Dali dali lang akong nagpalit ng bra at panty para makabalik kaagad sa kwarto ni Hardy. Bago umalis ay nagdala na din ako ng extrang facemask. Dapat laging ready.
Pagbalik ko sa kanyang kwarto ay nakaready na din ang lalaki. Hmmm.. sinipat ko nang tingin si Hardy. Bagay sa kanya ang ganyang get-up. Tapos ang bango pa ng perfume niya. Hindi ito katulad ng matatapang na perfume na hate ko. Parang siyang green tea. Sarap amoy amoyin ni Hardy.
Hoy! Debbie, lakad na at bukas ay maaga pa kayong aalis dahil simula na ng tour niyo. Huwag kung saan saan gumagala ang isip. Bumalik muna sa reyalidad. -inner self na naman.
Bumaba na kami ni Hardy sa reception. Ipinaalam ko sa reception na nabasag ang isang panel ng shower glass sa walk-in shower. Kinausap ko ang manager kung puwede libre na lang kasi nga hindi nagkasya si Hardy kasi malaking tao siya. Ayaw nilang pumayag at talagang isinama sa bill namin. Hindi pa ako nakuntento at nagmakaawa ako kung pwede bigyan na lang kami ng discount kasi aksidente naman ang nangyari. Hindi sinasadya ni Hardy na mabasag ang salamin. Noong una ay ayaw pa sana ng manager pero hindi ko siya tinantanan ng pakiusap sa harap ng reception kaya binigyan na lang kami ng 50% discount sa glass panel na ipapalit doon sa nabasag. Nang okay na ang tungkol sa salamin ay lumabas na kami ni Hardy at sumakay ng taxi. Nagpahatid kami sa isang mall na malapit lamang sa aming tinutuluyang hotel. Wala pang sampung minuto ay nasa mall na kami ni Hardy.
Habang nasa loob ng mall ay panay ang tingin ng mga tao sa amin. Baka akala nila ay couple kami lalo na at pareho kaming naka white na pang-itaas at black na bottom. Pati na sapatos ay white din. Kung pwede lang kaming mag HHWW para talaga mag mukha kaming couple eh. Sino ba naman ang hindi titingin sa amin--I mean kay Hardy lang pala dahil sobrang tangkad niya at malaki pa ang katawan. Sa panahon ngayon na uso na ang magpalaki ng katawan lalo na sa lalaki ay talagang mapapa wow ka sa katawan ni Hardy. Hindi naman lahat type ang ganyang katawan pero sobrang hot at lakas ng s*x appeal niya dahil mukhang expensive tingnan si Hardy. Alam mo 'yong isang tingin mo pa lang ay alam mong hindi basta basta ang isang tao hindi dahil sa mayaman o gwapo siya pero dahil sa taglay niyang malakas na awra.
"We'll eat first. I know you're too much hungry already 'coz you haven't eaten since you came."
"Yeah, yo right! Too much hungry."
*********
Pinili ko ang isang mala-Subway restaurant style na nagseserve ng mga sandwiches para doon pakainin si Hardy. Base sa research ko ay mahilig sa cheesesteak sandwiches sa lugar nila Hardy, sana naman ay tama ako. Saka ko na siya pakakainin ng Filipino foods kapag nasa probinsiya na kami. Wala naman siyang choice kasi sa pupuntahan namin ay walang mga kilala o mamahaling restaurant do'n.
Pumili na kami ni Hardy ng mesa na pandalawahan lamang. Pumuwesto kami sa may pinakasulok na walang masyadong tao. Iniiwas ko si Hardy sa matataong lugar dahil iyon ang pakiusap niya. Pagkaupo namin ay kaagad kaming nilapitan ng waitress at binigyan ng menu. Ang in-order ni Hardy ay isang 12 inches beef steak sandwich with lots lots of cheese at tubig lang daw samantalang um-order naman ako ng penne pasta with white sauce, leche plan at lemon mint juice. Pagkaalis ng waitress ay nagpaalam muna si Hardy na magbabanyo.
Habang nag nagchecheck ng aking cellphone ay may narinig akong tumikhim.
"Hmmm... hhhmmm.. D-Debbie??"
Napalingon ako ng marinig ang aking pangalan.
"James! Oy.. nandito ka pala!" bati ko kay James. May kasama itong babae.
"What a coincidence. Dito din namin naisipang kumain. By the way meet my girlfriend, Ella. Ella this is Debbie, one of the Manager's sa aming company." nakangiting pakilala ni James sa kanyang bagong girlfriend sabay French kiss dito sa harap ko. Aba ang James may gustong patunayan.
" Nice meeting you, Ella." matamis kong ngiti sa bagong girlfriend ni James. Iniabot ko ang aking kamay para makipag handshake.
"Nice meeting you too, Debbie." nakangiti ding sagot ng babae pero ramdam kong hindi iyon bukal sa kanyang loob.
Girl's instinct.
Baka akala niya siguro aagawin ko sa kanya si James. Baka hindi niya alam tira tira ko na lang si James.
"Sige Deb, mauna na ka---"
Nagsasalita pa si James ng saktong bumalik si Hardy sa aming table.
"Langga.." tumayo ako at pinulupot ang aking kamay sa braso ni Hardy. Bago pa ito makapag react ay pinisil ko na ang kanyang braso tanda na makisakay na lang sa akin. "Langga, this is my EX BOYFRIEND, James, and her girlfriend, Ella. By the way guys, this is my dark-chocolate-honey-sweetiepie boyfriend, Hardy, my palangga." abot tenga ang ngiti ko habang pinakilala si Hardy sa kanila.
"Nice meetin' y'all," gusto ko na ding halikan si Hardy dahil nakisama ito sa aking palabas. Iniabot nito ang kanyang kamay kay James para makipagkamay.
Halatang nagulat ang dalawa ng pinakilala ko si Hardy . Nakita ko namang nanlaki ang mata ng babae ng sinabi kong ex-boyfriend ko si James. Si James naman ay nakita kong sumama ang mukha ng iniabot ni Hardy ang kanyang kamay.
"Nice meeting you bro. Take care of Debbie." may pait na sabi ni James. Tinanggap ni James ang pakikipagkamay ni Hardy.
"I will." tumingin at ngumiti naman sa akin si Hardy. Niyakap pa ako ng mahigpit at tinaniman ng halik sa noo.
Nang oras na 'yon ay parang may paro parong nagliliparan sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag pero kinilig ako sinabi ni Hardy na 'I will' daw at sa paghalik niya sa aking noo kahit alam ko namang palabas lang ang lahat.
Hoy, Debbie ang puso mo pigilan mo. Alam mo namang isang buwan lang maglalagi 'yang si Hardy dito tapos kinilig kilig ka naman diyan. Paano kung tuluyan kang mahulog diyan at bumalik 'yan sa Amerika? Eh di naiwan kang brokenhearted dito. Kastigo ng inner self ko.
Parang napabalik tuloy ako sa reyalidad. Inayos ko ang aking sarili.
"Debbie hindi ko alam na mahilig ka na pala sa mga itim ngayon," pasimpleng banat ni James patungkol kay Hardy.
"Langga, James is commending your built. That's why I really love you because your so BIG." nakangiting paliwanag ko kay Hardy. Akala ni James ay hahayaan ko siyang maliitin si Hardy porke't maitim ito. Mas lalo itong nanggalaiti ng in-emphasize ang salitang BIG.
"James, maitim man si palangga ko, malaki naman. Hahaha." biglang namutla si James. "Ella, payong kaibigan lang ha, ingat sa gwapo dahil baka mapeke ka. Huwag magpalinlang sa gwapo, dahil ang tunay na malaki, nasa aking tabi. Hahaha." sabay tingin ko kay Hardy at yumakap sa matipunong katawan nito. Gumanti din ito ng yakap kahit nahihiwagaan sa aming usapan.
"We'll go ahead Debbie, bro. It's nice meeting you again."
"I thought that you and Ella will eat here," nakangising sabi ko.
"I forgot something at home. We'll go home na lang." bantulot na paalam nito. Pati ang kasama nitong babae ay parang nasira na din ang mood.
"Okay. See you around."
**********
Pagkaalis ng dalawa ay umupo na kami ni Hardy sa aming mesa. Dumating na din ang aming order. Pagkaalis ng waitress ay kaagad akong sinita ni Hardy.
"What's that for?! Debbie, am here for a vacation. I don't wanna entangled in some ex-lovers quarrel. Let's be clear. I'm a tourist here and yo are my guide. I get your service and I hope that our relationship is purely business only. I will say this straight to yo. I know your a smart lady. Your cute.. funny.. pretty.. but definitely not my type. This is the last time yo will involve me in things like that. Got it?" walang emosyong sabi nito.
Ouch!
Natameme ako sa sinabi ni Hardy. Sapol kaagad ang aking puso. Walang paligoy ligoy at basted kaagad ako. Bigla ay parang gusto kong umiyak dahil sa kanyang sinabi. Para na rin niyang sinabi na wala nga akong appeal. Bakit parang mas masakit pa sa akin na sinabihan niya akong hindi niya type kesa sa break-up namin ni Jun at ni James.
Linti gid.
Humanda ka sa aking n*gro ka. Kala mo kung sino kang gwapo at macho para sabihan akong hindi mo type. Kapag na inlove sa aking n*gro ka, who you ka talaga!
Huminga muna ako ng malalim at saka sumagot.
"Got it. I'm just your tour guide-- nothing more, nothing less!"