Ang Hardy wala nang hiya hiya. Pagkabigay ni Mayor ng aming baso at ang pitsel ng tuba ay kaagad na itong nagsalin sa kanyang baso. Kalahati lang muna ang nilagay nito. Ininom na niya ang tuba. Napangiwi ito sa lasa ng tuba. Napatawa kaming lahat sa reaksiyon ni Hardy.
"Hahaha.. so how was it? It's sour, right? Just continue drinking and you will like it eventually." susog ni Mayor.
"Yeah! Taste not really great but.. think am gonna drink y'all to quench my thirst." itinaas pa nito ang baso para mag cheers.
Cheers!
Cheers!
Cheers!
Nagsalin na din ako ng tuba sa aking baso. Alalay lang ang aking pag-inom dahil nagpahayag na si Hardy na uubusin talaga nito ang pitsel ng tuba na binigay ni Mayor sa kanya. Ibig sabihin sabihin baka nga hindi pa mangalahati ang pitsel ng tuba ay malasing na ito lalo pa at first time niyang uminom ng tuba.
"Baka nahihiya lang kayong kumanta ha ako na ang mauuna." narinig naming sabi ni Mayor. May numero itong tinype sa remote control at maya maya lang ay may pumailanlang ng kanta. May hawak hawak ng wireless mic si Mayor at ang asawa nito. Duet talaga silang dalawa. Naks naman! So sweet!
... Forever by Martin Nievera at Regine Velazquez .....
Naunang kumanta si Mayor sa part ng lalaki.
Wow! Namangha kami sa boses ni Mayor. Kuhang kuha niya ang boses ni Martin. May tinatago din palang talent si Mayor. Feel na feel talaga ni Mayor ang kanta at nagtitinginan pa sila ng asawa niya tuwing kakanta. Parang walang tao at silang dalawa lang ng kanyang asawa sa mga oras na 'yon.
Tapos na ang part ni Mayor at kakanta na ang asawa niya sa part ng babae.
Nang kumanta na asawa ni Mayor sa part ng babae ay lihim akong natuwa. Pareho kami na wala sa tono kung kumanta kaya mamaya kung saka sakali na kakanta ako ay okay lang dahil hindi lang pala ako nag-iisa na hindi maganda ang boses. Hehehe.
Kahit na wala sa tono ang asawa ni Mayor ay nagiging maganda naman ang blendeng nila sa part ng duet dahil magaling mag-adjust si Mayor. Nang matapos ang kanilang kanta ay palakpakan kaming lahat. Nagulat pa ako dahil may narinig din akong palakpakan at hiyawan sa labas ng bahay, parang nasa labas lang ng living room area kung saan kami ngayon nakaupo.
"Nagulat siguro kayo na may narinig kayong palakpakan at hiyawan. 'Yong bodyguard, driver at security namin 'yan. Nag-iinuman sila diyan lang sa labas. Kanina ko pa sila inaya na pumasok pero ayaw nila dahil nahihiya daw sila kaya diyan nalang sila pumuwesto para uminom. " paliwanag ni Mayor.
"Huwag kayong mahiya ha. Ikaw na P/LT Edwin tapos silang dalawa din kailangang kumanta para fair lahat. Debbie, Hardy, all of us will sing so that it will be fair ha. Let's have fun tonight." dagdag pa ni Mayor.
"Sure!" sagot kaagad ni Hardy.
"Sige Mayor basta hindi maganda ang boses ko ha. Pagpasensiyahan niyo na lang ako." pumili na ng kanta si P/LT Edwin sa songbook na inabot ni Mayor sa kanya.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay may napili na ito. Binalik nito ang songbook kay Mayor at tinuro ang numero ng napili nitong kakantahin.
... Pag-ibig ko Sa Iyo'y 'Di Magbabago by Men Oppose ...
Nang magsimulang kumanta si P/LT Edwin ay nagpalakpakan din ang mga tauhan ni Mayor sa labas. Hindi man kasing galing ni Mayor si P/LT Edwin kumanta ay nasa tono naman siya. Nang matapos itong kumanta ay nagpalakpakan ulit kami. Binigay naman sa amin ng asawa ni Mayor ang songbook.
"Oh Debbie kayo na ni Hardy. Galingan mo ha para naman makabawi tayong girls. Pangit kasi ng boses ko." nakatawang sabi ng asawa ni Mayor.
"Ako din po Tita, pangit din ang boses ko. Hindi bali at dadaanin ko nalang sa charm. Hahaha."
Binuklat ko na ang songbook at nag request ng dalawang kanta. Bahala na kung pangit ang boses ko basta kakanta ako. Tinype na ni Mayor ang request kong kanta.
... Sway by Bic Runga ...
Pagkanta ko ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao kila Mayor. Tinudyo pa nila ako.
"Gandahan mo para lalong mainlove sa'yo si afam." kantiyaw nila sa akin.
Mas lalo naman akong dumikit sa tabi ni Hardy at nilagkitan ang tingin sa kanya habang kumakanta. Hinimas himas ko pa ang kanyang braso. Hindi naman ito pumalag. Mukhang at home na at home siya at habang umiinom at kumakain ay sumasabay din sa aking pagkanta. Ngayon ay parang nasasarapan na si Hardy sa lasa ng tuba dahil 3/4 na lamang ang laman ng pitsel. Kahit na dumidikit ako sa kanya ay ngumingiti din ito sa akin. Hindi ko lang alam kung namamalikmalata lang ako pero napansing kong medyo mapungay na ang mata nito.
Nang matapos ko ang kanta ay naghiyawan silang lahat.
"Kiss!!"
"Kiss!"
"Kiss!"
"H-Hardy, langga.. they requested for a kiss.." kinakabahan kong sabi.
"No worries. Wish granted." si Hardy pa ang naunang humalik sa akin.
Ang sanay inaasahan kong smack lang na halik ay naging marubdob. Sa sobrang sarap ng aking pakiramdam ay napahawak pa ako lalo sa ulo ni Hardy. Mabuti na lamang at nakaupo lang kaming dalawa. Siguro kong nakatayo kami ay natumba na ako halik ni Hardy. Kung si Hardy ay may tama sa tuba, ako naman ay tinamaan sa halik niya.
"Oy! Tama na 'yan!"
"Wow! Sarap naman!"
"Hahahah... ang sweet naman.."
Kumalas na ako kay Hardy dahil nahiya ako sa mga kantiyaw ng mga tao sa paligid. Hindi naman umangal si Hardy pagkalas ko. Bagkus ay inusog pa nito lalo ang kanyang couch sa aking couch para dikit na dikit kaming dalawa. Natuwa naman ako sa kanyang ginawa. Tiningnan ko munang maigi ang pitsel bago ulit nagsimulang kumanta, siguro ay malapit lapit na ring mangalahati ang lamang tuba sa pitsel ni Hardy. Napangiti ako. Tumingin ako sa paligid, bawat isa ay busy din sa pag-inom ng kanilang tuba. Good! Sige Hardy ubusin mo 'yan para malasing ka!
Pumailanlang na ulit ang pangalawa kong kanta.
... Brown Eyes by Beyonce...
Pagsimula ko nang kanta ay napatigil silang lahat. Walang may humiyaw at pumalakpak. Siguro ay nagulat sila na nasa tono ako. Talagang ginalingan ko ang pagkanta nito dahil alam kong ito ang bagay sa boses ko. Dahil alam ko ding masyadong mataas ang boses ni Beyonce para sa aking range kaya tinweak ko naman ng kaunti ang aking pagkanta para naman hindi ako mawala sa tono. Si Hardy na nasa gilid ko ay napatigil din saglit sa pag-inom at tumingin sa akin. Nang matapos na akong kumanta ay saka na sila naghiyawan.
"Wow!"
"Woah!!"
"Galing!!"
"Si Hardy naman!!"
"Hardy! Hardy! You go man!"
"Bro, show Debbie how good you are!"
Naghiyawan na. Inaalaska na nila si Hardy. Gusto na din nilang kumanta ito. Tinanong ko nalang si Hardy kung ano ang gusto niyang kantahan dahil baka kapag ibinigay ko ang songbook sa kanya ay magtagal pa siya. Matapos sabihin ang gusto niyang kanta ay sinabi ko na iyon kay Mayor para e-play.
... ... With You by Chris Brown...
Pumailanlang na ang napiling kanta ni Hardy. Kaagad na naghiyawan ang mga lalaki.
"Galingan mo Hardy para mas lalong mainlove sa'yo si Debbie!"
....
And I need you, boo
I gotta see you, boo
And the hearts all over the world tonight
Said the hearts all over the world tonight ...
Natigil din ang lahat ng kumanta na si Hardy. Aba at talagang magaling pala siyang kumanta. Dahil siguro Black American din siya kagaya ng kumanta ay gayang gaya din ni Hardy ang way ng pagkanta ni Chris Brown, medyo mas buo lang ang boses ni Hardy. Nang dumating na ang chorus ay tumingin pa si Hardy sa akin at kumindat kaya mas lalong naghiyawan sila Mayor.
...
What I feel when I'm..
With you, with you, with you, with you, with you, girl
With you, with you, with you, with you, with you...
Nang matapos kumanta si Hardy ay nagpalapakpakan ang lahat. Napabilib sila ni Hardy sa kanyang boses.
"You're so good, bro."
"One more! One more!"
"Nah! Thanks. Am really shy. I'm good here." magalang na sabi ni Hardy atsaka itinaas na naman ang baso na may lamang tuba.
Hindi na nila pinilit pa si Hardy. Sila Mayor na lamang ang patuloy na kumanta habang nag-iinuman. Minsan ay nagbubukas ito ng paksa para pag-usapan. Kaming dalawa ni Hardy ay nakikinig lamang.
Pasado alas onse na nang gabi at medyo may tama na si Hardy. Hindi lang si Hardy kundi pati na din si Mayor at si P/LT Edwin. Kaming dalawa lang ng asawa ni Mayor ang hindi pa lasing. Iyong asawa ni Mayor ay napansin kong kahit ilang baso ang ininom ay hindi man lang nalalasing, sanay siguro sa tuba samantalang ako naman ay halos kalahati lang nabawas sa baso ko. Nagpasya na akong magpaalam dahil pumipikit pikit na ang mata ni Hardy. Kahit hindi niya naubos ang tuba ay lampas kalahati ng pitsel ang nainom nito kaya talagang malalasing siya.
"Mayor, Tita, P/LT Edwin... mauna na po kami ni Hardy sa kwarto. Lasing na po 'ata siya kasi hindi na niya halos mahawakan ang kanyang baso. Hindi kasi talaga siya sanay uminom ng tuba kaya mabilis siyang tamaan. Salamat po sa pag-imbita at nag-enjoy po kami. Hardy, we'll go now inside now. That's enough 'coz you're drunk already." Tumayo na ako at hinila ko na din si Hardy para tumayo.
"Ekk.. t-thank y-you.. s-sooo mucchhh.. I h-ad f-fun.. ek!ek! " tumayo na din si Hardy. Inalalayan ko siya dahil hindi na nito kayang tumayo ng tuwid.
"Debbie, kaya mo bang alalayan si Hardy? Mukhang ang bigat pa naman niya." alok ni P/LT Edwin.
"Hindi na, salamat. Kaya ko na." mas gusto kong ako na ang umalalay kahit mabigat si Hardy dahil libre akong humawak sa kanya ngayon. Nakahawak din sa aking balikat si Hardy para hindi ito matumba ng tuluyan.
"G-goodnight y'all!"
"Goodnight po."
Nauna na kaming umalis sa sala at pumunta sa aming silid. Habang papunta sa aming silid ay ilang beses kaming natumba ni Hardy dahil sobrang bigat niya pala talaga. Nahirapan akong patayuin siya. Nang marating na namin ang aming silid ay nakahinga ako ng maluwag.
Saktong kakalock ko lang ng aming pinto ng biglang masuka si Hardy.
"Urgghhhh...."
"Urrrggggghhhhh...."