"K-kasama ko po 'yan. N-naholdap din po kami sa Manila.. k-kaya po wala po kaming pera at mga gamit." napatayo na ako at kusang binigay ang aking wallet at cellphone dahil talagang babarilin na niya si Hardy.
"'Yon naman pala eh. Magkasama pala kayo! Akina ang iba niyo pang gamit. Alam kong tinatago mo lang!" nalipat na sa akin ang pansin ng holdaper. Nilapitan niya ako at hinawakan sa palapulsuhan.
Mabuti na lang talaga at meron din kaming baril sa bahay kaya hindi ako takot kahit armalite pa 'yan. Naging bodyguard kasi si Papa ng mga politiko kaya iba't ibang klase ng baril ang dala dala nito sa bahay kapag umuuwi dati.
"Kon ginamalas ka gid man. Kuya napakamalas niy---naman namin pala.. Dalawang beses pa talaga kaming naholdap.. Eh naibigay na nga namin ang aming pera at gamit doon pa lang sa Manila. Kaya nga nagbus na lang kami dahil wala na kaming mga ID. Yang wallet at cellphone ko naitapon ko 'yan kaya hindi nakuha ng holdaper. Kahit kapkapan niyo pa kaming dalawa. Wala na talaga! " Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang. Basta ang nasa isip ko lang ay huwag nilang kantiin si Hardy. Malalagot talaga ako kay Flor kapag may nangyaring masama kay Hardy.
"Maniwala ako sa'yo! Babarilin kita kapag hindi ka nagsabi ng totoo!" pananakot nito sa akin.
"Kahit barilin niyo pa ako. Lalong madadagdagan ang kasalanan mo. Nangholdap na nga kayo.. tapos babarilin mo pa ako. Anong tingin mo sa akin.. sinungaling?" papilosopong sabi ko sa holdaper.
"Oo nga. Mukhang hindi ka naman sinungaling. Pasensiya na, Miss--"
"Boknoy! anong tinutunganga mo diyan. Nakuha mo na ba ang mga pera at alahas nila?!" sigaw ng lider ng holdaper. Hindi ito umaalis sa gitna malapit sa pintuan.
Nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Hardy ang holdaper na nakatoka sa aming puwesto. Si Hardy ay nakaupo pa rin sa likuran, nakatingin sa kamay ng holdaper na nakahawak sa palapulsuhan ko.
"Sabihin mo sa Boss mo. Tapos na. Nakuha mo na. Sige ka, mapapagalitan ka ng Boss mo kapag nalaman niyang wallet at cellphone lang ang nakuha mo sa amin." mahinang sabi ko sa aming holdaper. Mabuti at medyo nakatalikod ako sa kanilang lider kaya hindi niya ako makikita na kinakausap ko ang kasamahan niyang holdaper.
"Boss, okay na po! Binigay na po nila ang kanilang mga pera, alahas at gamit, Boss!" balik sigaw ng holdaper sa harapan ko.
Paalis na sana ito nang...
"Paharapin mo sa akin 'yang babae!" sigaw ng lider.
Napatigil sa pag-alis ang aming holdaper.
"Miss, harap daw kay Boss!"
Ayoko ko pa sanang humarap.
Bang! Bang!
Nagwarning shot paitaas ang lider ng mga holdaper.
"Harap ka dito! Tanggalin mo ang face mask mo!" ang lider na mismo ang sumigaw sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang humarap sa lider ng mga holdaper. Tinanggal ko na din ang aking face mask.
"Dalhin 'yan dito!" sigaw ulit ng lider ng mga holdaper.
Kaagad akong hinawakan ng holdaper at kinaladkad papunta sa kanilang lider. Nakakatatlong hakbang pa lamang kami ng biglang napatigil ang holdaper na may hawak sa akin.
"Where are yo takin' her?!"
Napatingin ang lahat kay Hardy dahil sa lakas ng boses nito. Inisang hakbang lang ni Hardy ang aming puwesto. Hinawakan ang kamay ng holdaper na may hawak ng armalite. Hindi ito makagalaw dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Hardy dahilan para mabitawan nito ang hawak na armalite. Parang nahintakutan pa nga ang holdaper dahil pagkakita niya kay Hardy ay para silang si David at Goliath sa sobrang tangkad ni Hardy. Hindi man lang mababanaagan ng takot si Hardy kahit alam niyang may tatlo pang kasama ang holdaper na pawang may mga hawak ding armalite.
"I will ask yo once more, where are yo takin' her?!?" ngayon ay galit na talaga ang boses ni Hardy.
Namilipit na sa sakit ang holdaper. Napansin ko na lamang na binitawan na niya ako.
"H-hindi k-kita m-maintindihan.. B-bitiwan mo ako!" pinipilit nitong baklasin ang pagkakahawak ni Hardy sa kanyang kamay.
Itinaas pa ni Hardy ang kamay nito sanhi para maigik ito sa sakit.
"S-saan mo daw ba ako dadalhin?" sabi ko sa holdaper.
"Sa Boss ko! Iyon ang sabi ni Boss eh!" mabilis na sagot ng holdaper.
"Hardy, he said he will take me to his Boss."
"Atsaka bakit ka niya tinutulungan eh hindi naman kayo magka anu ano. Magkakilala lang naman kayo sabi mo ah."
"He also said, why you helping me.. we are not even lovers. We just know each other.."
Parang natigilan naman si Hardy ngayon sa sinabi ng holdaper.
"Uuhhmm... She's ma girl!" parang ayaw pang sabihin ni Hardy. Kahit ako ay nabigla din. Kinilig ang lola niyo.
"Ano daw sabi niya?!" tanong ng holdaper.
"Girlfriend niya ako." bulong ko sa holdaper.
"Girlfriend! Maniwala ako?"
"Oo nga boyfriend ko siya. LQ kami ngayon kaya hindi kami magkasama sa isang upuan." sabi ko na lamang sa holdaper.
"Sige nga kung boyfriend mo 'yan.. mag-kiss nga kayo.." maloko din 'tong holdaper na 'to.
"Hardy, he doesn't believe that I'm your girlfriend. He said, kiss me to prove that I'm your girlfriend." bantulot kong sabi kay Hardy.
Ano ba naman ang napasukan namin ni Hardy. Patay na naman ako nito mamaya. Ayaw pa naman ni Hardy sabihin na boyfriend ko siy------- wait... siya naman pala nagsabi na girlfriend niya ako. Wala akong kasalanan dito. OMG! Ito na ang chance ko para mag-lips-to-lips kami ni Hardy. Ayeyeye!
Binitawan saglit ni Hardy ang holdaper. Tinanggal ang face mask at nilagay sa bulsa ng kanyang suot. Lumapit ito sa akin at yumuko. Hinawakan ang aking mukha at hinalikan. Dampi nga lang ang halik at binitawan niya rin ako pero para sa akin ay iyon ang pinakamasarap na halik na naranasan ko. Kahit sa mga ex ko ay hindi ako nakaramdam ng ganitong intensity. Saglit na saglit lamang pero parang napukaw nito ang aking p********e.
"Boknoy! Bakit hindi mo pa dinadala ang babaeng 'yan dito!" muling sigaw ng lider.
Parang nagising naman ako sa aking panaginip sa sigaw ng lider ng mga holdaper.
"Ay!" napapiksi ulit ako ng hinawakan ng holdaper ang braso ko.
Pero bago pa niya ulit ako mahila ay nahawakan na rin ito ni Hardy. Sabay ng paghila ng kamay nito ay binitin ito ni Hardy sa kawalan.
"B-boss! Boss.. t-tulong!" humingi na ng tulong ang holdaper sa kanilang lider.
"Bitiwan mo siya! Kung hindi babarilin kita!" napilitang umalis sa kanyang pwesto ang kanilang lider at nagmamadaling sinaklolohan ang kanyang tauhan.
"B-boss... a-arghhh.. Tan------na... Bosssss..." halos magmakaawa na ang lalaki na bitawan ito Hardy. Napanganga at naawa naman ako sa holdaper dahil nakaangat na ito sa sahig.
Bago pa makarating sa aming puwesto ang kanilang lider ay mabilis akong nagtago sa likod ni Hardy. Mabilis kong dinampot ang armalite. Kinasa ko 'yon at tinutok sa lider ng mga holdaper. Hindi naman makapagpaputok ang kanilang lider dahil nakaharang na ngayon ang katawan ng kanyang kasama sa aming dalawa ni Hardy.
"H-hanggang diyan ka na lang. I-isang hakbang pa at babarilin ko 'tong kasama mo!" saka ko at tinutok ang armalite sa holdaper na binibitin ni Hardy. Kahit na natatakot ako ay pilit kong pinatigas ang aking boses.
"Wala akong pakialam sa kanya!" sigaw nito at kaagad na binaril din ang sariling kasama.
Bang!
Bang!
Bang!
"Ay!"
"Tulong! Tulong!"
"Mamamatay kami!"
"Tulong!"
Nagkagulo na ang lahat dahil sa pagpapaputok ng lider ng mga holdaper. Magpapaputok pa sana ulit ito ng hinagis ni Hardy ang duguang katawan ng kasama nito sa kanilang lider. Kaagad na natumba ang lider ng matamaan ito ng katawan ng kasamahan at nabitawan ang kanyang armalite. Bago pa nito mahawakan ulit ang armalite ay kaagad na hinawakan ni Hardy ang paa nito saka hinila papunta sa likuran banda ng bus.
"Arrggghhh.. tang------na kang hayop kang N*gro ka..." sigaw sa sakit ng lider dahil sa pagkakahila sa kanya ni Hardy.
Kahit na hinihila ang lider ay panay ang sipa nito kay Hardy pero hindi niya natatamaan dahil hindi niya abot ang kamay ni Hardy. Bago makarating sa likuran ay humawak ang lider sa isang upuan kaya natigil sa paghila si Hardy. Dahil sa pagtigil ay sinipa ni Hardy ang binti at paa ng lider ng mga holdaper.
"Sh*t! Tama na! Tama na!" sigaw ng namimilipit sa sakit na lider ng mga holdaper.
Kahit ako ay parang naawa din sa lider dahil sa pagkakasipa ni Hardy. Feeling ko ay nabali na ang buto nito dahil parang may narinig akong nag-crack. Hindi pa nakontento si Hardy ay kinwelyuhan nito ang lalaki atsaka sunod sunod na inundayan ng suntok sa mukha. Hindi siya sumusuntok sa katawan pero puro panga ang kanyang tinitira.
"Arrggghhh... t-tu-longg... t-ta-maaa.. naaa.." halos hindi na gumagalaw ang lider dahil sa tinamong suntok nito galing kay Hardy. Sumasargo na din ang dugo sa ilong at baba nito.
"H-hardy, please that's enough. We will call a police." pakiusap ko kay Hardy dahil ako ang naawa sa sinapit ng lalaki.
Bawat suntok kasi ni Hardy ay tumatalsik ang dugo mula sa baba at ilong ng lalaki. Baka kapag hindi ito tinigilan ni Hardy ay mapatay niya ang lider ng mga holdaper at siya pa ang makasuhan.
"T-amaa.. n-naaa.. su-kooo na a-akoo..." mahinang pakiusap ng lider.
Niyakap ko na si Hardy para tumigil na ito. Parang wala na ito sa sarili at siyang siya sa nakikitang paghihirap ng lalaki. Punumpuno na ng dugo ang damit nito.
"H-hardy... please, stop na p-please..." pakiusap ko sa kanya. Nanginginig na ako sa takot dahil mapapatay niya talaga ang lalaki kapag hindi ko siya pinigilan.
Parang natauhan naman si Hardy ng niyakap ko na siya. Kaagad nitong binalibag ang lider ng mga holdaper ng napansin niyang nanginginig na ako sa takot.
"Ssshhh.... 'kay.. I stop already." niyakap na din niya ako para pakalmahin. "Calm down."
Nang maramdaman ko ang yakap ni Hardy ay medyo kumalma na ako. Napansin kong hindi na nito hawak ang lider ng mga holdaper. Napahinga ako ng maluwag dahil kahit paano ay nakikinig naman ito sa sinasabi ko. Tiningnan ko kung saan niya binalibag ang lider at gayon na lamang ang hilakbot ko dahil nakatihaya na ngayon ang lider at nakatutok na sa aming dalawa ni Hardy ang hawak nitong armalite. Kinalabit na nito ang gatilyo ng armalite.
Napapikit na lamang ako dahil alam kong isa sa amin ni Hardy ang matatamaan ng bala no'n.
Bang!
Bang!