BBC Chapter 12

1298 Words
Matapos makuha ang aming mga luggage ay lumabas na kami ng airport. Nagtaxi kami papunta sa bus station na papuntang Lavezares. Dahil may oras ang pag-alis ng bus ay kumain na muna kami ni Hardy sa isang kainan. ******** Saktong alas onse ng umaga ay umalis na ang bus papuntang Lavezares. Dahil hindi naman maraming tao ang dumadayo sa Samar ay hindi gaanong punuan ang bus. Pagkasabi ng konduktor na aakyat na ay nauna na akong pumuwesto sa likuran. Alam kong hindi magkakasya si Hardy sa mga nakahilerang upuan sa unahan kaya doon talaga sa likod ang nababagay sa kanya. Hindi naman makaangal ang ibang pasahero na gusto ding pumuwesto sa likod dahil naunahan ko sila. Maganda kasi kapag nasa likod dahil pwede kang humilata at matulog doon. Nang maayos ng nakaupo si Hardy ay umupo naman ako sa unahan niya. Mga 6-8 hours ang biyahe papuntang Lavezares kaya sinabihan ko na si Hardy na kung aantukin siya ay pwede siyang matulog. Ako naman ay nilabas ko na ang aking cellphone dahil pipicturan ko ang magagandang tanawin na aming madadaanan. Sa sapantaha ko ay mga alas sais o alas siyete na kami makakarating sa Lavezares kaya naman ng bandang ala una ay napagdesisyunan ko nang matulog na din. Napansin ko ding halos lahat ng mga pasahero ay tulog na. Pagtingin ko sa likod ay nakita kong nagvivideo si Hardy ng aming nadadaanan. Hindi pa 'ata siya inaantok. Baka nag-eenjoy din siya sa kanyang nakikita. Siyempre sabi ni Flor ay nasa city ang bahay ng jowa nito at ni Hardy kaya malamang hindi pa sila nakakarating sa mga probinsiya. Natutuwa naman ako kahit papaano ay hindi pihikan ang lalaki kahit na laking Amerika ito. Ni hindi ko nga naringgan na nagrereklamo ito. ******** Kasarapan na ng tulog ko ng bigla bigla ay napapreno ng malakas ang aming bus. Sssccrrreeeeeeeccccchhhhhhhh....... "Kuya ano ba!?" "Ay!" "Anubayan!" "Sh*t!" Narinig kong reklamo ng mga pasahero. Naghihikab pa ako ng maalimpungatan dahil sa nauntog ang ulo ko sa biglang preno ng bus. Tiningnan ko ang labas. Tirik pa naman ang araw. Pagtingin ko sa aking cellphone ay alas singko pa lang. Medyo mabilis magpatakbo ang aming driver kaya nahihinuha kong malapit na kami sa Lavezares. Siguro ay lampas isang oras na lang at makakarating na kami doon. Puro kabundukan na ang aking nakikita sa labas. Tiningnan ko si Hardy sa likod. Nakaupo na din ito at kinukusot ang mata. Ito ang narinig kong nag mura kanina. "Are you okay, Har----" "Walang gagalaw. Holdap 'to." Nagulat kaming lahat ng may apat na armadong lalaki ang umakyat sa loob ng bus. Lahat sila ay may hawak hawak na armalite. Sabay sabay na nag-iiyakan ang mga kababaihan at mga bata na sakay ng bus. "Ay! Huwag niyo po kaming sasaktan." "Diyos ko po tulu---" "Mahabaging Pangi---" "Tulong po---" "Magsitigil kayo. Kung hindi ay bubutasan ko ang bunganga ng sinumang mag-iingay diyan," sigaw ng parang pinakalider nila. Ito ang pinakamataas at malaki ang katawan sa kanila. Ang tatlong kasama nito ay payat na at pandak. May mga suot silang itim na bonet na mata lamang ang nakikita. Lahat sila ay nakaitim na damit at itim na pantalon. Dahil nasa bandang likuran ang puwesto namin ni Hardy ay kitang kita namin ang kaganapan sa harap. Kahit na kinakabahan ay dahan dahan kong binaba ang aking bag sa ilalim ng upuan. Andun lahat ng mga pera at mga ID namin ni Hardy kaya hindi ito pwedeng makuha sa akin. "Puntahan mo ang driver at konduktor." utos ng parang lider sa isang payat na lalaki. "Lahat ng mga bag, wallet at pera ay kunin mo. Doon ka magsimula sa harap." utos nito sa pangalawang payat. "Gano'n din ang gawin mo. Doon ka magsimula sa likod." utos naman nito sa pangatlong payat. Nagkanya kanyang punta na sa lugar na sinabi ng kanilang lider ang mga payat na lalaki. Sinunod kaagad ang utos ng kanilang lider. Ang dalawa ay pumunta na sa harap para puntahan ang driver at konduktor at mga pasahero sa harap. Habang ang isa ay papunta na sa direksiyon namin. Ang kanilang lider ay nasa gitna lamang at tinututok ang hawak na armalite sa mga natatakot na pasahero. Kapag may pasaherong nagrereklamo o nag-iiyak ay kaagad nitong tinututukan. "Ito lang ang kita ninyo? Kapag hindi mo binigay lahat ng kita ninyo ay babarilin kita." dinig kong sigaw ng armadong holdaper sa konduktor. "B-boss... y-yan l-lang po t-ta-la..ga... k-kahit m-mag-hu-bad p-pa p-po a-ako.. d-doon p-pa -lang s-a bus s-sta-tion.. n-na-re-mit n-na.. p-po n-namin.." pautal utal na sagot ng konduktor. Mukhang hindi naniwala ang holdaper dahil kinapkapan nito ang konduktor. Nang wala itong makapkap ay ang driver naman ang pinatayo nito at kinapkapan. Ngayon ko lang napansin na bawat holdaper ay may dalang mga bag na itim din. Doon nila pinapalagay ang mga bag, wallet, pera, alahas at kung ano ano pang gamit na sa tingin nila ay kapaki pakinabang. "Bakit wala kang bag? Tumayo ka! Kapag wala kang may ibibigay babarilin kita!" pananakot ng holdaper na nasa unahan. "B-boss.. m-mahirap l-lang po a-ako.. wa-la p-po t-ta-la-ga a-akong pera a-at g-gamit.. U-uuwi p-po a-ako d-dahil m-may s-sakit p-po ang a-asawa k-ko.." takot na takot na sabi ng medyo may edad nang lalaki. "Ayaw mong magbigay ha!" Bang! Bang! Pinaputukan ng holdaper ang lalaki sa may bandang paa. Sadyang hindi niya pinatamaan pero nananakot lang. "Hindi ka pa mag---" "Tama na. Sagot ko na siya. Ibibigay ko sa'yo ang aking bag at ang aking alahas huwag mo lang siyang sasaktan pati na ang ibang pasaherong walang pera o alahas." matapang na sabi ng isang lalaki na nasa likuran lang ng may edad na lalaki. Napangisi naman ang holdaper. Lumapit ito sa pwesto ng lalaking nagsalita. Paglapit nito ay napansin nito ang katabing babae ng lalaki. "Tumayo ka, Miss!" sigaw ng lalaki sa babaeng katabi ng lalaki. Hindi tumayo ang babae. Takot na takot ito at nagsumiksik sa katabing lalaki. "Boss, arbor ko na 'to. Ibibi--" "Huwag kang makialam kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo." inumang nito ang armalite sa ulo ng lalaki. Napatigil ang lalaki sa pagsasalita. "Tayo! Baka gusto mong unahin kong pasabugin ang bungo mo!" nilipat nito sa mukha ng babae ang armalite. Nag-umpisa nang umiyak ang babae pero tumayo na ito. Kaagad itong hinablot ng holdaper at pinapunta sa pwesto ng kanilang lider. "Huwag mong tulungan ang babaeng 'yon kung ayaw mong barilin namin lahat ng pasahero ng bus na' to." pagbabanta ng holdaper at pinagpatuloy nito ang paglimas ng mga gamit sa mga pasahero. Samantala... Malapit na din sa pwesto namin ang holdaper na natoka sa aming pwesto. Inuna nitong kunan ang ibang pasahero at kami na lang ni Hardy ang huli. Dire-diretso ito kay Hardy. "Akin na ang bag at alahas mo!" sabi ng holdaper. "What?!" hindi maintindihan ni Hardy ang sinasabi ng holdaper. "Huwag mo'kong ma- English English dahil alam kong marunong kang mag tagalog. Isa pa at ipuputok ko sa'yo 'tong armalite!" "Wh---" "Ah! K-kuya h-hindi po talaga siya tagalog. K-kahit tanungin niyo pa ang i-ibang pasahero.. inglisero po talaga siya." sumabat na ako dahil baka barilin nito si Hardy. Kargo ko pa naman ang lalaki dahil ako ang nag suggest na pumunta sa Biri Island. "Ganun ba! Sabihin mo sa kanya na ibigay ang pera at alahas niya," sabihin mo sa kanya. Lumingon ako at tinranslate kay Hardy ang sinabi ng lalaki. "This guy said, give all your money and jewelries to him," Hindi ako pwedeng magsinungaling dahil nakatingin sa amin ang lider ng holdaper. "Y'all crazy. Go to hell! F*ck you!" galit na sabi ni Hardy na diretsong nakatingin sa holdaper. "Aba't gago 'to! Naintindihan ko 'yon!" kaagad na kinasa nito ang baril at tinutok kay Hardy. "Ito ang nababaga-----" "I-ito na po. I-ibibigay ko na po ang wallet at cellphone ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD