BBC Chapter 14

1346 Words
Bang! Bang! Pumikit na lamang ako at inantay ang bala ng armalite kung kanino tatama sa aming dalawa ni Hardy. Medyo matagal tagal na akong nakayakap at nakapikit ng wala pa rin akong maramdaman. "Miss.. Sir.. excuse po." napakalas ako ng yakap kay Hardy sabay dilat ng aking mata. Nakita ko ang lalaking kasama din namin sa bus na nasa harapan na namin ngayon. Ito ang lalaking nagtanggol sa may edad na lalaki at sa babaeng katabi nito. May hitsura pala ito at matangkad sa malapitan. Matipuno din ang katawan nito pero siyempre para sa akin ay mas gwapo pa din si Hardy dahil mas macho at matangkad ito kesa sa lalaking nasa harap namin ngayon. May hawak itong 45 caliber na baril. Tiningnan ko ang lider ng mga holdaper na nakatutok ang armalite kanina sa amin. Walang malay itong nakahandusay sa itaas ng katawan ng kasamahan nitong holdaper na binaril din nito kanina. Wala na itong hawak na armalite. Hindi ko alam kung patay na ang dalawa o buhay pa. "Okay lang po ba kayo, Miss, Sir?" tanong ng lalaki sa aming dalawa ni Hardy. "By the way, I'm (P/LT) Police Liutenant Edwin Ballado. Thank you so much, Sir, for your help. Without your help, maybe these criminals would victimized all the passenger buses, other vehicles and the people around here. Thank you so much, Sir!" inilahad nito ang kamay kay Hardy. "Don't mention it. Am glad I could be of assistance. Just call me Hardy. No need to be formal." tinanggap naman ni Hardy ang pakikipagkamay ni P/LT Edwin. "Miss, magsasalita na lang ako ng English para maintindihan ni Hardy. Baka kasi ma-offend siya kapag salita ako ng salita tapos hindi niya maintindihan." paliwanag ni P/LT Edwin. "By the way, Miss.. Hardy, I've already asked the driver where are we and he said that after the next municipality it's Lavezares. I've already called my Boss to send us some help. This place is Victoria, Northern Samar. They have a Police Station here and maybe they're coming now. Three of the suspects needs to be treated right away. The small guy received 3 gunshots and his heartbeat is fading. I hope that the ambulance would come immediately. The leader of the group is not totally in a dangerous situation unlike the one he shot. I just shoot him in his arm because I saw him pointing a gun at both of you. The 2nd shot was for his comrade who wants to help their leader. I'm really glad that Hardy is here. If I'm just alone I cannot handle this situation." "P/LT Edwin, saan po kayo na-assign at parang hindi niyo rin kabisado itong lugar?" tanong ko sa lalaki. "Nare-assign ako sa Lavezares. Dapat next week pa ang punta ko dahil sa June 12 ang start ng duty ko pero gusto ko munang gumala at tingnan ang lugar kung saan ako madedestino kaya naapaga ako. Siguro itinadhana talaga na sumakay ako ngayon dahil may mga holdaper pala sa lugar na 'to." paliwanag ng lalaki. "Ah gano'n pala. Maraming salamat talaga at kung hindi dahil sa'yo baka nabaril na kaming dalawa. Hardy we should thank him because he shot the leader of these criminals. The leader is about to shoot the two of us, good thing P/LT Edwin saw him and shoot his arm." paliwanag ko kay Hardy. "Thanks a lot, man. Yo am grateful yo shoot that guy." pasalamat ni Hardy kay P/LT Edwin. "You're welcome and no worries 'coz it's really my job to protect the people." pahayag ng lalaki. Mga ilang minuto pa ay magkasunuran lang na dumating ang ambulance at police patrol. Wangwangwaangwangwangwangwang... Dahil sa pangyayari, imbes na diretso kami sa Lavezares ay kailangan ng bus na pumunta muna ng Victoria Police Station at lahat ng sakay ay magbibigay ng testimonya laban sa apat na holdaper. Malapit lang naman pala ang police station. Mga sampung minuto lang ay nakarating na kami sa police station. Ikinulong na ang isang suspect samantalang ang tatlo ay pinagamot muna nila sa Catarman Hospital. Magaling pala sa martial arts si P/LT Edwin kaya napatumba nito ang dalawang holdaper. Mabuti lamang daw at close area iyon at naghahanap lamang siya ng tiyempo na madakip ang dalawa. Nang magkaputukan na nga ay doon niya kaagad sinipa sa pagkalalalaki ang dalawang holdaper. Kasabay ng pagpilipit nila sa sakit ay iginapos niya ang dalawa gamit ang kanyang sinturon. 'Yon lamang nakawala ang isa at tutulungan sana ang kanilang lider kaya nabaril din siya ni P/LT Edwin sa bandang hita. Dahil lahat ng pasahero ay kailangan ng testimonya ay inabot na kami ng gabi sa police station. Halos pasado alas-otso na ng gabi kami natapos ni Hardy sa aming testimonya. Pinangatawanan na namin na magboyfriend-girlfriend kaming dalawa ni Hardy dahil iyon ang sinabi niya sa bus. Iyong ibang pasahero ay sumakay na ulit ng bus at hinatid na papuntang Lavezares samantalang kaming tatlo ni Hardy at P/LT Edwin ay naiwan dahil gusto kaming parangalan ng Mayor ng Victoria dahil sa pagliligtas sa mga pasahero laban sa mga holdaper. Bukas ang opisyal na parangal sa Mayor's Office mga 10:00 ng umaga. Kaya kami pinaiwan ay inimbitahan kaming sa bahay ng Mayor matutulog. Inaantay lang namin siyang dumating dahil gusto ng Mayor na siya ang personal na susundo sa amin sa police station papunta sa kanilang bahay. Habang inaantay ang Mayor ay pinagpalit ko muna ng damit si Hardy. Siguro dahil na rin sa adrenaline rush ay nakalimutan namin na duguan pala ang damit niya kanina. Kinuha na namin sa may bus ang aming mga gamit pati na ang wallet at cellphone ko na binigay ko sa holdaper. Naghanap ako ng gray na sweatshirt dahil gabi na at malamig naman. Saktong kakatapos lang magpalit ni Hardy ng dumating ang Mayor ng Victoria. Pagkapasok nito sa opisina ay kaagad itong nagpakilala sa aming tatlo. Bata pa pala ang Mayor ng Victoria. Nasa early 40's lang 'ata ang lalaki, hindi gaanong katangkaran at hindi din naman kagwapuhan, medyo chubby din ito pero kagalang galang naman at mukhang mapagkakatiwalaan. "Magandang gabi sa inyong lahat. Ako nga pala si Mayor Jun-jun Artemio." Kaagad kaming tumayo. Sinenyasan ko din si Hardy na tumayo din. Isa isa niya kaming nilapitan para makipagkamay. "Salamat." sabi niya kay P/LT Edwin. "Maraming salamat din, Miss??" nasa harap ko na si Mayor para makipagkamay. "Debbie po, Mayor. Walang anuman po, Mayor." "Maram---- Miss Debbie ito ba ang boyfriend mo? Mukhang hindi 'ata 'to Pilipino." baling ni Mayor sa akin. Nagulat siya ng makita si Hardy. "Opo Mayor, siya si Hardy. Boyfriend ko po. Taga America po siya." "Naku pasensiya na ha. Hindi kasi nasabi sa akin na ibang lahi pala ang boyfriend mo. Kanina pa ako salita ng salita ng ating lenggwahe, hindi niya pala naiintindihan." sabi ni Mayor. Bumaling na ito kay Hardy. "Thank you so much, Hardy, for helping my fellow countrymen. It's such an embarrassment that you encounter this kind of incident especially in my place. I hope that you will not think badly about our country because of what happened. I will make sure that your stay with us will be safe. Your an important guest here." nakipagkamay na ito kay Hardy. "You're welcome, Sir. This is an unfortunate incident. No one should be blame. It just happen that they got my girlfriend that's why am angry." yumuko ng konti at pinulupot pa ni Hardy ang kanyang kamay sa aking bewang. Naks! feeling ko tuloy ang ganda ganda ko at haba haba ng hair kahit sa totoo ay hanggang balikat lang naman talaga dahil sa pinagsasabi ng aking night in shining armour. Aba marunong nang magdrama si Hardy. Lahat naman ay napangiti sa sinabi ni Hardy. "Wow! You're so lucky, Miss Debbie. You've found a great guy." nakangiting sabi ni Mayor. "We should go now. My wife prepared a nice dinner for the three of you. All of you are our special guests for tonight." Nagpatiuna na ang Mayor sa paglabas. Kasunod kami dala dala ang aming luggage at kasunod din ang tatlong personal bodyguards at mga police sa munisipyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD