Tutal pure business ang gusto ni Hardy, hindi ko na siya masyadong kinibo pagkatapos naming kumain. Kaso mukhang walang epek naman sa lalaki ang aking cold treatment sa kanya. Hmm.. Kakagigil talaga ang n*grong 'to!
Ang ginawa ko nilabas ko na lamang ang listahan ng aming bibilhin at pumasok na sa mga shop na panglalaki. Nakasunod lamang ito sa akin. Kapag may nagustuhan akong damit na babagay kay Hardy ay pinapasuot ko ito sa kanya kung kasya o hindi. Nang matapos mabili ang lahat na kakailanganin ay dumaan muna kami sa supermarket para naman bumili ilang essentials at ilang makukukot na pagkain.
Bago umuwi ay kumain na muna kami sa isang restaurant dahil nagutom kami sa pagsa-shopping. Habang kumakain ay sinabi ko na sa kanya ang mga lugar na aming pupuntahan. Mga hindi kilalang lugar ang napili kong pupuntahan namin dahil liban sa mahal kapag sa mga kilalang lugar ay maraming tao doon at ayaw ni Hardy ng gano'n. Um-okay naman siya sa mga lugar na sinabi ko. Pinaunahan ko na siya na kapag nasa probinsiya kami ay huwag siyang masyadong lumayo sa akin dahil iba ang tao sa probinsiya. May mga friendly pero may mga lugar sa Pilipinas kasi na may mga bandido. Pinagsabihan ko din siya tungkol sa pagsasara ng pinto ng kanyang kwarto para sa kanyang seguridad. Naalala ko kasi na hindi naka lock ang pinto niya sa hotel kaya nabuksan ko ito.
Nakikinig naman ito ng maayos sa akin at tumatango lang sa sinasabi ko. Pagkatapos naming kumain ay nagtaxi na kami pabalik ng hotel. Nilagay ko na sa kanyang luggage ang mga gamit at damit para hindi namin makalimutan pa. Naglabas na rin ako ng kanyang isusuot para bukas. Pinaalalahanan ko siya na maagang gumising bukas dahil 4am kami susunduin ni Kuya driver para ihatid sa airport.
Nang masigurong okay na ang lahat ay nagpaalam na ako kay Hardy at bumalik na sa aking kwarto. Bago matulog ay ay niready ko na din ang aking susuotin. Nag alarm na din ako. Bago matulog ay nag search muna ako sa internet sa aking cellphone ng exercise para pampalaki ng puwet at dibdib. Gusto ko 'yong mga 5 minute routine lang kasi madali akong magsawa. Nang makakita ay nagsimula na akong mag-exercise.
Akala ko ba hindi ka maghahabol sa lalaki! Bakit nag e-exercise ka para lumaki ang puwet at dibdib mo, Debbie Lyn? Ito na naman ang aking inner self eh.
Opo, aaminin na ako, sa gusto kong makatikim ng BBC. Bahala na kahit ako ang maghabol. Hindi ko naman jojowain si Hardy kasi hindi din naman niya ako type. Tikim lang. Gusto ko lang talaga makatikim ng BBC. Hahanap ako ng tiyempo habang nagtotour kami para maakit at matikman ko siya.
*******
Tic!
Tac!
Tic!
Tac!
Tic---
3:00AM
Pinatay ko na ang aking alarm. Kahit na sobrang aga pa ay bumangon na ako. Naligo na ako at nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng yellow sweatshirt at leggings. Medyo mahangin naman ang panahon dahil sa papalapit na low pressure. Sinigurado ko din na ang isusuot ni Hardy ay ang yellow tshirt niya at gray jogger niya. Couple shirt ulit kami. Sa airport na lang kami kakain ni Hardy dahil sobrang aga pa para kumain. Lumabas na ako ng aking kwarto bitbit ang aking yellow luggage at yellow tote bag. Hindi halatang favorite color ko ang yellow noh. Siniguro ko munang wala akong may naiwang gamit sa loob bago ko ni-lock ang aking kwarto.
Pumunta na ako sa kwarto ni Hardy. Tinry kong buksan ang pinto. Aba naka lock na. Mabuti at sinunod naman ni Hardy ang sinabi ko. Kinatok ko na lang siya para pagbuksan ako.
Naka ready na pala si Hardy. Naks! Ang gwapo niya tapos ang bango pa dahil bagong ligo. Mabuti na lang pala talaga at may face mask. Ako lang ang nakakakita ng kagwapuhan niya. Possessive teh. Hehehe.
Bumaba na kami hotel at nag checkout. Naka ready na si Kuya driver sa labas. Saktong 4am ay umalis na kami ng hotel at nagpahatid sa domestic terminal. Dahil pasado alas siyete pa naman ang aming flight ay kumain muna kami ni Hardy sa isang fastfood chain. Napansin kong nakatingin si Hardy sa akin habang humihigop ito ng kape. Actually ang tinitingnan niya talaga ang suot kong damit at ang suot niya. Napansin niya sigurong parehong yellow ang suot na damit naming dalawa. Magsasalita na sana ito pero bandang huli ay itinikom na lang nito ang bibig. Kapag sinita naman niya ako ay may naka ready na akong sagot.
Nang matapos kumain ay umidlip muna ako habang inaantay ang aming flight. Sobrang sarap ng idlip ko ng maramdamang may yumuyugyog sa balikat ko.
"Hey, Debbie... It's 7:30 already. Wake up." ginising ako ni Hardy.
"S-sorry.. Aaahhhh.." nag-inat muna ako at tiningnan ang gate kung open na ang papuntang Tacloban. Wala pa. Alam kong late na naman 'yan dahil sa low pressure. Dapat talaga papuntang Catarman ang hinahanap kong flight dahil pupunta kami ng Biri Island pero dahil walang available na flight ay ang flight papuntang Tacloban na lang ang kinuha ko.
"Not yet?" usisa ni Hardy.
"Nope. Probably late 'coz of the low pressure. This is normal here. It's always late because of the weather."
"'Kay."
In-announce na ang aming flight. Halos 40 minutes ding late ang aming flight papuntang Tacloban ha.
"Let's go." akay ko kay Hardy.
Pumasok na kami sa eroplano. Magkatabi ang kinuha kong upuan namin ni Hardy. Siya ang nasa tabi ng bintana at nasa gitna ako. Mahilig kasi akong umihi kaya mas maganda na sa malapit sa labas ang upuan ko.
Mula Manila papuntang Tacloban ay lampas isang oras at kalahati ang biyahe. Pagdating ng Tacloban ay sasakay kami ng bus papuntang Lavezares. Mga 6-8 hours din ang biyahe sa bus depende sa driver kung mabagal o mabilis ang pagpapatakbo ng bus at kung may stopover pa. Mula naman sa Lavezares bus station ay pupunta kami ng Lavezares Port at sasakay ng bangka papuntang Biri Island. Halos isang buong araw din ang biyahe namin.
Mag-iisang oras na kami sa himpapawid ng magising ako sa pagkakatulog dahil sa turbulence. Ngayon ko lang pala naalala na kaya pala hindi ako masyadong umuuwi sa amin sa Bacolod simula ng magtrabaho ako sa Manila dahil sa ayokong sumakay ng eroplano. Natatakot kasi ako sa turbulence. Umuuwi lang ako kapag super emergency o di kaya ay RORO ang sinasakyan ko. Dahil kay Hardy ay napasakay tuloy ako ng eroplano ulit.
Kung ang ibang pasahero ay chill lang, ako naman ay medyo napahawak na ng mahigpit sa aking armchair. Dahil sa turbulence ay bumaba tumaas na ang biyahe ng eroplano. Kahit na malamig ang loob ng eroplano ay pinagpapawisan na ako ng malapot. Kumuha ako ng rosarito sa bulsa ng aking tote bag. Napapikit na lamang ako at nag-uusal na ng panalangin habang hawak hawak ang aking rosarito.
Mama Mary sana walang mangyari sa amin. Gusto ko pa pong mabuhay. Sana naman po bawas bawasan niyo ang turbulence. Matapos ko lang talaga ang isang buwan na tour ko kasama si Hardy ay hindi na muna ako kaagad sasakay ng eroplano. Magtitiis na lang talaga ako sa RORO. Mama Mary sana ay----
"Ay!!!" bigla akong napasigaw ng biglang umuga ng malakas ang eroplano kasabay ng pagbaba ng altitude nito.
Nag announce na din ang piloto na umupo ang lahat at magsuot ng seatbelt.
Mas lalo naman akong ninerbiyos. Sa nerbiyos ko ay mas lalong humigpit ang hawak ko sa armchair. Medyo napalakas na din ang aking pagdalangin ng Ama Namin habang nakapikit ako. Nasa kalagitnaan na ako ng pananalangin ng Ama Namin ng bigla na namang umuga.
Medyo naluha na ako at napayakap sa sarili ko. Pinipilit ko na huwag humikbi dahil sa takot at baka pagtawanan ako ng ibang pasahero.
Nagulat na lamang ako ng may isang kamay na dumantay sa aking balikat.
"Come. Let me give yo a hug." alok ng walang iba kundi si Hardy.
Hindi na ako nagdalawang isip at kaagad na yumakap kay Hardy. Hindi ko maipaliwanag pero nang yakapin ako ni Hardy ay natanggal ang takot ko turbulence. Feeling secured ako sa mga bisig ni Hardy. Paano na lang pala kapag walang Hardy na handang yumakap sa akin. Baka mamatay na ako sa nerbiyos.
Hanggang sa lumapag na ang aming sinasakyang eroplano sa Tacloban ay panay pa rin ang hawak ko kay Hardy. Hindi na nga halos ako humiwalay sa kanya.
"Uhhhmm... Debbie I think we need to get our luggage now. We're not inside the airplane anymore. No more turbulence here." paalala sa akin ni Hardy.
"Ay! Sorry.. yes we need to get our luggage. Thanks for comforting me awhile ago." kumalas na ako sa kanya dahil wala na nga naman kami sa loob ng eroplano.
Baka isipan pa niya eh nagdadrama lang ako para manatili siya sa aking tabi.