mayor pagkatapos nitong ilapag sa harap namin ang aming baso at isang pitsel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD